Kabanata 5: Babae, Halina’t Tingnan Mo Ako
“Elara ang pangalan mo?”
Dumapo ang mata ng lalaki sa sasakyan at agad na umasim ang kanyang mukha. “Bakit mo nilagyan ng... drawing ang kotse ko? At sino 'yong mga kasama mo kanina?”
Naka-krus ang mga braso ni Elara habang bahagyang tumagilid ang ulo. Mataray ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Hindi ko sasabihin na Elara ang pangalan ko,” mariin niyang tugon. “Ako lang ang may gawa niyan. Wala akong kasama.”Medyo matapat nga siya... pero halatang may pagka-pasaway.
“Dahil ayaw mong sabihin ang totoo tungkol sa mga kasabwat mo, sabihin mo na lang kung sino ang nanay mo.”
“Hindi ko rin sasabihin.”
“Kung gano’n, mapipilitan akong isama ka.”
Pagkarinig niyon, kumurap-kurap ang malalaki at bilugang mata ni Elara, tila ba anumang sandali ay puputok na ang iyak.
Ibinaba siya ni Argus sa lupa.
Mabilis na pinunasan ni Elara ang luha sa kanyang pisngi, saka walang anu-ano’y tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Iniunat ang mga binti, winagayway ang mga braso, habang mahina siyang bumubulong sa sarili, “Takbo, takbo, Elara, takbo…”
Tumaas ang kilay ni Argus habang pinagmamasdan ang munting babae. Hindi niya ito agad hinabol.
Nang akala ni Elara ay nakatakas na siya, bigla itong sinugod ni Argus—dalawang hakbang lamang—at muling binuhat.
Iniangat siya nito sa ere. Sinubukan ni Elara sipain ang kanyang mga paa, pero alam niyang wala rin iyong epekto.
“Sige lang, tuloy mo lang ang pagtakbo,” aniya nang may ngiti sa labi.
Napakrus si Elara ng braso sa dibdib, ibinaba ang ulo, at nagtampong parang isang maliit na puffer fish.
Napangisi si Argus. Sa kabila ng gulo, hindi niya naiwasang maisip na may kakaibang pagka-cute ang batang ito. Binuhat niya ito pabalik sa kotse, ngunit muli niyang napansin ang mga guhit at sulat sa kanyang sasakyan.
“Sabihin mo sa akin,” aniya, nakatingin kay Elara, “bakit mo isinulat ang mga salitang ito?”
‘Iniwan ang asawa at mga anak.’
Kung iisiping mabuti, ang guhit sa sasakyan ay tila may malalim na kahulugan—parang iyon ang nais nitong ipahiwatig.
Isang mensaheng hindi karaniwang nanggagaling sa isang bata. Halatang wala pa siyang muwang sa mundo.Tahimik lang si Elara habang tinakpan ang kanyang bibig at mariing tumangging magsalita.
“Argus, anong meron sa batang ‘yan?” tanong ni Ysabel habang nakakunot ang noo.
“Inamin niyang siya ang may gawa, pero pagkatapos no’n ay hindi na siya umiimik. Carmela, tumawag ka na ng pulis.” Utos ni Argus.
“Opo... pero paano na ang batang ito, Sir?”
Luminga-linga si Argus sa paligid. Walang ibang tao. Tinatayang apat o limang taong gulang lang ang bata at hindi niya puwedeng iwan basta-basta sa kalsada.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at marahang pinaupo si Elara sa loob.
“Hintayin natin ang pulis. Sila na ang kukontak sa mga magulang niya para sunduin siya.”Para bang biglang binagsakan ng langit ang mundo ni Elara.
Tama si Mommy… kukunin ako ni Daddy… Hindi na niya muling makikita ang kanyang Mommy…
Unti-unting tumulo ang luha ng matinding kalungkutan sa kanyang mga mata.
Pagkaupo ni Argus sa driver's seat ay napansin niya ang pagbabago ng itsura ng batang babae.
Ang batang kanina lamang ay matapang at panay ang pagtanggi ay ngayo’y tahimik na umiiyak.
Hindi sanay si Argus sa mga bata lalo na sa mga umiiyak. Hangga’t maaari ay iniiwasan niya ang ganitong sitwasyon. Pero ngayon, kaharap niya ang isang munting nilalang na tila napakaliit at walang kalaban-laban. May bahagi sa kanyang matigas na puso na tila unti-unting lumalambot.
“Bakit ka umiiyak? Wala naman akong ginawang masama sa’yo,” tanong ni Argus na medyo nag-aalangan.
Inangat ni Elara ang kanyang maliliit na kamay at pinunasan ang luha sa pisngi. “Nahuli si Elara ng masasamang tao... Hindi na niya makikita si Mommy... si Elara... si Elara…”
Hindi na siya makapagsalita sa sobrang iyak. Ang lungkot-lungkot niya.
Tahimik siyang pinanood ni Argus bago marahang nagsalita, “Pakakawalan kita kapag na-contact na ang mommy mo ng mga pulis.”
