Share

Kabanata 36 - Meeting

Nakita ko ang mga mata ng Prinsipe na napapikit at ramdam ko ang paghinga nito ng malalim. Isang kaginhawaan ang nakabalot sa kanyang mukha. Pinag-isa ko ang aking kamay na kanina pa naliligo sa pawis.

"Hanggang ngayon ay hindi n'yo pa rin ako binibigo, natatangi kayo. Ang Uno ay mananatiling Uno," wika ng Prinsipe na kinatango ng karamihan.

"Ngunit..."

Napalingon ako kay Cleeve nang magsalita ito. Napaltan ng pagkabahala ang kanina'y masaya n'yang mukha. Tumingin ito sa Prinsipe. "Alam ko ang kaya nating gawin, Uno ay Uno ngunit hindi natin nasisigurong isang daang porsyento ay magtatagumpay tayo sa balak natin."

Doon napabagsak ang aking balikat, alam ko na 'yon una pa lang ngunit hindi maalis sa akin ang kaba. "May punto ka ngunit sa tingin mo ba hahayaan nating mangyari 'yon?" sambit ni Mathias.

"Sa rami na nating napagdaan at misyong natagumpayan ay sa tingin ko ay magagawa natin ng matagumpay ito," dugtong nito.

Napalingon si Atlas kay Mathias. "Oo tama ka, Mathias. Ngunit hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status