MasukYour comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“THE REAL PROBLEM IS… YOUR FEELINGS FOR HIM.”“Wala akong feelings para sa kanya,” madiin niyang sabi. “Matagal ko na siyang sinukuan.” Tapos bigla siyang bumuntong-hininga at padabog na tumayo. “Ugh. Hindi ba movie? Tara na. Manood na tayo.”Inakala ni Czarina na siguradong magiging komplikado ang lakad nila.Pero kabaligtaran ang nangyari. Hindi lang pumayag si Damion—siya pa mismo ang nagmaneho papunta sa cinema. Siya rin ang bumili ng tickets at popcorn, at personal pa silang inihatid hanggang entrance ng sinehan, may bahagyang ngiti sa labi.Habang hawak ang bucket ng popcorn, napailing si Wendy at napabuntong-hininga.“Grabe… hindi ko akalaing darating ang araw na makaka-experience ako ng service ni Mr. Marquez.”Suminghal si Czarina. “Ang pathetic mo. Nabibili ka lang sa popcorn.”“Excuse me,” sabi ni Wendy habang yakap ang popcorn na parang ginto. “Ordinary ang popcorn… pero extraordinary si Mr. Marquez. Feeling ko, once in a lifetime ko lang ‘to mararanasan.”Napairap si Czar
“…WHAT SHOULD I DO?” nanghihinang tanong ni Damion. “Ayaw nga ninyang akong kausapin.”Napatingin si Wendy sa kanya, parang naawa pero hindi bumigay.“Try again,” sabi niya, diretso. “That was before. Try it now.”Napatingin si Damion kay Wendy. At unti-unting may liwanag na sumindi sa mga mata niya.“Bakit ang tagal mo? Akala ko ba kukuha—”Natigilan si Czarina nang makita si Damion na kausap si Wendy. Nabagot na ito sa kakahintay sa labas, kaya napilitan na siyang pumasok para hanapin si Wendy.“Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ni Czarina, nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin kina Damion at Wendy.Napangisi si Wendy na nilingon niya si Damion at pinanlakihan ang mga mata, sinasabing kumilos na.Damion scratched the back of his head at napangiti. Noon ay kayang magbigay ni Damion ng kahit anong pwede nilang pag-usapan, pero ngayon ay nag-iingat siya na baka ang sasabihin niya ay lumampas sa linya, dahilan para mainis si Czarina sa kanya.Kaya hindi niya alam kung ano an
“SO NOW… I’M JUST SUFFERING THE CONSEQUENCES.”Hindi makapaniwala si Wendy. “Hindi ko akalain na pati si Mr. Marquez… may ganitong sandali.”Sa buong mundo, si Czarina lang ang kayang makasakit sa kanya nang gano’n. Napailing na lang siya sa sarili.“Love really is a torturous thing… kahit gaano ka pa kagaling o kalakas, kapag puso na ang usapan—lahat nagiging mahina.”Tahimik siyang tumalikod, kinuha ang tea at snacks, at bumalik sa kwarto.KINABUKASAN, maagang nagising si Czarina.Pagmulat niya, agad niyang naamoy ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Umangat siya sa pagkakahiga, antok pa ang mga mata, at naglibot ang tingin sa paligid.May mga sariwang bulaklak sa vase—marami, makukulay, bagong pitas.“Zari, you’re awake?” tawag ni Wendy mula sa mesa. “Come, breakfast na.”Napakunot ang noo ni Czarina habang nakatitig sa mga bulaklak.“Bakit ang daming flowers?” tanong niya.Ngumiti si Wendy. “Ang ganda kasi ng bloom sa garden. So pumitas ako.”Umirap si Czarina. “They’re blooming fi
“…AYOKONG MAGKAROON PA NG KAHIT ANONG KONEKSYON SA KANYA.”Napayuko si Wendy. Nanginginig ang daliri habang pinipisil ang sariling palad.“Pero…” dahan-dahan niyang sabi, “sa ngayon… parang imposible ‘yon.”Napatingin si Czarina sa kisame, blangko ang mga mata.“Mas lalo lang siyang maghihigpit,” bulong niya. “Kapag nalaman niyang buntis ako… baka mas lalo niyang bantayan ang bawat galaw ko.”Napabuntong-hininga si Wendy at napakamot sa ulo.“That’s true…” amin niya. “But maybe we can use it too. Kung hindi ka pa makakaalis agad… at least gamitin natin ‘yung pregnancy para mas maging comfortable ka habang nandito ka pa.”Napalingon si Czarina, matalim ang tingin.“Comfortable?” ulit niya. “Sa mansyon niya? Sa ilalim ng kontrol niya?”Tahimik si Wendy. Walang maisagot. Dahan-dahang tumagilid si Czarina at humiga ulit, pero hindi pumikit. Hindi siya makatulog. Buong gabi siyang nakatitig sa kisame, parang hinihintay ang umaga—o ang katapusan.At nang sumikat ang araw, mas lalo lang siya
