Share

Chapter 160

last update Huling Na-update: 2025-10-06 15:22:52

Chapter 160

Kakakaligtas lang kay Ysabel. Wala siyang pisikal na sugat, ngunit labis ang takot na bumalot sa kanya. Sa mga oras na iyon, nakatago siya sa loob ng silid ng ospital, nanginginig na parang baliw.

Pinalibutan siya ng grupo ng mga doktor, ngunit mahigpit niyang hawak ang ulo at tumatangging lapitan ng kahit sino.

“Wala ka bang gustong sabihin?”

Mula sa labas, habang pinagmamasdan ang eksena, tinanong ni Argus si Amara.

Medyo nagulat si Amara. Una niyang inisip na nagkukunwari lang si Ysabel, ngunit nang titigan niya ito nang mabuti, nakita niya na ang takot na bumabalot dito tila ba nawalan ng kaluluwa.

“Ano’ng nangyari sa kanya?” tanong ni Amara, hindi maintindihan kung bakit bigla na lang nagkaganito si Ysabel.

Lumingon si Argus at tumitig sa kanya. “Ikaw ang dapat kong tanungin.”

“Ako?” Napatingala si Amara at tumama ang mga mata niya kay Argus.

Makalipas ang ilang segundo, napagtanto niya, “Pinaghihinalaan mong ako ang may gawa nito?”

“Isang araw hinanap siya ng pamilya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 164

    Chapter 164Bahagyang kumunot ang noo ni Argus. "Na-imbestigahan na ‘yon. Walang kinalaman si Ysabel. Bakit paulit-ulit mong ibinabato sa kanya?"Lumapit si Amara ng ilang hakbang, halos magkadikit na ang kanilang pagitan. Nakatingala siya sa maangas na mukha ni Argus na ngayo’y lalo pang tumigas ang anyo. "Kung dumating ang araw na mapatunayan kong totoo ang lahat ng sinasabi ko, ano’ng gagawin mo?"Sandali natigilan si Argus. Nakatitig siya sa mga labi ni Amara na nagbubukas at nagsasara habang nagsasalita—mapula, nakakaakit, ngunit ang mga salitang lumalabas ay parang yelo sa kanyang dibdib."Ipapadala mo ba sa kulungan si Ysabel? Iyong pinakamamahal mong babae?"Tahimik na nakatitig si Argus sa kanya. Walang kurap, walang emosyon na mababasa. Ngunit sa huli, mahina ngunit matatag niyang sinabi, "Kung dumating man ang araw na iyon... ako mismo ang magdadala sa kanya sa kulungan. Ako ang magpapaaresto sa kanya."Mapait na ngumiti si Amara, pinilipit ang mga labi. "Sana maalala mo an

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 163

    Chapter 163Gustong-gusto ni Amara na makita ang magiging reaksyon ni Argus sa araw na malaman niyang ang babaeng pinakamamahal niya ang siyang mananakit sa anak niya. Magsisisi ba ito? Madudurog ba ang puso nito? O mararamdaman man lang nito ang sakit na araw-araw ay pasan niya? Ang tanging hiniling niya sa isip ay sana, sana kapag dumating ang oras na iyon, si Argus ay wasak, miserable, at lumuluhod sa pagsisisi.Napangisi si Amara, mapait at puno ng hinanakit, saka inubos ang alak sa baso.Sa kabilang booth, humithit ng sigarilyo si Andrei, ang usok ay dahan-dahang lumulutang sa pagitan nila. Lumapit ito at naupo sa tabi ni Argus.“Kuya,” ani Andrei, sarkastikong ngumisi, “bakit hindi mo mapagkatiwalaan si ate Amara?”Nakahalukipkip si Argus, ang maninipis at mahigpit na labi niya’y tila guhit na lamang, walang emosyon ang mababasa sa malalim niyang mga mata na para bang kailanman ay hindi mo matutumbok ang iniisip.Hindi siya nagsalit. Kaya’t si Andrei na rin ang sumagot para sa s

