เข้าสู่ระบบthanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“...WAKE UP ALREADY.”Mahigpit pa ring hawak ni Czarina ang kamay ni Wendy habang tuloy-tuloy siyang nagkukuwento tungkol sa masasaya nilang alaala noon.Mga simpleng bagay lang—mga tawanan, kalokohan, pagkain sa tabi ng kalsada, late-night chika.Pero kapag naaalala mo pagkalipas ng maraming taon, iyon pala ’yong mga alaalang pinakamainit sa puso.Unti-unting kumalma si Czarina habang nagsasalita.At maya-maya… tila may bahagyang gumalaw sa kamay na hawak niya.Napatigil siya. Akala niya, guni-guni lang. Pero ilang segundo lang ang lumipas, muli niyang naramdaman ang mahinang paggalaw ng mga daliri ni Wendy.Biglang nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang yumuko palapit dito.“Wenwen…” nanginginig niyang bulong. “Naririnig mo ’ko, ’di ba?”Mas humigpit ang hawak niya rito. “Please… gumising ka na.”Basag ang boses niya habang pilit na ngumingiti. “Hindi pa tayo tapos kumain sa buong mundo. Hindi pa tayo nakakapag-travel together.”Napaluha siya. “You can’t break your promise to me.
“…BAKA HINDI NA TALAGA BUMALIK SI RINA.”Arrogante at dominante si Damion. Pero sa sandaling iyon, sobrang baba ng tingin niya sa sarili para lang sa pagmamahal niya kay Czarina. Wala na siyang pakialam sa pride o status niya—ang mahalaga lang, bumalik si Czarina kahit isang beses lang para makita siya.Tahimik na napayuko si Enzo. Ngayon lang niya nakitang ganoon kahina si Damion, pero wala siyang maisip na salita para pagaanin ang loob nito. Kaya nanatili na lang siyang nakatayo sa tabi nito.Samantalang si Czarina naman, nanigas sa sulok habang naririnig ang lahat.Mariin niyang kinuyom ang kuwintas niya. Paulit-ulit niyang ipinapaalalahanan ang sarili na huwag padala. Lahat ng nangyayari ngayon… kasalanan ni Damion.At si Wendy? Kung tutuusin, nadamay lang ito dahil sa kanya.Hindi ba dapat lang na mag-guilty siya?Mariin niyang ipinikit ang mga mata, pilit na inaalis sa isip ang kahit anong may kinalaman kay Damion.Halos sampung oras ang itinagal ng surgery, at nang bumukas ang
“HOSPITAL?” Biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kanina.“H-Hindi naman siguro…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapagaan ang pakiramdam.Napakagat siya sa labi bago muling nagsalita. “May sinabi ba siyang… tatanggalin niya ako?”Napabuntong-hininga si Kathy habang inaayos ang mga papel. “Wala naman.”Pagkatapos ay seryosong tumingin ito kay Czarina.“But honestly…” mahina nitong sabi, “anong nangyari sa loob? Kasi no’ng umalis si Boss, sobrang sama talaga ng timpla ng mukha niya. As in nakakatakot. May nangyari ba kanina sa loob?”Napapikit si Czarina bago pilit na ngumiti.“Long story,” mahinang sagot niya. “Basta… mukhang na-offend ko na naman siya.”“Hay naku.” Umiling si Kathy. “Huwag ka ngang advance mag-isip. Hindi ka pa naman pinapaalis.”Mapait na napangiti si Czarina habang dahan-dahan siyang umupo sa desk niya.“Maybe not yet,” mahina niyang bulong. “Pero feeling ko… malapit na.”“Hey,” sabi ni Kathy, sinusubukang pagaanin ang mood, “huwag masyadong negative. Just le
“...NA SA ‘YO NA ‘YON.”Hindi makatulog nang gabing iyon si Czarina at panay ang pagtitig niya sa bagay na naglalaman ng lason. Hindi pa rin siya makapag-isip kung gagawin niya o hindi.Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ni Czarina at nang kunin niya iyon, nakita niyang tumatawag si James na may dalang masamang balita.“Miss, naimbestigahan ko na nang mabuti. Simula’t sapul, hindi talaga inutusan ni Damion ’yong detective para mag-imbestiga. Front lang siya. Muntik na tayong malinlang.” Nanigas si Czarina. “So… Palabas lang pala ‘to?”“Yes. Buti na lang talaga at pinaaalalahanan mo ako; kung hindi, mabubunyag na sana ang pagkatao mo.”Natahimik si Czarina. Hawak pa rin ang botilyang binigay sa kanya ni Fran. Malalim ang iniisip.“Miss?” tanong ni James nang matahimik ito.Dahan-dahan namang pumikit ang mga mata ni Czarina, saka napabuga ng hangin. “Ibig sabihin, hindi nawala ang pagdududa niya sa ‘kin.”“Ano po?”“Nothing.” Humigpit ang hawak niya sa phone. “May balita na ba
