Chapter 6
“Mommy, dinala ni Argus si Elara…” mahinahong paliwanag ni Caleb habang detalyado niyang ikinuwento ang buong nangyari.
Sandaling natahimik si Amara. Para bang natigilan ang buong mundo sa paligid niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig—tila ba may mali lang sa kanyang pandinig.
Sampung segundo ng katahimikan.
At saka lang siya nag-react, para bang gumuho ang langit sa kanyang ulunan.
“Anong… si Elara… ako…” putol-putol ang kanyang mga salita, wasak sa kaba at pagkataranta. Sa huli, tanging isang tanong lang ang lumabas sa kanyang bibig:
“Na-recognize ba niya kayo?”
“Hindi po,” sagot ni Caleb, mariin at kalmado.
Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Amara.
Huminga siya nang malalim at pilit na isinopresa ang kaba sa kanyang tinig. “Bumalik muna kayo. Si Mommy na ang bahala rito.”
“Okay po.”
Pagkababa ng tawag, bigla namang nag-ring muli ang kanyang cellphone.
Isang hindi pamilyar na numero.Muling bumilis ang tibok ng puso ni Amara. Nanginig ang kanyang kamay habang sinasagot ang tawag.
Isang malamig at kalmadong tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya.
“Ikaw ba ang ina ng bata?”
“Ako nga,” mabilis at may pangambang sagot ni Amara.
“Nasa akin ang anak mo.”
Sa isang iglap, nakilala niya ang boses.
Si Argus.
Nanlamig ang katawan ni Amara.
“Ano bang gusto mo?” tanong niya agad, may halong kaba at takot.
“Solaire Hotel. Puntahan mo ako rito.”
Sa kabilang linya, narinig ni Amara ang umiiyak na tinig ni Elara. Nanlambot ang tuhod niya sa matinding pag-aalala.
“Naiintindihan ko na… Pag-usapan natin. Magbabayad ako kung kailangan. Huwag mo lang sasaktan ang anak ko, please…”
Napakunot ang noo ni Argus.
May kung anong pamilyar sa boses ng babaeng ito… Narinig na niya ito noon pa.
Habang iniisip niya kung saan at kailan niya ito narinig ay mas lalong lumakas ang iyak ng batang babae sa tabi niya. Halatang emosyonal si Elara dahil mas umiyak ito ng malakas tas titigil sandali pero kapag tila naalala ang isang bagay ay muling hahagulhol.
Napailing si Argus at pinisil ang sentido.
“Wala akong interes na saktan ang bata,” matigas ngunit mahinahon niyang sabi.
“Pero kailangan mong pumunta rito. Ipakita mo ang sarili mo at ipaliwanag mo nang malinaw ang lahat.”Hindi siya naniniwala na ang isang bata ay kusang mag-iisip o magsasabi ng linyang tulad ng “iniwan ang asawa’t anak.”
Malamang ay narinig ng bata iyon mula sa nakatatanda sa kaniya.
At bago pa muling makapagsalita si Amara, ibinaba na ni Argus ang tawag.
Pagkarinig niya ng malakas na pag-iyak ni Elara mula sa kabilang linya ay halos mabiyak ang puso ni Amara. Para siyang sinakal ng matinding takot at pag-aalala. Wala siyang inaksayang oras at agad siyang nagtangkang umalis patungo sa hotel na sinabi ni Argus.
Ngunit pagkalakad pa lang ng ilang hakbang, bigla siyang huminto.
Hindi puwede.
Naalala niya bigla na nakita na siya ni Argus noon minsan sa isang auction.
At kung muling magkrus ang kanilang landas ngayon ay masyado nang mataas ang posibilidad na makilala si ni Argus.
At kapag nalaman ni Argus kung sino talaga siya y hindi malabong matuklasan ni Argus na si Elara ay anak niya.
Hindi siya maaaring magpakita. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon at hindi kailanman.
Pagkalabas mula sa opisina ay ilang ulit na nagpaikot-ikot si Amara sa paligid habang hawak ang kanyang cellphone tila ba hinahanap ang lakas ng loob para gawin ang susunod na hakbang.
