“Oh my God, Avie! You are finally here. You are finally back!” masayang sabi ni Jamie pagkakita nito kay Aviannah.“We’re glad you are back, Avie! Hindi mo alam kung gaano mo kaming pinag-alala ng sobra-sobra!” sabi naman ni Sandra kay Aviannah.Aviannah is back at her school and wala siyang ibang choice kung ‘di ang pumasok ulit at ayusin na ang pag-aaral niya sa ayaw niya man o sa gusto niya. Ito ang gusto ng daddy niya at wala siyang ibang choice kung ‘di ang sumunod dito alang-alang sa naging kasunduan nilang mag-ama.“I’m so sorry, girls. Alam kong ang laki rin ng kasalanan at pagkukulang ko sa inyong dalawa. Pinag-alala ko kayo kahit hindi naman dapat. At… nadamay pa kayo sa gulong ginawa ko kahit na hindi rin naman dapat,” tugon niya sa mga kaibigan niya.“It’s okay, Avie. Huwag mo nang isipin pa iyon. Ang mahalaga ngayon ay okay ka na. Ang mahalaga ay nakabalik ka na!” wika ni Sandra sa kanya.“Tama si Sandra. Ang mahalaga sa amin ay okay ka, pero… ano ba kasi talaga ang nangy
Ang kaninang mga tao sa paligid ay kaagad na naglaho nang bigla na lamang may ilang mga kalalakihan ang sumugod kina Aviannah at Andrei. Tila binalot ang mga ito ng takot dahil armado ang mga kalalakihan kung kaya’t wala nang nangahas pang makialam at tumulong sa dalawa.Panay naman ang pagtulo ng mga luha ni Aviannah nang makita niya kung paano saktan sa harapan niya ng mga armadong lalaki si Andrei. Kahit na anong sigaw at iyak niya ay patuloy lamang ang mga ito sa pananakit sa lalaki dahil panay rin naman ang sugod ni Andrei sa mga ito maipagtanggol lamang siya. Sandali niyang nakalimutan ang takot para sa sarili kung ang taong gustong pumatay sa kanya ang nasa likod nito, dahil sa paghihirap na nangyayari ngayon sa lalaking gusto niya. Hanggang sa…Isang itim na sasakyan ang tumigil malapit sa kanila at ibinaba no’n ang isa pang lalaki na pamilyar sa kanya. Ang tauhan ng kanyang ama!May isa pang lalaki ang lumapit dito at… “Siya po ang kumuha sa anak ni Mr. Madrigal,” narinig niy
“Hi, Belle! Magandang hapon sa iyo,” nakangiting bati ni Makoy kay Aviannah nang dumaan ito sa may bakuran ng bahay ni Mang Gener. Kasulukuyan kasi siyang nag-aayos ng mga sinampay roon kasama si Tonya.Maliit siyang ngumiti pabalik sa lalaki. “Ikaw pala, magandang hapon din sa iyo,” tugon niya pa rito.“Kumusta ka na?” tanong naman ni Makoy sa kanya.“Uhm… mabuti naman ako—”“Okay naman siya.” Nagulat at natigilan siya nang bigla na lamang sumagot mula sa likuran niya si Andrei. Hindi niya namalayan ang biglaang paglabas ng lalaki. Dahil doon ay kaagad na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Makoy.“Ikaw pala, Drei. Nandyan ka pala.”“Malamang, bahay namin ‘to eh,” sarkastik na sagot ni Andrei kay Makoy saka ito naglakad palapit sa kanya. Hinarap siya ng lalaki at sandali silang nagtitigan, maya-maya pa ay kinuha ni Andrei mula sa kanya ang mga damit na inaayos niya sa sampayan. “Ako na rito, pumasok na kayo sa loob,” sabi nito sa kanila ni Tonya.“Huh? Pero kaya naman na naming gawin it
“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan,” naguguluhan na tanong ni Belle kay Andrei.Batid ni Andrei na walang naaalala ang babae kaya ganito ang reaksyon nito sa sinabi niya rito. At kung pwede nga lang na habang-buhay nang huwag bumalik ang mga alaala nito ay matagal na niyang hiniling iyon. Ngunit hindi pwede dahil alam naman niyang may sariling buhay na kailangan balikan ang dalaga. Gusto niya si Belle ngunit alam niyang hindi siya pwedeng maging makasarili. Kaya kahit na masakit ay isang desisyon ang napagdesisyunan niya sa huli. Ibabalik na niya si Belle sa dapat na paglagyan nito. Ito ang napagdesisyunan niya sa nalaman niya kaninang umaga mula sa hotel na pinagtatrabahuhan niya.At dahil doon ay mabilis na nagbalik sa isipan niya ang mga nangyari kanina.“Fiancée niyo po siya?” singit na tanong ni Rome sa lalaking nakabangga niya na siyang may larawan ni Belle sa wallet nito.“Yes. She’s my fiancée. Do you know her?” tanong ng lalaki kay Rome.“Hindi ko po siya kilala p
Buo na ang desisyon ni Aviannah na sabihin na ang lahat ng katotohanan tungkol sa pagkatao niya sa lalaking gusto niya—kay Andrei. Ilang beses niyang pinag-isipan ng mabuti ang tungkol sa bagay na ito at ngayon nga ay nakapagpasya na siya na aminin na ang lahat dito. Hindi na kasi kaya ng konsensya niya na patuloy na magsinungaling pa at patuloy na lokohin pa ang lalaking gusto niya, maging ang mga taong kumupkop at nagpakita ng pagmamalasakit sa kanya. Tutal ay umamin na rin naman si Andrei sa kanya ng nararamdaman nito, ay panahon na rin para sabihin din niya sa lalaki na gusto niya rin ito.Humigit siya ng malalim na paghinga habang paulit-ulit niyang pinagkukuskos ang magkabilang palad niya. Pilit niyang pinakakalma ang sarili dahil sa malakas na kaba na nararamdaman niya.Tandang-tanda niya kung paano umamin sa kanya ang lalaki at kung paano rin na wala siyang ibang masabi rito dahil sa labis na pagkabigla niya. Natulala na lamang siya sa lalaki noon hanggang sa tuluyan na itong
Sa labis na takot na nararamdaman ni Aviannah ay wala na siyang ibang nagawa pa kung ‘di ang patuloy na maiyak na lamang, hanggang sa tuluyan din siyang lubayan ng kung sinong mga tao na kumuha at nanakit sa kanya. Nananatiling madilim ang buong paligid niya habang nakaupo siya sa lupa at damuhan at yakap-yakap ang sarili. Takot na takot siya sa pag-aakala niyang iyon na ang katapusan niya. Takot na takot siya sa pag-aakala niyang papatayin na siya nang tuluyan ng taong gustong pumatay sa kanya. At kahit na naguguluhan siya ay laking pasasalamat niya pa rin nang sa huli ay bigla na lang din siyang iniwanan ng mga ito.Ilang sandali pa ang lumipas nang may marinig siyang mga tinig na tila sumisigaw at tinatawag ang pangalang hindi naman talaga sa kanya.“Ate Belle! Ate Belle!”“Belle?! Belle, nasaan ka?!”Nag-angat siya ng mukha nang marinig niya ang pamilyar na mga tinig na iyon. Pinalis niya ang kanyang mga luha saka niya sinubukang tumayo. Pero kaagad din siyang napaupo nang muntika