แชร์

KABANATA 6

ผู้เขียน: Cassiopea
Binuksan ni Lucas ang drawer, pinunit ang foil ng gamot, at nilunok ang loratadine na nasa kamay niya.

“May allergy lang, ” sagot niya sa ina.

Inaamin ni Selena, nang makita niya ang mga marka sa leeg ng anak, inakala niyang may girlfriend na ito at hindi lang maiuwi sa bahay.

Sino ang mag-aakala na allergy lang pala iyon?

Bahagyang nadismaya ang ginang.

“Lucas, sabi ni Claudia gusto niya raw mag-intern sa kumpanya. Maaari mo bang ayusin iyon?”

“Dumaan siya sa tamang proseso. Kapag pumasa siya sa interview, pwede, ” tila walang pakialam na sagot ni Lucas.

Nagpanting ang tainga ni Selena sa narinig. “Nagtapos si Claudia sa kilalang unibersidad, tapos dadaan pa sa proseso para lang mag-intern? Lucas, hindi ka ba pwedeng maging mas considerate?”

Tumaas ang isang kilay ni Lucas. “Hindi.”

Maganda si Claudia. Maayos ang background ng pamilya nito. At ilang taon na siyang may gusto kay Lucas.

Ano pa bang kulang?

Ilang sandaling napatitig ang ginang sa mukha ng anak. Maya-maya’y kumunot ang noo nito. Tinaasan niya ang boses niya. “Lucas… hindi ka naman siguro… bakla, ’di ba?”

Agad na nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Lucas dahil sa tanong ng ina. Napahawak siya sa sentido at pilit pinipigilan ang inis. “Nagka-girlfriend na ako dati.”

Kaagad naman napawi ang kaba ng ginang. Ngunit bago pa siya makapagtanong muli ay muling nagsalita si Lucas, “Karaniwang namamana ang same-sex attraction. Kung may duda ka, tanungin mo si dad.”

Nabilaukan ang ginang.

Ano’ng klaseng kalokohan ’yon?!

Hindi niya alam kung magagalit ba siya o hindi. Pero nang mga sandaling iyon ay lukot na lukot na ang mukha niya sa inis.

Sa huli, pinulot na lang niya ang pinggang ngayo’y wala nang laman at umalis.

Ayaw na niyang manatili pa roon at baka tuluyan na siyang ma-highblood dahil sa anak.

***

Kinabukasan…

Nangako si Lucas sa pinsan niya na siya ang susundo sa anak nito ngayon.

Pagkaparada pa lang niya ng sasakyan, napansin na siya agad ng mga magulang sa paligid.

Napakagwapo niya. Mahahabang binti na nakasandal sa mamahaling kotse, elegante ang tindig, malamig ang aura. Kahit saan siya tumayo, siya ang ang nagiging sentro ng atensyon.

May ilan pang nagtanong kung may artista bang nagsho-shoot doon.

Ngunit imbes na pamangkin niya ang sumalubong sa kaniya, isang namumulang kindergarten teacher ang lumapit.

“Kayo po ba ang guardian ni Thomas? Nagkaroon po siya ng konting alitan sa isa pang bata. Kailangan po namin ang tulong ninyo.”

Tinanggal ni Lucas ang sunglasses at saka sumunod sa loob ng classroom.

Sa loob ng kindergarten, may isang batang babae na nakasuot ng puting bestida. Nakaupo ito sa sahig at tahimik na umiiyak. Ang mapuputi niyang braso ay puno ng maliliit na gasgas.

Sa gilid naman ay nakatayo ang pamangkin niya. Ang bilugang mukha nito ay punong-puno ng kayabangan. “Nathalia, inaya na nga kitang maglaro. Dapat ikarangal mo ’yon!” bulyaw nito sa babae.

Ngunit hindi siya pinansin ng batang babae.

“Bakit mo ako ini-ignore? Tigilan mo ang pag-iyak. Ang pangit mo kapag umiiyak!” inis na sabi ni Thomas nang hindi siya nagtagumpay sa pagkuha ng atensyon ng kaniyang kaklase.

Kumunot ang noo ni Lucas. Lumapit siya at binuhat ang pamangkin. “Thomas, anong ginagawa mo?” tila nangsisindak na tanong niya.

Nang makita si Lucas ay biglang nawala ang tapang ng bata at nanginig na parang sisiw.

Spoiled brat siya kung tawagin. Pero bahag ang buntot niya pagdating sa Tito Lucas niya. Dahil alam niyang kapag galit ang tito niya, buong pamilya nila ang apektado.

