"MANO PO Nanay Neri," nakangiting turan ko rito sabay mano."Kaawaan ka ng Panginoon, hija. Kumusta naman buhay estudyante?" tanong nito sa'kin."Awa po ng Panginoon, okay lang naman po kahit na nga sabihing nakakapagod po," sagot ko rito, naupo ako sa silya at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga."May problema ba?" tanong nito sa'kin.Napatitig ako sa mga mata ni Nanay Neri. "Nag-offer po kasi ng trabaho sa'kin si Tita Celina sa kompanya. Sa finance daw po ako i-assign. Kinakabahan ako, nay," tugon ko rito."Aba, mas maigi 'yan. Teka, sa pagkakatanda ko maraming departamento ang finance, hindi ba?""Opo, may Accounting department, Cost Account department, Audit department, Financial Planning and Budgeting department, Cash department, and Credit department. Hindi ko pa po alam kung saan ako i-assign ni Tita Celina.""Naku, hija. Kinakabahan naman ako diyan," ani ni Nanay Neri."As a finance it's your responsibility to obtain and handling any monies on behalf of the organiz
Last Updated : 2025-10-30 Read more