แชร์

Chapter 89

ผู้เขียน: Maldie Castillion
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-01 20:22:01

Chapter 89

Matapos ihatid ni Amara ang triplets sa school ay dumiretso siya sa auction house. Marami pa siyang kailangang ayusin para sa auction bukas.

Kasama niya si Pamela na pumunta sa warehouse kung saan nakalagay ang mga item na ilalabas para sa subasta. Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Pamela na mapansin ang presensiya ni Amara. Mahinahon ang bawat galaw, pero may dating na tila makapangyarihan at hindi basta-basta malalapitan.

Sa mga nakaraang araw, pinag-uusapan ng lahat kung paano nga ba nakarating si Amara sa posisyon niya ngayon. May mga nagsasabing puro koneksiyon lang daw, may ilan na naniniwalang sinuwerte lang siya. Meron ding mas malulupit ang dila, na kesyo pangit daw talaga siya at nagtatago lang sa belo pero may sugar daddy na sumusuporta.

Tahimik lang si Pamela na nagmamasid. Kahit natatakpan ang mukha ni Amara ng belo, hindi matatanggi na kakaiba ang karisma nito. Sa dami na niyang nakasama at nakita sa industriya, wala pa siyang nakitang babaeng may ganoong k
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 98 

    Chapter 98 Tahimik ang loob ng kotse, hanggang sa basagin iyon ni Celine.“Amara, kanina sabi mo, matagal nang naantala ang diborsyo n’yo ni Argus. Hindi kaya… ayaw ka talagang hiwalayan ni Argus?”Nilingon siya ni Amara, mapait ang ngiti. “Ayaw ng diborsyo? Ano’ng gusto niya, ’yong pulang watawat sa bahay, at samu’t saring makukulay na bandila sa labas? Para bang fiesta ng kabit?”Napakunot ang noo ni Celine. “Hindi ko rin masabi. Pero sa nakikita ko… parang hindi talaga niya gustong tuluyang pakawalan ka.”Napailing si Amara. “Imposible iyan. Hindi mo ba nakikita kung paano niya lantarang ibalandra kung gaano niya kamahal si Ysabel? Kung hindi siya pumipirma, hindi dahil ayaw niya akong pakawalan kung ‘di dahil may iba siyang plano.”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Celine. “Amara, sa totoo lang, mas mabuti kung hindi ka na muna mag-divorce.”“Ha? Ano’ng pinagsasasabi mo? Nainom ka ba ng maling gamot? Noon ikaw ang unang-unang nagsabing demonyo si Argus at dapat ko siyang i

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 97

    Chapter 97Mabilis na naglakad si Amara papalapit sa mga bata. Palakad-lakad siya sa harap ng sasakyan. Kanina pa siya kinakabahan dahil nasa isang building si Argus at ang triplets. Hindi pwedeng magkita-kita sila.“Ang tagal n’yo,” aniya, bakas pa rin ang kaba sa mukha. "Pasok sa kotse, bilisan niyo."Naglinga-linga muna si Celine, saka siya bumuntong-hininga.“Wala na si Argus. Akala ko susundan pa tayo e. Diyos ko, muntik na akong himatayin kanina. Amara, bakit ba pumunta si Argus para kausapin ka?”Umiling si Amara. “Wala akong ideya kung bakit siya andoon. Nagulat na lang ako kasi bigla siyang sumulpot! That man is indeed my nightmare.”“Hindi pa rin ba niya pinipirmahan ’yong mga papeles ng diborsyo?” tanong ni Celine, hindi maitago ang pagkabahala.“H-hindi. Wala akong alam kung ano na naman ang pakay niya. Sige na, sumakay na muna kayo sa sasakyan at baka may makakita pa sa atin dito.” Binuksan ni Amara ang pinto sa likod para sa tatlong bata.Agad na pumasok sina Celine at C