Nang hindi sumagot si Thomas ay agad na pumagitna ang guro nila para ipaliwanag ang nangyari. Aniya, gusto ni Thomas na makipaglaro kay Nathalia pero tumanggi ito. Pagkatapos ng klase, itinulak niya si Nathalia dahilan para mapunit ang damit nito.

Ibinaba ni Lucas si Thomas saka lumuhod at binuhat si Nathalia mula sa sahig. Hindi niya napigilang mapatitig sa tila kumikislap na mga mata ng bata. Hindi niya alam kung bakit pero parang may humaplos sa puso niya nang matitigan nang malapitan ang batang babae.

Parang pamilyar ang batang ito sa kanya. May naramdaman siyang kakaiba habang hawak-hawak si Nathalia. Ni hindi niya namalayang lumambot ang boses niya. “Nathalie, tama ba?”

Marahang tumango si Nathalia saka suminghot.

“Masakit ba ang galos mo? Don’t worry, dadalhin ka ni tito sa ospital, ” alo ni Lucas sa bata bago binalingan ng tingin ang guro. “Pakikontak ang mga magulang niya. Pakisabi sa kanila, sasagutin ko ang lahat ng magagastos sa pagpapacheck-up sa bata.”

Tila may isang anghel na dumaan dahil sa katahimikan.

Hindi napansin ni Isla na si Lucas ang may hawak sa anak niya.

Buong puso at isip niya ay nasa umiiyak na si Nathalia.

Tahimik lang umiyak ang bata. Tuloy-tuloy ang ang pag-agos ng luha nito. Nakakaawang tingnan.

Marahang kinuha ni Isla si Nathalia mula sa bisig ni Lucas at inakap ito. “Shh, Tilly, tahan ka na. Nandito na si mommy.”

Mahigpit na yumakap ang bata sa leeg niya.

Pagkakita ni Isla sa sugat sa braso ng anak ay agad siyang nanlambot.

Mahina ang immune system ni Nathalia. May congenital platelet deficiency ito kaya mabagal gumaling ang mga nagiging sugat nito.

Napatingin siya sa guro. “Ano ba talagang nangyari? Kailangan ko ng paliwanag!”

“Kasalanan ng pamangkin ko.” Si Lucas ang sumagot. “Kami ang sasagot sa lahat.”

Mas payat na si Isla ngayon. At parang manika ang itsura ni Nathalia sa bisig niya.

Ito pala ang anak niya. Kaya pala parang pamilyar ang bata.

Ngunit may kakaibang pakiramdam kay Lucas. May nag-uudyok sa kaniya na parang may koneksyon siya sa batang ito.

Nang mapansing nakatingin si Lucas kay Nathalia, bumilis ang kabog ng dibdib ni Isla.

Pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay may aagaw sa anak niya mula sa kaniya. Kaya naman mas hinigpitan niya ang yakap dito.

Nagtagpo ang mga mata nila.

Malalim tumingin si Lucas. Matalim at nakakatakot siya sa unang tingin. Ngunit parang mas gumagwapo siya kapag ganoon.

Ang batang laging nambu-bully sa anak niya… anak ba iyon ni Lucas?

Hindi siguro dahil Gonzales ang apelyido ng bata.

O baka mahal na mahal ni Lucas ang ina ng batang iyon kaya hindi big deal sa kaniya kahit na ang apelyido ng ina nito ang gamit ng bata?

May kirot na sumiksik sa dibdib ni Isla. Nanginginig ang mga kamay niya. “Compensation?” mariin niyang sabi. “Ilang beses nang binu-bully ng batang iyan ang anak ko! Paano niyo ako babayaran, Mr. Montenegro? Malaki ang trauma na ginawa niyo sa anak ko!”

Totoo ang sinabi ni Nathalia. Ilang beses nang binu-bully ni Thomas si Nathalia. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit si Nathalia ang trip na trip ng batang iyon.

Sumulyap si Lucas sa pamangkin niyang nakatungo lang at naunang naglakad papunta sa kotse.

“Just please come with us. We’re sending your daughter to the hospital, ” mapagkumbabang saad ni Lucas.

Alam ni Lucas ang ugali ng pamangkin. Alam niya kung gaano ito ka-spoiled ng pamilya nito.

“Bilis, ” dagdag niya.

Namula ang mukha ni Nathalia sa kakaiyak.

Hindi na nag-atubili si Isla at sumakay.

Sa ospital, dire-diretsong dinala ni Isla ang anak sa respiratory department para sa mga tests.

Marami ring gamot ang nireseta.

