LOGIN
"Beauty, pakidala ng mga ito sa hardin. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Melba sa'kin.
"Po? W-wala po, sino po ba ang nasa hardin, Aling Melba?" kinakabahang tanong ko dito. "Si senyorito Seth at ang mga kaibigan n'ya sa trabaho. Nagka-inuman yata sila. Parang celebration yata ang idinaos nila. Ang sabi pa ay may party mamaya dito sa loob ng mansion mamayang gabi. Malawakang pagod na naman ang igugugol natin nito." "Sa'kin po walang problema, basta lang hindi mapagod si Mama mamaya," nakangiting sagot ko kay Aling Melba. "Dadalhin ko na po ba ang lahat ng 'to?" tanong ko dito habang inaayos ang ilang mga lemonade sa tray. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na kabahan. Ang isipin na naroon si Seth ay nakaka-kaba. Pero kailangan. Damn! Nagpakawala muna ako ng marahas na hininga saka tuluyang naglakad patungo sa hardin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso habang papalapit sa kinaroroonan ng mga kalalakihan. Tantiya ko ay puro mga businessmen ang kasama ni Seth. Nang tuluyan na akong makarating sa kanilang gawi. Huminto ang tawanan at kwentuhan. "Sir, narito na po ang mga lemonade's," simpleng saad ko kay Seth, saka ako napasulyap sa mga kasamahan nito at simpleng napatango. Iniiwasan kong magtagpo ang mga titig namin ni Seth. "She's beautiful." Narinig kong ani ng isang tinig na tantiya ko'y isa sa mga kasamahan ni Seth. Hindi ko napigilan ang sarili at kusang namula ang dalawa kong pisngi. Napayuko ako sa sobrang hiya. Damn! Mas lalong bumilis ang pagkabog nang aking puso nang lumapit sa'kin ang gwapong binata. "I'm Rico Tan, and you are?" Maririnig ang ilang kantiyawan na mas lalong nagbigay lakas na mas kumabog pa ang aking dibdib. Tiyak akong pag-iisipan na naman ako ng masama ni Seth at sasabihing malandi akong babae. Hindi ko rin kayang i-reject si Rico dahil magmumukha naman akong bastos sa paningin ng lahat ng naroon. "I'm Beauty Zelva," nahihiya kong tugon kay Rico. "Your name suit's you. My pleasure to meet you, Ms. Zelva." Napayuko ako sa sobrang hiya. "Likewise, sir Tan," pagdaka'y sagot ko. "Oh, please dear, drop the sir, call me Rico." "P-pero—" nahihiya kong sagot kay Rico habang iniiwasan kong mapasulyap sa gawi ni Seth. "Rico, call me Rico." Wala akong choice kundi ang ngumiti sa gwapong nilalang na nasa harapan ko. Nagkatitigan kami. Gustung-gusto ko ang maitim nitong mga mata. Tila ba may ipinapahiwatig iyon na hindi ko mawari. Ngunit, naputol lamang ang titigan naming iyon ng bigla kong marinig ang pagtikhim ni Seth. "Rico, a-aalis na 'ko. Kukunin ko pa 'yong mga cookies," saad ko at nagmamadaling umalis, sa malas ay nabunggo pa ako sa isang malaki at gawa sa antique na vase. What the. "Argh!" mahinang daing ko. "Are you okay?" Napaangat ang aking tingin. At nagulat ako nang makita ang bagong mukha ng isang lalaki. "I'm Devon Lee. Umalis ka kasi bigla kaya hindi ko tuloy na introduce ang sarili ko." "Hi, D-Devon, ako naman si Beauty," nahihiyang saad ko dito. "Devon!" Kapwa kami napalingon ni Devon sa kinaroroonan ng tinig. Si Rico, na ngayo'y tila matalim na nakatingin sa binatang si Devon. Hindi ko na pinansin pa ang masamang titig na iyon ni Rico para kay Devon. Napaka-assuming ko naman kung sakaling nagseselos agad ito. Hindi naman ako kagandahan para pag-agawan nang mga lalaking tulad nila. "S-salamat, Devon. Kaya ko na naman," nahihiyang sagot ko kay Devon. Sumenyas ako kay Rico. Ngumiti ito sa'kin. "Kukunin ko lang 'yong cookies," saad ko dito. "Sasamahan na kita." Hirit pa ni Devon