Share

KABANATA 3

Author: Cassiopea
Nag-grab na lang si Isla pauwi. Nang makarating siya sa kanilang apartment ay agad siyang nagtungo sa banyo para magbuhos. Nang matapos ay marahan siyang naglakad papunta sa isang maliit na silid kung saan natutulog ang kaniyang ina at anak.

Naalimpungatan si Melinda, ang nanay ni Isla. “Bakit late na late ka nang nakauwi? Nagugutom ka ba? Pagluluto kita ng ramen, ” mahinang tanong nito sa anak.

Akmang babangon na ito sa kaniyang pagkakahiga.

Ngunit agad siyang pinigilan ni Isla. “Kumain na ako, Ma. Matulog na kayo ulit.”

Hindi kalaunan ay muling nakatulog ang ina. Para hindi maistorbo sa pagtatrabaho si Isla, madalas ay itinatabi ni Melinda sa pagtulog ang kaniyang apo na si Tilly.

Nang ma-bankrupt nang tuluyan ang negosyo ng pamilya nila, umupa si Isla, kasama ang kaniyang ina at anak, sa isang mumurahing apartment na malapit sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

Nagtungo si Isla sa kusina para magluto ng instant noodles. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw. Napatingin siya sa pumasok na mensahe sa kaniyang cellphone.

Ang website forum ng kumpanya ay tuluyan nang pinamahalaan ni Lucas. Agad na tumambad sa kaniyang screen ang pagmumukha ni Lucas. Bilang isang bagong boss, at sa kaniyang kagwapuhan, napuno ang forum ng mga litrato ni Lucas mula sa kaniyang mga katrabaho.

Napadami agad ang nahalungkat ng mga kasamahan niya tungkol sa lalaki, at lahat ng mga bagay na iyon ay puro papuri. Pero isang pahayag lang ang nakakuha ng atensyon ni Isla.

Nagtrabaho siya ng part-time sa unibersidad. At pagkatapos ng graduation, nang walang anumang suporta sa pamilya, itinatag niya ang MetroCore Financial, naging pinakabatang bilyonaryo sa Asya at ang tanging kinikilalang publiko na tagapagmana ng kapalaran ng pamilya Montenegro.

Part-time job sa unibersidad?

Sa loob ng mga taong ’yon, akala niya ay mahirap si Lucas kaya lagi niyang pinoprotektahan ang pride nito. Naging maingat siya sa paggasta ng pera para sa kaniya dahil ayaw niyang manliit ang lalaki. Ngayon, nalaman niya na mayaman na pala ito noon pa man.

Muling naalala ni Isla ang mga salitang lumabas sa bibig ni Lucas ilang taon na ang nakakalipas. “Actually, hindi naman ako seryoso kay Isla.”

At totoo nga iyon. Noon pa man, magkaiba na sila ng mundo.

He was reserved and noble, academically excellent, the highest scorer to enter Stan University that year, studying Stan University’s top-ranked major.

While she was carefree and impulsive, uninterested in academics, admitted to Stan University only after enrollment expanded, and entered the art program with a very low score.

At mananatiling magkaiba ang mundo nila ngayon at sa hinaharap. Kahit pa nasa mataas na posisyon siya ngayon sa kumpanya, malayo pa rin siya sa posisyong kinaroroonan ni Lucas. Dahil ang isang babaeng gaya niya ay isa lamang hamak na empleyado, at hinding-hindi niya kayang abutin ang lalaki.

Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib, parang may pumiga roon. Nabalik na lamang siya sa ulirat nang umabot sa kaniya ang singaw na nagmumula sa instant noodles.

Nag-log out na si Isla sa forum at saka nagmamadaling kinain ang noodles.

---

Kinabukasan, inannounce na ni Dustin ang tungkol sa bagong overtime pay policy sa group chat ng mga empleyado.

Dahil ang bagong policy ay ia-apply lang sa mga trabaho matapos ang hatinggabi, kaunti lang ang empleyadong naapektuhan nito. At isa pa, kaunti lang naman kasi ang nag-o-overtime sa ganoong oras.

Agad na nandilim ang mukha ni Isla.

Napatingin ang isa sa katrabaho ni Isla na si Cheska sa kaniya at marahang bumulong, “Isla, ibig sabihin ba n’on mababawasan ang sahod mo ngayong cut-off?”

