Share

KABANATA 4

Penulis: Cassiopea
Hindi nag-abalang mag-angat ng tingin si Isla.

Hindi niya alam na kay dilim ng ekspresyon ni Lucas nang mga sandaling iyon. Ang tanging naramdaman niya lang ay ang bigat ng tingin sa kaniya ng lalaki na naging dahilan para manginig ang kaniyang laman. Gusto niya na namang tumakas.

Kaya naman agad na siyang tumalikod at lumabas ng pantry.

Nang makita ni Lucas ang ginhawa sa mukha ni Isla nang siya'y paalis na, humigpit ang hawak niya sa tasa ng kape.

Tanda niya pa na ayaw ng babae sa iced americano dati. Aniya, masyado iyong mapait sa panlasa niya.

Pero ngayon ay umiinom na siya nito.

Hindi namalayan ni Lucas na nakatitig lang pala siya sa likod ng papalayong Isla. Sari-saring emosyon ang bumakas sa namumula niyang mga mata. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili niya. Pagkatapos ay mahina siyang napamura.

Nang makabalik siya sa kaniyang opisina ay nilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si River.

“Hey, Lucas. Is there something wrong?”

“Who did Isla marry?”

Sa kabilang linya, napaawang ang bibig ni River nang marinig ang tanong ni Lucas. Hindi siya sigurado kung bakit nito iyon tinanong. Pero sumagot pa rin siya. “Hindi ko alam. Sa ibang bansa kasi siya ikinasal. Ang sabi niya, nang malaman niyang buntis siya, agad silang nagpakasal. Pero hindi ko pa nami-meet ’yong asawa niya hanggang ngayon.”

“When was that?”

Natahimik si River. Nautal pa ito nang ilang sandali kaya naman humugot siya ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “Well, right after you broke up, I heard Isla went abroad with her husband.”

Hindi na nagtangka pang dagdagan ni River ang sinabi.

Nagpakasal at nabuntis si Isla pagkatapos na pagkatapos ng hiwalayan nila ni Lucas.

At kahit na hindi sineryoso ni Lucas si Isla noon, mahirap siguro rito na malaman na niloko siya ni Isla.

Gusto pa sana muling magsalita ni River ngunit ibinaba na ni Lucas ang tawag.

Nang marinig niya ang sensyales na wala na ang tawag ay saka lamang nakahinga nang maluwag si River.

Dahil kung patuloy siyang tinadtad ng tanong ni Lucas, hindi niya na alam kung ano pang isasagot niya rito.

Nang makapag-isip-isip siya, hindi na niya napigilang i-text si Isla.

[Tinanong ako ni Lucas tungkol sa asawa mo.]

Nagulat siya nang agad na mag-reply si Isla.

[Sinabi mo sanang hindi bakla ang asawa ko.]

Kumunot ang noo ni River sa sagot ng babae.

[What do you mean by that?]

Gusto niya sanang tanungin kung anong nangyari nang muling nagtagpo ang landas ng dalawa. Pero napagdesisThomasn niya na lang na huwag makialam.

Patapos na ang araw at hindi tumitigil si Lucas sa pagtingin ng emails niya. Ngunit walang bago roon.

Nang maalala ni Isla ang nangyari kagabi ay napagdesisThomasn niyang mag-clock out sa trabaho sa tamang oras.

Kaya naman nang makita siya ni Cheska na nag-shutdown ng desktop ay nagulat ito. “Hindi ka ba mag-o-overtime ngayon?”

“Uh… nope. Gusto kong umuwi nang maaga ngayon para makabawi sa anak ko.”

Patuloy na nagkwentuhan at nagtawanan ang dalawa habang papunta sa elevator. Ngunit hindi nila inaasahang makikita nila si Lucas matapos nilang hindi ito makita buong araw.

Agad na napatigil sa pagtawa sina Cheska at Isla saka kinakabahang tumabi sa gilid.

Buti na lang at hindi sila napansin ni Lucas. Nakasuot kasi ito ng bluetooth earphones, mukhang may kausap sa cellphone.

“I know. I’ll definitely come back to have dinner with you tonight.”

“Yeah, don’t worry. I’ll remember to buy you flowers, ” kalmado at may lambing sa boses nito habang nakikipag-usap sa tao sa kabilang linya. Mukhang napakahalagang tao nito sa kaniya.

Ang ganoong boses ni Lucas ay naririnig lamang ni Isla kapag nilalambing siya nito sa kama.

Mukhang ang tao sa kabilang linya ay ang babaeng nag-iwan ng pulang marka sa leeg ng lalaki.

Nang bumukas ang elevator ay naunang lumabas si Lucas.

