Hmm.. mukhang magkikita sila ulit?
Margaux“Anak, mamayang dinner ay sa mga Alegre tayo ha. Kaya kung may pupuntahan ka this afternoon ay siguraduhin mo na makakabalik ka on time.”“Yes, Mom,” tugon ko sa aking ina. “At hindi naman po ako aalis. Dito lang ako sa bahay maghapon para mag-advance reading. Mahilig kasi magpa-quiz ang prof namin sa third subject kaya gusto ko ay lagi akong handa.”“Huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo, anak. Tandaan mo, masaya na kami ng Dad mo sa kung ano lang ang kaya mo.”“Oo nga naman, anak. Walang halaga sa amin ang kung anumang academic achievement mo kung alam namin na hindi ka masaya at napipilitan lang para mapaligaya kami.”“At nag second the motion pa nga si Dad,” sabi ko sabay iling at ngiti bago nagpatuloy.“Kaligayahan ko na malamang masaya kayo sa kung anumang pinaghirapan kong makuha. And yes, lagi kong tinatandaan na ienjoy lang ang pag-aaral.”“Mabuti na ang malinaw. Huwag kang mag-alala at ginagawa na namin ng Mommy mo ang lahat upang mapanatiling matatag at maayos
Margaux“Hi, Margaux!” masiglang bati ni Tita Samantha pagkakita sa akin. Kahit kailan talaga ay napakalambing niya.Nakipagbeso ako sa kanya bago sila naman ni Mommy. Mag bestfriends silang dalawa kaya naman lumaki akong laging nakikita si Sam na mabait sa akin noon at magkasundo naman kami hanggang sa sabihin ko nga sa harapan nila na gusto ko ang lalaki at tinukso na kami ng mga ito.Hindi nagustuhan ni Sam ang mga panunukso ng aming ina kaya naman iniwasan na ako nito simula noon. Ako naman, dahil bata pa ay binalewala lamang iyon at patuloy pa ring minahal ang lalaki kahit na halos ipagtulakan na ako nito palayo.“Halika kayo, pasok.” Kinawit ni Tita Samantha ang kanyang kamay sa aking braso habang papunta kami sa gilid ng kanilang bahay kung saan nadatnan namin ang iba pang kapatid ni Tito Dennis kasama ang pamilya ng mga ito.Kilala ko na sila dahil nga laging present ang aming pamilya sa kahit na anong okasyon sa kanila.“Umalis si Sam, ang sabi ay may susunduin lang. Akala ko
Margaux“Hindi kita pinilit sa relasyon na meron tayo, Sam.” Hindi ko napagilan ang sarili kong sumagot. Tumayo ako at tinignan siyang mabuti. Oo, nasasaktan ako sa mga nangyayari lalo na sa mga sinasabi niya.“Hindi ba at totoo namang habol ka ng habol sa akin?” nakangisi niyang tanong.“Oo, hinabol kita. Pero hindi ibig sabihin non ay niligawan kita. Ikaw ang lumapit sa akin para tayo magkaroon ng relasyon. Hindi kita pinilit, ni hindi kita sinabihan minsan man na gusto kitang maging boyfriend.”“At ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pag-a-I love you mo sa akin?” arogante pa rin niyang tanong.“Oo nga,” sabat naman ni Chloe. “Alam na alam sa buong school na ikaw ang habol ng habol kay Sam.”“Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginagawa mo sa kanya ngayon sa school? Hindi ba at ikaw ang habol na rin ng habol sa kanya ngayon? Kagaya ko noon, malamang na ikaw rin ang nang-aamo sa kanya sa tuwing mag-aaway kayo.”Natigilan si Chloe, ang akala niya yata ay hindi ko siya sasagutin.“Pero
Margaux“Tito!” bulalas ni Sam. Ano daw, Tito? Magtiyo sila? Ano ba naman itong napasukan ko?“Draco, mabuti naman at nakarating ka.” Tumayo si Tito Dennis para salubungin ang lalaki ngunit iniunat ng bagong dating ang kanyang braso upang pigilan ang matanda na makalapit sa kanya.“I think I misheard something. Last time I check, nasa pangalan ko ang bahay na ito.” Punong puno ng authority ang pagsasalita ni Draco alyas cupcake.Ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan sa past life ko para parusahan ako ng ganito? Sa dinami dami ng pwedeng maging tito ni Sam ay ang lalaki pang ito talaga?“Let's go, Margaux, Morgana.” Buti na lang at nagsalita si Dad. Iniumang niya ang kamay niya sa amin ni Mommy na tinanggap naman naming mag-ina.“And who are you?” baling sa amin ni Draco dahilan upang mapatigil kami sa paghakbang. Lumingon si Dad dito at nagpakilala ng maayos.“You don't have to talk to them, aalis na din sila.” Tinignan ni Draco ang kapatid ni Tito Dennis na nangmaliit sa amin kanina
