Hurt talaga ang Sugar...
Margaux“Ang pogi naman ng asawa ko,” sambit ko kay Draco habang lumalabas siya ng walk-in closet. Hindi iyon ang nakasanayan kong coat and tie look niya. Casual lang siya ngayon, pero grabe ang dating. Isang simpleng gray na sweatshirt na nakalislis hanggang siko ang manggas at pinarisan niya ng cream na jogger pants. Ang gaan niyang tingnan. Parang binata lang ulit, mga twenty-something lang ang itsura, at sa totoo lang, parang ako yung naiilang sa gwapo niya.Napangiti siya nang makita niya akong nakatitig, tapos hinapit niya ako sa bewang at dinala sa isang marahang halik sa labi. Malambing, pero may lalim. Parang sinasabi ng halik na iyon na "asawa kita, akin ka, mahal kita."“Of course,” bulong niya matapos ang halik, “kailangan kong pantayan man lang ang kagandahan ng asawa ko kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin.”Natawa ako, pero kasabay noon ang marahang tibok ng puso ko. “Don’t worry,” sagot ko, sabay pisil sa mukha niya, “hinding-hindi ako magpapakuha sa iba… dahil kuha
Margaux“Sigurado ka ba?” tanong ko kay Draco matapos niyang sabihing maaari na raw kaming bumisita sa aking mga magulang at makilala ang aking kakambal. Nasa bahay lang kami noon—magkaharap sa lanai habang tinatamasa ang tahimik na hapon, sabay ng simpleng meryenda.Nakataas ang isang binti ko, nakapatong sa kanyang mga hita, habang banayad niyang hinahagod iyon gamit ang malambot niyang palad. Isa iyon sa mga bagay na palagi kong kinagigiliwan sa kanya. Ang mga simpleng haplos na tila ba laging may kasamang pangakong hindi niya ako iiwan.“Syempre naman. Bakit, parang hindi ka makapaniwala?” may pagtatakang tanong niya, sabay ngiti.“Akala ko kasi sobrang busy ka pa. Hindi pa ako handang agawan ng oras ang mga importanteng bagay sa'yo,” sagot ko, sabay kagat sa ibabang labi. May kaunting kaba sa dibdib ko hindi dahil sa takot, kundi sa anticipation."Ikaw ang pinaka-importante sa buhay ko, ang iba ay pangalawa lamang." Ngumiti ako sa sinabi niya. “Isa pa, okay na ang mga magulang ni
MargauxDalawang linggo na ang matuling lumipas mula nang ilibing si Chiara. Ayon kay Draco, naiuwi na ng mga magulang niya ang bangkay ng anak sa Germany. Mahirap man sa kanila ang lahat, ramdam ko ang kaunting kapanatagan sa kanilang mga tinig nang makausap ko sila kahapon bago umalis ang mga ito.“Thank you, Margaux,” naiiyak na wika ng ina ni Chiara. "I know what she did was unforgivable. Our daughter has given you nothing but fear, but still, you forgive her. I hope she's happy wherever she is right now."Alam ko na walang kapatawaran ang takot na binigay sayo ng mga ginawa ng aming anak pero nagawa mo pa rin siyang patawarin. Sana ay maging payapa na siya ngayon."Ang sakit sa puso ko habang pinakikinggan ang bawat salitang may halong pagsisisi at lungkot. Gusto kong sabihin na wala silang kasalanan, pero alam kong kahit ilang salita pa ang banggitin ko, hindi na maibabalik si Chiara."If only we had found out that she was in a relationship with Joseph," pahabol ni Mr. Ode. "We
MargauxPagdating namin sa kumpanya ay nagtinginan na ang ibang empleyado sa lobby pa lang. Bakas ang pagtataka at pagkagulat sa kanilang mukha ngunit nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating na kami sa aking office.“Ito ang ating company,” nakangiti kong sabi kay Margareth matapos naming maupo sa aking maliit na receiving area. Napalingon siya sa paligid, halata sa mga mata niya ang halo ng paghanga at kaba.Tinanong ko siya kanina kung ayos lang ba na tawagin ko siyang "Margareth" at hindi naman daw siya tumutol. Pinoproseso na nina Dad ang lahat ng papeles niya kaya siguro ay tuluyan na siyang magiging parte ng pamilyang ito. Ng buhay ko.“Ang laki naman pala,” ani niya, may bahid ng pagkamangha ngunit halatang naiilang.Tahimik siyang tumitig sa paligid, tila hinuhulaan kung paano siya magfi-fit in sa mundong ito.“Dear, babalik ka sa pag-aaral mo,” biglang singit ni Mommy na may lambin
