LOGINKabanata 4: Nahuli si Elara ni Argus
Humugot ng malalim na hininga si Amara.
Ayaw niyang gumawa ng pansin, ayaw niyang may makakilala sa kanya, at lalong hindi siya pwedeng magtagal sa lugar na ito.
Bumalik sa lugar nila? Imposible.
“Wala akong katumbas na presyo,” mariin niyang sabi.
Pagkasabi niya no’n, dahan-dahan siyang lumihis sa daraanan at naglakad palayo mula kay Argus.
Hindi siya pinigilan ng lalaki, pero ramdam niyang nakasunod ang mga mata nito sa bawat hakbang niya.
May mahinang amoy na siguro’y naiwan sa hangin hindi amoy pabango, kundi isang pamilyar na samyo, isang samyo na hindi matukoy ni Argus kung saan niya dati naamoy.
Hindi nakalampas kay Argus ang kilos ni Amara, ang presensya nito na may kakaibang aura, katulad ng dati.
‘Amara.’ Iyon ang pumasok sa isip ni Argus.Si Amara ay palaging kalmado sa panlabas, pero may matatag na loob. May sariling paninindigan. At iyon ang lagi niyang ginagamit noon pa man.
Pero ngayon, tila napigtas ang pasensya ng tadhana sa kanilang dalawa. Alam niyang napansin ni Argus ang pagkakapareho nila ni Amara. Kailangan niyang lumayo iyon na lang ang tumatakbo sa isip niya.
Napakunot-noo si Argus. Sa loob ng maraming taon, palagi niyang naiisip si Amara sa kung ano ang itsura nito noong pitong buwan itong buntis. Naiisip niya rin ang bata. Kung hindi sana in-abort, siguro, limang taon na ang anak nila ngayon.
Hindi man ganoon kalalim magmahal si Argus noon para kay Amara, pero hindi niya rin pinlanong makipaghiwalay. Sa katunayan, sabik pa nga siya noon sa anak nilang dalawa.
Habang iniisip ni Argus ito, lalong bumigat ang presensya niya na tila parang isang bagyong palapit.
“Argus,” putol ni Ysabel, “masyado yatang masungit ang auctioneer na ‘yon. Bakit hindi na lang tayo maghanap ng iba para kay Grandpa? Ang dami namang marunong sa antiques.”
Napakunot-noo lalo si Argus. “Oo, maraming marunong sa antiques. Pero ang hinahanap ni Grandpa… ay siya,” tiim bagang niyang sagot saka humarap sa assistant. “Carmela, alamin mo ang buong impormasyon niya. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya.”
“Bakit gusto mo siyang paimbestigahan?” Tumalim ang tingin ni Ysabel. “Argus… interesado ka ba sa kanya?” nagseselos nitong tanong, sinusubok ang reaksyon.
Mula nang mawala si Amara, kahit pa palaging nasa tabi ni Argus si Ysabel ay ni minsan hindi niya sinabi na gusto niya itong pakasalan.
Palagi siyang malamig at hindi interesado sa ibang babae.
Pero kanina… ‘yung titig niya sa auctioneer, hindi iyon basta tingin lang. May laman na tila sinuri ni Argus ang buong pagkatao ng babae.
Isang bagay na hindi kailanman nakita ni Ysabel kay Argus kahit minsan.
“Hindi ako interesado,” malamig niyang sagot. “Pero gusto ni Grandpa siyang makilala. At gusto ko ring malaman kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin.”
Napabuntong-hininga si Ysabel nang palihim, tila nabunutan ng tinik. So ang dahilan lang ay ang matandang De Luca sa isip nito.
Ayos lang. Dahil imposibleng magustuhan ni Argus ang isang babaeng pangit at takot ipakita ang tunay na mukha.
“Bumalik na muna tayo sa hotel.”
Tumalikod si Argus at mabilis na naglakad palayo.
Pagbalik ni Amara sa opisina, hawak niya ang dibdib niyang kumakabog nang matindi. Gusto siyang dalhin ni Argus sa mansyon ng mga De Luca para tumingin ng antiques.
Tatlong taon silang kasal. Kilalang-kilala niya kung gaano ka-determinado si Argus. At kung may iba siyang ikinilos sa harap ni Argus kahapon, malamang ay maghinala ito. Pwedeng makilala siya. Pwedeng mag-imbestiga siya.