MargauxIsang linggo mahigit ang lumipas at wala akong narinig na kahit na anong balita tungkol sa lalaki at masasabi kong ganon din ang aking ama dahil wala din naman siyang sinasabi.Si Sam naman ay madalas kong makasalubong sa loob ng university ngunit hindi ko na rin siya pinapansin. Wala akong panahon sa isang kagaya niya.Sobrang nadisappoint ako sa aking sarili dahil hindi ako makapaniwala na nagustuhan at kinamatayan ko ang isang lalaking katulad niya.At si Tito Dennis. Paano niyang naatim na masabi ang mga salitang yon? Ayon kay Dad ay mukha daw binalak ng mag-ama na ipahiya ako.Ang Mommy ko naman ay sising sisi na naging boto pa daw siya sa Samuel na yon.Hindi ko naman siya masisi lalo at best friend sila ni Tita Samantha. Hay naku, bakit ba hindi na lang sa kanya nagmana ang lalaki?“Hoy, babae. Bakit hindi mo kinwento sa akin ang nangyari sa inyo sa bahay nila Sam?” Nakataas ang kilay at naniningkit ang mga matang tanong ni Yvonne.Iyon pa talaga ang tinanong niya sa aki
Margaux“Hindi ko alam na may kasama pala tayo,” sabi ko ng makaupo na ako. Hindi ako mapakali dahil ramdam ko ang bawat titig niya sa akin.“Nakasabay namin siya ng Dad mo pagpasok. Ginutom na raw siya kaya naisipan niyang huminto dito at mag-isa lang siya kaya niyaya na namin,” mahabang paniwala ni Mommy.Naniniwala ako sa sinasabi ng aking ina, pero sa dahilan na ginamit ng lalaking katabi ko ngayon, mukhang hindi. Grabe naman coincidence ito! Pakiramdam ko ay sinadya niya ang mga pangyayaring lagi siyang present lalo na kung ang nakangisi niyang mukha ang sasalubong sa akin.“Mr. Pinto, if your daughter is uncomfortable with me around ay pwede naman akong lumipat ng ibang table.” Sus pasabi sabi pa ng ganon, if I know nagpapaawa lang siya sa mga magulang ko.“Pagpasensyahan mo na at ganyan talaga ang anak namin na yan. Bukod sa hindi siya sanay talaga na may kasabay na ibang tao ay hindi rin namin maalis sa kanya ang maging alangan sayo dahil nga sa tiyuhin ka ng lalaking ‘yon,” s
MargauxNaging mapangahas na ang lalaking ito. Habang feeling uncomfortable na ako at natatakot dahil baka mapansin na nila Mommy ang ginagawa niya ay nakangisi pa siya sa akin.“It's okay Mr. Pinto. Baka talagang natuyuan ng lalamunan si Su– I mean, Margaux.”Lintik talaga! Ang akala ko ay tagang bibigkasin niya ang salitang “sugar”. Kapag nagkataon ay baka naibuga ko sa mukha niya ang lahat ng tubig na kakainom ko lang.“Okay ka na ba, Margaux?” tanong pa ng h*******k na lalaki.“Opo, Tito.” Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa naging tugon ko. So, ayaw niyang tawagin ko siyang ganon? Pwes, humanda siya.Hindi naman na niya ako pinatulan at naramdaman ko ng nagretreat ang kanyang kamay sa mula sa ilalim ng aking palda.“I was meaning to ask you this, Mr. Pinto. Since kumpleto ang pamilya niyo dito, pwede ko bang malaman if you are willing to do business with me?”Nagkatinginan sila Mommy at Daddy sa tanong na yon ng lalaki. I know na gusto talaga nilang mangyari ‘yon at ‘yon din a
Margaux“Okay ka lang ba, anak?” tanong ni Mommy ng makaupo na siya. Sabay na sila ni Dad na nakabalik sa amin.“Yes, Mi. Bakit po?” patay malisya kong tanong.“Para lang kasing– wala naman.” Nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala pa. Malaya akong makipag-usap sa kanila dahil si Draco naman ang nagpunta sa restroom.Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko dahil sa naging desisyon ko. Pero ayaw kong ma-disappoint ang aking mga magulang.Hindi na rin naman masama si Draco. Mayaman, gwapo at mukhang matalino. Yun nga lang, may edad na.Hindi ko alam kung ilang taon na siya. Wala naman akong mapagtatanungan at nakakahiya naman tanungin din siya.Basta kapatid siya ni Tito Dennis at tiyuhin ni Sam kaya alam ko na matanda na siya.“Morgana, ano sa palagay mo ang offer ni Draco?” tanong ni Dad sa aking ina. Pangalan lang talaga ang tawagan nila sa isa't isa kaya naman nakokornihan ako sa “sugar” at “cupcake” namin ni Draco. Ano ba ang nakain niya at naisip ang bagay na yon? At ano rin a
Margaux“Nawawala ang kakambal mo,” sabi ni Daddy, halos pabulong. “Hindi mo alam dahil hindi namin pinapahalata sa'yo. Ayaw ka naming masaktan.”Napakunot ang noo ko. “Paanong nawawala? Ni hindi ko nga alam na may kambal pala ako!” bulalas ko, nanginginig ang tinig. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Nanginginig, nanlalamig, at naguguluhan.“Nang ipinanganak ka— ang ibig kong sabihin, kayo ng kambal mo... may kumuha sa kanya sa ospital. Isang araw pagkatapos ninyong isinilang.” Bumigat ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon, parang bumulusok ang mundo ko sa isang bangungot.Hindi ako agad nakaimik. Paanong nangyari ‘yon? Paanong sa mahabang panahon ay napaniwala nilang nag-iisa akong anak? At higit sa lahat— bakit kinuha ang kambal ko?“At hindi niyo siya hinanap?” agad kong tanong, halos pasigaw. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at pagkabigla.“Hinanap namin siya, anak. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya!
