Share

Kabanata 5 - Dream of the Past

"Subukan mong tumukas at gumawa ng mali sisiguraduhin kong 'di ka na sisikatan ng araw," turan ni Leonardo pero inirapan ko lang s'ya. Masyadong mapagbintang dahil sa kanya may nagalit sa'kin ng wala naman akong ginagawang masama. Nakita ko naman na pinuntahan ni Monica si Prinsipe Lucas at umupo sa tabi nito habang si Leonardo naman ay nasa isang sulok lang at maigi akong binabantayan ng mga mapanuri niyang mata. 

Argh! Nakakainis! Hindi ko sukat akalain na magiging ganito ang buhay ko ng isang iglap. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mundo dahil sa hindi makatarungan nitong pagtrato sa akin. Wala akong magawa kun'di sumunod sa utos nila dahil kung hindi ay baka isa na akong malamig na bangkay. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng aking mata. Siguro ay sa pagod at sobrang pag-aalala, maya-maya pa ay hindi ko na namalayan na binalot na pala ako ng kadiliman. 

~*~

Napuno ng tawanan ang buong sasakyan.

"Honey, lagi mo na lang akong binibiro," nagtatampong saad ni mommy habang lalong napahalukipkip sa kanyang inuupuan sa tabi ni daddy.

"Just kidding honey, gusto ko lang mapatawa ang mga anak mo." Sumilay lalo ang mapuputing ngipin ni daddy sa kanyang sinabi.

"Daddy is right, mommy." Napatingin naman ako kay Kuya Devdan habang hawak-hawak ang kanyang robot na laruan.

"Daddy will not hurt you mommy," saad ni Kuya Devrash habang masayang nakangiti.

"Because daddy loves mommy!" Napatingin ang lahat sa akin kung nasaan nasa gitna nila Kuya Devrash at Kuya Devdan sa backseat. 

Muli, napuno ng tawanan ang buong sasakyan. 

"Si bunso oh! Ang galing galing na magsalita." Habang pinanggigilan ako ni Kuya Devdan.

"Devdan naman, anong tingin mo sa bunso natin? Sanggol na hindi marunong magsalita?" bara ni Kuya Devrash.

"Oo nga, I'm already 8 years old!" saad ko naman. Nakita ko naman na nakasimangot si Kuya Devdan. 

"Ayt, lagi na lang akong pinagkakaisahan," sabi n'ya sa robot na hawak.

"Ikaw nga d'yan ang parang sanggol e. Robot, at the age of 11?" ukit ni Kuya Devrash. 

Lalong napasimangot si Kuya Devdan. "Ikaw nga d'yan, e! Binasted ng crush!" Saka ito humagalpak ng tawa. Pati ako ay napatawa na rin. Kahit bata pa ako ay naiintindihan ko na ang bagay na iyon. 

"At the age of 14? Ang aga mong na broken hearted!" Patuloy pa rin ito sa pagtawa. Nakita ko naman si Kuya Devrash na sobrang sama na ng tingin kay Kuya Devdan. 

"Oops! Stop na, daddy and mommy will get mad at the both of you," awat ko sa kanila. 

"Buti pa si Cenn." Napatingin naman ako kay mommy na nakangiting nakatingin sa akin. "Stop fighting boys, dapat maging good example kayo para kay Cenn," turan ni daddy habang nagmamaneho.

"Yes dad," sabay na saad ng dalawa kong kuya. 

"Tama ang mga anak mo Honey, mahal na mahal kita at pinapangako ko na mamahalin kita kahit sa kabilang buhay pa," narinig kong sabi ni daddy. Napangiti ako, they really love each other. 

"Honey, don't say that. Tatagal pa tayo at makikita pa natin ang mga apo natin." Hinawakan ni mommy ang kamay ni daddy. 

"Hindi natin hawak ang buhay natin mommy," singit ni Kuya Devrash habang taimtim na nakatingin sa labas ng kotse.

"Basta kung nasaan kayo andon din ako," seryosong sangat ni Kuya Devdan. "Dahil kayo ang pamilya ko."

Sasabihin ko na sana na 'ako rin' ngunit bigla na lang huminto ng marahas ang sinasakyan namin. "What's wrong honey?" tanong ni mommy.

Madilim ang paligid at tanging kami na lang ang nasa kalsada sa mga oras na ito. Gamit ang ilaw ng kotse ay kitang kita namin ang biglang paglabas ng kung sino galing sa mga punong nakatirik sa tabi ng daan. Puro itim ang suot at hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa mga pantakip na suot nila sa mukha.

"Dito lang kayo," seryosong saad ni daddy at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. 

"Honey!" sigaw ni mommy pero hindi nakinig si daddy na dire-diretso lang sa mga taong ngayon ay nakakatakot na nakatingin sa gawi ni daddy. 

Hinawakan ako ni Kuya Devrash sa kamay. "Huwag kang lalayo sa amin." Nangunot lang ang noo ko sa sinabi n'ya at muli ng tumingin kay daddy sa labas ng kotse. Hindi ko naririnig ang pag-uusap nila pero nabigla na lang ako ng mabilis na sinaksak nung lalaki si daddy. Narinig ko ang sigaw ni mommy at nina Kuya halos hindi ako makapagsalita sa nakita hanggang sa naramdaman ko ang luha kong nilalandas ang aking pisngi. 

Pagkatapos no'n ay tumakbo ang mga lalaking 'yon sa amin. Marahas nilang sinira ang salamin ng kotse. Napayapos ako kay Kuya Devrash dahil sa takot.

