Share

Chapter 89

Aвтор: MysterRyght
last update Последнее обновление: 2025-03-31 12:22:06
Margaux

“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.

Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.

Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?

Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.

Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang ganit
MysterRyght

Hmm...

| 37
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Заблокированная глава
Комментарии (6)
goodnovel comment avatar
Elleboj
thank you!
goodnovel comment avatar
ciaramay🫶
for sure si draco yang nkamasid sayo sugar at maghapon ka wala paramdam haha
goodnovel comment avatar
Magayon Garcia Ef
bakit lahat ng novel ang hindi maganda ang ending?
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 187

    DracoTahimik kaming pumasok ng bahay, at tulad ng nakagawian, dumiretso kami sa kwarto. Bitbit ko ang mga gamit ni Margaux habang siya naman ay pabagsak na humiga sa kama at nanatiling nakasayad ang mga paa sa sahig, mukhang pagod pero halatang masaya.“Magpahinga muna tayo saglit, Cupcake bago maglinis ng katawan,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko para hilahin ako sa tabi niya.Sumunod ako. Humiga ako sa tabi niya habang naunan ang aking ulo sa isa kong braso, habang ang isa naman ay nanatili sa gilid ko, sa pagitan naming dalawa.Hindi rin ako agad nagsalita. Ang isip ko, punong-puno ng mga detalyeng kanina ko pa binabalikan sa patio. Mga sulyap, kilos, at reaksyon ni Margareth na hindi ko basta-bastang maikakibit-balikat.“Cupcake?” tawag niya sa akin habang inabot ng kamay niya ang aking pisngi at hinagod iyon. “Okay ka lang ba?”“Oo naman,” mabilis kong sagot, pero hindi ko siya tiningnan.Napabuntong-hininga siya. “Cupcake, wag mo akong paikutin. Ang tahimik mo simula pa k

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 186

    DracoNasa patio na kami ngayon. Presko ang simoy ng hangin, may kaunting hampas ng malamig na hangin mula sa mga halaman at puno na nasa paligid. Ang liwanag ng araw ay malambot na bumabalot sa buong paligid, perpekto para sa isang tanghalian kasama ang pamilya.“Wow, Ma! Binalik mo ‘tong sinigang na ‘to ah!” bulalas ni Margaux habang inaabot ang mangkok. “Paborito ‘to ni Draco.”“Ay syempre! Dapat special, kasi kumpleto na tayo,” masayang tugon ng biyenan kong babae habang abalang naglalagay ng kanin sa plato ni Mr. Pinto.Nginitian ko si Margaux at tinapik ang kamay niya. “Ikaw lang ang sinigang ko,” bulong ko sa kanya.Napangiti siya. “Corny mo na naman.”Pero ngumiti rin siya nang mahaba.Tumingin ako kay Margareth. Tahimik lang siya, parang pinag-aaralan ang bawat isa sa amin habang nagsasalo. Hindi ko alam kung kinakabahan siya, o sadyang hindi pa sanay sa ganitong set-up. Nang subukan niya ang sinigang, napangiwi siya ng bahagya.“Maasim ba?” tanong agad ng biyenan ko.“Ha? Hi

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 185

    DracoNasa harap ko ngayon ang kakambal ni Margaux. Hindi ko alam kung bakit may bahagyang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Parang may hawak na salamin sa harap ko at pinapatingin ako sa isang bersyon ng asawa ko na hindi ko kilala.Kung titignan ay talagang magkamukhang-magkamukha sila, mula sa hugis ng mata, linya ng labi, at pati ang bahagyang pagtaas ng kilay kapag nagsasalita. As in, walang pinagkaiba. Sigurado akong kahit sinong makakita sa kanila na magkatabi ay malilito, lalo na kung pareho silang nakasuot ng iisang damit.“Kamusta, Draco,” bati niya sa ‘kin, nahimigan ko ang pag-aalangan niya dahil mukhang ngiming-ngimi ito.Napakurap pa ako ng marinig ko ang boses niya dahil... parehong-pareho rin ng kay Margaux.Sa isang iglap, parang may sumagi sa isip kong hindi ko agad mapangalanan. Pero kahit na ganun ang reaksyon ko sa loob-loob ko, pinilit kong huwag ipakita. Ayokong mahalata nila na nabigla ako.“Okay lang ba na sa pangalan na lang kita tawagin?” tanong p

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 184

    Margaux“Ang pogi naman ng asawa ko,” sambit ko kay Draco habang lumalabas siya ng walk-in closet. Hindi iyon ang nakasanayan kong coat and tie look niya. Casual lang siya ngayon, pero grabe ang dating. Isang simpleng gray na sweatshirt na nakalislis hanggang siko ang manggas at pinarisan niya ng cream na jogger pants. Ang gaan niyang tingnan. Parang binata lang ulit, mga twenty-something lang ang itsura, at sa totoo lang, parang ako yung naiilang sa gwapo niya.Napangiti siya nang makita niya akong nakatitig, tapos hinapit niya ako sa bewang at dinala sa isang marahang halik sa labi. Malambing, pero may lalim. Parang sinasabi ng halik na iyon na "asawa kita, akin ka, mahal kita."“Of course,” bulong niya matapos ang halik, “kailangan kong pantayan man lang ang kagandahan ng asawa ko kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin.”Natawa ako, pero kasabay noon ang marahang tibok ng puso ko. “Don’t worry,” sagot ko, sabay pisil sa mukha niya, “hinding-hindi ako magpapakuha sa iba… dahil kuhan

