Margaux
Puno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.
Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.
“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.
“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”
Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.
Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.
Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng tingin kay Yvonne bago pa ako mahuli ng lalaki na nakatingin sa kanya. Mahirap na at baka kung ano pa ang isipin.
“Gin tonic for me and my bestfriend.” Tumango ang bartender kay Yvonne bago ngumiti at nagsimula na kaming ikuha ng drinks.
“Gin tonic para sa dalawang maganda naming customer,” sabi ng lalaki sabay lapag ng aming inumin.
“Salamat,” mahina kong sabi. Hinawakan ko ang baso at tsaka pinaglaro ang aking hintuturo sa labi non.
“Cheers, best friend. Sa wakas, nakakawala ka na sa Sam na ‘yon!”
“You know I love him, right?” tugon ko bago iniumpog ang baso ko sa baso niyang nakaangat na.
“Mahalin mo ns kang siya pero hindi na kailangang maging kayo. Walang masama sa pag-ibig. Hindi lang nagiging maganda iyon kapag nagiging martir na ang dating, kagaya mo.”
“Iinom ba tayo o sesermunan mo lang ako?”
“I love you kaya ganito ako sayo. Ang gusto ko kasi ay maging masaya ka dahil deserve mo ‘yon. Never think less of yourself dahil ikaw na yata ang may pinakamalaking puso na nakilala ko na may taglay na katarayan na wala sa lugar.”
Napailing na lang ako sa kanya at sa litanya niya. Alam kong para sa akin din ang mga sinasabi niya.
Nagkasarapan kami ng inom ngunit naabala iyon ng pagtunog ng kanyang cellphone.
“Hello,” kampante niyang sagot dahil hindi naman maingay sa bar.
“Bakit po?” Napatingin ako sa kanya ng magtanong siya ng ganon. Nanay lang niya ang ginagamitan niya ng po at opo o kaya naman ay ang mga magulang ko kapag kaharap niya ang mga ito.
Nagbaling siya ng tingin sa akin at halata ang panghihinayang sa kanyang mukha. Hinintay ko na lang na matapos ang pakikipag-usap niya bago ako nag-usisa.
“I think we need to go home.”
“Why?” taka kong tanong. Ayaw ko pa kasing umuwi at gusto ko pa muna sanang magpalipas ng oras.
“Kailangan ako ni Mommy, nagpapanic attack na naman yata.”
“Then puntahan mo na,” sabi ko.
“Ha? Paano ka?”
“Okay lang, dito na lang muna ako. Papalipas lamg ng sama ng loob.”
“Paano kung malasing ka?”
“Kailan naman ako nalasing? You know I don't drink, right?” Hindi naman kasi talaga ako karaniwang umiinom dahil wala akong hilig gumala kasama ng mga kaibigang manginginom.
“Okay, pero huwag kang magtatagal ha. Baka hanapin ka ni Tita.” Tumayo na siya sa kanyang upuan at minsan pa ay tinignan akong mabuti. Nginitian ko naman siya para huwag na siyang mag alala pa at doon lang siya tumalikod na.
Ako naman ay naiwang at dahan dahan na ininom ang gin tonic na in-order namin.
Sa kakaisip ko kay Sam ay nakaramdam ako ng sobrang galit at pagrerebelde. Sinamahan pa ng sakit at sama ng loob kaya ang ilang shot lang sana na balak ko ay nasundan pa.
Masakit na ang ulo ko ngunit alam ko naman pa ang nangyayari sa paligid ko.
Luminga ako at nakita ko ang lalaking nasa bandang kanan na naroon pa rin. Ngumiti ako at tsaka tumayo sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya.
“Hi,” bati ko. Nginitian ko siya ngunit bahagyang tingin lamang ang binigay niya sa akin.
“Ang sungit mo naman, sige tatanda ka niyan!” sabi ko pa para makuha ang atensyon ng lalaki na ngayon ay nakatingin na sa akin.