At kapag nahanap siya na kasama ang mga bata… umiling siya sa posibleng mangyari. Hindi pwedeng mangyari ‘yon.
Hindi pwedeng malaman ni Argus ang tungkol sa kanila… ang lahat. Ang buong katauhan niya ngayon ay kailangang manatiling lihim pati na rin ang tungkol sa triplets.
Kinuha niya ang cellphone niya at tumawag sa taong alam niyang matutulungan siya. Ilang segundo lang, may sumagot agad na isang lalaki.
“Honey, anong meron?” anito sa mababang tono.
“Pakiusap… tulungan mo ako. May isang taong malamang ay iniimbestigahan ako ngayon. Hindi ko pwedeng hayaan na malaman niya ang totoo kong pagkatao at tungkol sa mga anak ko.”
Alam niyang wala siyang sapat na kapangyarihan para pigilan si Argus kung gugustuhin nitong kalkalin ang buong pagkatao niya.
Pero ang lalaki sa kabilang linya? Kaya siyang itago sa mundo.
“Hmm.” Maikli lang ang sagot nito. Pero sapat na sa kanya ‘yon. Alam niyang alam na nito ang gagawin.
“Ikatlong beses na ito.”
Napakunot ang noo niya. Hindi niya agad naintindihan.
“Ha? Ano'ng ibig mong sabihin sa ‘ikatlong beses’?” nagtataka niyang tanong.
“Ikatlong beses na ‘to sa loob ng limang taon na tinulungan kita, Honey. Puwede bang… pakasalan mo na lang ako pagkatapos nito?”
Sa kabilang linya ng telepono ay isang matangkad at matipunong lalaki ang nakasandal lang sa sofa, suot ang isang maluwag na bathrobe na nakabukas hanggang dibdib at doon ay kitang-kita ang perpekto at matitigas nitong abs. Bahagyang nakataas ang gilid ng labi, at ang ngiti ay mas mapang-akit pa sa demonyo.
Napakagat-labi siya.
Pakakasalan ba niya ang isang halimaw?
Diyos ko, tama ba ang desisyon niyang humingi siya ng tulong dito?
Baka parang mas nakakatakot pa ang lalaki kaysa kay Argus.
“Hindi naman mahirap para sa'yo ang hihilingin ko,” sagot niya habang sinusubukang huminga ng normal. “Tinutulungan mo ako noon oo, pero binabayaran naman kita. Walang gulangan sa atin.”
Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. “Mas gugustuhin ko pang ikaw na lang ang humawak sa pera ko, kesa sa ako pa ang magkapera para sa’yo.”
“Maghanap ka na lang ng isang matinong babae na mag-aalaga sa bundok ng ginto at pilak mo. Ako? Kaya ko lang ‘yang buhatin at takbuhan kita.” Ismid niya.
“Walang utang na loob,” tumawa ito nang may pang-aakit.
Binaba na niya ang tawag. Pinilit niyang huwag na lang pansinin ang kilig na hindi niya dapat nararamdaman. Kinuha niya ang cellphone at nag-text sa manager niya, humihingi ng dalawang araw na leave.
Pagkatapos ay humugot siya ng malalim na hininga saka binuksan ang pintuan ng opisina kung nasaan ang anak niyang babae.
“Elara, tapos na si Mommy, uuwi na tay—Elara?”
Napalingon siya sa loob. Wala si Elara.
Sa basement parking ay my dalawang munting lalaki ang dahan-dahang sumilip mula sa likod ng pader. Napabuntong-hininga si Caleb, saka tahimik na binuksan ang kanyang laptop.
Aayusin niya ang kalokohan ni Levi.
Si Levi… dinrawingan ang sasakyan ni Argus. Siguradong i-che-check ang CCTV kapag nakita ‘yon. Malalagot sila kapag nahuli. Mabilis na nag-hack si Caleb sa surveillance system at binura ang footage. Pagkatapos ay napaluwag siya ng hininga.
Samantala, si Levi, tuwang-tuwa pang kasama si Elara habang hinihintay ang magiging reaksyon ni Argus kapag nakita ang "obra" niya.
“Sino’ng… gumawa nito?!”
Isang grupo ng tao ang papalapit. Sa unahan nila… si Argus.
