Share

Chapter 52: Pang-aasar ni Trinah

"Who is really Mr. Awman, in your past life, mom?" Diretsahang tanong ko sa kaniya.

"My past lover."

"Ama ko ba talaga siya?"

"Oo." Bumuntong-hininga muna siya at nagpatuloy na sinabing, "Teka, bakit mo ba natanong iyan? Nakausap mo na ba siya tungkol sa katauhan mo?"

Itinikom ko lang ang bibig ko sabay umirap, pahiwatig na ayaw ko nang magsalita, bagay na madaling naintindihan niya.

Nilapitan niya ako ulit sabay sabing, "Saan—"

Hindi niya naituloy dahil pinigilan ko siya kaagad. Pinabalik ko siya sa kaniyang kinauupuan at inulit kong muli ang pagtatanong sa kaniya.

"Mrs. Adamo, sagutin mo 'ko. Ama ko ba talaga siya?" Naging matalim na ang pagtitig ko sa kaniya at pati na rin ang pagsasalita.

"Oo. Oo," ganito pa rin ang sagot niya.

Nagalit na ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha kung bakit hindi pa rin niya amining nagsisinungaling siya o baka nagkamali lang talaga ako ng pinaniniwalaan.

Kinagat ko na ang aking labi dahil hindi ko mailabas ang galit sa loob ko. Kailangan kong magtimpi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status