Share

Chapter 6 Concern

Hindi ko na naiwasang maluha dahil sa nararamdaman kong pagka-awa sa sarili ko. Nasasaktan ako sa mga panghuhusga na pinupukaw nila sa 'kin. Para akong binubugbog ng mga masasakit na salita. Narinig ko ang mga hagikgik nila. Dala ng matinding emosyon na dumadaloy sa 'kin, piniga ng dalawa kong kamay ang mga alikabok. 

“Nakakatakot siya! Nakakapangilabot ang matatalas niyang kuko!”

“Nakita mo ba kanina kung gaano kapula ang mata niya?! Grabe, para siyang halimaw!”

“Oo! My goodness! Nilapitan niya ang mga kababaihan kanina at parang gusto pa niyang saktan ang mga ‘yon! Buti na lang ay tumakbo agad sila!”

Napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang sinabi ng isang babae na sa tingin ko ay nasa lagpas trenta anyos na. Napaatras siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nais kong sagutin siya na maling deskusyon niya. Nasaktan ako sa kasinungalingan na inilantad niya sa mga taong naririto. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya.

‘Mamatay tao siya.’

Naalala ko bigla ang sinabi ng lalaking ‘yon. Wala siyang pinagkaiba sa babaeng ‘to. Mabilis niya akong hinusgahan gayong hindi naman niya ako lubos na kilala. Pinapamuka nito sa akin na hindi ako bagay sa mundong 'to.

Nagtangka akong lumapit sa babaeng ‘yon ngunit hindi pa ‘man ako nakakalapit ay bigla na lang akong malakas na tinulak ng isang lalaki kaya para ikabagsak ng buong katawan ko.

“Lumayo ka sa asawa ko!” dinig kong hiyaw nito.

Napansin kong nagdudugo ang gilid ng paa ko. Tumama pala ito sa matulis na bato nang itulak ako nang lalaking ito. Pinilit kong tumayo sa kabila ng sakit na nararamdaman ng katawan ko, idagdag pa nito ang pagdudurugo ng sugat na natamo ko sa batong tumama sa 'kin.

“W-Wala akong g-ginagawang m-masama…” garal-gal na saad ko sa babaeng naghusga sa ‘kin matapos ay mahigpit na hinawakan siya sa kanang braso at matalas ang tingin ko na ipinukaw sa kanya.

Narinig ko pa'ng napahiyaw ang mga tao sa paligid.

Inalis ng babaeng 'to ang kamay ko nang may pwersa. “H’wag mo kong hawakan!,” hiyaw niya sa ‘kin. “Anong tingin mo sa ‘kin?! Nag-iimbento ng kwento?!"

"Ikaw aswang ka!"

Napatingala ako nang makita ko ang kamao niyang nais nang dumapo sa aking muka. Takot ang naramdaman ko nang makita kung gaano kalapad ang kamay niya. Wala sa kondisyon ang isip ko para maiwasan 'yon. 

Inaasahan ko nang tatama ang puwersang suntok na magmumula sa kanya. Handa na ang katawan kong sapuhin ito at hayaang matamaan na lang.

“Hindi mo dapat sinasaktan ang babae.”

Nagtungo agad ang tingin ko sa lalaking may hawak ng kamao na dapat mananakit sa akin. Kitang-kita ko ang masamang tingin niya sa lalaki. Tiim-bagang at hindi maipaliwanag ang impresyon na nakikita ko sa kanya na animo’y parang siya ang inaagrabyado.

Matapos ang matinding tingin niya sa lalaki ay malakas niya itong itinulak kaya para ikabagsak nito sa malapit na basurahan. Malakas na napaaray ang lalaki nang tumama ang balakang niya sa trash bin. Lalapitan pa sana niya ito ngunit hinawakan ko agad ang wrist niya.

“T-Tama na, Lordan.”

Nang masabi ko ‘yon ay ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Hindi nawala ang masamang tingin niya ngunit kalaunan ay nabawasan ito kahit paunti-unti. Inalis ko ang aking kamay nang ibaba niya ang tingin niya sa pagkakahawak ko sa kanya kaya tuluyan ko nang inalis ang aking kamay.

Napapikit ako nang matindi nang maramdaman kong kumikirot ang kaliwang paa ko. Umupo siya para tingnan ang paa kong kanina pa nagdurugo. Napalunok ako nang buhatin niya ako. Gusto kong magpumiglas ngunit wala na akong nagawa pa dahil mas nanginibabaw ang sakit ng katawan ko.