Nanlaki ang mga mata ni Carmela nang makita ang sulat sa kotse at hindi napigilang basahin nang malakas, “Bad? three? Big check… man?”
Napalunok si Carmela at napatingin sa boss nilang si Argus, halos nanginginig ito sa takot. ‘Sino'ng may gawa nito? Ayaw na ba nitong mabuhay?’ sigaw ng isip ni Carmela.“Ang tapang naman ng gumawa nito,” singit ni Ysabel na kunot-noo ring nagtataka.
Madilim ang mukha ni Argus habang tinitingnan ang sulat. Halatang hindi nag-iisip ang sumulat dahil maling-mali ang baybay ng mga salita, at may salitang hindi naisulat ng tama. Isang bata lang ang puwedeng gumawa nito.
“Unahin natin ang CCTV. Ipa-check n’yo agad.”
“Hehehe…”
Isang mahina pero klarong tawa ang narinig.
Agad na tumalim ang pandinig ni Argus. Tiningala niya ang paligid, at sa isang iglap ay nakita niya ang dalawang munting ulo na pilit nagtatago sa likod ng pader. Matalim ang mata niya na parang agila.
“Nakita na tayo! Elara, takbo!” sigaw ni Levi.
“Ha? Ha?!”
Gulat na gulat si Elara. Paglingon niya, sina Kuya Caleb at Kuya Levi ay nagtatakbuhan na palayo.
“Kuya, hintayin n’yo si Elara!”
Susunod na sana siya pero… naipit ang laylayan ng cake skirt niya sa isang gilid. Hindi siya nakatakbo, at sa halip, bumagsak siya sa sahig nang malakas.
Hindi na siya makakatakas. Narinig niyang papalapit na ang mga tao sa likuran. Kaya umupo na lang si Elara at tinakpan ang mukha niya ng dalawang kamay.
‘Invisible. Invisible. Invisible… sana hindi nila ako makita,’ chant niya sa sarili.
Mabilis lumapit si Argus, tumigil sa harap ng maliit na pigura, at tumingin dito. Pagkatapos ay yumuko at inangat ang bata. Ang maliit na batang babae ay nakatakip pa rin sa mukha, nakapikit na para bang hindi siya makikita kapag ginawa iyon.
“Nakikita kita. Tigilan mo na ‘yan,” ani Argus.
Dahan-dahang dumilat si Elara, ang malalaking mata niya ay punong-puno ng pagtataka.
Bakit ganun? Nagtataka niyang tanong sa sarili. Sa bawat hide-and-seek nila ng mga kuya niya… siya lagi ang pinakamagaling magtago.
Unti-unting ibinaba ni Elara ang mga kamay niya. Dahil buhat-buhat na siya ni Argus ay pinilit niyang iwasiwas ang mga braso’t paa niya pero hindi talaga siya makababa.
Dumilat siya nang malaki, at tinitigan si Argus na siyang biological daddy niya sa unang pagkakataon nang malapitan. Napakislap ang mata ni Elara. Habang tinititigan niya si Argus, napansin niyang kamukhang-kamukha ito ng dalawa niyang kuya.
Pero si Elara? Mas hawig siya kay Mommy. Hindi siya kamukha ng… pangit at masamang Daddy. Nasa isip lang niya iyon, pero hindi niya namalayang tumaas ang munting mukha niya at nagpakawala ng kunot-noo at pa-cute na ekspresyon.
Tinitigan ni Argus si Elara nang matagal, para bang ramdam niya ang emosyon ng bata.
"Kanino kang anak? At bakit mo dinrawingan ang kotse ko?" Malamig at matigas ang boses ang tono ni Argus.
Pero hindi natakot si Elara. Pinagdikit lang nito ang labi at hindi nagsalita.
‘Sabi ni Mommy, bawal makipag-usap sa masamang tao. Si Daddy… masamang tao. Siya yung bad Daddy na kukuha kay Elara at hindi na papayagang makita si Mommy.’“Kung hindi ka magsasalita, ibibigay kita sa pulis. Sila na lang ang hahanap sa daddy mo.”
Pumikit si Elara saglit at kumurap. ‘Ang tanga mo naman, Daddy. Sarili mo hinahanap mo.’