Tahimik na sumunod si Lucas at siya ang nagbayad.

Habang nagbabayad, napansin niya ang medical record.

Nathalia Talavera.

Talavera ang apelyido.

Apelyido ba iyon ng asawa niya?

Natahimik si Thomas. Akala niya ay arte lang ang mga pag-iyak ni Nathalia.

Totoo palang nasasaktan ito.

Nang matapos ang check-up at treatment ni Nathalia ay nagboluntaryo si Lucas na ihatid ang mag-ina pauwi.

Habang nakahinto sa traffic light, ilang ulit nag-atubiling magsalita si Thomas bago tuluyang humarap sa kanila. “S-Sorry po, ” seryoso at may takot na sabi niya.

Ngunit hindi lumingon si Isla.

Alam niyang bata lamang si Thomas. Ngunit hindi pa rin kasi humuhupa ang galit niya.

Alam niyang mahalaga at makapangyarihang tao ang anak ni Lucas.

Pero mahalaga rin niya ang anak niya.

Inalagaan niya nang husto si Nathalia. Bihira itong masugatan at bihira ring umiyak dahil masama sa kalusugan nito ang matinding emosyon.

Nang maalala niya ang namumugto nitong mga mata kanina, nadurog ang puso niya.

Nang hindi siya pansinin ni Isla, tumingin si Thomas kay Nathalia at saka ito kumindat.

Napakaganda nito. Maganda ang kutis at maliit ang mukha. Papasa ito bilang isang child model. May kakaibang ganda ang mga mata at kilay nito. Tila may lahing banyaga.

Naalala ni Isla ang sinabi ni Lucas dati na taga-Spain ang nanay nito.

Marahil may nakuha si Nathalia sa lahing iyon.

Madalas nga itong mapagkamalang foreigner.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Ire Ne
wow nagkita na rin ang mag-ama
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 365

    Mukhang walang pakialam si Marco.Tamad siyang nakasandal sa sofa sa study, maluwag at indifferent ang buong postura, na para bang hindi siya ang taong kasalukuyang pinag-uusapan. Ang bagay na naging dahilan para pakilusin ng Montenegro Group ang legal department, public relations team, at technical staff nito ay tila, sa mga mata niya, isa lamang maliit na inconvenience.“Hindi naman iyon big deal sa simula pa lang,” kaswal na sabi ni Marco. “Bumili lang ako ng ilang game data at gumawa ng bagong game. Kailangan ba talagang gawing ganoon kalaking issue?”Masyadong careless ang tono niya kaya kumirot ang sintido ni Sandro.Buong araw na napahiya si Sandro. Una, malamig siyang tinrato ni Lucas. Pagkatapos, pinahiya siya ni Louise sa public, at dinagdagan pa ni Rocky ang apoy. Ngayon, matapos bumalik sa bahay, umaasta pa rin si Marco na para bang walang seryosong nangyari.Nainis si Sandro. “Ngayon sinasabi ng pamilya Montenegro na nagdusa sila ng losses at kailangan nila ng compensation

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 364

    Nang mabanggit si Louise.Isang ngiti ang dahan-dahang lumitaw sa labi ni Rocky, ang mga mata niya ay kumikislap sa neon lights ng city.Sa labas ng car window, ang gabi ng Metro Manila ay dumadaloy bilang putol-putol na guhit ng kulay. Ang pulang taillights, asul na shop signs, at mainit na dilaw na streetlamps ay sunod-sunod na dumaan sa mukha niya, dahilan para ang karaniwan niyang careless expression ay magmukhang mas malambot kaysa dati.“Lumaki kaming magkasama,” sabi niya. “Kung may problema si Louise at hindi siya nangangahas pumunta sa pamilya Montenegro, sa akin siya lumalapit para mag-backup.”Matter-of-fact ang attitude niya.Walang deliberate intimacy sa tono niya, at wala rin siyang kailangang i-emphasize. Para bang ang bagay na ito ay palagi nang natural, kasingkaraniwan ng pagkain o pag-inom ng tubig. Ang pangangailangan ni Louise ng tulong, at ang paglitaw ni Rocky para tulungan siya, ay matagal nang naging habit.Hindi namalayang humigpit ang mga daliri ni Cassandra s