Napahawak si Cheska sa dibdib niya.

“Mukhang girlfriend ni Mr. Montenegro ang kausap niya kanina, ’no? Napakakalmado. Mukha siyang tigre sa ibang tao pero nanlalambot pagdating sa babaeng mahal niya. Hayy! Sanaol!”

Saglit na natigilan si Isla sa sinabi ni Cheska. “Siguro, ” lutang niyang sagot.

Marahan niyang tinanggihan ang alok ni Cheska na ihatid siya sa kanilang apartment. Mas pinili niyang makipagsiksikan na lang sa train station.

Puno-puno ng mga tao ang train station.

Nang bigla niyang maalala ang text ni River kanina.

Siguro ay noong ipinakilala sila ni Dustin nang kaswal nitong nabanggit ang tungkol sa family situation niya.

Dati, isa sa mga supervisor ni Isla ang nag-akala na dahil sa kaniyang ganda ay isa siyang anak-mayaman kaya naman hindi siya nito ikinonsider for promotions or salary raise.

Si Dustin mismo ang tumulong sa kaniya. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya rito.

Ngunit bahagyang nagulat si Isla nang malamang nagtanong si Lucas tungkol sa asawa niya.

Ang totoo niyan, wala naman talaga siyang asawa.

Nang dinala niya ang ama abroad para sa pagpapagamot nito, may nakilala siyang isa ring pasyente sa eroplano.

Ang hiling ng pareho nilang mga magulang ay ang makita nila ang mga anak nilang ikasal bago sila mamatay.

Kaya naman pumayag si Isla at ang anak ng pasyenteng nakilala sa hiling ng mga ito.

At nang pumanaw na ang dalawa, hindi na sila muling nagkita ng taong ’yon.

Nakasanayan na ni Isla na sabihing kasal na siya sa tuwing tinatanong siya tungkol sa marital status niya.

Nang mga panahong iyon, isinilang niya na si Tilly.

Sa panahon kasi ngayon, ang mga babaeng iniwan ng asawa ay kinakaawaan kadalasan.

At ang mga babae na nabuntis nang hindi pa kinakasal tapos walang maipakilalang ama ng bata ay hinuhusgahan.

Walang pakialam si Isla kung matsismis siyang ganoon. Pero ayaw niyang mahusgahan ang anak niya.

Kahit na hindi niya kailangan ng lalaking tatayo bilang ama ng anak niya, kailangan pa rin ni Tilly ng isa kahit sa papel lang.

Kahit anong mangyari, hinding-hindi sasabihin ni Isla ang katotohanan kay Lucas.

Ang isang pamilya katulad ng mga Montenegro kapag nalaman na may anak si Lucas sa kaniya ay maaari nilang kunin si Tilly sa kaniya. O ’di kaya naman ay ipapahiya siya ng mga ito at ang kaniyang anak.

Posible ang kahit ano.

Patriarchal ang pamilya Montenegro. Kaya kahit na kunin nila si Tilly sa kaniya, hindi siya sigurado kung papahalagahan ba siya ng mga ito.

Ilang beses nang nakakita si Isla ng mga mayayamang pamilyang nag-aaway dahil sa mga bata. Kaya naman tinubuan siya ng tinik sa puso dahil dito.

Wala siyang pakialam kung anong motibo ni Lucas.

Nakatutok lang siya sa kapakanan ng anak niya.

***

Sa mansyon ng mga Montenegro…

Inabot ni Lucas sa ina ang hawak na isang pumpon ng mga pulang rosas. Naghihintay ito sa kaniya sa hapagkainan.

“Here are the flowers that you wanted, ” kaswal na sabi ni Lucas.

Malawak ang ngiting tinanggap iyon ni Selena. Ngunit bahagyang tumaas ang kilay niya. “Anong ‘I wanted’ ang pinagsasabi mo r’yan? Ni hindi ka pa nga umuuwi rito simula nang makauwi ka galing ibang bansa kung hindi pa kita kukulitin. Nakalimutan mo na bang may ina ka?”

Hindi pinansin ni Lucas ang paghihimutok ng kaniyang ina. “I need to wash my hands, ” aniya saka tumalikod at nagtungo sa banyo.

“You brat!” singhal ni Selena bago muling ngumiti saka iniabot sa isang babae ang pumpon ng mga rosas. “Here, Claudia. Lucas bought these flowers for you. These kind of flowers are more for young people. I’m already old na!”

Agad na namula si Claudia sa narinig.