“Talaga?” Agad siyang tumigil sa pag-iyak, at mabilis na tumingin kay Argus gamit ang maningning at umaasang mga mata.
Halos mapaisip si Argus. Nagdradrama lang yata ang batang ‘to.
“Oo,” tugon niya. “Pero kapalit no’n, kailangan mong sabihin sa akin kung bakit mo ginuhitan ang kotse ko.”
Muling tumikom ang bibig ni Elara. Tinitigan niya si Argus gamit ang malalaki niyang mata at punong-puno ng paninindigan na para bang sinasabi na ‘Hindi mo ako mauutakan.’
Sanay man si Argus sa pakikipagsabayan sa mga pating sa mundo ng negosyo ay heto siya ngayon at tila talunan sa harap ng isang umiiyak na batang babae.
Samantala, sa di kalayuan...
Habang pinapanood nina Levi at Caleb na inilalayo si Elara ay kapwa sila nataranta.
Tatakbo sana si Levi pabalik upang sagipin ang kanyang kapatid ngunit pinigilan siya ni Caleb.
Kalmado itong nagsalita, “Medyo kamukha natin si Bad Daddy. Kapag lumabas tayo ay hindi natin matutulungan si Elara at baka mas lalo lang mapahamak si Mommy.”
Naisip rin ni Levi iyon dahil para silang pinagbiyak na bunga ng ama. Pero siguradong pagagalitan sila ng mommy nila kapag nalaman ang nangyari. Hindi nila pwedeng pabayaan ang kapatid.
“Eh… paano na si Elara?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Levi.
“Hanapin muna natin si Mommy,” sagot ni Caleb, matatag ang boses.
Napakislot si Levi. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang maliliit na kamao, sabay tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang dibdib at pakiramdam niya ay sasabog ito sa kaba.
Biglang nag-ring ang cellphone. Si Amara ang tumatawag. Nagkatinginan ang dalawang batang lalaki.
“Naku, yari tayo… si Mommy tumatawag na,” bulong ni Levi habang kinakamot ang ulo.
“Sagutin mo na,” utos ni Caleb pero siya na rin ang unang sumagot.
“Caleb, Levi! Saan kayo nagpunta? Nasaan ang kapatid n’yo? Kasama n’yo ba si Elara?”
Sa kabilang linya, narinig nila ang nanginginig sa pag-aalalang tinig ni Amara. Hindi na halos makapagsalita nang maayos si Amara sa sobrang pag-aalala dahil wala ang tatlong bata, at para na siyang mababaliw.
“Mommy... Si E-elara..." nauutal nitong sabi, "si E-elara po…”
Hindi malaman ni Levi kung paano sasabihin ang nangyari. Halos maiyak na siya sa sobrang kaba.
Chapter 106Pagdating nila sa pintuan ng bahay ni Amara ay naroon na rin ang locksmith. Bahagyang ngumisi si Ysabel, puno ng kasiyahan at tusong tagumpay ang kanyang mga mata.Ngayon… mahuhuli ka na namin, Amara. Ikaw at ang bata mo, wala na kayong ligtas.Mabilis at sanay ang kilos ng locksmith. Ilang sandali lang, bumigay ang kandado ng bahay at bumukas ang pinto.Sa loob ay may palabas na cartoon na umaalingawngaw mula sa telebisyon. Walang nakakaalam tao sa loob na may nangyayari sa labas ng pintuan.Hindi na nakapaghintay si Doña Luciana. Sa sobrang pananabik na makita ang kanyang apo ay diretsong pumasok ito sa loob, nakalimutan ang pagiging elegante at disente bilang isang ginang.Ang biglaang pagsalakay nila ay ikinagulat ng lahat ng naroon sa bahay.Napatigil si Doña Luciana nang makita ang isang batang nakatingin sa kanya mula sa sofa. Napuno ng luha ang kanyang mga mata sa isang iglap. Lumuhod siya at walang alinlangang niyakap ang bata.“Apo ko!” bulalas niya, nanginginig
Chapter 106Nagulat si Doña Luciana at si Ysabel. Hindi nila akalain na sasabihin iyon ni Argus sa mga sandaling iyon. Pinoprotektahan ba niya si Amara?Kagat-kagat ni Ysabel ang kanyang labi at pinahina ang tinig, “Hindi, Argus. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung naging mas maingat lang ako noong mga araw na iyon, limang taon na ang nakalipas, hindi sana kita ginulo.”Habang nagsasalita ay iniunat ni Ysabel ang kanyang mga kamay, niyakap si Argus at mahinang umiyak sa kanyang dibdib, tila ba lubos na nagsisisi. “Argus… kahit ilang beses kong sabihin, hindi ko na mababawi ang nakaraan. Pero sana, sana magtiwala ka na gusto ko lang ng kapatawaran,” dagdag pa nito, habang ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa pekeng paghikbi.Ibinaling ni Argus ang kanyang mga mata pababa at iniangat ang kamay upang itulak palayo si Ysabel mula sa kanyang mga bisig. Matalim ang tingin niya, malamig, at walang bakas ng pag-aalaga. “Ysabel, huwag mo na akong saktan pa. Tigilan mo
