Chapter 151Bumalik si Amara para hanapin ang kaniyang cellphone, ngunit matapos maghanap nang matagal, hindi niya ito makita. Marahil ay nahulog iyon habang nakikipagbuno siya kay Ysabel kanina. Isang matinding lamig ang dumaloy sa puso niya.Samantala, habang sinusuri ng doktor si Ysabel, pilit itong nagpupumiglas manatiling gising. Masakit ang ulo niya, parang sasabog, ngunit hindi siya naglakas-loob na mawalan ng malay. Nang makita niyang walang inilabas si Amara ay lihim itong napangiti.“Argus… hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit ni Amara sa akin. Gusto niya akong patayin”Nakayakap siya kay Argus, umiiyak sa sakit at takot. Ang maputla niyang mukha ay punô ng pangamba kay Amara, at nakakaawa ang anyo niya.“Dahil lang ba kay Elara? Amara, ilang beses ko bang kailangan ipaliwanag na hindi ko siya sinaktan? Bakit hindi mo ako mapatawad? Kaninang umaga gusto mo na akong patayin, ngayong gabi sa bahay ko, at ngayon naman… Argus, natatakot na talaga ako sa kaniya…”Noo
Chapter 150Nanlaki ang mga mata ni Amara at sa huling sandali, naabot niya ang braso ni Ysabel.Mahigpit na ipinikit ni Ysabel ang kanyang mga mata, ngunit ang inaasahan niyang pagbagsak ay hindi nangyari. Isang kamay ang mahigpit na humawak sa kanya, at ang kanyang katawan ay kumakampay sa ere.Nang tumingala siya, nakita niya si Amara ang nagligtas sa kanya. Walang emosyon sa mga mata nito, walang bahid ng pagsisisi. Sa halip, may bahagyang bugso ng pagnanasa na hilahin siya pababa. Kung gagawin iyon ni Amara, pareho silang mamamatay.Kaya’t pinigil ni Ysabel ang ideya. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang braso ni Amara at sumigaw, parang nag-uutos, “Amara, hilahin mo ako agad! Bilisan mo!”Pero ang kaliwang braso ni Amara ay sugatan, at ang kanan naman ay wala nang lakas. Kahit hindi siya nasaktan, mahirap hilahin ang isang tao na kasing-bigat niya gamit lang ang isang kamay.Ang magagawa niya lang ay hawakan si Ysabel para hindi ito tuluyang mahulog.Patuloy na nagpupumiglas si
Chapter 149Kahit anong mangyari, ipapadala niya si Ysabel sa kulungan balang araw. Kailangang magbayad siya sa ginawa niya kay Elara.“Pag-usapan na lang natin iyan kung makakaligtas ka pa.”Muling sumugod si Ysabel na parang mabangis na aso. Hindi na nakaiwas si Amara, at sa lakas ng tulak nito, kalahati ng kanyang katawan ay nakalaylay palabas.Agad bumalot ang matinding pakiramdam ng kawalan ng bigat. Kahit ang hangin na humahampas sa kanya mula sa napakataas na lugar na iyon ay parang mga patalim na dumadampi sa balat. Unti-unting nilalamon ng takot ang kanyang puso.Namumuo ang poot sa mga mata ni Ysabel habang iniaabot ang kamay upang itulak na tuluyang mahulog si Amara—“Ahhh!”Isang matinis na tunog ang umalingawngaw.“Sir! Tumingala kayo!” nanginginig ang mga boses ni Emilio.Si Argus, na tinatanong ang mga staff, ay agad napatingala at nakita ang isang tao na biglang bumulusok palabas na ferris wheel.Nanlaki ang mga mata ni Argus, at awtomatikong itinulak niya ang staff s
Chapter 148“Hindi ako sasama! Argus, bitiwan mo ako!” sigaw ni Amara.Pagdating nila sa baba, sapilitang isinakay siya sa kotse. At doon, nag-vibrate ang cellphone ni Amara—dalawang mensahe mula kina Caleb at Levi.Habang nasa silid si Argus, nakatago pala sila sa likod ng pinto. At nang abala ang lalaki sa paghahanap sa aparador, agad silang lumabas at tumakas. Isa rin iyong pustahan at ngayon, nailigtas sila ng pagkakataon.Ngunit sa labas ng silid, nakita nila kung paano kinaladkad ni Argus si Amara. Lalong nag-alala ang kambal.Habang nagpapakalat ng tao si Argus para hanapin si Ysabel, nakaupo si Amara sa likod ng kotse, nakayuko, at palihim na nagrereply sa mga bata. Doon niya rin napansin kung gaano ka-worried si Argus habang paulit-ulit nitong tinatawagan si Ysabel.Hanggang sa makarating sila sa amusement park—paboritong lugar ni Ysabel. Parang sindikato, sinalakay ng mga tao ni Argus ang lugar.Nakasandal lang si Amara malapit sa sasakyan, nakapagpalit na ng damit, at pilit
Chapter 147Sinubukan niyang sipain at hampasin si Argus, pero lalo lang siyang naipit. Malakas ang lalaki; madali nitong naitaas ang kanyang mga kamay at naipit sa ulunan.Sa posisyong iyon, naramdaman ni Amara ang matinding panghihina.Kasunod noon, naramdaman niya ang malamig na palad ni Argus na pumasok sa loob ng kanyang bathrobe, hinahaplos ang balat ng kanyang tiyan.Hinahanap nito ang ebidensya ng panganganak. Kung nag-caesarean siya, dapat may peklat.Ngunit wala itong natagpuan—dahil normal delivery ang naranasan ni Amara nang ipanganak niya ang kanyang mga anak.Habang siya ay sinusuri, nagpumiglas siya at sa desperasyon ay itinaas ang kamay, isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa lalaki. “Halang ang kaluluwa mo! Tama na! Sapat na ang impyernong buhay na pinaranas mo sa akin habang kasal tayo!”“MSagutin mo muna ng totoo ang lahat ng tanong ko,” mariin niyang sabi.“Alam kong hindi lang caesarean ang paraan ng panganganak,” malamig na sagot ni Argus. “May natural birt
Chapter 146Mariing pinagdikit ni Amara ang kanyang mga labi, bahagyang nanginig ang kanyang mga pilik-mata, at mahigpit na nakakuyom ang mga kamay na nakalaylay sa gilid niya.Tinitigan siya ni Argus nang diretso, handang hulihin ang kahit anong bakas ng pagkakasala sa kanyang mukha. Kapag may nakita siyang bahid ng pagkabigla o kaba, siguradong-sigurado siyang may itinatago itong bata.Ngunit sa halip, tinaas ni Amara ang kanyang ulo, at tumitig sa kanya, walang bakas ng pagkakasala.“Sige. Pumasok ka. Hanapin mo.”Nagkunwari siyang kalmado kahit na hindi siya sigurado. Alam niya na dumating na siya sa puntong wala nang atrasan. Kung umamin siya ngayon at siya mismo ang nagbigay ng bata, wala na siyang laban. Pero kung si Argus mismo ang maghahanap, may pag-asang makaligtas pa siya.At sa pagkakataong iyon, mas pinili niyang sumugal.Pilit niyang hinila ang kamay niya mula kay Argus. “Hindi ba gusto mong maghanap? Sige, tingnan mo kung may tinatago akong bata.”Matapang ang tono niy