Makalipas ang dalawang ikot ay huminto siya at humugot ng malalim na hininga. Saka niya tinawagan ang matalik niyang kaibigan—si Celine. Siya lang ang kilala niyang makakatulong sa kaniya ngayon.
Makalipas ang kalahating oras ay nagkitang silang magkaibigan at nagmaneho papunta sa Solaire Hotel—ang parehong hotel na binanggit ni Argus.
Habang nasa biyahe, ipinaliwanag na ni Amara ang buong sitwasyon. Lahat ng dapat malaman, sinabi na niya kay Celine mula sa pagkakabunyag ng pangalan ni Elara hanggang sa pananakot ni Argus.
Ang kailangan niya ngayon ay tulong ni Celine, simple lang gagawin pero mabigat dahil si Celine ang kailangang kumuha kay Elara. Kailangan nitong magpanggap na ina ni Elara.
“Sigurado ka ba dito, Amara?” tanong ni Celine, sabay hawak sa kamay ng kaibigan.
“Sigurado na ako dahil hindi ako pwedeng makita ni Argus or else malalaman niya ang totoo at hindi pwede iyon kaya please help me with this one, okay?” sagot ni Amara, puno ng determinasyon ang tinig.
Napatingin si Celine sa mga mata ni Amara… mga matang puno ng takot, pag-aalala, at ina na handang gawin ang lahat para sa anak.
“Celine, ikaw na muna ang bahala kay Elara. Alam kong ligtas siya sa ‘yo.”
Tumango siya, saka marahang tinapik ang sariling dibdib.“Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala. Ibabalik ko si Elara sa’yo ng buo.”
Pagkababa ng sasakyan, diretsong naglakad si Celine papasok ng hotel—matikas, tahimik, parang isang sundalong handang harangin ang sampung libong kalaban para sa kapakanan ng isang bata.
Samantala, naiwan sina Amara, Caleb, at Levi sa labas ng gusali.
Tahimik lang sila na naghihintay at taimtim na nananalangin na sana—sana maging maayos ang lahat.
Sa loob ng hotel suite...
“Waahhh…”
Umiiyak si Elara habang nakaupo sa sofa, tinatakpan ang kanyang mukha ng maliliit na kamay. Nakatingala siya habang humahagulgol, ang bawat hikbi’y tagos sa pandinig.
Nasa gilid lang si Argus, nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang drama ng batatah, imik pero halatang naiinis.
Maya-maya, dumating si Carmela dala ang isang bungkos ng kendi. Halatang naglakad-lakad pa ito kung saan-saan para lang makahanap.
“Eto, may dala akong kendi. Ibigay mo muna,” alok niya, sabay abot.
Tiningnan lang ni Argus ang kendi at agad napataas ang kilay.
“Ito ba ang sinasabi mong solusyon?”
Matigas ang tono niya.
Napangiwi si Carmela, pilit ang ngiti. “Eh… lahat naman ng bata gusto ng candy. Ipaamo mo muna.”
“Ipapaamo ko?” ulit ni Argus, hindi makapaniwala. “Ako?”
“Eh ikaw ang nag-uwi sa batang ’yan, ’di ba?” sagot ni Carmela. “Kung hindi ikaw ang magpapakalma sa kanya, sino?”
Napabuntong-hininga si Argus. Muli siyang tumingin kay Elara na patuloy pa rin sa pag-iyak, halos mawalan ng hininga sa paghikbi.
Wala na siyang nagawa kundi tumayo, lumapit, at buhatin ang bata sa kanyang bisig.
Magaan si Elara, kayang-kaya niya itong buhatin kahit isang kamay lang ang gamitin. Umupo siya sa sofa habang karga ang bata na nakapatong sa kanyang braso.
Tiningnan siya ni Elara. Nangingilid pa rin ang luha sa kanyang namumulang mga mata.
“Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na ang pag-iyak ay walang naitutulong sa problema?” malamig ngunit kalmadong tanong ni Argus.
Suminghot si Elara. Sa kabila ng pag-iyak ay sumagot siya, mahinang-mahina ang tinig:
“Kung titigil ako sa pag-iyak... papayagan mo na ba akong umuwi kay Mommy?”
“Hindi pa rin,” mariin ang sagot ni Argus.
