Share

Kabanata 39 - New Day

Maaga akong nagising kahit pa inda ko ang pagod dahil sa nangyari sa pagitan sa amin ng Prinsipe. Bigla ko namang kinurot ang aking pisngi dahil napaka-ashumera ko. E, ano naman kung ginawa 'yon ng Prinsipe? Paniguradong mas malala pa do'n ang nagawa n'ya sa hanay n'ya. Maalaga lang talaga s'ya kaya isang kasalanan kung magfe-feeling ako ng ganito-

"CENN!"

Napaigtad ako sa aking kinatatayuan noong bigla kong narinig ang boses ni Mathias sa likod ng pinto ng banyo.

"Mathias? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod kong tanong at mabilis nang isinuot ang isang lantern sleeves na kulay puti na tinernuhan ko ng isang wide pants.

Narinig ko ang pagkalabog nito sa pinto ng banyo. "Cenn, bilisan mo!" Atat na atat n'yang saad habang patuloy pa rin ang pagkalampag n'ya sa pinto. Nagtaka naman ako dahil may nangyari bang hindi ko na namalayan sa paglipas ng magdamag? At bakit ba todo kalampag s'ya d'yan? E, pag nasira 'yan s'ya talaga sisisihin ko.

"Teka lang!" palakat ko rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status