Akala siguro ni Argus ay matatakot si Elara sa pulis. Pero mali siya. Hindi ito takot.
“Kapag masama ang ginawa ng bata, paparusahan ang magulang. Aarestuhin namin ang daddy mo.”
Tila mas gusto ni Elara na ‘yon ang mangyari.
‘Hindi ako takot.’
Napansin ni Argus na matigas din ang ulo ng bata. “Eh ‘di ang mommy mo na lang ang huhulihin.”
Napakunot ang noo ni Elara. Bigla itong nagalit. “Bakit si Mommy?! Si Daddy na lang ang hulihin, huwag si Mommy! Bad Daddy lang ang dapat ikulong!” galit nitong sagot sa cute na boses habang naka-akimbo pa ang mga kamay sa bewang.
Napatawa si Argus sa sagot ng bata.
Hindi pwedeng hulihin ang mommy, pero puwedeng hulihin ang daddy? Anong klaseng anak ‘to? Ang tingin nito sa daddy parang walang silbi sa kanya.Chapter 199Sa lumang bahay ng mga De Luca.Pagdating nila, sumunod si Amara kay Andrei papasok.Pagkakita sa kanya ni Alberto, biglang nagbago ang ekspresyon ng matanda — nanlamig at tila ayaw siyang pansinin.Sandaling natigilan si Amara bago siya lumapit at magalang na nagsabi, “Lolo.”“Amara, nandito ka na pala. Halika, maupo ka.”Sumunod si Amara at umupo. Ilang sandali lang, bumukas muli ang pinto.Dumating si Donya Luciana, hawak-hawak ang kamay ng isang munting batang babae.Mga anim o pitong taon ang edad ng bata — napakaganda at kaakit-akit, suot ang lila nitong bestidang parang bagong bili, na bumagay sa kanya nang husto.May hawak siyang lumang teddy bear habang naglalakad papasok, at napatingin sa lahat ng tao sa silid nang may bahagyang kaba.Si Andrei, na abala sa paglalaro ng games sa kanyang phone, ay napaangat ang tingin nang marinig ang pagdating nila.Tumingin siya sa ina, tapos sa batang babae, at sandaling natigilan.“Mom, ano ‘to?”Hindi sinagot ni Donya Luciana
Chapter 198“Inutusan din ba siya tungkol sa paghahati ng mga ari-arian?”Nakita ni Carmela na parang naguguluhan si Amara habang paulit-ulit itong nagtatanong, kaya’t tumango siya. “Opo, ma’am. May mali po ba?”Umiling si Amara.Bagaman medyo kuripot ang dating, hindi na lang siya nagsalita pa.Pagkatapos ng lahat, si Alberto nga ay nagbigay ng isang bilyon, kaya normal lang kung ayaw na ni Argus magbigay pa ng kahit ano.Ang gusto lang naman niya ay ang diborsyo—wala nang iba pang mahalaga.Kinuha ni Amara ang bolpen, mabilis na lumagda, at iniabot ito kay Carmela. “Ayan, tapos na.”Habang pinagmamasdan ni Carmela kung paanong maayos at mahinahong pumirma si Amara, hindi nito napigilang magsalita para kay Argus.“Ma’am, alam n’yo, talagang nag-aalala po sa inyo ang asawa ninyo. No’ng dinala po kayo sa emergency room, umiyak po siya.”Kumunot ang noo ni Amara.Umiyak si Argus?Para sa kanya?Hindi siya makapaniwala. Ngumiti siya nang mapait. “Carmela, baka nagkamali ka lang ng nakita
Chapter 197Nakunot ang noo ni Amara, tiningnan siya nang diretso, at mariing sinabi,“Mas magaling siyang humalik kaysa sa’yo. At kapag siya ang humalik, hindi ganoon ang nararamdaman ko.” Galit na sambit ni Amara.“Anong nararamdaman mo?” mariing tanong ni Argus.“Pagkasuka.”Tumigas ang panga ni Argus. Lalong lumamig ang tingin niya, parang nagyeyelong hangin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.“Ulitin mo nga,” banta niya.“At kung ulitin ko nang libong beses, anong gagawin mo? Sa tingin mo matatakot ako?” mariing sagot ni Amara. “Argus, hanggang kailan mo ‘to gagawin? Hindi ba puwede na lang tayong maghiwalay nang maayos? Hindi ba puwedeng maghiwalay tayo—mag-divorce na tayo?”Pinigil ni Argus ang galit na nag-aalab sa loob niya, ngunit mariin niyang hinawakan si Amara, pinigilan itong makatakas.“Gano’n mo na ba talaga kagustong makipaghiwalay sa akin?”Tinitigan siya ni Amara, malamig ang mga mata. “Alam mo na ang sagot, Argus. Kaya bakit mo pa kailangang itanong?”“Oo.”A