PAGKALABAS NIYA NG OPISINA saka lang siya nakahinga nang maayos, pero agad naman siyang hinarap ni Enzo. Kahit ipinaliwanag niyang si Damion mismo ang may gustong pabalikin siya, hindi pa rin naniwala si Enzo.Habang tumatagal, halos araw-araw na siyang pinapasabay ni Damion sa lunch. Kaunti lang ang usapan nila, pero bawat tingin at tanong nito ay parang sinusubukan siyang hulihin.Dahil doon, lalo lang napapagod at natatakot si Czarina. Unti-unti na ring bumabalik sa isip niya ang planong matagal nang ipinipilit ni Fran—ang paggamit ng poison laban kay Damion.At ngayon… Limang minuto nang nakatitig si Czarina sa pritong itlog sa lunchbox niya nang hindi gumagalaw. Tila nawawala ang isip niya.Biglang tinapik ni Damion ang ulo niya gamit ang kutsara.“What are you staring at?” malamig nitong tanong. “Kapag tinigan mo pa ’yan nang matagal, baka maging sisiw na ‘yan.”Napakurap si Czarina at saka napahawak sa noo. “Ah… sorry. Inaantok lang po siguro ako.”“Then sleep on the sofa.”Big
“…SIYA ANG UNANG GAGALAW LABAN SA ‘YO.”Napabuntong-hininga si Czarina at sumandal sa upuan.Magulo ang isip niya.Dahil sa bigat ng iniisip, halos hindi siya nakatulog nang buong gabi. Pagkagising niya kinabukasan, mabigat ang ulo niya at may hilo pa rin habang papunta sa kumpanya.Pero pagdating niya sa warehouse, agad siyang natigilan.Malinis na naman ang maliit niyang mesa.Nanlaki ang mata niya bago napasabunot sa inis.“Seriously?!” iritadong sigaw niya. “Nililigpit na naman ang mga gamit ko? Saan n’yo naman ako dadalhin ngayon? Sa gitna ng mundo?”“I’m not kicking you out.”Napalingon siya at nakita si Kathy na nakangiti sa likod niya.“Pinababalik ka lang sa office,” dagdag nito. “Come on. The president is waiting.”Parang lalong sumakit ang ulo ni Czarina. Ayaw man niya; wala naman siyang choice. Tahimik niyang kinuha ang kahon ng gamit niya at bumalik sa CEO’s office.Pagkapasok niya, inilapag niya ang box sa mesa, saka huminga nang malalim bago tumingin kay Damion.“Presid
KINABUKASAN.Malawak ang ngiti ni Czarina habang naglalakad-lakad silang dalawa ni Damion sa may Han River kung saan isa sa pinakamalawak na parke sa South Korea na may mahabang bridge.“Sana makakita ako ng Korean artists! Buo na araw ko!” Mahinang tili ni Czarina.“Sino mas gwapo sa kanila?” Taas
“YES, AND I HOPE TO SPEND MORE CHRISTMAS WITH YOU.”Nangiti si Czarina nang marinig ang katagang iyon. Hindi na niya nakuhang magsalita pa dahil sa kilig na nararamdaman nang biglang umihip ang malamig na hangin. Napakiblot si Czarina, agad na napaurong.Napansin iyon ni Damion at huminto. Napatingi
“‘WAG NA! SA LITTLE MISS ILUSTRE MO NA LANG IBIGAY ‘YAN! TOTAL DI MO NAMAN TALAGA AKO NA-MISS!”Napaawang ang bibig ni Damion ng marinig ang sinabi ni Czarina, saka ito tumalikod sa kanya. Hindi niya alam kung bakit biglang nag-iba ang mood nito na parang kanina lang ay masigla siyang sinalubong ng
MARQUEZ’S VILLA.Nagmamadaling pumasok si Damion sa loob, bitbit ang malaking rose bouquet at cake na may kasamang cupcakes nang makasalubong niya si Wendy sa kusina.Nanlaki ang mga mata ni Wendy ng makita iyon, napakamot sa ulo at kumunot ang noo. “Is Rina still awake?” He asked eagerly.“Oo,” tu







