Share

Chapter 2: Ang Araw ng Kasal

Uminit ang dugo ko sa kaniya. Totoo pala ang kasabihang, "Don't judge the book with its own cover" dahil guwapo lang siya sa panlabas na anyo, subalit ang pangit pala ng ugali ng bulls*i* na iyon.

Hindi ko siya nasumbatan dahil umalis na kaagad siya wari'y nagmamadali after niya akong insultuhin. Gayunpaman, ibinaling ko na lang ang aking tingin sa fountains malapit sa kinatatayuan ko.

After one hour of touring, tumawag sa akin ang wedding coordinator namin. Biglang bumilis ang kabog ng aking puso sa hindi ko maintindihang situwasyon. Hindi ko inakalang mapasubo agad sa isang misyon.

"Miss Amie, puwedeng magtanong sa vital statictics mo as for this moment? Inutusan kasi ako ng gown designer mo if may changes ba para marepaso niya bago mo suotin sa kasal mo tomorrow," wika ng babae on the line.

Napalunok ako ng laway sa inquiry niya. My God! hindi ko pa alam ang stats ko. Kung manghula lang ako ng information, baka hindi ko maisuot ang puting gown na iyon. Kaya sinabi ko na lang sa kaniyang, "Ah... puwedeng itetext ko lang sa 'yo po mamaya? Hindi ko kasi na check body stats ko."

Nakaginhawa ako nang malalim dahil pumayag siya sa request ko. Kahit natapos na ang call na iyon, hindi pa rin maalis sa loob kong kabahan na baka may susunod na namang tatawag sa akin tungkol sa kasal. Mabuti na lang talaga gabi na kaya kailangan ko nang umuwi sa bahay. 

Pagbaba ko sa kotse, tanaw ko ang maliwanag na mga makukulay na lights sa harapan ng aming bahay. Bahay ko na iyon pansamantala dahil sa pagkukunwari kong isang Adamo. Balak ko na sanang dumiretso na sa kusina para kumain. Kumakalam na kasi ang tiyan ko sa sobrang gutom. Iyong fastfoods na nabili ko sa park lately ay natapon kasi noong binangga ako ng isang estranghero. Kaya, naghahanap na ng pagkain ang bibig at tiyan ko.

Dahan-dahang humakbang ako papasok sa main door nang nakayuko. Nakasunod sa akin ang lady guard ko since tungkulin naman niyang bantayan ako kahit saan. Paliko na sana ako heading to the kitchen, when someone calls me,

"Amie." Pamilyar sa akin ang boses panlalaking iyon.

"Nakauwi ka na pala. Come, meet your wedding coordinator and your stylist for your wedding tomorrow," dagdag pa ng lalaking nagsasalita.

Napilitan akong iangat ang maputla kong mukha para makita ang mga bisita sa living room. Kasabay ng aking pagkabigla ay ang matinding pagkabog ng aking dibdib dulot ng labis na kaba at takot kung ano ang susunod kong sasabihin. Hindi ko pa naman naensayo ang mga linya ko kung sakaling may itatanong ang mga taong iyon sa akin.

Ayaw sumabay ng mga paa ko sa paghakbang papalapit kina daddy (my fake father) dahil sa kung anong kuryente ang nagpigil sa akin sa paglakad. Nakatitig lang ang mga bisita sa akin wari'y naghihintay na kumilos ako habang still in shock mode pa ako. Ilang segundo lang, mas bumilis pa ang pintig ng aking mga pulso nang may biglang humawak sa mga kamay ko. It's mom ( my fake mother) na nakahalatang kinakabahan ako sa eksenang iyon.

She whispered to me, "Just go to the flow. Huwag kang pahahalata."

Sinabayan niya akong lumakad at tinabihan sa pag-upo sa malambot na sofa. Pinipisil niya ang mga kamay ko, nagpapahiwatig na mananatili lang akong kalmado na para bang nasa normal state. Nilabanan ko ang kaba sa dibdib ko at sinagot ang mga tanong ng mga bisita ko naturally.

"By the way, Amie, okay na ba iyong stats na hinihingi ko?" ani ng nakangiting wedding coordinator kasabay ng kaniyang pagsasalita.

"A-a-a, yes pero nakalimutan ko na ngayon eh. Ano nga ba iyon?"

Nauutal ako, nalilito kung paano ko malulusutan ang mga bagay na hindi ko pa alam kung anong isasagot.

"But wait, nasabihan ko na kanina si mommy. Naremember mo ba iyong vital stats ko na nameasure natin kanina, mom?" Kinindatan ko ang babae sa kanang katabi ko para sa impomasyon kong iyon.