Hindi niya kinuha ang pumpon ng bulaklak. Napukol kasi ang kaniyang tingin kay Lucas na kakalabas lang sa banyo. Napakagat labi siya bago ibinalik ang tingin sa matandang babae. “Tita, ano ka ba? These are from Lucas to you. It wouldn’t be appropriate for me to accept them. At isa pa, you’re in your prime kaya. How can you be old?”

Bumakas ang wrinkles sa mukha ni Selena nang matawa siya.

Kahit kailan talaga ay ang ganda sa pandinig ng mga salitang binibitawan ni Claudia kung ikukumpara sa lumalabas sa bibig ng kaniyang anak.

“Oh, c’mon. Take it. It was originally bought for you.” Nang marinig ni Selena na pupunta si Claudia ngayon, agad siyang nakaisip na pabilhin si Lucas ng bulaklak pagbalik niya rito.

Magaling si Lucas sa kahit saang larangan. Kaya lang walang kakulay-kulay ang buhay pag-ibig nito. Mukhang wala itong interes sa bandang iyon kaya naman labis ang pag-aalala niya.

Si Lucas ang pinakaunang apo ng mga Montenegro sa henerasyong ito.

Siya rin ang nag-iisang anak na lalaki ng pinakamatandang sangay ng pamilyang ito. Ang pinakamatandang Montenegro ay may tatlong anak na lalaki at apat na apong lalaki at isang apong babae. At wala ni isa sa kanila ang may asawa.

Okay lang sa kanila na wala pang mga asawa ang mga nakakabatang Montenegro. Ngunit hindi nila maisawalang-bahala ang pagiging single ni Lucas hanggang ngayon.

At dahil nag-iisang lalaki lang si Lucas, umaasa ang kaniyang ina na magkakaanak na siya sa lalong madaling panahon.

Ang mga mata ni Claudia ay nakatutok lang kay Lucas.

Hindi niya maiwasan dahil sa kakaibang awra na lumalabas sa paligid ng lalaki. Para itong Greek god na bumaba sa lupa.

“Lucas, okay lang ba kung tanggapin ko ang mga bulaklak na ’to?”

“You better not.” Binalingan ng tingin ni Lucas si Claudia na ngayo’y namumula na sa kahihiyan. “I didn’t buy those flowers for you. If you want them, go buy yourself some.”

Napakagat-labi si Claudia saka biglang nagtanong, “Lucas, have you still not gotten over Isla?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ire Ne
hayy naku may kontrabida pala
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 459

    Prominent ang cheekbones at jawline ni Lucas.Sa ilalim ng courtyard lights, mas naging distinct ang sharp lines ng mukha niya, dahilan para magmukha siyang naturally stern kahit wala naman siyang ginagawa.Sandaling tinitigan siya ni Isla.Maraming taon na ang nakalipas, noong bored siya, tinuruan siya ng grandmother niya nang kaunti tungkol sa traditional face reading.Noong panahong iyon, minsan niyang secretly pinag-aralan ang mukha ni Lucas.Ipinapahiwatig ng features niya na maaga siyang nagkaroon ng discord sa parents niya.Kahit ipinanganak siya sa wealthy family, hindi necessarily naging madali ang buhay niya.Poor ang luck niya pagdating sa siblings.Domineering ang elders niya.At hindi rin siya particularly pampered noong childhood.Pero may isang aspect na unusually good.Ang relationship area ng mukha niya.Base sa natutunan ni Isla, ipinapahiwatig ng parteng iyon ng mukha niya ang harmony sa pagitan ng husband at wife, stable marriage, at isang spouse na magtatrato sa ka

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 458

    Lumingon si Isla.Sinalubong niya ang malalim na mga mata ni Lucas.Parang dala pa rin nito ang malamig na hangin mula sa labas, nakatayo roon na parang isang statue.Sumunod sa kanya papasok ang lamig, bahagyang nakakapit sa shoulders at dark hair niya ang malamig na ambon. Hindi mabasa ang expression niya, pero may bigat sa gaze niya na agad nagpa-realize kay Isla na malamang higit pa sa ilang salita ang narinig nito.Nakasukbit sa braso niya ang coat na pinili ni Isla para sa kanya noong araw.Nakatayo sa likod niya si Charles.Nagmamadali itong pumunta roon sa sandaling malaman nitong nasa main family residence si Kate.Ang hindi niya inasahan ay makitang nakatayo si Lucas sa labas ng living room sa halip na pumasok.Kakalapit pa lamang ni Charles nang marinig niya mula sa loob ang boses ni Isla.Tinatanong nito si Kate kung, noong panahon na iyon, naisip man lang ba niya ang children niya bago gawin ang ginawa niya.Sandaling natigil si Charles.Pagkatapos ay itinulak niyang bumuk