“...ARE YOU PREGNANT?”Dahan-dahan siyang lumingon, nanginginig ang mga kamay, at doon niya nakita si Damion na nakatayo sa anino.Nanlaki ang mga mata niya.Bakit siya nandito? Paano? Kailan?Ngunit hindi siya binigyan ni Damion ng pagkakataong mag-isip.Humakbang ito palapit, mabilis at mabigat, saka mahigpit na hinawakan ang braso ni Czarina.Ano ‘yong narinig ko?” madiin niyang tanong. “Repeat it to me again!”“Ulitin ang alin?” pilit na tawa ni Czarina, kahit halatang nanginginig ang boses. “Biruan lang namin iyon ni Wendy. Nagpaniwala ka naman? How ridiculous!”Sinubukan niyang kumawala, ngunit parang bakal ang kapit ni Damion. Wala siyang magawa. At ang mga mata nito ay tila nagliwanag. Isang taong tila nakahanap ng sagot sa matagal niyang hinahanap. Pero ang liwanag na iyon ay nagdala ng matinding takot kay Czarina. Habang si Wendy naman ay napatulala. Nabunyag na ang lihim na pilit nilang tinatago. Sa isip niya, gusto na niyang maglaho. Kung may butas lang sa sahig, mataga
“...I’M READY TO GO WITH HIM.”Napahapo sa noo si Wendy, napapikit nang mariin at bumuga ng hangin.How could her friend be so smart and naive at the same time?“Kung gusto ka talagang kunin ni Kuya Carlo, he would’ve warned you! Para naman, mentally prepared ka! Pero kung lalabas ka bigla nang ganito… binigyan mo lang ng dahilan para pagsuspetsyahan ka ni Damion!”Lumalim ang tingin niya. “And I saw you earlier. Nakikipagtalo ka na naman sa kanya. Aren’t you afraid na magalit siya at ikulong ka na naman?” Nang mabanggit si Damion, sumimangot si Czarina.“Hindi ko lang matansya ugali niya,” malamig niyang sagot. “Acting like he’s always right.”“Zari…” Napailing si Wendy. Mas tumalim ang boses. “They don’t just have the right to speak—may power sila. Kung mainis si Damion, kaya ka niyang ikulong sa madilim na kwarto in a heartbeat!” Napakunot ang noo ni Czarina. Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya.“We’re under someone else’s roof now,” pagpapatuloy ni Wendy. “Kung ayaw mong yumuko
“RINA… ARE YOU AWAKE? COME OUT FOR A MOMENT. I NEED TO TALK TO YOU.”“Later na tayo mag-usap,” sabi ni Czarina kay Wendy. “Hindi ko alam kung ano na namang balak ni Damion.”Pagkababa ng tawag, lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Matalim ang tingin niya kay Damion. “Ano?”Umubo si Damion, halata
NARINIG NI CASSIDY ANG USAPANG IYON marahil sa hindi ito makatulog ng gabing iyon. She’s feeling uneasy dahil sa inaakto nina Czarina at Damion, tapos malalaman niyang tumakas ang babae para lang talaga makapag-check up ito at tignan ang tamang date of conception.Now that Damion learned the truth,
HALOS UMABOT NA NG MADALING ARAW nang makauwi sina Damion at Cassidy, pero pagdating nila ay sobrang dilim ng buong mansyon.Nag-alala si Damion na baka may mabangga si Cassidy, kaya hinawakan niya ito sa baywang at agad na sumigaw. “Bakit ang dilim? Paano kung may mabangga si Cassy? Buksan ang ilaw
“...MAKING SURE YOU KNOW YOU’RE NOTHING.”“Oh,” malamig na sagot ni Czarina. “Thanks for reminding me.”Sa repleksyon ng salamin, nakita ni Cassidy ang pilit na ngiti ni Czarina at agad siyang nainis. Itinaas niya ang baba at nag-utos, “Go. Bring me that white dress. I want to wear it.”Ayaw mang ma







