WeirdAgad akong naupo nang makarating na ako ng office. Muling nag flashback sa isip ko lahat ng mga nangyari kanina. Drix and I were peacefully eating our lunch just a while ago nang biglang dumating si Mr. Walton with his friends at sumabay sa table namin. "Someone's jealous""As you can see, Wayne is jealous to the guy you're with"Pagkatapos ay umalis na 'ko kaagad. Alam ko namang bastos ang naging action ko kanina, sana pala inisip ko muna. Baka mawalan na naman ako ng trabaho nito. Pero teka, 'di na naman sakop ng trabaho ko ang pagsabay sa kan'ya tuwing lunch. Sila rin talaga itong medyo bastos, pag-usapan daw ba ako habang nasa harapan ko lang? May nalalaman pang selos-selos na 'yan, akala mo naman ay totoo.Binalewala ko na lang ang mga nangyari kanina at tinapos ang mga ginagawa ko. Bahala na, kung ipatawag ako sa opisina ay siguro kailangan ko nang kabahan. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat ng schedule ni Mr. Walton para sa isang linggo nang biglang tumunog ang intercom n
PastNandito kami sa isang café malapit sa building ni Mr. Walton. Saktong-sakto ang bungad ni Dale dahil kakatapos lang ng trabaho ko at pauwi na rin sana. "Ano ba ang kailangan mong sabihin? Sana kahit i-text mo na lang"He sighed and looked away. "I don't think I can say this through text o kahit sa tawag"Ano pa nga ba, nandito na rin naman edi might as well pakinggan ko na lang ang mga gusto n'yang sabihin. "Lauy, I'm sorry, I was a jerk. Hindi ko sinasadyang saktan ka," he apologized. Tumango-tango lang ako at pilit na ngumiti.We've been together for four years, sa loob ng apat na taon wala akong ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin s'ya. In just a snap, nawala lahat. It took me four years para ma-build 'yong trust ko sa kan'ya at nasira lang lahat ng isang gabi. "Hindi ko sinasadya 'yong nangyari. I was drunk. I know your sick and tired of my explanations pero gusto ko lang malaman mo na pinagsisisihan ko lahat. Believe me, I l-loved you," he explained, for the nth times
Late Night Talk"Sinong naghatid sa'yo, Lauy?" tanong ni Mama habang tinitingnan ako ng may pagdududa."Si Dale lang, Ma" sagot ko at naglakad na papuntang kwarto. Nakakapagod ang araw na 'to. Gustong-gusto ko na magpahinga. I took a bath at nahiga na sa'king kama, wala akong gana kumain at gusto ko na talagang matulog. Ilang minuto kong pinikit ang mga mata ko at umayos ng higa nang mapamulat ako sa biglaang pag vibrate ng phone ko. I rubbed my eyes and looked at the screen. Nanglaki ang mata ko nang makita ko doon ang pangalan ni Mr. Walton kaya dali-dali kong sinagot."H-Hello. Good evening po, Mr. Walton" magalang na bati ko at hinintay s'yang magsalita."Lauren, are you still in the office?" mahinang tanong n'ya at halatang pagod na base sa tono ng boses n'ya."Wala na po, k-kakauwi ko lang"Sana naman ay 'wag n'ya akong pagalitan. 'Di ko naman alam na may kailangan pa pala s'ya."May kailangan po ba kayo? Pwede ko pong i-send 'yong files—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko n
Condo-mNagpatuloy lang sa pag-aayos at pag pirma si Mr. Walton habang ako naman ay nakaupo pa rin sa tapat n'ya. It's eleven in the evening already at talagang inaantok na 'ko pero s'ya ay todo trabaho pa rin."Mr. Walton, pwede pa naman po siguro 'yan bukas. Kailangan n'yo rin magpahinga," tamad na sambit ko kaya naman natigilan s'ya at pagod akong tiningnan."Are you sleepy?" he asked and stood up while cleaning his table."H-Hindi pa naman po, nag-aalala lang ako b-baka k-kasi magkasakit ka," I hesitated. Kahit na ang totoo ay talagang hindi na kaya ng mga mata ko. Tumitig s'ya sa'kin habang nakatukod ang mga kamay n'ya sa mesa kaya pinilit kong ayusin ang upo ko at pilit na iminulat ng maayos ang mga mata."You can't fool me, Lauren," he taunted and smirked before continuing. "Fix yourself, we're leaving"Napakurap ako at napatayo sa sinabi n'ya. Sa wakas ay makakauwi na rin, sirang-sira na talaga ang sleeping routine ko. Sana naman ay ipahatid n'ya ulit ako, wala nang masasakyan