"Mga anak!" sigaw ni mommy, inabot ko ang kamay ko kay mommy pero tinabig lang ako nu'ng lalaking pilit kinukuha si mommy. Lalo akong napasigaw dahil sa sakit nu'ng pagkakatabig n'ya sa akin.

"Mommy!" 

"Kuya!" sigaw ko dahil kitang kita ko ang pagkuha kay Kuya Devdan habang hawak ang kanyang laruan. 

Mas napahigpit ang yapos ko kay Kuya Devrash. "Kuya!" sigaw at iyak ko habang nakasubsob sa kanyang katawan. Sobrang natatakot na ako.

"Argh! Bitawan n'yo ako!" Ramdam ko ang pagpupumiglas ni Kuya Devrash.

Kitang-kita ang mga pulang mata ng isang lalaking pilit iniaalis sa tabi ko si Kuya Devrash. "¡Te mataré si no vienes conmigo!"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nung lalaki. "Bitawan mo ako!" Pilit na nagpupumiglas si Kuya at pilit ko rin s'yang niyayapos para hindi s'ya makuha nung mga lalaki.

"ARHG!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan nu’ng lalaki at sa isang iglap lang ay nawala na silang lahat kasama ang katawan ni Kuya Devrash. Namalayan ko na lang na nag-iisa na lang ako sa loob ng kotse. Napalingon ako sa paligid, sobrang dilim at nakakatakot. Mas lalo akong napaiyak at napahawak sa kamay kong ngayon ay may tumutulo ng dugo. 

"Mommy! Daddy! Kuya!"

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan. Pawisan at habol ang hininga. Isang masamang panaginip mula sa nakaraan. Napabalikwas at napahawak ako sa aking dibdib at napapikit. 

"Ganyan ba talaga ang mga tao? Sobra-sobra kung matulog?"

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa siyang tao."

May narinig akong nagsasalita, isang babae at isang lalaki. Napatingin naman ako sa paligid. Malaki ang kwarto at napakaluma ng disenyo ang iyong makikita. Mga antik na gamit at kahoy na sahig. Napatingin ako sa aking kinauupuan. Isang papag at isang manipis na kumot. 

"Delikado ang bawat segundo ng buhay n'ya habang nanatili siya rito. Sana sa lalong madaling panahon ay madala na ni Mathias ang Rainepha." 

Ako ba ang pinag-uusapan nila? Teka, kung ako nga, ibig sabihin alam na nila na isa akong tao? Hah! Buti naman ng hindi na ako mahirapan pang magpaliwanag sa kanila. 

Bumaba ako sa papag na kanina’y kinahihigan ko. Nang isusuot ko na ang aking tsinelas ay hindi ko ito makita. Tiningnan ko naman sa kabilang parte nitong papag ngunit wala rin, tiningnan ko ang ilalim ng papag pero wala rin. 

Nasaan naman 'yun? Maglalakad na ako palabas nitong silid nang may mapansin ako. Paano ako nalipat sa silid na ito e, sa aking naaalala ay nasa isa akong upuan sa sala. Tsk, hindi na malaking bagay pa, ang importante ay mahanap ko ang tsinelas ko dahil hindi ako sanay na nakatapak.

Pinihit ko ang doorknob nitong pinto at bumungad sa akin sina Leonardo, Monica at Prinsipe Lucas na nakaupo sa sala. Napatingin naman sila sa'kin.

"Salamat at nagising kana rin. Ikaw lang ang nakilala kong gan'yan kaswapang matulog," saad ni Leonardo at binitiwan ang hawak n'yang baso na gawa sa kahoy. Malayo ako sa kanila ng bahagya ngunit kita ko pa rin ang kanilang ginagawa.

"Sayang, ang buong akala ko ay mapapatay kita. May pagkakataon na sana akong makatikim ng sanguis ng tao," dismayadong saad ni Monica habang dinidilaan ang gilid ng kanyang labi. Nakakaakit ang ginawa niya, isa akong babae at tila nakuha n'ya ako sa paraan n'ya ng pagdila. Paano pa kaya ang isang lalaki? Isang pulang likido ang nasa gilid ng labi n'ya, hindi ko alam kung anong inumin 'yun. 

"Nakakasawa na rin naman ito." Turo n'ya sa baso na gawa sa kahoy. Naningkit ang mata ko dahil hindi ko makuha ang ibig n’yang sabihin.

"Mon," suway ni Prinsipe Lucas.

Napahinga ng malalim ito. "Paumanhin Prinsipe Lucas. Hindi n'yo ako masisisi," nakayukong saad ni Monica.

"Ipinaliwanag ko na sa inyo ang lahat, hindi ba? Kaya naman igalang n'yo s'ya." Napaiwas na lamang ng tingin si Monica at Leonardo sa sinabi ni Prinsipe Lucas.

Hinarap ako ng Prinsipe. "Ipagpaumanhin mo—"

"Prinsipe Lucas, ano ba ang lumalabas sa iyong bibig? Isa kang maharlika! Kaya hindi ka dapat humihingi ng tawad sa isang mababang nilalang na iyan!" sigaw ni Leonardo.

Habang si Monica ay napatayo. "At sa katunayan n'yan ay isa kang Prinsipe at siya dapat ang humihingi ng tawad sa inyo. Isang kalapastanganan!" Kitang-kita ko ang pagtutol sa mga mata ni Monica.

Sanguis - dugo

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status