Napangiwi si Elara. Bahagyang tumalikod at muling tumulo ang luha sa kanyang pisngi.
Napatingin si Argus sa mukha ng bata na nakakaawang mahigpit ang pagkakakapit, tila pinipilit pigilan ang sariling sumigaw.
Sa wakas, kinuha niya ang isang piraso ng kendi at iniabot ito.
“Gusto mo ba nito?”
Lumingon si Elara.
Isang lollipop.
“Lollipop lang? Eh hindi mo naman ako dadalhin kay Mommy…”
Muli siyang tumalikod, umiiyak pa rin pero ngayon ay tahimik, parang naghihinagpis.
Napataas ulit ang kilay ni Argus.
“Dalawa?” alok niya.
Tahimik pa rin si Elara.
“Tatlo?”
Wala pa ring sagot.
Napabuntong-hininga siya, may bahid ng pagkatalo sa tinig.
“Sige na nga. Limang piraso.Lahat na ang ibibigay ko sa’yo. Okay ba?”
Huminga nang malalim si Amara at buong tapang na nagsalita, "I just want to divorce you and abort your child. What’s wrong with that? May pag-ibig ba sa pagitan natin? Wala naman, hindi ba? Kaya sabihin mo—bakit ko kailangang manatili sa isang relasyong walang damdamin? Gusto mong maging sunod-sunuran ako habang binabaliwala mo ang lahat ng sakripisyo ko?"Lumalim ang tingin ni Argus, madilim at puno ng unos.Hindi niya maintindihan... kailan siya tumigil sa pag-aalaga? Kailan siya naging malamig? Nagtatrabaho siya para sa kanilang pamilya pero hindi iyon nakikita ni Amara.Hindi siya makapaniwala sa layo ng loob ni Amara sa kanya."Umalis ka na. Hindi ka na welcome dito, Argus," mariing sabi ni Amara, habang mahigpit na hinahawakan ang seradura ng pinto.Tahimik na tumango si Argus. Ngunit sa kabila ng paggalang sa kahilingan nito, ang huling mga salitang binitiwan niya ay naghatid ng pangambang bumalot sa buong silid."Pwede mo akong itaboy ngayon," malamig niyang sambit, "pero hind
Kabanata 9: Hindi MakatakasKinagat ni Amara ang kanyang labi, mariing huminga ng malalim upang pigilan ang kaba sa dibdib niya. Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya at sinabi nang may matatag na tinig, "Mr. De Luca, alam mo ba ang batas? Naiintindihan mo ba na illegal ang trespassing?"Hindi kumibo si Argus. Para bang walang narinig. Sa halip, tumayo ito mula sa pagkakaupo, at ang kanyang matangkad na pigura ay nagbigay ng nakakatakot na presensya. Ang bawat hakbang niya ay tila gumuguhit ng tensyon sa ere.Lumapit siya nang dahan-dahan, at sa bawat hakbang niya ay napipilitang umatras si Amara. Kita sa mga mata niya ang takot, pero pilit niyang pinipigil."Argus..." mahinang bulong ni Amara, pero hindi ito pinansin.Isang iglap lang, hinawakan ni Argus ang pulso niya at hinila siya nang marahas. Napasandal siya sa malamig na dingding ng apartment. Pinirmi ng lalake ang mga kamay niya sa magkabilang gilid, wala siyang kawala."Anong balak mong gawin?!" galit na sigaw ni Amara
Chapter 8Natigilan si Amara.Hinahanap siya ni Argus?Napalunok siya ng laway. Ang tibok ng puso niya ay parang tambol.Tapos na. Tiyak na may natuklasan ang lalaki. Kung hindi, bakit siya bigla na lang hahanapin?“May sinabi pa ba siya?” tanong niya, pilit pinapanatili ang malamig na tinig.“Wala na. Pero halata sa tono na galit siya. Reina, importante siyang tao. Ingatan mo ang pakikitungo sa kanya, ha?”“Naiintindihan ko.” Ibinaba ni Amara ang tawag.Napansin ni Celine ang pagputla ng mukha niya at agad nagtanong, “Anong nangyari?”Ngunit hindi kaagad nakasagot si Amara. Sa isip niya, isa lang ang malinaw na hindi na siya ligtas.“Celine, ihatid mo muna sila sa bahay mo… at i-book mo ako ng plane ticket. Kahit saan, basta makaalis tayo agad. Babalik ako sa inyo para kunin ang ID ko.”“H-ha? Aalis ka na agad?” naguguluhang tanong ni Celine.Wala nang oras si Amara para sa mahabang paliwanag. Mabilis ang kanyang paghinga, at bakas ang kaba sa kanyang mga mata. “Siguro… natuklasan n