Margaux“Anak,” mahinang sabi ni Mommy, bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala habang parang itinulos sila sa kanilang kinatatayuan. Hindi ko gusto na makita silang ganon. Lumaki ako na palaging ang masayang mukha nila ang nakikita ko. Kung may pag-aalala man, iyon ay dulot ng ibang tao at hindi nila.“You need to tell me kung anuman ang tinatago niyo sa akin,” mariin kong sambit habang papalapit matapos kong maisara ang pinto, kasunod ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa office ka?” tanong ni Dad, halatang gustong ilihis ang usapan na ginawa niya lang sa tuwing nakakatunog ako sa surpresang gusto nilang ibigay sa akin.“I was worried,” sagot ko agad, hindi ko na nagawang itago ang panginginig ng tinig ko. “I overheard Rey talking to you over the phone. Mom called and said you’d be leaving for Maldives, pero maya-maya, narinig ko ‘yung assistant ko na pinag-iingat kayo sa Mindoro? Ano ba talaga? Saan kayo pupunta at bakit parang may hindi
MargauxPagkabuntong-hininga ng sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto, hindi na hinintay ang kumpletong paghinto nito. “Sunod ka na lang,” mariin kong sabi kay Gustavo, pilit na ikinukubli ang kaba at pananabik sa dibdib ko. Bumaba ako nang hindi man lang hinintay ang sagot niya ang nasa isip ko’y isang bagay lang. Makausap agad sina Mama at Papa.Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa bahay. Tahimik ang paligid, tila masyado ring kalmado para sa isang tahanang dati ay puno ng halakhak. Dumiretso ako sa sala, ngunit bigo akong makita roon ang mga magulang ko. Saglit akong napahinto, naglakad-lakad ng kaunti, at noon ko lamang napansin si Yaya Belen na pababa mula sa hagdanan, may dalang tray na may baso ng tubig.“Ma’am Margaux,” aniya, tila nagulat sa pagdating ko.“Yaya, nasaan sila Dad? Umalis ba sila? Wala sila sa sala,” tanong kong aligaga.“Nasa study room po, Ma’am. Kakahatid ko lang ng tubig kay Sir Rex. Nag-uusap sila ng inyong Mommy.”“Salamat. Pupun
MargauxAgad akong bumalik sa aking opisina, bitbit ang bigat ng narinig ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinipilit kong huwag ipahalata ang tensyon sa dibdib ko. Ayaw kong malaman ni Rey na narinig ko ang pakikipag-usap niya sa aking ama. Hindi dahil sa kung ano pa man, ayaw ko lang na maalarma din ang aking mga magulang at baka kung ano pa ang isipin.Pagkaupo ko sa swivel chair, agad akong sumandal. Ramdam ko ang bigat sa balikat ko. Pumikit ako habang marahang minasahe ang aking sentido parang gusto kong pigain ang mga tanong sa isip ko para may masagot man lang."Calm down, Margaux," bulong ko sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili at nagpakawala ng sunod sunod na paghinga.Pagdilat ko ng mga mata, marahan kong pinatong ang aking mga braso sa armrest, saka tumitig sa kawalan. Ilang minuto rin akong nanatiling tahimik. Dinig ko ang mahinang tunog ng aircon pati na ang pag tik tak ng orasan na dati naman ay parang wala naman.Hanggang sa unti-unting nabuo sa isip ko an
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa tu