sa'kin. "Naku, hindi na. Ako na. Maghintay ka na lang do'n. Mabilis lang naman ako, sige na," muli ay tugon ko habang naiilang sa mga titig nitong tila nakakatunaw. Damn! Sanay na ako na gano'n ang mga lalaki sa'kin pero totoong hindi ako komportable. Mabuti na lamang at hindi na nangulit pa sa'kin si Devon. Mabilis na tinungo ko ang kitchen. Ngunit, nagtaka ako ng hindi ko madatnan roon si Aling Melba. Nakita ko ang tray ng cookies na nasa round table. Nilapitan ko iyon at kinuha. Akmang babalik na sana ako sa hardin ng bigla akong hilahin nang kung sino at marahas na isinandal sa malamig na pader. Nabitawan ko ang tray ng cookies. Kinabahan ako nang maamoy ang alak sa lalaking biglang nanghila sa'kin. Agad akong nagpupumiglas. "Who are you?!" gulat kong tanong. Ramdam kong isa ito sa mga kasamahan ni Seth. "I want you, and I like you. Babayaran kita matikman lamang kita." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Inipon ko ang lahat ng aking lakas at marahas na itinulak ang naturang lalaki. Pero bago pa ako tuluyang makalayo hinila nito ang aking buhok. Napangiwi ako sa sobrang sakit. "You can't escape from me, little cupcake." "Damn you! Bitawan mo ako!" asik ko, ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Dios ko. Sinubukan kong manlaban ngunit sa malas ay sinuntok nito ang aking sikmura. Nanghina na ako roon ng tuluyan. Pinipilit kong huwag pumikit, inaaninag ang mukha ng taong lapastangang gusto akong gahasain. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Wala na akong lakas pa para labanan ang demonyong nasa harapan ko. Hanggang sa tuluyan na nga akong lamunin ng dilim. NAGISING ako sa isang malambot na kama. Pinakiramdaman ang sarili. Bumungad sa'kin ang magandang mukha ni Mrs. Celina Montenegro. Ang magandang may-ari ng mansion kung saan nagtatrabaho ang aking mahal na ina. Pansin ko ang labis na pag-aalala sa anyo nito. "Ma'am Celina!" bulalas ko. "Beauty, magpahinga ka na muna." Kumunot ang aking noo ng hindi ko makita si Mama. Supposed to be si Mama ang dapat na unang makita nang aking mga mata. "Ma'am, ano pong nangyayari? Si Mama po?" tanong ko, kasabay niyo'n ay ang pagkabog ng aking dibdib. Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwartong kinaroroonan. Ngayon ko lang napagtantong nasa ospital pala ako. Sinubukan kong bumangon ngunit napangiwi lang ako sa sakit sa may bandang sikmura ko. What the! Saka ko lang naalala ang muntikang nangyaring panggagāhasa sa'kin. Naikuyom ko ang aking dalawang-kamao. "Seth, already filed a case against Rhanzel Ty." Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Ma'am Celina. Hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Hanggang sa lumuha na nga ito sa aking harapan at niyakap ako ng buong-higpit. "Aksidenteng nadapa ang Mama mo nang subukan ka n'yang iligtas sa mga kamay ni Rhanzel. And—nabagok ang ulo n'ya. Na s'yang nagsilbing mitsa ng kanyang buhay." "No! Hindi po 'yan totoo! Hindi! Hindi!" sigaw ko, kasabay ng mga luhang nagsibagsakan mula sa aking mga mata. Sinubukan akong patahanin at aluin ni ma'am Celina pero mas nanaig ang hindi mapigilang emosyon na namayani sa akin. Para akong nawalan ng lakas. Hindi ako makapaniwalang patay na ang aking ina. "Nandito naman kami ni Lucas. Hindi ka namin pababayaan." Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Ma'am Celina sa'kin. Pero hindi niyo'n matatanggal ang sakit sa biglang pagkawala ng aking mahal na ina. Mas lalo pa akong humagulgol. "Kung hindi ka lang sana nagpakita nang motibo sa mga kaibigan ko hindi mangyayari ang nangyari sa'yo. At sa aksidenteng pagkamātay ng ina mo." "Stop it, Seth!" Narinig ko ang boses ni Seth. At ang boses ng ina nito na pilit sumasaway dito. Wala ako sa huwisyo para makipagtalo rito. Ang alam ko lang, napakalungkot ng buhay ko. Dāmn it! "By the way, si Seth nga pala ang nagligtas sa'yo nang muntik kang gahasain ni Rhanzel, hija." Parang bomba iyon sa aking pandinig. Hindi ako makapaniwala. Si Seth ang nagligtas sa akin? Imposible! He hated me. Hindi ba't isa si Rhanzel sa mga kaibigan nito? Paano kung inutusan lang pala nito ang kaibigan na gawin iyon sa akin at lahat ng 'yon ay puro palabas lang para maging maganda ang papel nito sa mata ng mga magulang? Napasulyap ako kay Seth. Our eyes locked. Wala akong maaninag sa mga matang iyon kundi galit, poot at pandidiri. The hell I care! "Salamat," plastik kong saad dito. Hindi ako nito sinagot. Bagkus ay nakatitig lang ito sa akin ng mataman. Tila wari bang pinag-aaralan nito ang aking ekspresyon. Hindi kumbinsido sa aking sinasabi. His lips twitched in a teasing manner.Nagulat ako nang masilayan ang suot kong bestida. Hindi ko nakilala ang sarili. Omg! Narinig kong inutusan ako ng bading na umikot. Umikot ako at pinuri ako ng mga tao sa looban ng dressing area sa gandang taglay ko nang maisuot ang bestidang mamahalin. Ako ba talaga ang babaeng nakatayo sa harapan ng salamin? Bakit parang ibang tao ang nakikita ko? "I've told you, bagay na bagay sa'yo ang damit na 'yan!" bulalas ni Tita Celina. Napasulyap ako rito."Pero hindi mo maiaalis sa'kin Tita ang sobrang hiya. I don't deserved this," sagot ko rito.Ngumiti sa'kin si Tita Celina. "Para sa'yo hindi deserved. Pero para sa'kin, you deserved."Lumapit ito sa'kin at pinakatitigan ang aking maamong mukha sa salamin. "Thank you, Tita Celina.""I want to see those smile of yours, Beauty. Alam mo bang napakaganda mo kung palagi kang nakangiti? Alam kong nasa stage ka pa na pinapahilom ang sugat na dulot ng pagkamatay ng 'yong ina. Huwag mo naman sanang iisipin na wala kang matatakbuhan. We're here to
ARAW NG Sabado at walang pasok. Lihim akong nagsisisi nang hindi ko man lamang sinagot ang tawag ni Rico kagabi. Nakaligtaan ko ang kaarawan nito. Siguro, dahil na rin sa nangyari kagabi, at sa totoo lang din ay wala rin ako sa tamang huwisyo. Isa pa, hindi ko kayang magsaya lalo na at okupado pa ang isipan ko sa pagkamatay ng aking ina. Napahilot ako sa sariling sentido. "Good morning," bati sa'kin ni Nanay Neri. "Good morning, nay. Kumusta naman po kagabi?""Kaninang umaga inihatid si Julia sa mansion ng kapatid ni Ma'am Celina. At alam mo bang umamin si Julia sa naging kasalanan niya?" Nagulat ako sa narinig mula kay Nanay Neri. Sinasabi ko na nga ba, ramdam ko kagabi nga si Julia nga ang may gawa no'n. At sigurado akong inutusan ito ni Seth. Damn! Konti na lang talaga at masasapak ko na ang anak ng ginagalang kong mga amo. Damn that jerk!"Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kagabi, nay. Ako man ay ramdam kong siya ang may gawa no'n.""By the way, nasa labas si Sir Rico at