Isa si Cheska sa mga nakakaalam sa financial situation ni Isla. Noong una, akala niya kung bakit napakasipag nitong magtrabaho sa kabila ng murang edad ay dahil nagpapasikat ito, kaya hindi niya ito gusto. Ngunit kalaunan, nalaman niyang ang kinikita ni Isla ay napupunta sa pambayad ng gamot ng nanay at anak nito, family expenses, at pambayad utang, kaya halos wala nang natitira.

Palaging nag-o-overtime si Isla dahil pandagdag din ’yon. Pero kung hindi na pwede ang overtime, mababawasan ang dati niyang kinikita.

Kinalabit ni Cheska si Isla. “Bakit hindi mo subukang kausapin si Mr. Montenegro? Ipaliwanag mo ang sitwasyon mo. Siguro naman, kapag nalaman niya ang kalagayan mo, pagbigyan ka niyang mag-OT with pay kahit ngayong buwan lang.”

Kausapin si Lucas?

Anong sasabihin niya rito? Na desperada siya para sa ilang daang piso na OT pay kaya kailangan niyang magmakaawa para payagan siyang mag-overtime? Kahit pa sabihing papayagan siya ng boss, hinding-hindi niya iyon gagawin.

Napabuntong-hininga si Isla. “Okay lang. Pwede naman akong maghanap ng part-time job. At saka mabuti na rin ’yon, mas maaga akong makakauwi sa anak ko.”

Nang maalala ni Cheska ang anak ni Isla, agad siyang napaayos ng upo. “By the way, may mga damit ’yong anak ko na maliit na sa kaniya. Gusto mo bang ibigay ko na lang sa anak mo? Don’t worry, minsan lang naman silang nasuot.”

Dati, hinding-hindi magsusuot si Isla ng damit na pinaglumaan na ng iba. Pero iba na ngayon. Ang mga suot niya ay mula pa bago sila ma-bankrupt. Saan siya kukuha ng pera para bumili ng bago?

Ngumiti si Isla. “Sure! Mas okay ang damit ng mga bata kapag nasuot na, mas malambot ang tela. Maraming salamat, Cheska.”

May kaya ang pamilya ni Cheska. May sasakyan pa itong gamit papunta sa trabaho, kaya sigurado siyang branded ang mga damit na tinutukoy nito. Iuuwi niya ang mga iyon, lalabhan, at ipapasuot kay Tilly. Para sa kaniya, napakalaking bagay na iyon.

Nang makita ang tuwa sa mukha ni Isla, napahinga nang maluwag si Cheska. Nag-aalala kasi siya na baka ma-offend ito. Gusto niya lang talagang tumulong. Alam niyang mao-offend si Isla kapag nag-alok siyang bilhan ng bagong damit ang anak nito, kaya ginawang regalo na lang ang mga outgrown clothes.

After all, nasa iisang kumpanya lang naman sila nagtatrabaho.

Ayaw na sana ni Isla na makadaupang-palad pa si Lucas, ngunit alam niyang malabo iyon. Dahil maikli lang ang tulog niya kagabi, pumunta siya sa pantry para magtimpla ng kape. Pag-angat niya ng tingin, nabigla siya nang makita ang lalaking nakatayo malapit sa kaniya.

Hindi maliit ang pantry, pero sa laking tao ni Lucas ay parang biglang sumikip ang espasyo. Pakiramdam ni Isla ay sinasakal siya sa mga sandaling iyon.

Hindi magandang umalis ngayon, kaya pinilit niyang magpakatatag. Bahagya niyang ibinaba ang tingin at bumati. “Good morning, Mr. Montenegro.”

Pinaraanan lang siya ng tingin ni Lucas. Wala itong intensyong kausapin siya. Ngunit hindi rin ito nagpapakitang aalis.

Nang matapos gumawa ng iced coffee si Isla, naghanda na siyang umalis ng pantry.

“Is the proposal already revised?” malamig na tanong ni Lucas.

Humigpit ang hawak ni Isla sa baso at bahagyang napaatras. “Yes, Mr. Montenegro. I’ll bring you the revised version later.”

Sa ipinakita ni Isla, para bang isang halimaw si Lucas na kinatatakutan ng lahat.

“No need. Just send it via email. I don’t want to have too much contact with you.”

Singlamig ng yelo ang boses nito. Bahagya itong sumandal sa pader habang nasa bulsa ang mga kamay.

Napatitig si Isla sa trousers at sapatos nito. Unti-unting umangat ang tingin niya sa custom-made suit at mamahaling belt. Lalo tuloy nagmukhang aristocrat ang lalaki.