Mabuti na lang talaga nakapag-aral ng dress-making si mommy at kahit sa tingin lang niya'y kuha na niya ang sizes ng mga parte sa katawan ko.

And there it goes, sinagot ni mommy ang tanong nila. Narelieve ako kahit papaano that at least may katuwang ako sa pagkukunwari kong iyon.

Ang daming hindi nag coincide sa mga isinagot ko sa kanila, mabuti na lang alam ni Mrs. Adamo ang lahat ng information sa kasal, kaya naisasalba niya ako roon. Talagang ang hirap ng pinagdaanan ko sa gabing iyon.

"Ms. Amie, hindi ko na kaya. Nahihirapan ako sa mga sitwasyon. Mali-mali ang naisasagot ko sa mga bisita niyo kanina. Paano na lang kung—" alma ko, sabay panginginig ng aking mga kalamnan habang pinipilit ko ang tunay na bride na harapin na lang ang kasal na dapat sa kaniya.

She stared at me sharply sabay abot ng dalawang pages na papel. "Look at these papers, Trinah. You have signed it already. Malinaw ang nakasulat diyan na bawal umatras after signing sa whole agreement. Makakalimutin ka ba, hah?"

"No," mahinang sagot ko.

"Then why it seems that umaayaw ka na?" Tumaas na ang tono ng pananalita ng true bride sa akin wari'y galit na yata sa aking mga reaksyon.

Nahiya ako sa kaniya dahil kakasimula ko pa nga lang, parang nagiging duwag na ako. Narerealize ko rin na tama naman siya, pinasukan ko na 'to, kaya paninindigan ko na lang.

Humingi ako sa kaniya ng paumanhin sa pagiging negatibo ko sa mga possible results ng pagkukunwari ko.

Tinanggap naman niya iyon at tinuruan ako sa mga bagay na isasagot ko kung sakaling may magtanong sa akin ng mga iyon. Inalala ko lahat ng mga information at ikinintal sa isipan para sa susunod ay hindi na ako kabahan. Maaga akong pinatulog ni Amie para sa paghahanda ng kasal pagkabukas.

Alas siyete ng umaga ako ginising ng isa sa mga kasambahay ng pamilyang Adamo. Nag-ayos na ako kaagad ng sarili at ilang minuto lang ay sumakay na sa kotse papuntang Avida-M Hotel. Sa hotel na iyon nakalagay ang mga gamit pangkasal tulad ng gowns, singsing, sandals at iba pa kung kaya't doon ang rota namin. First time kung makatapak sa malaking building na iyon, ngunit hindi lang ako nagpahalata sa reaksyon kong manghang-mangha sa landscapes inside of it.

Pagpasok namin sa room 45, tumambad kaagad sa akin ang shining glamour ng puting gown ko na isinuot ng maniquin. Hindi ko talaga expect na ganoon kaganda ang disenyo ng susuotin ko sa kasal.

Nilibot ko ang buong room. Inisa-isa kong tinanaw ang mga gamit at accessories na susuotin ko after two hours of preparing. Sa kabutihang palad, nagustuhan ko ang lahat ng mga iyon.

Nakatakdang ikasal ako sa 'di ko pa nakikitang groom at exactly 10 a.m. Isang church wedding na pinaghandaan ngunit 'di pinag-ensayuhan. Binigyan lang kami ng gabay sa pagkasunod-sunod ng buong wedding ceremony at tinandaan ko naman iyon.

After two hours na pag-aayos sa akin, pumunta na kami sa simbahan. Doon na nagsimulang kumabog ang mga pulso sa buong katawan ko dahilan para hindi ako makalakad nang maayos. Kahit naka-kolorete ay mapapansin talaga sa mukha ko ang pagkaputla sa takot na baka may makakilala sa akin na isa sa mga bisita na dumalo sa wedding venue.

"Anong nangyari sa 'yo Trinah? Kumalma ka. This is your wedding. Huwag kang kabahan," cheering up sa akin ni Amie na kasa-kasama ko mula sa hotel patungong simbahan. 

Bilib ako sa kaniya dahil sa kabila ng aking karanasan, hindi niya ako pinabayaan.

Tumatag ako sa mga words of impression niya at bumalik sa normal state of breathing. Until, ang kaba ay napalitan ng excitement.

Nasa labas pa lang ako ng pintuan ay dama ko na ang melody ng mga kanta sa loob ng simbahan.