“Ang ganda naman ng kulay ng mga mata mo. Green. Kanino ka nagmana?” sabi ko pa kasunod ang pag-angat ng aking kamay para sana haplusin siya ngunit maagap na nahawakan ng lalaki ang aking kamay.
“Don't touch me,” sabi niya habang nakatingin sa akin na tila nanunuot hanggang sa aking kaluluwa.
Ang akala ko ay bibitawan na niya ako ngunit hinila pa niya ako palapit sa kanya.
“Women who touch me end up in my bed. Will you be ready for that?”
Napasinghap ako hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa hininga niya na humampas sa mukha ko ng magsalita siya. Doon ko lang kasi narealize na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa’t isa.
Pakiramdam ko ay nanlalambot ang aking mga tuhod lalo na ng maramdaman ko ang isang kamay niya na humapit na sa aking bewang.
Napaliyad ako at napansin kong napakatapang ko dahil kahit hindi ako nagsasalita ay nanatili naman na magkahinang ang aming mga mata.
Tapos, ang magkalapit na naming mga mukha ay mas lalo pang nagkalapit. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin o sa kanya. Basta naramdaman ko na lang na magkahinang na ang aming mga labi.
Dala ba ng alak? Ewan ko, pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasasarapan sa kanyang paghalik.
Hello!!Thank you so much po sa inyong suporta.Sa mga nagbigay ng gems, likes, comments at gift share, maraming, maraming salamat po. Hindi po ito aabot sa ganito kung hindi dahil sa mga readers na sumusubaybay. Sana po ay suportahan niyo rin po ang iba ko pang mga akda.Nilagyan ko lang ng kaligayahn si Margareth at Sam kaya medyo nadagdagan. Syempre, hindi rin natin dapat pabayaan ang kumpanya na iiwan nila Margaux at Draco. Higit sa lahat, ang happiness din nila Mr. & Mrs. Pinto. Ayaw kong malungkot sila kapag sa Germany na nakatira si Margaux, hehehe...Anyway, thank you po ulit. At kita-kits pa rin po sana tayo sa susunod kong story.God bless sa lahat!!-MysterRyght
MargauxPagkalipas ng isang buwan ay lumipad na nga kaming pamilya pabalik ng Pilipinas. Ang mga biyenan ko ay naiwan pa at isang linggo bago ang kasal ang flight.Sinalubong kami nila Mommy na ang kambal din naman ang agad na nilapitan. Pinagtag-isahan nila ni Dad habang si Margareth ay tila nahihiyang nakatingin sa akin kahit na nga nakangiti pa ito.Umangat ang aking mga braso para yakapin siya. Mabilis naman siyang lumuob sa aking mga bisig. Kasunod ay narinig ko ang kanyang paghikbi.“Hey, what’s wrong?” tanong ko sabay layo sa kanya ng bahagya pero ang mga kamay ko ay nasa kanyang magkabilang balikat.“Nothing, namiss lang kita ng sobra…”“Sus… halos araw-araw tayong nag-uusap thru video call.”“Iba pa rin ang sa personal.” Sa bagay nga naman.Niyaya na kami nila Dad kaya nman sumakay na kami sa SUV. Si Dad sa driver’s seat katabi si Draco habang kami naman nila Mommy, Margareth at ang kambal sa likod.Sa bahay ng aking mga magulang kami tumuloy at nadatnan na namin doon ang mag
Margaux“Cupcake, look!” tawag ko agad kay Draco habang hawak ang cellphone. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinipindot ang message na sinend sa akin ni Margareth. May attachment iyon, isang digital wedding invitation.Agad namang lumapit si Draco. Nakakunot ang noo habang sinisipat ang screen.“Really?” bulalas niya, halatang gulat na gulat. “Is this… real?”Tumango ako pero halata ring litong-lito ako.“Hindi ko rin alam,” sagot ko, napapailing habang muling tinititigan ang invitation na may eleganteng floral border at naka-emboss na mga pangalan: Samuel & MargarethHumigpit ang hawak ko sa phone. “Cupcake… hindi naman siguro… I mean, alam mo na…”Napatingin ako sa asawa ko. At doon ko nakita ang seryosong titig niya, puno ng pag-aalala. Hindi para sa akin, kundi para sa kakambal ko.Ngunit agad din iyong nawala at huminga ng malalim. “Hindi naman siguro, Sugar. Isa pa, kilala natin si Margareth. Alam niya ang buong nakaraan, as in lahat. Hindi siya papasok sa ganitong bagay kung h