Kahit matagal nang na-bankrupt ang pamilya niya, alam ni Isla na ang kabuuang suot ni Lucas ngayon ay nagkakahalagang daan-daang libong piso. To say the least.

Siguro dahil sa bigla nitong paggalaw, hindi namalayan ni Isla na napatitig na pala siya sa ibaba ng belt ng lalaki. Hindi maikakaila ang size nito.

Nang matauhan siya, agad niyang naramdaman ang pamumula ng kaniyang mukha kaya dali-dali siyang nag-iwas ng tingin.

Noong sila pa, hindi niya maitatangging naging mapusok silang dalawa. Hindi sila nag-ingat. Dala ng kabataan at kyuryusidad, sinubukan nila ang lahat, at ang resulta noon ay ang pagbubuntis niya. Ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan. Biyaya iyon mula sa itaas, at habang buhay niya iyong ipagpapasalamat at papahalagahan.

Nang muling umangat ang tingin ni Isla, natigil ito sa pulang marka sa leeg ni Lucas. Masasabi agad ng isang may sapat na gulang kung saan iyon nagmula.

Ayaw na ayaw dati ni Lucas kapag nag-iiwan siya ng pulang marka sa leeg nito. Sabi nito, ayaw niyang makita iyon ng iba. Pero ngayon, ibinabalandra na nito iyon sa kumpanya.

Well, hindi na iyon nakakagulat. Ang isang lalaking katulad ni Lucas ay hindi kailanman mawawalan ng babae. Wala iyong pinagkaiba noong nag-aaral pa lamang sila. Lalo na ngayong opisyal na siyang tagapagmana ng mga Montenegro, siguradong napakaraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya.

Palihim na napabuntong-hininga si Isla.

Ayaw na siyang makasalamuha ng lalaki. At ganoon din siya.

Pigil ang nakakasakal na kirot sa kaniyang puso, pinilit ni Isla na ngumiti. “The feeling’s the same. Besides work, I don’t think I need to have any interaction with you, Mr. Montenegro.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ire Ne
ang sakit naman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 459

    Prominent ang cheekbones at jawline ni Lucas.Sa ilalim ng courtyard lights, mas naging distinct ang sharp lines ng mukha niya, dahilan para magmukha siyang naturally stern kahit wala naman siyang ginagawa.Sandaling tinitigan siya ni Isla.Maraming taon na ang nakalipas, noong bored siya, tinuruan siya ng grandmother niya nang kaunti tungkol sa traditional face reading.Noong panahong iyon, minsan niyang secretly pinag-aralan ang mukha ni Lucas.Ipinapahiwatig ng features niya na maaga siyang nagkaroon ng discord sa parents niya.Kahit ipinanganak siya sa wealthy family, hindi necessarily naging madali ang buhay niya.Poor ang luck niya pagdating sa siblings.Domineering ang elders niya.At hindi rin siya particularly pampered noong childhood.Pero may isang aspect na unusually good.Ang relationship area ng mukha niya.Base sa natutunan ni Isla, ipinapahiwatig ng parteng iyon ng mukha niya ang harmony sa pagitan ng husband at wife, stable marriage, at isang spouse na magtatrato sa ka

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 458

    Lumingon si Isla.Sinalubong niya ang malalim na mga mata ni Lucas.Parang dala pa rin nito ang malamig na hangin mula sa labas, nakatayo roon na parang isang statue.Sumunod sa kanya papasok ang lamig, bahagyang nakakapit sa shoulders at dark hair niya ang malamig na ambon. Hindi mabasa ang expression niya, pero may bigat sa gaze niya na agad nagpa-realize kay Isla na malamang higit pa sa ilang salita ang narinig nito.Nakasukbit sa braso niya ang coat na pinili ni Isla para sa kanya noong araw.Nakatayo sa likod niya si Charles.Nagmamadali itong pumunta roon sa sandaling malaman nitong nasa main family residence si Kate.Ang hindi niya inasahan ay makitang nakatayo si Lucas sa labas ng living room sa halip na pumasok.Kakalapit pa lamang ni Charles nang marinig niya mula sa loob ang boses ni Isla.Tinatanong nito si Kate kung, noong panahon na iyon, naisip man lang ba niya ang children niya bago gawin ang ginawa niya.Sandaling natigil si Charles.Pagkatapos ay itinulak niyang bumuk