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 457

    Kaya pa rin niyang mag-work nang maayos sa ganoong atmosphere, lalo na sa intermittent na paghagulgol ni Kate.Compared sa deafening machines sa factory, halos background noise lang ang iyak ni Kate.Matapos pakinggan iyon nang ilang sandali, napaisip pa si Isla na actually, maganda naman ang boses ni Kate.Clear.Powerful.Kayang umabot sa buong room nang hindi paos.After all, isa siyang leading actress noon.Clearly, hindi nasayang ang years of vocal training niya.Sa wakas, sumuko na si Kate sa pag-iyak.Tumayo siya mula sa floor, pinantay ang mga gusot sa skirt niya, inayos ang buhok na para bang walang humiliating na nangyari, pagkatapos ay lumapit at mabigat na umupo sa sofa sa tabi ni Isla.Naningkit ang mga mata niya.“Quite clever ka.”Napatingin si Isla sa kanya.Lumapit pa si Kate.“Deliberately mong pinaalis si Selena para may malaman kang secret mula sa akin, right?”Blankly siyang tinitigan ni Isla.“Anong secret ang kailangan kong malaman?”Genuine ang confusion niya.H

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 456

    Hindi pababayaan ng pamilya Montenegro ang sarili nitong bloodline.Iyon ang isang bagay na alam na alam ni Kate.Gaano man karaming conflict ang mangyari sa loob ng family, gaano man ka-disappointing ang maging isang member nito, hindi kailanman tuluyang iiwan ng pamilya Montenegro ang isang taong may dugo nila nang wala man lang mapuntahan.Pero hindi ibig sabihin noon na walang consequences.Nasa family estate pa rin sina Lander at Hannah.Hindi sila kailanman ibinalik sa main residence.Officially, sinasabi ng lahat na maayos silang inaalagaan. May food, clothing, doctors, at household staff na nag-aasikaso sa daily needs nila.Pero alam ng lahat sa loob ng pamilya Montenegro kung ano talaga ang ibig sabihin noon.Imprisonment iyon.Maaari silang mabuhay.Pero hanggang doon lang.Sa mga araw na iyon, achievement na ang simpleng makaligtas nang mapayapa. Paano pa nila magagawang pagnasaan ang wealth ng pamilya Montenegro, lalo na ang makialam sa family affairs?Mas alam iyon ni Kate

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 455

    “Maayos naman ang son at daughter-in-law ko, pero parang may problema kayong lahat doon. Lagi kayong nagmamadaling sipain sila kapag down sila!”Hindi na restrained ang boses ni Selena.Direktang tinutukoy ng mga salitang iyon ang previous outbursts ni Kate sa harap ng media.Kahit mabilis na na-handle ng pamilya Montenegro ang incident, inalis ang pinaka-malicious na speculation at pinigilan ang pinaka-exaggerated na rumors, may mga traces pa ring natitira online.May mga screenshots nang na-save.May mga discussions pa ring umiikot.Kapag may isang bagay nang napunta sa internet, halos imposibleng burahin iyon nang tuluyan.Naturally, naintindihan ni Kate kung ano ang ibig sabihin ni Selena.Dumaan ang trace of guilt sa mga mata niya.Agad niyang iniwas ang tingin at nag-roll ng eyes, nagpapanggap na wala siyang pakialam.“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Selena. Huwag kang magalit.”Bahagyang lumambot ang tono niya.“Gusto ko lang itanong kung ano ba talaga ang ibig sabihin n

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 454

    Kumalat sa hangin ang mabangong aroma ng rose tea.Tahimik na nakaupo si Isla sa maliit na table, humihigop ng tea habang sumasagot sa messages sa phone niya.Deliberately siyang dinala rito ng household staff sa halip na diretsong ihatid sa living room.Most likely, arrangement iyon ni Selena.Pinapunta siya rito, pero malinaw namang hindi kailangan na masyado siyang maagang pumasok.Kung papasok siya ngayon, madadamay lang siya sa kung anumang argument ang nangyayari sa loob.Mas mabuting umupo muna siya sa labas.Kung kailangan, puwede pa niyang magkunwaring late siyang dumating.Mula sa living room, malinaw na narinig ang paghikbi ni Kate.“Bakit ganito kamiserable ang buhay ko!”Sandaling natigil si Isla, pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagtingin sa phone niya.Sa loob, lalong lumakas ang boses ni Kate.“Bakit? Bakit sa tingin mo? Bakit kailangang ibigay kay Lucas ang shares ni Lacson? Mahigit fifty percent na nga ang shares ni Lucas! Sa buong board, sino pa ba ang kayang kumontra

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status