Share

Trapping the Billionaire
Trapping the Billionaire
Author: NicsTag

Teaser

2 months ago..

     Bumaba mula sa isang pulang sports car ang isang babae at naglakad patungo sa bar na nasa harapan nito. Mahaba at medyo curly ang buhok nito. Nakasuot ng itim na dress na hanggang heta, na hapit sa katawan nito at halos walang sapin ang likod na hanggang bewang. Agaw-pansin rin ang nakausling pisngi ng dibdib nito, na bumagay sa kanyang suot. Halos mapahinto ang kalalakihan, matapos siyang makita ng mga ito. Tila naglalaway ang mga ito sa tindig at ganda ng babae. Nang makalapit ito sa bouncer ng bar ay hinagis niya ang susi ng kanyang kotse at bahagyang ibinaba ang kanyang suot na sunglass.

"Ikaw na ang bahala sa baby ko," sabi niya dito, na ang tinutukoy ay ang sasakyan niya at bahagyang kinindatan pa ito, saka muling isinuot. Bago tuluyang pumasok ay pinakita pa niya ang VIP card niya, na nagsasabing regular customer na siya ng bar.

Maging sa loob ay marami rin na napapatingin sa kanya. Ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Deretso lang siyang naglakad papunta sa itaas ng bar, kung saan naroon ang mga VIP room. Nang makarating siya sa itaas ay may mga table pa rin doon. Mayamaya ay paliko na siya patungo sa mga VIP room, nang may mabangga siyang isang lalaki. Kaya nahulog ang dala niyang pouch. Agad niyang kinuha ito, subalit nagkasabayan pa sila sa pagkuha nito at nahawak ng lalaki ang kanyang kamay. Inalis niya agad ang kamay dito at umayos sila nang tayo.

"Oh, I'm sorry. I didn't mean to bumb you, I was in Hurry. Here's your pouch, again, I'm sorry," hinging-paumanhin nito sa kanya.

Napaangat nang tingin ang babae dito at bahagyang natigilan nang makilala ang lalaking nasa kanyang harapan. Saglit siyang napatitig dito at nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. Hindi nito nakita ng buo ang mukha niya dahil may suot siyang sunglass. Kaya mabuti na lang at suot niya ito, upang hindi siya nito makilala kapag muli silang nagkita.

"Oh, it's okay. Thank you," nakangiting sabi niya dito.

"Ahm, are you with someone?" tanong nito sa kanya. Natigilan pa siya sa tanong nito, dahil hindi naman niya inaasahang tatanungin siya nito.

"Oh, I'm with my friend. She's in the VIP room," sagot niya dito.

Napatango naman ito sa kanya at tila nagdadalawang-isip na magsalita, kung ano man ang sasabihin nito.

"How about you? Are you with someone? Kasi ako, nasisiguro kong may kasama na ngayon sa room ang babaeng iyon at baka ma-bored ako. Lalabas rin ako dito mamaya," sabi niya dito, na tila ba palagay na ang kanyang loob sa lalaking ito na siya lang ang nakakakilala.

"Hmm, I'm with my brother and my friend. If you want to go out, you can find me there," sabi naman nito at tinuro ang ibaba ng bar. Nakita naman niya ang pamilyar na mukha ng dalawang lalaking tinuro nito, na bahagyang may kasamang babae.

"Oh, okay.. I have to go," wila niya at ngumiti dito.

"Okay, see you around," sabi rin nito.

Nauna na siyang umalis at tinatahak ang daan patungo sa VIP room. Bago tuluyang pumasok sa isang silid ay napalingon pa siya dito at nakitang nakatingin pa rin ito sa kanya. Kaya ngumiti lang siya at agad na pumasok sa VIP room, kung saan naroon ang kaibigan niya.

"Ooh! Ahh! Yeah! That's it! Ahh!"

Napahinto siya nang tuluyan, nang masaksihan ang ginagawa ng kanyang kaibigan at ang lalaking kasama nito. Nakaupo ang lalaki sa couch, habang ang kanyang kaibigan ay nakakandong paharap dito. Nakita niya pa ang pw*t nito. Napaikot niya ang kanyang mata, dahil sa eksenang naabutan niya.

"Masyado ba akong matagal, kaya ka na-bored at naghanap ng makakasama?" sita niya sa kanyang kaibigan.

Huminto naman ito sa ginagawang pagtaas-baba sa kandungan ng lalaki at bahagyang naiilang pang napatingin sa kanyang ang lalaking kalaro ngayong ng kanyang kaibigan.

"Oh, Iona! Mabuti at dumating ka na. Iyong mga kailangan mo pala ay naroon sa mesa. Well, yeah, I'm really bored, that's why.. I want to do play with some buddy," nakangising sabi nito sa kanya at muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa sa ibabaw ng lalaki.

Napasinghal na lang siya at naglakad patungo sa mesa, kung saan naroon ang mga papelis na pinagawa niya dito. Naririnig niya ang malalakas na ungol ng kanyang kaibigan. Sanay na naman siyang ganito ito at palagi niyang nakikitang may ka-sex itong iba. Kaya hindi na bago sa kanya ang nakikita niya ngayon. Umupo siya at kinuha ang folder, saka ito binuksan. Sinimulan niyang tingnan ang impormasyon na nakalagay doon.

"Ayos lang ba na nandiyan ang kaibigan mo?" narinig niyang bulong ng kasamang lalaki ng kanyang kaibigan. Kahit na mahina iyon ay talagang narinig niya pa rin.

"Ayos lang, sige na, pasukin mo na ako at bilisan mo. Iyong mapapasigaw talaga ako," sabi naman ng kanyang kaibigan, na talagang narinig niyang mabuti ang kalandian nito.

Hindi na lamang niya pinansin ang ginagawa nito at binasa ang mga nakalagay roon. Napapangisi pa siya habang binabasa  iyon, sa tulong nito ay magagawa niya kaagad ang plano niya.

"Ohh! Ohh! Ahh! Right there! There ! Ahh!"

Naibaba na lamang niya ang kanyang hawak at napatingin sa dalawang nagtatalik ngayon sa kanyang harapan. Napansin niyang natapos na ang mga ito, dahil inaayos na ng kanyang kaibigan ang suot nito. Nag usap saglit ang dalawa, saka lumabas ang lalaki sa kanilang silid.

"Ayos rin talaga ang trip mo eh no?" sita niya sa kanyang kaibigan.

"Haha, parang hindi ka pa sanay sa akin. Alam mo namang sarap na sarap ako, kapag ganoon. Well, nabasa mo ba lahat na nandiyan?" sabi nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at napatango sa sinabi nito. Mayamaya ay napangisi siya at muling tiningnan ang mukha ng lalaki naroon. Hinaplos niya ito, na tila ba nahawak na niya ito noon.

"Of course, this is exciting. I will start with him and trapped him in my hands. Let's see if he can find a way to escape," nakangising sabi niya habang nakatingin ngayon sa larawan nang lalaki. Ang lalaki na nakasalubong niya kanina ay walang iba, kundi si Lance Riev Acosta.

      'Lance Riev Acosta. You really grown up in a wealthy family. Let's see if a billionaire son like you, can escape.. once I trapped you..'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status