Kabanata 7: PagpupulongAng pangalan niya ay Reina Amara. Dalawampu’t siyam na taong gulang. May asawa. At sa loob ng isang taon, nagtatrabaho siya sa isang auction house.“Carmela.”Katatapos lang ni Carmela ayusin ang isyu sa sasakyan nang agad siyang ipinatawag para sa isa pang problema.Pagpasok niya sa opisina ay agad siyang hinarap ni Argus.“Sir, ano pong problema?” tanong niya, bahagyang kinakabahan.Tinitigan siya ni Argus at malamig na tinig ang bumungad, “Ang mga impormasyong ito, hindi naman nalalayo sa una mong ipinakita sa akin.”Mukhang nahiya si Carmela. Hindi dahil sa kulang ang kanyang pagsusumikap, kundi dahil ito lang talaga ang mga impormasyon na nakuha niya. Bukod sa mga iyon, hindi na niya alam kung ano pa ang dapat siyasatin.“Ito lang po talaga ang nalaman ko tungkol kay Ms. Reina. Ang tanging karagdagang impormasyon ay may ilang taong karanasan siya sa auction. Sir, ‘di ba ito naman po ang gusto n’yong malaman?”Sa tanong na iyon, bahagyang napasimangot si Ar
Chapter 6“Mommy, dinala ni Argus si Elara…” mahinahong paliwanag ni Caleb habang detalyado niyang ikinuwento ang buong nangyari.Sandaling natahimik si Amara. Para bang natigilan ang buong mundo sa paligid niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig—tila ba may mali lang sa kanyang pandinig.Sampung segundo ng katahimikan.At saka lang siya nag-react, para bang gumuho ang langit sa kanyang ulunan.“Anong… si Elara… ako…” putol-putol ang kanyang mga salita, wasak sa kaba at pagkataranta. Sa huli, tanging isang tanong lang ang lumabas sa kanyang bibig:“Na-recognize ba niya kayo?”“Hindi po,” sagot ni Caleb, mariin at kalmado.Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Amara.Huminga siya nang malalim at pilit na isinopresa ang kaba sa kanyang tinig. “Bumalik muna kayo. Si Mommy na ang bahala rito.”“Okay po.”Pagkababa ng tawag, bigla namang nag-ring muli ang kanyang cellphone. Isang hindi pamilyar na numero.Muling bumilis ang tibok ng puso ni Amara. Nanginig ang kanyang kamay habang sinasagot an
Kabanata 5: Babae, Halina’t Tingnan Mo Ako“Elara ang pangalan mo?”Dumapo ang mata ng lalaki sa sasakyan at agad na umasim ang kanyang mukha. “Bakit mo nilagyan ng... drawing ang kotse ko? At sino 'yong mga kasama mo kanina?”Naka-krus ang mga braso ni Elara habang bahagyang tumagilid ang ulo. Mataray ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Hindi ko sasabihin na Elara ang pangalan ko,” mariin niyang tugon. “Ako lang ang may gawa niyan. Wala akong kasama.”Medyo matapat nga siya... pero halatang may pagka-pasaway.“Dahil ayaw mong sabihin ang totoo tungkol sa mga kasabwat mo, sabihin mo na lang kung sino ang nanay mo.”“Hindi ko rin sasabihin.”“Kung gano’n, mapipilitan akong isama ka.”Pagkarinig niyon, kumurap-kurap ang malalaki at bilugang mata ni Elara, tila ba anumang sandali ay puputok na ang iyak.Ibinaba siya ni Argus sa lupa.Mabilis na pinunasan ni Elara ang luha sa kanyang pisngi, saka walang anu-ano’y tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Iniunat ang mga binti, winagayway a