Share

FIFTEEN

Hate

Umalis ako ng ospital matapos namin mag-usap dahil kung nag stay pa 'ko ng matagal doon ay baka magtalo lang kami ulit. Ayoko nang marinig na pinipilit nilang masama rin si Wayne kahit na wala naman silang proweba. Higit sa kanila, mas kilala ko na si Wayne at alam kong kahit gano'n s'ya ay hindi n'ya magagawa 'yon. Siguradong wala s'yang alam sa nangyari kay Papa. At isa pa, may trabaho pa rin ako kaya talagang kailangan ko nang umalis.

"Ate, kumusta si Papa? 'Di na 'ko pinasama ni Mama sa ospital dahil may pasok pa 'ko mamaya," bungad ni Lara pag pasok ko ng bahay. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at pagod na ngumiti.

"Maayos na, may konting bali lang," tipid ko sagot at naupo sa sala.

"Siguradong malaking pera ang kakailanganin natin, Ate. Mukhang magtatagal pa sa ospital si Papa," malungkot na sabi n'ya bago naupo sa tabi ko.

"Malaki naman ang sweldo ko kay M-Mr. Walton. Siguro naman sobra pa 'yon sa ospital"

"Oo nga pala, ano bang eksaktong nangyari kay Papa?" pang-uusisa n'
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status