DracoDahil wala namang kamag-anak si Chiara dito sa Pilipinas, ako na ang kusang tumayo bilang pamilya sa mga huling sandali niya. Ako ang nag-asikaso ng lahat, mula sa pakikipag-ugnayan sa ospital, sa mga papeles, hanggang sa mga detalye tungkol sa kanyang labi. Wala akong karapatang iwan siyang mag-isa kahit sa huli niyang pahinga. Kahit paano, gusto kong ibigay ang dignidad na karapat-dapat sa kanya. Yun man lang magawa ko dahil bali-baliktarin man ang pangyayari, niligtas pa rin niya ang buhay ko.Tahimik ang bawat araw pero mabigat. Hindi ako makapaniwala kung gaano kabilis nagbago ang lahat. Parang kailan lang, kausap ko pa siya. Wala sa isip ko na maaaring nasa likod siya ng lahat ng pagkamatay ng mga babaeng 'yon.Hinayaan ko munang makabalik sa trabaho si Sugar. Gusto ko siyang bigyan ng kahit konting normalcy sa gitna ng kaguluhan. Syempre, hindi ko pa rin siya pinababayaan. Kasama pa rin niya si Gustavo na sa palagay ko ay nakasundo na rin niya. Sigu
Draco“How’s Chiara?” tanong ni Margaux habang nakaupo kami sa dining area. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal ngunit halatang wala sa pagkain ang atensyon niya, nasa akin at sa kinahinatnan ng lahat.Nabanggit ko na sa kanya ang nangyari kagabi, at kahit pa may galit siyang nararamdaman para kay Chiara, hindi niya rin naiwasang makaramdam ng lungkot para sa babaeng minsan ding naging bahagi ng buhay ko.“She’s gone,” mahina kong sagot, halos bulong.“What?” nanlaki ang kanyang mga mata, may halong gulat at disbelief.“She didn’t make it. Pagkarating namin sa ospital, wala na siya. Hindi na siya nailigtas,” dagdag ko, mabigat ang bawat salita.Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag-aalala, naging tahimik ang kanyang lungkot. Inabot ko ang kamay niyang may hawak pang tinidor, dahan-dahang pinisil iyon upang iparating ang aking pag-unawa.“
Margaux“I’ll make you regret forgetting about me, Sugar…” bulong niya, mababa at puno ng pananabik, bago niya kagatin ng bahagya ang punong tainga ko. Mainit ang hininga niyang tumama sa balat ko, at halos mapaliyad ako sa kilabot.“Aaah...” Napasinghap ako, sabay ng pagsapo ng dalawang daliri niya sa aking u***g, nilaro-laro iyon na para bang kabisado niya kung saan ako pinakamaselan. Wala siyang pinalampas, at alam kong sinasadya niya ang bawat galaw para lang lalo akong mabaliw. “Dedehin mo ako, Cupcake… please.”Tiningnan niya ako, ang mga mata niya ay nagniningas ng mapanuksong halakhak. Alam kong tinitimbang niya kung bibigyan niya ako ng gusto ko o lalo pa akong paiinitin.“Kailangan kitang parusahan, Sugar… Dahil sa ginawa mong pagkalimot sa akin,” bulong niya habang hinihimas ang gilid ng aking balakang.“I already said sorry…” Hinawakan ko ang mukha niya, pilit na isinusumamo ang mata ko. “I’ll make it up to you, promise.”“Paano?” mapang-akit ang tanong niya, habang ang dil
MargauxNaniningkit ang mga matang nakatitig sa akin si Draco. Nasa bahay na ako, at nadatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa gilid ng aming kama, ang mga siko'y nakapatong sa tuhod at ang mga kamay ay magkasalikop, tila pinipigilan ang sariling damdamin.“You forgot about me?” mahinang tanong niya, pero ramdam ang bigat ng tampo.“I’m so sorry, Cupcake. I feel so overwhelmed and–”“Hindi ko akalain na gano'n mo lang pala ako kabilis makakalimutan,” mariing tugon niya. May halong lungkot sa kanyang boses ngunit halata din na hindi galit. Never pa siyang nagtampo sa akin and seeing him doing that right now is quite amusing.He's cute pero kitang kita ko pa rin ang pagiging lalaking-lalaki niya. Pwede pala yon, maarteng lalaki. Sa loob-loob ko ay napangiti ako. Pwes, heto na ang pagkakataon ko para suyuin din siya.Napanguso ako. Unti-unti akong lumapit, parang batang gustong mag-sorry sa kanyang kalaro. Yumapos ako sa kanya, ngunit umiwas siya na parang ayaw niyang maramdaman ang kahit
Margaux“Margaux, anak!” Masayang tawag ni Mommy habang agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. Kita sa mukha niya ang sobrang tuwa, halos mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Naiwan naman sa sofa si Dad katabi ang babaeng nagmamay-ari din ng mukhang kapareho ng sa akin.Tumayo rin si Dad at ang babae sa tabi niya, at parehong tuluyang humarap sa akin. Iba ang pintig ng puso ko. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Look who’s here,” ani Mommy, may halong kaba ang tinig ngunit nangingibabaw ang pananabik.Napako ang tingin ko sa babae. Mula sa hugis ng kanyang mukha, sa kurba ng kanyang labi, hanggang sa ekspresyon ng kanyang mga mata—parang nakaharap talaga ako sa salamin. Ngunit isang mas malambot na bersyon ng sarili ko. Isang pamilyar na estranghero.Tahimik akong inakay ni Mommy palapit sa kanila. Ramdam ko ang lamig at init na nagsanib sa palad niya. Habang papalapit, hindi na nawala ang eye contact naming dalawa ng babaeng iyon. May alanganing ngiti sa kanyang labi, parang