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 457

    Kaya pa rin niyang mag-work nang maayos sa ganoong atmosphere, lalo na sa intermittent na paghagulgol ni Kate.Compared sa deafening machines sa factory, halos background noise lang ang iyak ni Kate.Matapos pakinggan iyon nang ilang sandali, napaisip pa si Isla na actually, maganda naman ang boses ni Kate.Clear.Powerful.Kayang umabot sa buong room nang hindi paos.After all, isa siyang leading actress noon.Clearly, hindi nasayang ang years of vocal training niya.Sa wakas, sumuko na si Kate sa pag-iyak.Tumayo siya mula sa floor, pinantay ang mga gusot sa skirt niya, inayos ang buhok na para bang walang humiliating na nangyari, pagkatapos ay lumapit at mabigat na umupo sa sofa sa tabi ni Isla.Naningkit ang mga mata niya.“Quite clever ka.”Napatingin si Isla sa kanya.Lumapit pa si Kate.“Deliberately mong pinaalis si Selena para may malaman kang secret mula sa akin, right?”Blankly siyang tinitigan ni Isla.“Anong secret ang kailangan kong malaman?”Genuine ang confusion niya.H

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 456

    Hindi pababayaan ng pamilya Montenegro ang sarili nitong bloodline.Iyon ang isang bagay na alam na alam ni Kate.Gaano man karaming conflict ang mangyari sa loob ng family, gaano man ka-disappointing ang maging isang member nito, hindi kailanman tuluyang iiwan ng pamilya Montenegro ang isang taong may dugo nila nang wala man lang mapuntahan.Pero hindi ibig sabihin noon na walang consequences.Nasa family estate pa rin sina Lander at Hannah.Hindi sila kailanman ibinalik sa main residence.Officially, sinasabi ng lahat na maayos silang inaalagaan. May food, clothing, doctors, at household staff na nag-aasikaso sa daily needs nila.Pero alam ng lahat sa loob ng pamilya Montenegro kung ano talaga ang ibig sabihin noon.Imprisonment iyon.Maaari silang mabuhay.Pero hanggang doon lang.Sa mga araw na iyon, achievement na ang simpleng makaligtas nang mapayapa. Paano pa nila magagawang pagnasaan ang wealth ng pamilya Montenegro, lalo na ang makialam sa family affairs?Mas alam iyon ni Kate

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 455

    “Maayos naman ang son at daughter-in-law ko, pero parang may problema kayong lahat doon. Lagi kayong nagmamadaling sipain sila kapag down sila!”Hindi na restrained ang boses ni Selena.Direktang tinutukoy ng mga salitang iyon ang previous outbursts ni Kate sa harap ng media.Kahit mabilis na na-handle ng pamilya Montenegro ang incident, inalis ang pinaka-malicious na speculation at pinigilan ang pinaka-exaggerated na rumors, may mga traces pa ring natitira online.May mga screenshots nang na-save.May mga discussions pa ring umiikot.Kapag may isang bagay nang napunta sa internet, halos imposibleng burahin iyon nang tuluyan.Naturally, naintindihan ni Kate kung ano ang ibig sabihin ni Selena.Dumaan ang trace of guilt sa mga mata niya.Agad niyang iniwas ang tingin at nag-roll ng eyes, nagpapanggap na wala siyang pakialam.“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Selena. Huwag kang magalit.”Bahagyang lumambot ang tono niya.“Gusto ko lang itanong kung ano ba talaga ang ibig sabihin n

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 454

    Kumalat sa hangin ang mabangong aroma ng rose tea.Tahimik na nakaupo si Isla sa maliit na table, humihigop ng tea habang sumasagot sa messages sa phone niya.Deliberately siyang dinala rito ng household staff sa halip na diretsong ihatid sa living room.Most likely, arrangement iyon ni Selena.Pinapunta siya rito, pero malinaw namang hindi kailangan na masyado siyang maagang pumasok.Kung papasok siya ngayon, madadamay lang siya sa kung anumang argument ang nangyayari sa loob.Mas mabuting umupo muna siya sa labas.Kung kailangan, puwede pa niyang magkunwaring late siyang dumating.Mula sa living room, malinaw na narinig ang paghikbi ni Kate.“Bakit ganito kamiserable ang buhay ko!”Sandaling natigil si Isla, pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagtingin sa phone niya.Sa loob, lalong lumakas ang boses ni Kate.“Bakit? Bakit sa tingin mo? Bakit kailangang ibigay kay Lucas ang shares ni Lacson? Mahigit fifty percent na nga ang shares ni Lucas! Sa buong board, sino pa ba ang kayang kumontra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status