Hurt"Don't fucking move, kaya dumudugo ng gan'yan 'yan dahil sobrang likot mo," inis na sermon ni Mr. Walton habang masamang tumingin sa'kin. "Ang s-sakit kasi, paano ako hindi gagalaw?" pangangatuwiran ko habang pinagmamasdan s'ya sa ginagawa n'ya. "Sinabihan na kasi kita, but you keep on insisting. You deserved this, masyado kang makulit," naiiling sa sagot n'ya at tumayo bago naglakad paalis. Sinipat ko ng tingin ang dumudugong parte at halos manghina ako sa dami nang dugo. Kasalanan ko naman 'to, sana pala hindi na lang ako nagpumilit. Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa'king mukha. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at agad akong napabangon sa gulat nang makita si Mr. Walton na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Agad kong kinapa ang suot ko, mabuti naman at nakadamit pa 'ko. Tiningnan kong mabuti ang pwesto n'ya, he's facing his left kung saan ako naka-pwesto. Ang boundary na ginawa namin kagabi ay nawala na. Sa lawak pati ng kama n'ya ay bakit kaila
Confused"Ano pong eksaktong nangyari, Papa?" nag-aalalang tanong ko habang nasa tabi n'ya. Ngayon pa lang s'ya nagising mula sa pagkakatulog. Kanina ay tulog s'ya nang makarating ako at kinausap ko si Mama pero wala rin s'yang maisagot. "Naaksidente ako sa trabaho," tipid n'yang sabi habang walang emosyong nakatingin sa malayo. Nagtatrabaho si Papa sa isang malaking kompanya. Engineer s'ya at malaki rin ang nagiging sweldo n'ya, kaya kung minsan ay nagtataka na rin ako dahil noong una ay ayos pa naman at nakakapagpadala pa s'ya, ngayon ay halos hindi na."Ano ba kasing nangyari? Paano ka naaksidente? Hindi ba ay dapat pananagutan ka ng kompanya?" inis na tanong ni Mama habang nag-aayos ng pagkain."Tinanggal na nila 'ko matapos kong maasksidente. Hindi na raw nila kasalanan ang ganito, mga walang puso," may hinanakit na sambit ni Papa. Paanong hindi pananagutan? Sa laki ng kompanyang pinagtatrabrahuhan ni Papa ay siguradong meron silang maayos na kontrata. "Papa, hindi ba ay may m
HateUmalis ako ng ospital matapos namin mag-usap dahil kung nag stay pa 'ko ng matagal doon ay baka magtalo lang kami ulit. Ayoko nang marinig na pinipilit nilang masama rin si Wayne kahit na wala naman silang proweba. Higit sa kanila, mas kilala ko na si Wayne at alam kong kahit gano'n s'ya ay hindi n'ya magagawa 'yon. Siguradong wala s'yang alam sa nangyari kay Papa. At isa pa, may trabaho pa rin ako kaya talagang kailangan ko nang umalis. "Ate, kumusta si Papa? 'Di na 'ko pinasama ni Mama sa ospital dahil may pasok pa 'ko mamaya," bungad ni Lara pag pasok ko ng bahay. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at pagod na ngumiti. "Maayos na, may konting bali lang," tipid ko sagot at naupo sa sala. "Siguradong malaking pera ang kakailanganin natin, Ate. Mukhang magtatagal pa sa ospital si Papa," malungkot na sabi n'ya bago naupo sa tabi ko."Malaki naman ang sweldo ko kay M-Mr. Walton. Siguro naman sobra pa 'yon sa ospital""Oo nga pala, ano bang eksaktong nangyari kay Papa?" pang-uusisa n'
Lie"Are you really okay? You suddenly looked stressed," nang-uusisang tanong ni Drix habang kumakain kami. "Yes, medyo sumama lang bigla ang pakiramdam ko""Ayokong makialam pero kung kailangan mo ng kausap, you can talk to me," sincere na sabi n'ya pa at ngumiti sa'kin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Sa sobrang preoccupied ko ay hindi na kami halos nakapag-usap pa. Masyadong gumugulo sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Hindi ko alam kung ayos ba na marinig ko 'yon o mas mabuti kung 'di na lang. "Drix, pasensya na talaga kung ganito ako ngayon. Babawi ako sa susunod," nahihiyang sambit ko habang nakaupo pa rin. "Wala 'yon, Lauren. Mukha talagang 'di maganda ang pakiramdam mo. Mabuti kung magpahinga ka na lang muna," ngiting sambit n'ya.Tumango na lang ako at nagpaalam na babalik na ng opisina at pumayag naman s'ya. Pagpasok 'ko ay agad akong naupo at napahilamos. Pinagmasdan ko ang hawak kong folder na dapat ay ipapasa ko kay Mr. Walton kanina. Sa m