Mag-log inChapter 600Napasulyap si Andrei kay Amara at napansing kakaiba ang ekspresyon nito."Ate, ano pong problema? Mukhang hindi mabuti ang lagay niyo," puna ni Andrei.Nanginginig ang puso ni Amara, ngunit kalmado siyang sumagot na maayos lang siya. Alam niyang ito ang paghihiganti ni Damien, ang banta nito; gusto nitong mabuhay siya sa takot sa lahat ng oras.Kinalkula nito na bilang isang babae at isang ina, tiyak na hindi niya gustong masiwalat ang ganitong uri ng bagay. Masyado itong pangit. Talagang napakarumi nitong tingnan.Huminga nang malalim si Amara at ipinikit ang kanyang mga mata para palamigin ang kanyang kalooban....Nang makarating sila sa bahay ng pamilya Vascotto, huminto ang sasakyan at sanay na sanay na nagtatakbo patungo sa loob ang tatlong bata. Medyo pamilyar na sila sa mga Vascotto.Nakabalik na si Amara, at hindi na sila makapaghintay na ibalita ang magandang balita kay Don Gildart.Kakatakbo lang nila sa loob, at bago pa man sila tuluyang makahakbang sa pinto, n
Chapter 599Agad na naging tensyonado si Amara."Bakit?" tanong ni Amara."Dahil sobrang nangungulila rin po ang lolo sa tuhod ko kay Mommy. Kahit hindi niya po sinasabi, napapansin naming lahat na madalas siyang tumitingin sa mga larawan ni Mommy at palihim na nagpupunas ng luha," paliwanag ni Caleb.Nakaramdam ng matinding hapis at pighati si Amara. Napakatanda na ng matanda, ngunit nakakaramdam pa rin ito ng ganoong labis na pagdadalamhati nang dahil sa kanya."Pupuntahan siya ni Mommy mamaya," wika ni Amara habang hindi na makapaghintay na pumunta kay Don Gildart para sabihin dito na hindi siya patay at nakabalik na siya."Siyanga pala, nakikipag-ugnayan ba kayo sa godmother ninyo?" untag ni Amara habang sinusubukang tawagan si Celine kagabi at kaninang umaga, ngunit hindi sumasagot ang telepono nito. Karaniwang nakabukas ang telepono ni Celine nang 24/7 para sa trabaho, kaya hindi ito dapat mangyari sa kanya. Bahagyang nag-aalala si Amara para sa kaibigan.Nag-isip sandali si Cal
Chapter 598Hindi na mabilang na beses narinig ni Elara ang katagang "babalik din si Mommy sa lalong madaling panahon."Noong una, si Argus ang nagsabi nito, pagkatapos ay si Celine, kasunod sina Donya Luciana, Alberto, at Andrei, hanggang sa lahat ng tao sa paligid nila ay ito na ang sinasabi, at ngayon pati ang dalawa niyang kuya ay ganoon din ang winika.Naghintay nang naghintay si Elara araw-araw, at labis siyang nalungkot dahil doon. Itinuon ng batang babae ang kanyang ulo sa ibaba, kinuskos ang kanyang maliliit na mata, at gustong magpaluha ng ilang patak ng luha, ngunit dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang dalawang kuya, lumingon siya sa ibang direksyon...Isang balingkinitang bulto ng tao ang nakatayo sa kanyang likuran; Malabo ang paningin ni Elara dahil sa mga luha, kaya nahihirapan siyang makakita nang malinaw. Kinuskos ni Elara ang kanyang mga mata... at tumingala. Nakita niya ang isang babae sa kanyang likod na may suot na pink na amerikana at may banayad na ngiti sa
Chapter 597Espesyal na pinili ni Amara ang isang panloob na damit na may mataas na kuwelyo ngayong araw para matakpan ang gasa sa kanyang leeg.Naglagay din siya ng simpleng makeup para magmukha siyang mas masigla, upang hindi mapansin ng mga bata na nagpagaling siya sa labas ng dalawang buwan at bumalik na tila may sakit, na posibleng magdala ng hinala sa kanila.Puno ng kaba si Amara habang nasa daan patungo sa lumang tahanan ng pamilya De Luca.Sa nakalipas na dalawang buwan, hindi mabilang na beses niyang naisip kung ano ang magiging hitsura ng pagkikita nila ng mga bata, ngunit nang dumating na ang aktwal na sandali, labis siyang kinabahan.Habang nasa biyahe, marami ang kinuwento ni Andrei kay Amara tungkol sa mga nangyari sa tatlong bata nitong nakaraang dalawang buwan. Mas matanda si Fely sa kanila at may mga bagay itong napansin.Sinasadya nitong sabihin sa kanila nang maraming beses na si Amara ay "patay" na. Kung hindi dahil sa mga ipinadalang video, imposible sanang maita