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 363

    Naka-set sa komportableng temperature ang air-conditioning sa buong condo, kaya kahit naka-silk nightgown lamang siya, hindi siya nilalamig.Lumabas si Isla mula sa bathroom na kalahating tuyo ang buhok, ang mga dulo nito ay may bahagya pang bakas ng moisture. Tahimik, komportable, at dimly lit ang condo. Sa labas ng floor-to-ceiling windows, bahagyang kumikislap ang city lights ng Metro Manila sa likod ng curtains, habang sa loob, naglalatag ang projector ng malambot na liwanag sa wall ng living room.Inihanda na ni Lucas ang lahat.Nilagyan ng soft blanket ang sofa, may warm drinks sa coffee table, at may faint fragrance na lumulutang sa hangin. Sa kung saan malapit, marahang kumakaluskos ang isang scented candle, ang maliit nitong apoy ay nanginginig paminsan-minsan.Umupo si Isla sa sofa at napagtantong romantic movie ang pinatugtog ni Lucas.Ang buong film ay may napaka-artistic at ambiguous na rhythm. Warm at hazy ang colors, at ang camera ay nagtatagal sa light, skin, curtains,

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 362

    Uminom ng isang higop ng juice si Isla.“Nasa nakaraan na ang lahat,” kalmado niyang sabi. “Besides, wala ka namang sinabi na sobrang excessive noon. Ang pinakamalaking problema ay nasa kay Lucas pa rin mismo. Sino ba ang nagsabing magkaroon siya ng bibig pero hindi marunong gumamit nito?”May bibig siya pero hindi marunong magpaliwanag.Malinaw na may pakialam siya, pero ang alam lang niya ay mag-deny.Malinaw na gusto niyang kumapit, pero ipinipilit pa rin niyang itulak siya palayo.Noon, tuwing may hindi nakakaintindi sa relationship nila, ang unang reaction ni Lucas ay hindi kailanman mag-clarify. Masyado siyang sanay sa restraint, masyado siyang sanay na itago ang feelings niya, at masyado siyang sanay maniwala na ang silence ay makakapagprotekta sa mga tao.Ngunit ang silence ay maaari ring makasakit ng tao.Ang buong problema ay nasa kay Lucas mismo.Hindi iyon itinanggi ni Lucas.Ibinaba niya ang mga mata niya at tiningnan si Isla sa tabi niya.Dahan-dahang umakyat ang steam mu

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 361

    Mukhang hindi iyon ininda ni Lucas.“Ang pagpili ng school ay two-way street,” kalmado niyang sabi. “Kung gusto ni Nathalia, doon natin siya papapasukin. Kung ayaw niya, puwede siyang pumasok sa international school.”Huminto siya sandali, pagkatapos ay idinagdag, “Besides, napakatalino ni Nathalia. Hindi mo lang napapansin.”May investments ang pamilya Montenegro sa ilang international schools sa Metro Manila. Sa pananaw ni Lucas, kung saang school papasok si Nathalia ay hindi usapin ng competition, comparison, o reputation.Nakadepende iyon nang buo sa kung alin ang gusto niya.Kung gusto niya ang Stan Primary School, ihahanda nila iyon nang maayos.Kung ayaw niya, pipili sila ng ibang school.Hindi kailangang pilitin ang isang bata na sumiksik sa isang landas na hindi niya gusto.Tumango si Isla, sang-ayon sa pananaw ni Lucas. Hindi niya kailanman ginustong maging isang batang nadudurog sa comparison at pressure si Nathalia.“Of course alam kong matalino si Nathalia,” sabi ni Isla.

  • Trapped with My Baby’s Billionaire Daddy   KABANATA 360

    Sa grassland, umihip ang hangin.Pinalamig nito ang mukha ni Isla.Dala ng hangin ang mamasa-masang lamig na natatangi sa Makati, humahampas sa open field at dumadampi sa kanyang pisngi na parang manipis na talim. Yumuyuko ang damo sa ilalim ng mga kuko ng kabayo at muling tumatayo, walang tigil na kumakaluskos sa ilalim ng maputlang winter sky.Bumalik si Lucas sakay ng kabayo, leisurely na naglalakad.Ang chestnut horse ay bumagal mula sa mabilis nitong pagtakbo kanina tungo sa relaxed na lakad. Steady na humahakbang ang mga kuko nito sa damuhan, at ang tunog ay tila humahalo sa hangin, malayo at rhythmic.Nakaupo si Isla sa harap ni Lucas, napapalibutan ng mga braso nito.Marami na silang pinagdaanang tiglamig sa Makati nang magkasama, mula university hanggang sa pagtatapos ng kanilang student days, bawat isa ay naging bahagi ng panahon na iyon.Noon, mas malamig ang winter kaysa ngayon.O marahil ganoon lamang ang pakiramdam dahil mas bata pa sila noon. Ang mga kalsada malapit sa S

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status