Chapter 196Malalim ang tingin ni Amara sa mga mata ni T, at hindi niya maiwasang umiwas nang bahagya ang kanyang paningin.“Paulit-ulit ka nang pinaiyak ni Argus. Hindi siya ang lalaking karapat-dapat sa’yo.”Maingat na iniabot ni T ang kamay niya at niyakap nang marahan ang babae. Para bang natatakot siyang masaktan ito—hinawakan niya si Amara na parang isang kayamanang ayaw niyang mabitawan.…Sa unahan, itinulak ni Argus palayo si Ysabel na papalapit sa kanya.Pumatak ang mga luha ni Ysabel habang sinasabi, “Argus, hindi mo ba naiintindihan? Ako ang kasama mong lumaki. Ako ang nakasama mo sa unang kalahati ng buhay mo. Mahal na mahal kita. Sampung taon na tayong nagkahiwalay, pero hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Gusto kong maging asawa mo, gusto kong makasama ka habang-buhay. Bakit? Bakit mo ako itinataboy?”“Lahat ng larawang ito, puno ng alaala, Argus. Nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba kung ano tayo noon? Alam kong marami akong pagkakamali nitong mga nakaraan
Chapter 195Gabi, sa isang restaurant.“Bakit mo ako pinapunta rito?” tanong ni Argus habang palabas pa lang ng kompanya nang tawagan siya ni Donya Luciana para magkita sa restawran. Itinulak siya ni Donya Luciana papasok. “Malalaman mo rin pagpasok mo.”Sa loob ng restawran, napatingin si Ysabel sa lalaking pumasok. Kinuyom niya ang palad, halatang kinakabahan.“Argus.” Tumayo si Ysabel at tinitigan si Argus nang may lambing. Kanina pa siya naghanda—maingat ang kanyang make-up, maganda ang napiling damit, at bawat detalye ay pinag-isipan para sa gabing ito.Walang duda, napakaganda ni Ysabel ngayong gabi. Pero si Argus—wala ni katiting na interes na purihin o pagmasdan siya.Bahagyang kumunot ang noo ni Argus, agad na naunawaan ang pakay ni Donya Luciana kaya siya pinatawag.Ngumiti si Ysabel at sinabing, “Argus, please, umupo ka muna.” Pinagdikit ni Argus ang kanyang mga labi, walang imik. Unti-unting lumamig ang hangin sa pagitan nila.Nagsimulang manginig ang tinig ni Ysabel hab
Chapter 194Pero kahit gano’n, hindi pa rin sila makagalaw. Alam nilang nasa pampublikong lugar sila; kapag sinunggaban nila si Amara, baka sila pa ang makulong bago pa nila makuha ang isandaan libong piso.Naiinis na nagngalit ang ngipin ni Ysabel. “Mga inutil!” mura niya, bago siya mismo ang lumapit gamit ang tungkod para salakayin si Amara.Ngunit sa sandaling iyon, kumislap ang malamig na liwanag sa mga mata ni Amara. Nang makalapit si Ysabel, bigla niyang sinipa ang tungkod nito.Agad na nawalan ng balanse si Ysabel, at sa isang malakas na “blag!”, bumagsak siya sa sahig na parang pagong na nakatihaya.Maayos na itinupi ni Amara ang tseke at isinuksok sa bulsa. “Sa susunod, siguraduhin mong kaya mong lumaban bago ka makipagpatigasan.”“Amara!” sigaw ni Ysabel habang nakahandusay sa sahig, nanginginig sa galit.Hindi na siya pinansin ni Amara at tuluyang lumakad palayo.Habang tinutulungan ng mga guwardiya si Ysabel makatayo, bigla siyang pinigilan ng isa sa kanila. “Miss Bonifac