Chapter 596Maayos na hinarap ni Amara ang sitwasyon tungkol sa tubig.Humingi ng upuan si Andrei at umupo roon habang nakatitig nang husto kay Tygar. Pinapunta siya roon ni Donya Luciana at inutusang bantayan nang maigi si Tygar para hindi ito makalapit kay Amara. Alam na alam ni Andrei ang nararamdaman ni Tygar para kay Amara, kaya natural lang na gusto niyang protektahan si Amara para kay Argus.Pagkatapos mag-almusal, lumapit ang nars para palitan ang benda ni Amara. Huminto na ang pagdurugo ng sugat niya sa leeg at maayos na ang lagay niya. Wala nang balak pa si Amara na manatili sa ospital dahil marami siyang kailangang gawin ngayong araw."Nasa bahay ba ang mga bata ngayon?" tanong ni Amara."Nasa bahay sila, pero hindi pa nila alam ang tungkol sa natamong pinsala ng kuya ko," sagot ni Andrei."Sige, mamaya na lang natin sabihin sa kanila ang tungkol dito," tugon ni Amara.Nang makarating sila sa ward ni Argus, naroon sina Alberto at Donya Luciana. Lumapit si Amara at bumati sa
Chapter 595Maagang-maaga kinaumagahan.Kagigising lang ni Amara nang may kumatok sa pinto. Nagsuot siya ng amerikana at lumapit para buksan ito.Nakatayo si Tygar sa may pinto, may dalang almusal sa kanyang kamay."Good morning," bati ni Tygar."Good morning," tugon ni Amara.Pumasok si Tygar at ibinaba ang hawak niyang almusal."Halika na at mag-almusal," aya ni Tygar.Kinamot ni Amara ang kanyang mahaba at magulong buhok na naging hitsura niya matapos matulog nang buong gabi."Maghihilamos at magsisipilyo muna ako," sabi ni Amara."Sige," sagot ni Tygar.Nang lumabas si Amara, naihanda na ng lalaki ang almusal.Lumapit si Amara, at kahit hindi pa niya tinititigang mabuti, nakita niyang lahat ng iyon ay ang mga paborito niyang pagkain. Hindi na nag-atubili si Amara. Pagkaupong-pagkaupo niya, napansin niya agad ang sugat sa kamay ni Tygar."Ano'ng nangyari sa kamay mo?" tanong ni Amara."May binugbog ako," maikling sagot ni Tygar."Binugbog... si Damien?" paninigurado ni Amara."Oo,"
Chapter 178Isang doktor ang naglilinis ng sugat ni Amara.“Hindi ka pwedeng lumipad sa kalagayan mong ‘yan. Kailangan mong pumunta sa ospital,” anito.Namumutla ang mukha ni Amara, ipinikit niya ang mga mata at umiling.“Wala nang oras.”Napakunot ang noo ng doktor, hindi niya maunawaan kung bakit
Chapter 161Mariing kumunot ang noo ni Argus, halos pumutok ang ugat sa sentido.“Kailan ka pa dumating?” malamig niyang tanong.“Kanina lang,” walang pakialam na tugon ni Andrei, sabay balikat ng para bang wala siyang ginagawang mali. “Yo!”Mabilis itong lumapit kay Amara, dahilan para kusa siyang
Chapter 176Paglabas ni Amara ng paliparan, mabilis siyang sumakay sa isang taxi. Hindi na siya lumingon pa—ang tanging nasa isip niya ay makalayo. Mula sa rearview mirror,
Chapter 166Inasahan na ni Amara ito, pero hindi niya inaakalang darating nang ganito kabilis.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sumakay, saka kalmadong sumagot, “Kakasuhan niya ako? Tanungin mo muna siya kungnag-isip niyang mabuti bago gawin ‘yan.”“Ito ang na ang pasya ni Miss Ysabel.”Bahag