Lumakad ako sa isle nang nakapikitt ang mga mata, memorizing my lines for the wedding vows, and walang pakialam sa paligid. Nabuka ko lang iyon nang aksidenteng nabangga na ako sa dulo ng upuan malapit sa kinatatayuan ng groom ko. And there it goes, nang itinaas ko ang ang mukha ko, I finally see the handsomeness of my man.

Sinalubong ko siya nang ngiti, pinapahiwatig na masaya akong makita siya. 

Naalala ko ang lahat ng sinabi ng lalaking iyon sa akin sa park kung saan doon kami pangalawang beses nagmeet. Andrew is a man I hate so much. Bakit siya pa? Ito ang tanong ko sa isipan ko. Habang naiinis na ako sa kaniya, nginitian lang niya ako na para bang wala lang sa kaniya at nagpatuloy lang kaming dalawa sa paglalakad palapit sa pastor.

Dahil sa sobrang lapit na ng katawan ko sa kaniya, nagkaroon ako ng pagkakataong pihitin ang beywang niya. Ang lakas din ng reaksyon ng stimuli niya dahil nasaksihan ko talagang napaigtad siya sa sakit. Ako na naman ang nakangiti ngayon at siya na naman ang mukhang naiinis sa akin.

Sinunod lang namin ang flow ng wedding. We seriously pledge each other at isinuot ang mga singsing. Natapos ang wedding nang maayos. But, akala ko uwian na pagkatapos, may kiss the bride pa pala. Paano ito, not in good terms kami?

"You may now kiss the bride," sabi ng pastor.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para hindi makita ang mukha niyang unti-unting lumalapit sa akin. Ayaw ko man sa kaniya, kailangan ko pa rin sundin ang nasa kuntrata. Binigyan niya ako ng isang smack kiss bilang respeto sa mga taong sumaksi sa aming kasal. Ngunit, pagkatapos ng halik na iyon, nakita ko siyang iba na talaga ang tingin sa akin. Mukhang galit na talaga siya.

After fifteen minutes of pictorials, magkasabay kami ni Andrew na sumakay sa new couple's car heading to the reception. Tahimik lang siya at walang kibo sa nangyari. Sinabayan ko na lang ang ugali niya hanggang makarating kami sa isang sikat na restaurant. It is so fabulous at engrande kung tingnan. Ganito pala ang buhay mayaman. Lahat ng mga pagkain nandoon, eh.

Napansin kong hindi na ako masyadong kinakabahan sa tuwing maglalakad ako sa red carpet, kumakaway sa mga tao, at ngumingiti sa bawat bisitang madadaanan ko. Masaya lang ang lahat habang ang partner ko ay pansin kong nagkukunwaring okay lang sa ibang tao habang napakatulis ng tingin kapag tumitig sa akin. I usually talk someone na makikita kong sobrang masama na talaga ang titig sa akin.

Kaya, iyon na ang ginawa ko.

"Andrew, can I ask?" sabi ko, na sinundan ko nang pag-inom sa isang basong wine.

Nakatuon na sana ang atensyon niya sa akin nang may biglang dumating na lalaki suot ang isang formal suit for the first time greeting my husband with a words, "Congrats brother for a beautiful bride of yours. Hindi ko inaakalang kayo pala ang magkakatuluyan."

Sa takot kong may gagawing masama ang lalaki kay Andrew, dali-dali kong pumwesto sa gitna nila. Desperado na talaga akong harapin iyon for a valid reason.

Then I say, "Stay away from my husband. Hindi ko hahayaang pati siya ay sasaktan mo rin!"

Tinawanan niya lang ako na para bang wala lang sa kaniya ang bulyaw kong iyon. Akala ko siya lang ang nasisiyahan sa mga sinabi ko, pati rin pala ang lalaki sa likod ko ay nakikisabay na rin.

"What's the meaning of this? Are you both knew each other na?" tanong ko, dala ng pagkalito sa pareho nilang reaksyon towards my sentences.

Natulala na lang ako nang sandali pa'y nagyakapan na ang dalawa sa harapan ko. Napaka-intense ang meet-up nila na para bang matalik na magkaibigang matagal nawalay sa isa't-isa. May paiyak-iyak pa nga silang dalawa. Hindi ko alam kung magstay ba ako na nanonood sa kanila or aalis na lang for good. But, Andrew speaks out suddenly telling me an important thing.

"Amie, huwag kang magalit sa kaniya. In fact, siya ang pinakaimportanteng tao na hinihintay ko sa event na 'to because siya lang naman ang kaisa-isang—"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status