Chapter 105“Amara, kailan ka naging ganito?” Unti-unting dumilim ang malamig nang ekspresyon ni Argus. Si Carmela na nasa likuran ay tinakpan ang kanyang mukha at sumilip sa pagitan ng kanyang mga daliri. Talagang napakataray ng dating ng asawa ng boss niya. Wala pang naglakas-loob na magsalita kay Argus nang ganoon. Siya lamang ang naglakas-loob at hindi pa umatras.Si Amara ngayon ay parang paputok na sumasabog sa kaunting galaw at hindi na maayos kausap. Pinakinggan ni Amara ang mga salita ni Argus at pinagdikit ang labi.“Argus, ganito na talaga ako noon pa. Nagtiis lang ako sayo dati, kaya akala niyo lahat na wala akong ugali na kayang lumaban at puwede akong apihin.”Suminghot si Ysabel, at bumuhos ang kanyang mga luha na parang mga perlas na naputol ang sinulid.“Amara, tama na. Kasalanan ko lahat ito. Saktan mo na lang ako o pagalitan, pero pakiusap, huwag mong ibunton ang galit mo kay Argus dahil sa akin. Kasalanan ko rin noon. Kung hindi sana ako sinasamahan ni Argus pala
Chapter 104Hindi na bumalik si Amara sa loob ng restaurant. Dahil nag-text agad si Celine na naiuwi na niya ang tatlong bata, mas pinili niyang umiwas sa gulo.Pagkalabas niya ng restaurant at nakalakad ng dalawang hakbang, biglang may sasakyan na mabilis na sumulpot na parang tatama sa kanya.Mabilis ang reflex ni Amara kaya agad siyang umatras ng dalawang hakbang, pero kahit ganoon, sumabit pa rin ang sulok ng kanyang damit sa gilid ng kotse.Namutla ang kanyang mukha sa takot, ramdam niya pa rin ang bilis ng pagdaan ng hangin sa kanyang katawan. Nang itaas niya ang tingin, nakita niya ang dalawang babaeng bumaba sa kotse.Ysabel.Tinanggal nito ang suot na sunglasses, at tumayo sa tabi ng sasakyan na may nakataas ang baba, bitbit ang nakakaasar na mapagmalaking ngiti.Kung ibang tao iyon, baka maisip pa ni Amara na aksidente lang iyon o marunong lang talagang masama magmaneho. Pero nang makita niya si Ysabel, sigurado na siya. Sadyang ginawa ito dahil may lihim na galit sa kaniya.
Chapter 103“Kung ayaw mong mag-divorce, that’s your choice.” Itinaas ni Amara ang kanyang ulo at tinitigan si Argus nang diretso. “Pero ako… gusto ko. Argus, please respect my choice and just sign it already.”Pagkasabi niya nito ay tumayo siya at tumalikod saka umalis nang walang alinlangan.At doon, parang may nabasag sa loob ni Argus. May butas na biglang bumuka sa dibdib niya—isang kalungkutan na kumakain sa kanya, walang awa, para bang may bagay na hindi na talaga maibabalik. Ibinaba niya ang tingin, nakatutok sa divorce agreement na nakapatong lang sa mesa. Hindi niya kayang buksan. Hindi niya kailangan. Alam na niya kung ano ang nakasulat doon.Tatlong taon silang mag-asawa. Hindi mahaba, hindi rin maikli. Pero… ano bang ginawa niya sa loob ng mga taong iyon?Kung magiging tapat siya, wala naman siyang ginawang lantaran para ipahiya si Amara. Pero hindi rin siya naging mabuti sa kanya. Hindi sapat. Hindi niya minahal nang sapat ang babaeng pinakasalan niya. Hindi niya tinupad
Chapter 102“Elara…” mahinang tawag ng bata habang nakasilip sa gilid ng mesa, “Kuya, dali na… lumabas na kayo. Wala na si bad daddy.”Unti-unting gumapang palabas sina Levi at Caleb mula sa ilalim ng mesa. Pareho silang puno ng alikabok, gusot ang buhok, at nakasimangot na parang mga basang sisiw.“Aray…” reklamo ni Caleb habang pinapagpag ang pantalon niya. “Ang sikip doon sa ilalim, parang sardinas!”“Oo nga!” dagdag ni Levi, nakausli pa ang pisngi na parang pufferfish. “Tapos ang bango-bango pa ng pagkain sa mesa, gutom na gutom na ako! Hmph, kasalanan ng bad daddy na ‘yon. Akala ko hindi siya pupunta?”“Shhh…” bulong ni Elara, nagmamadali siyang kunin ang sariling mangkok sa ibabaw ng mesa. “Kuya Levi, Kuya Caleb… ito oh.”Buong lakas niyang iniabot ang mangkok sa mga kapatid. Sa ibabaw nito, nakaumbok ang dalawang malalaking chicken leg.“Kuya, kain na kayo. Ang bango-bango, baka lamigin na,” sabi ni Elara, sabay tulak ng mangkok papunta sa mga kamay ng magkapatid. “Kanina pa ak