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 162

    Chapter 162Pagkaharap ni Andrei ay agad na sumalubong ang malamig na tinig ni Doña Luciana.“Ikaw na naman? Kakadating mo pa lang, gulo agad ang dala mo!”Napasinghap si Andrei, agad na tinakpan ang ulo niya na para bang may paparating na tsinelas. “Mom! Kakapasok ko lang sa bahay, papatayin mo na agad ako? Wala ba akong welcome hug man lang?”“Welcome hug? Gusto mo welcome palo!” sagot ng ina, sabay abot ng abaniko at tinangkang ihampas sa kanya.Umatras si Andrei at nagtago sa likod ng upuan, kunwari ay umiiyak. “Mom!”“Kung marinig ka ng ama mo, siguradong mas magagalit siya sa’yo! Baka bugbugin ka pa ng walang dahilan at baka palayasin ka pa sa bahay.”Sakto namang bumukas ang elevator at bumungad si Don De Luca, kasama ang matandang katiwala na sumusuporta sa kanyang paglalakad.Nagtaas ng kamay si Andrei na parang nakakita ng tagapagligtas.“Grandpa! MYes, may kakampi na ako! Lo, pinagdidiskitahan ako ni Mom kahit wala akong ginagawa!” sumbong nito.Nilingon sila ng matanda, sa

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 161

    Chapter 161Mariing kumunot ang noo ni Argus, halos pumutok ang ugat sa sentido.“Kailan ka pa dumating?” malamig niyang tanong.“Kanina lang,” walang pakialam na tugon ni Andrei, sabay balikat ng para bang wala siyang ginagawang mali. “Yo!”Mabilis itong lumapit kay Amara, dahilan para kusa siyang umatras ng isang hakbang. Kumislot ang kanyang dibdib sa kaba—kung tama ang tanda niya, hindi maganda ang ugali ng binatang ito.Ngumisi si Andrei at bahagyang yumuko.“Sister-in-law… ang tagal nating hindi nagkita. Kumusta ka, kapatid?”“Ha?” Bahagyang napatigil si Amara, hindi inasahan ang tila magalang na pagbati. Natuto na ba ang batang ito sa ibang bansa? O nagbabalatkayo lang siya?Matapos ang pagbati, biglang humarap si Andrei kay Ysabel, malamig ang mga mata na parang nanunuot hanggang buto.“Ysabel,” aniya na may halakhak, “gusto na bang lipulin ng pamilya De Luca ang pamilya ninyo?”Napasinghap si Ysabel, hindi makapaniwala sa narinig. “Andrei? Anong pinagsasabi mo? At bakit ka na

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 160

    Chapter 160Kakakaligtas lang kay Ysabel. Wala siyang pisikal na sugat, ngunit labis ang takot na bumalot sa kanya. Sa mga oras na iyon, nakatago siya sa loob ng silid ng ospital, nanginginig na parang baliw.Pinalibutan siya ng grupo ng mga doktor, ngunit mahigpit niyang hawak ang ulo at tumatangging lapitan ng kahit sino.“Wala ka bang gustong sabihin?”Mula sa labas, habang pinagmamasdan ang eksena, tinanong ni Argus si Amara.Medyo nagulat si Amara. Una niyang inisip na nagkukunwari lang si Ysabel, ngunit nang titigan niya ito nang mabuti, nakita niya na ang takot na bumabalot dito tila ba nawalan ng kaluluwa.“Ano’ng nangyari sa kanya?” tanong ni Amara, hindi maintindihan kung bakit bigla na lang nagkaganito si Ysabel.Lumingon si Argus at tumitig sa kanya. “Ikaw ang dapat kong tanungin.”“Ako?” Napatingala si Amara at tumama ang mga mata niya kay Argus.Makalipas ang ilang segundo, napagtanto niya, “Pinaghihinalaan mong ako ang may gawa nito?”“Isang araw hinanap siya ng pamilya

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 159

    Chapter 159Biglang inapakan ni Amara ang preno, at pinikit ang mga mata upang makita nang malinaw ang sasakyang humarang sa unahan. Mula roon, bumaba ang isang pamilyar na pigura. Si Argus.Ano na naman ang gagawin niya rito?Kumunot ang noo ni Amara. “Kayo, magtago kayo sa likod. Bababa si Mommy saglit.”Binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas. Mabilis na lumapit si Argus, halatang balisa, at agad hinawakan ang kanyang pulso. “Amara, saan ka ba galing? Maghapon na kitang hinahanap.”Tinitigan siya ni Amara nang may matinding galit at poot. “Bakit mo ako hinahanap? Natatakot ka bang tumakas ako? O baka naman natatakot ka na gagawin ko ang ginawa ni Ysabel?”

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status