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 96

    Chapter 96Sa halip ay bumagsak ang madilim na mga mata ni Argus kay Celine at napansin ang mga bulaklak na hawak nito. Nanlamig ang pakiramdam ni Celine sa bigat ng titig ng lalaki. Imbes na sagutin ang tanong, malamig itong nagtanong, “What are you doing here?”Bahagyang natigilan si Celine, pero agad ding pinilit ang sarili na ngumiti. “Nabalitaan ko lang,” sagot niya nang maingat, pilit pinapakalma ang tinig. “Nabanggit kasi ni Elara na gusto niyang personal na magpasalamat kay Miss Amara. Kaya naman, kahit medyo mahirap alamin ang lugar, sinikap ko na hanapin para maisama siya rito.”“Ganun ba?” malamig na tugon ni Argus, hindi pa rin inaalis ang matalim na tingin. “Paano mo nalaman agad kahit hindi mo naman siya kilala nang personal? Parang napakadali para sa’yo.”Ramdam ni Celine ang malamig na pawis sa batok niya. Bago pa siya tuluyang maipit, mabilis na sumingit si Amara, ang tinig ay kalmado pero matalim.“May contact information kami. May problema ba ro’n?”Sandaling lumi

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 95

    Chapter 95Sa kabilang banda, nasa lounge si Amara at nakaupo sa malambot na sofa. Nakababa na ang tensyon mula sa auction, at ang mga tauhan ng auction house ay abala sa pag-aasikaso ng mga natapos na transaksyon—paghahatid at pagkuha ng mga binili ng mga bisita.“Miss Reina, grabe, sobrang astig n’yo kanina.” Napasugod si Pamela dala ang malamig na tubig, kitang-kita ang paghanga sa mga mata nito. Halos mapanganga pa ito habang nakatingin kay Amara.Habang nasa entablado kanina, halos malagutan ng hininga si Pamela sa kaba. Pero sa huli, hinangaan niya kung paano iyon hinarap ng babaeng tinatawag nilang Miss Reina. Hindi man makita ang mukha sa ilalim ng belo, alam niyang hindi basta-basta si Amara.“Thank you,” tipid na sagot ni Amara habang kinuha ang tubig. Isang higop lang ang ginawa niya bago muling nagpakalma ng boses. “Bantayan mo ang susunod na proseso. Ako na ang bahala sa ibang bagay, kailangan ko nang umalis.”Tumango si Pamela, kahit halatang bitin pa ito sa usapan. “Sig

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 94

    Chapter 94At this time in Makati.A dimly lit private office, the air thick with smoke and the faint hum of multiple monitors. On the largest screen, the live feed of the auction hall flickered—capturing Amara’s figure as she stepped down from the stage with unyielding grace. Her veil concealed her expression, but her aura radiated nothing but dominance.“Fuck, Boss, Miss Amara is so gorgeous,” bulalas ng isa sa mga tauhan, halos nakadikit ang mukha sa screen.Sa harap ng computer, nakaupo ang isang lalaking mapanganib ang dating—matangkad, maputi, at labis ang karisma. He was handsome in a way that commanded attention without trying, his sharp features shadowed by the dim light. He lit a cigarette slowly, the flame of his lighter reflecting in his cold, dark eyes. Isang nginig ng usok ang lumabas sa kanyang bibig bago siya ngumiti—isang ngiting puno ng kasiyahan at pag-aangkin.“How can my woman not be so gorgeous?” aniya, mababa ang boses, parang hamog na dumampi sa balat ngunit ma

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 93

    Chapter 93Mataas ang kilay na tumingin si Argus kay Ysabel, malamig at walang emosyon ang kanyang mga mata."She’s right," aniya, mababa ang boses ngunit sapat para marinig ng lahat.Parang tumigil ang hangin sa loob ng auction hall. Ilang sandali lang, nagbulungan ang mga bisita, nagkatinginan, at isa-isa nilang binago ang tono ng kanilang mga salita."Yes, yes, it was just a joke." "Miss Ysabel, don’t take it seriously." "Miss Reina, pasensya na kung sinama ka namin sa auction, wala kaming masamang intensyon. Please don’t be angry."Tahimik na tumango si Amara, bahagyang yumuko bilang pormalidad. Hindi man niya ipakita, alam niyang mabilis magbago ang ihip ng hangin lalo na kung si Argus mismo ang nagbigay ng opinyon.Amara had changed a lot this year. Alam iyon ni Argus. Noon pa man, kilala na niya ang auctioneer na ito bilang babaeng may matigas na ulo at mabilis magalit. Pero ngayong gabi, ibang-iba ang aura ni Amara. At iyon ang bagay na hindi napansin ni Ysabel.Nakagat nang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status