MargauxMagaan ang aking naging gising na parang may musika ang hangin, at tila may ngiti ang umagang sumilip sa bintana. Ngunit agad ding napawi ang bahagyang aliwalas nang mapansing wala si Draco sa aking tabi. Ang malamig na pwesto sa kama ay nagsasabi na mas maaga siyang nagising kaysa sa akin.Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Karaniwan ng mabigat talaga ang gising ko sa umaga kaya nakakapagtakang hindi ganon ngayon. Marahil ay bunga ng sayang bumabalot sa akin sa pagkatuklas ng aking kalagayan.Bumangon ako, huminga ng malalim, at dumeretso sa banyo upang maglinis ng katawan. Ipinikit ko muna ang aking mga mata habang dumadaloy ang malamig na tubig sa aking balat na nagbibigay sigla, ngunit may bahid ng pananabik na makita na ang aking asawa.Pagkatapos ay nagbihis na ako tsaka bumaba, umaasang sasalubong sa akin ang kanyang boses o ang pamilyar niyang halakhak ngunit wala siya sa living room.Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding habang papunta sa dining area. Inasah
Draco“Please explain,” utos ko matapos ko siyang paupuin. Ramdam ko ang tensyon sa balikat ko habang pinipilit kong huwag paandarin ang init ng ulo.Shit, ang aga-aga, wala pa akong almusal, tapos ganito agad ang bubungad sa akin? Walang pasabi. Walang babala. Ni hindi ko man lang naamoy na may ginagawa na palang delikadong desisyon ang asawa ko.Wala akong kamalay-malay na may ginagawa na pala siya na maaaring maglagay hindi lang sa kanya kung hindi pati na rin sa kambal namin sa panganib.Tinapik ko ang mesa nang marahan pero mariin, isang senyales ng pagka-frustrate.“You should have told me about it,” madiing sabi ko kay Gustavo. Hindi ko na inangat ang boses ko, pero sapat na ang tono para maramdaman niya ang bigat ng pagkadismaya ko.Yumuko siya, tahimik. Alam niyang tama ako. Alam niyang wala siyang depensa ngayon.“Gustuhin ko man ay hindi ko rin magawang hindi sumunod sa kanya,” mahinang tugon niya. Hindi pa rin siya makatingin nang diretso. “Pero kagaya ng sinabi mo kanina…
Draco"Boss..." aniya, halos pabulong, at hindi pa rin ako matitigan nang diretso. Halatang may bumabagabag sa kanya, halos marinig ko ang bigat ng kanyang paghinga sa pagitan ng katahimikan naming dalawa.Tumingin ako sa kanya, hindi para singilin, kundi para alalahanin kung gaano kahirap ang sitwasyong kinasasadlakan niya."Alam ko na nangako ka sa kanya," mahinahon kong sabi, pilit hinuhupa ang bumubukal na kaba sa dibdib ko. "And I’m not forcing you. Pero kung sa tingin mo... kung sa tingin mong makakasama 'to sa kanya, please, let me know. Gusto kong maging sigurado."Saglit siyang napapikit, saka marahang tumango. Wala siyang masabi. Pero sapat na sa akin ang reaksyong 'yon para maintindihan: may pinipigilan siyang damdamin, may iniingatang katotohanan.Hindi ko na siya pinilit pa. Lumayo na ako at naglakad papunta sa study room, dala ang bigat ng mga tanong na hindi ko na inusisa pa.Pagkasara ko ng pinto, napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa maliit na kahon sa drawer, an
DracoTwin. Kambal ang anak namin ni Margaux.Napahawak ako sa noo ko habang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang salitang iyon, kambal.Hindi ako makapaniwala. Para akong bata na unang beses nakakita ng snow. Nanlalaki ang mata, nanginginig ang dibdib sa tuwa, pero sabay din akong natutulala. Ang dami kong gustong isigaw pero hindi ko alam kung alin ang uunahin.Pero kung iisipin, hindi na rin ganoon nakakagulat. Si Margaux mismo ay may kakambal. Parang tadhana lang ang nagbabalik ng simula sa susunod naming kabanata. Para bang may sinasadyang ikot ang mundo at ngayon, ako mismo ang nasa gitna ng mahika nito.“Dalawa. Dalawang buhay ang binigay sa amin,” bulong ko, halos hindi makapaniwala.Walang paglagyan ang saya ko. Parang puputok ang dibdib ko sa galak, sa pananabik, sa matinding pagmamahal na halos hindi ko na kayang pigilan. Tumigil ang oras ko sa saya. Nangingilid ang luha ko pero hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na kasiyahan. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito
Mature ContentDraco“Cupcake!” bulalas ni Margaux, medyo napahiyaw pa sa gulat habang buhat-buhat ko siyang ibinaba mula sa sasakyan. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang plano ko. Hindi ko siya ibinaba sa sahig kundi tuluy-tuloy akong naglakad, papasok sa bahay, paakyat sa hagdan at bitbit pa rin siya, parang prinsesa.Narinig ko ang mahinang tawa niya, ‘yung klase ng tawa na puno ng kilig at pagtataka. Kumain na kami bago umuwi, kaya wala na akong dapat alalahanin. Alam kong busog siya… pero iba ang pagkauhaw ko ngayon sa kanya.“Draco, what do you think you’re doing?” tanong niya habang dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama naming may puting linen at dim light na sadyang nagpapalalim sa atmosphere. Hawak ko ang palad niya habang isa-isa kong tinatanggal ang butones ng blouse niya.“Let’s celebrate, Sugar,” bulong ko sa kanya, habang pinaparamdam ko sa bawat kilos na hindi ito basta init lang. Oras ito ng paglalapit ng aming damdamin.“We already did. Di ba kaya tayo kumain sa labas?
Draco“Hi, Sugar. Kumain ka na ba?” malambing kong bati nang sagutin ko ang tawag ng aking asawa. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya, sa totoo lang. Para akong batang nag-aabang ng sorpresang hindi alam kung darating pa. Pero dahil masama raw ang pakiramdam niya, pinilit kong magtimpi. Ayokong maabala ang pagpapahinga niya.Pero gaya ng dati, natalo ako ng pag-aalala. Kaya imbes na guluhin siya, si Gustavo ang tinawagan ko. Mabuti na lang at nalaman kong natutulog siya kahit paano ay panatag ang loob ko kahit may bahagya pa rin akong pag-aalalang nararamdaman.Ayaw ko sanang pumasok para masamahan ko siya ngunit pinilit niya ako. Dahil may kailangan din akong asikasuhin ay sinunod ko siya. Pero hindi siya nawala sa isip ko kahit saglit.“Cupcake, can you come to the hospital and pick me up?” tanong niya. Mahina ang tinig ngunit hindi naman tunog kritikal. Ganon pa man, dahil binanggit niya ang hospital ay talagang parang gusto kong maghisterikal.Agad akong napatayo mula sa kinauup