Draco“Cupcake, may problema ba?” Napalingon ako sa papalapit na si Margaux. Nasa study room/office ako sa unang palapag lang ng aming bahay, hindi nalalayo sa living area at kasunod lang ng malaking sliding glass door papunta sa lanai.Ngumiti ako sa kanya at umiling bago ko inangat ang aking kamay upang ayain siyang lumapit sa akin at kumandong. Nasa office table ako at ayaw kong maupo siya sa upuang nasa harapan ko.“Wala naman,” tugon ko ng tuluyan na siyang makaupo. Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi.Simula ng mag-usap kami ni Joseph ay hindi na siya nawala sa isip ko. Nakisuyo na ako kay Gustavo na mag-assign ng taong susubaybay sa lalaki. Kinuha ko ang footage ng CCTV para may masimulan sila dahil wala naman akong idea sa kung saan ngayon ang lalaking ‘yon.Pero kahit na inaasikaso ko na iyon ay hindi pa rin ako matahimik. Nag-aalala ako para sa asawa ko.“Pero mukhang malalim ang iniisip mo ng makita kita dito…” tugon niya saba
Third PersonPinagmamasdan ng lalaki si Chiara habang mahimbing itong natutulog, waring payapa sa gitna ng kaguluhan ng damdamin niya. Nakahandusay ito sa tabi niya, hubad ang katawan, walang kamalay-malay sa bigat ng katotohanan na iyon, na kahit pa ilang ulit niyang angkinin ang babae, hindi pa rin niya ito ganap na makuha.Mahal niya si Chiara… ngunit sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang pangalang Draco sa gitna ng pagnanasa, ay parang binibiyak ang puso niyang pilit niyang pinatitigas.Sa sobrang sakit ay napuno ng galit ang kanyang dibdib. Pinukol niya ng malamig na tingin ang babae. Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang ipaalala na siya ang kasama nito ngayon, siya ang niyayakap nito tuwing gabi.Ngunit sa halip, nanatili siyang tahimik. Sapagkat kahit ilang ulit niyang sabihing kalimutan na si Chiara, ay hindi niya magawa. Para siyang ikinadena sa babaeng ito, kahit pa alam niyang hindi siya ang laman ng puso nito.Tahimik ang gabi. Tanging marahang hilik ni Chiara a
Third Person“You said walang ibang babae si Draco!” galit na sigaw ni Chiara sa lalaking kaharap, nanginginig ang boses sa pagitan ng hinanakit at pagkabigo.“I trusted you. I gave everything you asked. Lahat ng kaya kong ibigay! Tapos ganito lang? Malalaman ko na lang, kasal na sila ng babaeng ‘yon?” Halos mabingi ang paligid sa lakas ng kanyang boses, ang mga ugat niya sa leeg ay sumisilip na rin na konti na lang ay halos pumutok na.Napakuyom ang kamay ng lalaki, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Sino ba ang mag-aakala na magpapakasal siya? Tsaka, hindi ba mas mabuting ngayon mo pa lang nalaman mo na wala kang mapapala? Masakit man, Chiara, pero totoo, hindi ka niya minahal.”“Shut up!” sigaw niya, sabay hampas sa dibdib ng lalaki. Halos malagot ang hangin sa dibdib ng lalaki sa lakas ng kanyang pagkakahampas.“I hate you! You tricked me! I gave you my body! Nagpakababa ako just so I could make sure na wala siyang mapupuntahang babae. Just so I could stop him from being so
Draco“Talaga ba?” tanong niyang may nakakalokong ngisi habang bahagyang tumataas ang kaliwang kilay. Walang alinlangan siyang sumandal sa, sabay dekwatro ng mga binti. Relaks pero may bahid ng pang-uuyam ang kilos niya. Hindi niya inaalis ang titig sa akin, waring inaabangan ang pinakamaliit kong reaksyon.Ramdam kong may binabalak siya. At kung tama ang hinala ko ay maaaring mabanggit niya si Margaux. Tiyak kong hindi lang basta muling pagdalaw ang pakay niya. Hindi ako magiging kampante at mas lalong hinid ko siya tatantanan.Matagal na rin simula nang huli naming pagkikita. Sampung taon na ang lumipas, pero hindi siya nagparamdam ni minsan. Wala akong narinig kahit anino ng balita tungkol sa kanya at sadyang pinili kong huwag nang alamin pa ang mga pangyayari sa buhay niya dahil naisip ko na wala na rin namang mangyayari.Nakailang beses na akong ipaliwanag sa kanya ang ginawa ng kanyang ama ngunit naging bingi at bulag ito. At kahit na matalik ko na siyang kaibigan ng mga panahon