"Okay ka lang ba?" Nag-angat ako nang tingin sa kaibigan kong si Delilah. "May iniisip lang ako. Let's go," saad ko at mula sa upuan ay tumayo.Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot kong iyon pero wala na akong pakialam. Hindi ko maitatanggi na magpahanggang ngayon masakit pa rin para sa'kin ang pagkawala ng aking pinakamamahal na ina. Damn it! Pinipigilan ang sariling mga mata na mapaluha."Kumain muna tayo, libre ko."Napasulyap sa nakangiti kong kaibigan. "Are you sure, dahil hindi ako tatanggi," saad ko, sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Madali lang namang mag-iba ang aking mood."Yes, para naman mapasaya kita. Kitams, napangiti kita."Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria ng school. Napasulyap ako sa orasan. Sa wakas, uwian na rin. It's 4:30 in the afternoon."Hayan na naman ang dalawa, duh!""Whatever, bakit naman kasi kasama niya pa 'yang pokpok niyang kaibigan?""Sabagay, baka same sila na pokpok rin?"Mabilis na pinig
"Beauty!"Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. And I found him standing right in front of me. Nagtagpo ang aming mga mata. Nagtataka ako kung paano n'ya nalaman ang paaralang pinapasukan ko. Nagtatrabaho na sana ako ngayon kung hindi lang sana ako nahinto nang dalawang taon, nagkasakit kasi noon si Mama. Wala akong choice kundi ang tumigil at alagaan s'ya. "Rico! Pa—paano mo nalaman na nandito na ako nag-aaral?!" gulat kong tanong dito. "Kung mahalaga sa'yo ang isang tao. Mahahanap mo siya lalo na't ang puso mo mismo ang nagturo kung saan s'ya naroon."Napangiti ako sa aking narinig mula kay Rico. "Ang corny mo, ha!" "Alam mong may halong katotohanan ang sinasabi ko, at hindi ka naman siguro manhid para hindi maramdaman iyon. By the way, condolences nga pala. I've heard about it. Hopefully, okay ka na."Sa sinabi ni Rico. Muli kong naramdaman ang pagyakap sa'kin ng labis na kalungkutan. Damn it! Hindi ko man lang namalayan ang pagtulo nang aking mga luha. I bite my lower l
Nasa sariling kwarto ako habang yakap ang larawan ng aking ina. Kanina lang ay inilibing ang labi nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang mahal kong ina. I was alone, and lonely, my heart was full of agony and miseries. Namumugto na ang aking mga mata sa walang-patid kong pagluha. Paano na ngayon ako gayong wala na ang aking ina? Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok doon ang itinuturing kong pangalawang ina na si Aling Neri. Ang mayordoma ng mansion na matalik na kaibigan ng aking ina. Niyakap ako nito ng buong-higpit. "Darating din ang araw na matatanggap mo ang pagkawala ng 'yong ina, hija. Lahat nang nangyayari sa buhay ng bawat tao ay may rason. Magtiwala ka lang sa Dios na s'yang nakakaalam sa lahat ng bagay." Malumanay na alo ni Aling Neri sa'kin habang ako'y humagulgol."Ang sakit nanay Neri. Hindi ko inaasahan na gano'n lang," tanging nasabi ko, pagdaka'y napayakap nang mahigpit sa naturang mayordoma. "Ang buhay ng tao ay hindi kailanma
"Beauty, pakidala ng mga ito sa hardin. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Melba sa'kin. "Po? W-wala po, sino po ba ang nasa hardin, Aling Melba?" kinakabahang tanong ko dito. "Si senyorito Seth at ang mga kaibigan n'ya sa trabaho. Nagka-inuman yata sila. Parang celebration yata ang idinaos nila. Ang sabi pa ay may party mamaya dito sa loob ng mansion mamayang gabi. Malawakang pagod na naman ang igugugol natin nito.""Sa'kin po walang problema, basta lang hindi mapagod si Mama mamaya," nakangiting sagot ko kay Aling Melba. "Dadalhin ko na po ba ang lahat ng 'to?" tanong ko dito habang inaayos ang ilang mga lemonade sa tray. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na kabahan. Ang isipin na naroon si Seth ay nakaka-kaba. Pero kailangan. Damn! Nagpakawala muna ako ng marahas na hininga saka tuluyang naglakad patungo sa hardin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso habang papalapit sa kinaroroonan ng mga kalalakihan. Tantiya ko ay puro mga businessmen ang kasama ni Seth







