Share

KABANATA 53.1

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nakikinig kay Yaya Nenita. Ni hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay namatay na rin ako.

"S-abi ni Attorney S-antiago, hindi na raw n-akayanan ng k-atawan ng Da-ddy mo tapos... tapos nag-suicide ang M-ommy mo, Ma'am Sage."

Ni hindi ito makapagsalita ng matino dahil sa pagluha. Maging si Andres ay lumuluha at nasa akin lamang ang tingin.

Naglapat ang mga labi ko. Kung kanina ay nagsisisigaw ako sa pag-iyak, ngayon naman ay hindi ko mahanap ang boses ko. Pawang mainit na luha lamang ang bumabagsak sa aking pisngi. Walang patid lalo pa't gumuguhit sa isipan ko ang masayang mukha nila Mommy at Daddy. Ang giliw sa kanila at ang mga panahong... kumpleto pa kami at hindi mag-isa.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig at naikuyom ang mga kamay.

Kasalanan itong lahat ni Delton!

Kung hindi siya dumating sa buhay namin ay matahimik sana pamumuhay namin at buhay pa sana ang mga magulang ko! Kung hindi siya umeksena ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status