SamSa unang pagkakataon, nakita ko siyang walang alinlangan. Walang takot. Walang pagtanggi. Nasa kwarto kami na pinangarap ko na sanang mapuno ng mga alaala naming dalawa at ngayon, magsisimula na ang unang pahina ng kwentong iyon.Magkatapat kami sa paanan ng kama. Tahimik at parehong kabado. Parehong alam kung anong maaaring mangyari, pero mas nangingibabaw ang kagustuhang maramdaman ang bawat segundo na magkasama.Nakatitig siya sa akin. Sa likod ng mahinang ngiti niya, naroon ang tanong: Handa na ba tayo talaga?At sa titig ko, sana ay nakita niya ang sagot: Oo, pero hindi kita pipilitin.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Maingat at marahan na parang kinukumpirma pa rin kung maaari. At nang hindi siya umatras, ipinikit niya ang mga mata at sinalubong ang mga labi ko.Ang halik naming iyon ay hindi katulad ng dati. Wala na iyong kilig na paunti-unti. Ito'y halik na humihingi ng pahintulot, halik na may kasamang pangakong “babalutin kita ng pag-aalaga.”Nang alisin ko ang kanyang
MargarethKung may sikreto mang hindi ko nais ibunyag, ito ‘yung sa amin ni Sam.At kung may sikreto mang ayaw kong mawala, ito rin ‘yon.Mula noong gabing hinalikan ko siya, hindi na kami nagbitaw. Hindi man kami lantaran, hindi man kami malaya, pero totoo kami sa isa’t isa. Sa bawat tawag tuwing madaling araw. Sa bawat text message na may simpleng “Ingat ka” o “I miss you.” Sa bawat sulyap kapag nagkakasalubong sa events na kailangan naming magpanggap na hindi kami sobrang close sa isa't-isa, lahat ng iyon ay sa amin.At sapat na iyon. Para sa ngayon.Last sem ko na sa college, at sa dinami-dami ng dapat kong alalahanin, thesis, internship, graduation requirements ay si Sam pa rin ang laging nakababad sa utak ko. Isang mensahe niya lang ay kaya nang pasayahin ang buong araw ko. Isang tawag sa gabi, habang nakasandal ako sa unan, ay sapat nang dahilan para makatulog akong may ngiti sa labi.At kapag nagkikita kami, kahit pa palihim, kahit pa sa loob ng kotse niya habang nakaparada sa
SamHindi ko alam kung paano kong nagawang huminto.Nandyan na. Hawak ko na. Ramdam ko na ang init ng labi niya, ang paglalambot ng katawan niya sa bawat haplos ko, ang unti-unting pagbagsak ng pader na itinayo niya sa pagitan namin mula noon.Pero bigla akong natigilan. Hindi dahil sa pagdududa sa nararamdaman ko, kundi dahil sa tindi nito.Gusto ko siyang halikan. Hindi lang basta halik. Gusto kong damhin siya. Mahawakan siya. Maging dahilan ng bawat paghina ng tuhod niya. Pero hindi ako lumampas. Hindi ako nagpadala.Dahil habang tinititigan ko siya, nakita ko ang kabuuan niya. Hindi lang ang pulang labi, o ang malalambot niyang mata. Nakita ko ang takot. Ang pangamba. Ang pagkalito.At hindi ko kayang samantalahin iyon.Pinikit ko ang mga mata ko, mariin. Napailing ng bahagya. Hindi ako santo, malayo ako roon. Pero sa kanya, gusto kong maging maingat.Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayuko sa kanya. Nangangatog ang loob ko, pero pinilit kong manatiling buo. Hindi ako naglaka