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 183

    Margaux“Sigurado ka ba?” tanong ko kay Draco matapos niyang sabihing maaari na raw kaming bumisita sa aking mga magulang at makilala ang aking kakambal. Nasa bahay lang kami noon—magkaharap sa lanai habang tinatamasa ang tahimik na hapon, sabay ng simpleng meryenda.Nakataas ang isang binti ko, nakapatong sa kanyang mga hita, habang banayad niyang hinahagod iyon gamit ang malambot niyang palad. Isa iyon sa mga bagay na palagi kong kinagigiliwan sa kanya. Ang mga simpleng haplos na tila ba laging may kasamang pangakong hindi niya ako iiwan.“Syempre naman. Bakit, parang hindi ka makapaniwala?” may pagtatakang tanong niya, sabay ngiti.“Akala ko kasi sobrang busy ka pa. Hindi pa ako handang agawan ng oras ang mga importanteng bagay sa'yo,” sagot ko, sabay kagat sa ibabang labi. May kaunting kaba sa dibdib ko hindi dahil sa takot, kundi sa anticipation."Ikaw ang pinaka-importante sa buhay ko, ang iba ay pangalawa lamang." Ngumiti ako sa sinabi niya. “Isa pa, okay na ang mga magulang ni

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 182

    MargauxDalawang linggo na ang matuling lumipas mula nang ilibing si Chiara. Ayon kay Draco, naiuwi na ng mga magulang niya ang bangkay ng anak sa Germany. Mahirap man sa kanila ang lahat, ramdam ko ang kaunting kapanatagan sa kanilang mga tinig nang makausap ko sila kahapon bago umalis ang mga ito.“Thank you, Margaux,” naiiyak na wika ng ina ni Chiara. "I know what she did was unforgivable. Our daughter has given you nothing but fear, but still, you forgive her. I hope she's happy wherever she is right now."Alam ko na walang kapatawaran ang takot na binigay sayo ng mga ginawa ng aming anak pero nagawa mo pa rin siyang patawarin. Sana ay maging payapa na siya ngayon."Ang sakit sa puso ko habang pinakikinggan ang bawat salitang may halong pagsisisi at lungkot. Gusto kong sabihin na wala silang kasalanan, pero alam kong kahit ilang salita pa ang banggitin ko, hindi na maibabalik si Chiara."If only we had found out that she was in a relationship with Joseph," pahabol ni Mr. Ode. "We w

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 181

    MargauxPagdating namin sa kumpanya ay nagtinginan na ang ibang empleyado sa lobby pa lang. Bakas ang pagtataka at pagkagulat sa kanilang mukha ngunit nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating na kami sa aking office.“Ito ang ating company,” nakangiti kong sabi kay Margareth matapos naming maupo sa aking maliit na receiving area. Napalingon siya sa paligid, halata sa mga mata niya ang halo ng paghanga at kaba.Tinanong ko siya kanina kung ayos lang ba na tawagin ko siyang "Margareth" at hindi naman daw siya tumutol. Pinoproseso na nina Dad ang lahat ng papeles niya kaya siguro ay tuluyan na siyang magiging parte ng pamilyang ito. Ng buhay ko.“Ang laki naman pala,” ani niya, may bahid ng pagkamangha ngunit halatang naiilang.Tahimik siyang tumitig sa paligid, tila hinuhulaan kung paano siya magfi-fit in sa mundong ito.“Dear, babalik ka sa pag-aaral mo,” biglang singit ni Mommy na may lambin

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 180

    DracoDahil wala namang kamag-anak si Chiara dito sa Pilipinas, ako na ang kusang tumayo bilang pamilya sa mga huling sandali niya. Ako ang nag-asikaso ng lahat, mula sa pakikipag-ugnayan sa ospital, sa mga papeles, hanggang sa mga detalye tungkol sa kanyang labi. Wala akong karapatang iwan siyang mag-isa kahit sa huli niyang pahinga. Kahit paano, gusto kong ibigay ang dignidad na karapat-dapat sa kanya. Yun man lang magawa ko dahil bali-baliktarin man ang pangyayari, niligtas pa rin niya ang buhay ko.Tahimik ang bawat araw pero mabigat. Hindi ako makapaniwala kung gaano kabilis nagbago ang lahat. Parang kailan lang, kausap ko pa siya. Wala sa isip ko na maaaring nasa likod siya ng lahat ng pagkamatay ng mga babaeng 'yon.Hinayaan ko munang makabalik sa trabaho si Sugar. Gusto ko siyang bigyan ng kahit konting normalcy sa gitna ng kaguluhan. Syempre, hindi ko pa rin siya pinababayaan. Kasama pa rin niya si Gustavo na sa palagay ko ay nakasundo na rin niya. Sigu

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 179

    Draco“How’s Chiara?” tanong ni Margaux habang nakaupo kami sa dining area. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal ngunit halatang wala sa pagkain ang atensyon niya, nasa akin at sa kinahinatnan ng lahat.Nabanggit ko na sa kanya ang nangyari kagabi, at kahit pa may galit siyang nararamdaman para kay Chiara, hindi niya rin naiwasang makaramdam ng lungkot para sa babaeng minsan ding naging bahagi ng buhay ko.“She’s gone,” mahina kong sagot, halos bulong.“What?” nanlaki ang kanyang mga mata, may halong gulat at disbelief.“She didn’t make it. Pagkarating namin sa ospital, wala na siya. Hindi na siya nailigtas,” dagdag ko, mabigat ang bawat salita.Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag-aalala, naging tahimik ang kanyang lungkot. Inabot ko ang kamay niyang may hawak pang tinidor, dahan-dahang pinisil iyon upang iparating ang aking pag-unawa.“

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status