“Hindi ka dapat lumabas lalo na’t malalim na ang gabi.” seryoso sabi niya habang nanatili pa rin tuwid niyang tingin kahit na maraming tingin ang nakapukol sa amin.

Napakunot ang noo ko sa hindi malamang kadahilanan. Bago sa pandinig ko ang sinabi niya.

Nanatili na lang akong tahimik kaysa imikan pa siya. Anong naisip ng lalaking ‘to para hanapin ako. Ako na ang nagkusang umalis pero nan’dito ako sapo-sapo niya at balak ibalik sa mansyong ‘yon kasama sila.

“S-Sorry sa nasabi ko kanina,” aniya na nagdadalawang isip tumingin sa akin. Napansin ko ang paglunok niya. “Tama ka… siguro nga hindi kita maintindihan ga’yong wala naman akong alam sa lahat ng naranasan mo sa mga taong ‘yon.” dagdag pa niya.

Hindi ko siya sinagot at nagbaba na lang ako ng tingin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa hindi malamang dahilan. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito.

Ang makarinig sa taong alam niya ang kanyang pagkakamali.

“Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit hindi mo maipakilala ang totoo mong katayuan sa buhay,” muling hirit niya. Napatingala agad ako sa kanya at napansin na parang nataranta siya. “A-Ang ibig kong sabihin kung malaman ‘man nila ang pagkakakilanlan mo. Ano naman di ba?” aniya saka tumingin sa ‘kin saglit.

Inalis ko ang tingin sa kanya. Wala siyang karapatan tingnan ako.

“Kung tingalain ka 'man nila, sila ang magsisisi sa huli."

Kung makapagsalita siya ay parang alam niya kung sino ako gayong wala pa naman katiting ang nasabi ko kanina.

“May punto ka…" pagsang-ayon ko na lang. "...pero ito ang gusto ko… ang itago ang totoong kinatatayuan ko.”

Hindi ako sigurado sa pagkakakilanlan ko kaya tingin ko ay wala akong karapatan kung ano ang totoon katayuan ko.

Naramdaman ko ang pagtingin niya sa 'kin. Kung wala lang akong nararamdaman ngayon ay baka nakabulagta na siya ngayon. Palalampasin ko na lang ito dahil sa kanyang tulong na maalis ako sa mga taong 'yon.

“Kung ‘yon ang gusto mo ay hindi naman kita pipilitin pero sana susunod ay h’wag ka ng tumakas.” aniya saka umiling-iling," saad niya habang nakatingin pa rin sa 'kin saka binalik ang tingin sa daan. 

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam ang pwedeng isagot sa kanya at kung dapat ba na sumagot pa ko sa mga pinagsasabi nia. Tahimik na lang siyang naglalakad habang buhat ako. Ilang minuto ang nakalipas ay nasa tapat na kami ng malaking gate ng mansion. Sa may kalayuan sa loob ay napansin kong may mga papapalapit. Ang apat na kalalakihan na kasa-kasama niya.

"Saan ba kayo napunta? Ang bilis niyo!" dinig kong sabi ng isa sa kanilang hindi ko kilala.

“Hey, come in immidiately, malamig na.” wika ng nagngangalang Wendell.

Kilala ko siya dahil narinig kong may tumawag sa kanya ng pangalan niya.

Nang makapasok sa loob ay ibinababa ako ng lalaki ‘to sa malaking sofa.

"Kukuha lang ako ng tubig." paalam ni Lordan bago umalis.

Tumabi sa akin si Wendell saka kinuha ang aking paa. ““Hand me the first aid box, Kael.” mabilis na sumunod ang lalaking kausap niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang nagdurugo kong paa.

Mabilis na nadala ng lalaking 'yon ang isang palanggana na may tubig.

"Medyo malalim ang sugat niya.” saad niya habang sinusuri niyang maigi ang kaliwang paa ko. “Anong nangyari sa kanya?”

“Hindi ko alam,” sagot niya habang papalapit siya sa amin. “Ang nakita ko lang ay pinagkakaguluhan siya ng maraming tao at natagpuan ko siyang sasaktan ng isang lalaki.” paliwanag niya saka niya iabot ang hawak niyang washbasin bowl na may lamang tubig. “Hugasan mo muna ang sugat niya bago mo gamutin.”

“Thanks.” tugon nito saka inabot ang hawak ni Lordan.

Napa-pikit ako ng sobra nang maramdaman ang hapdi matapos niyang ilubog ang paa ko sa tubig.

“Tiisin mo ang sakit.” ani Wendell na handa ng idampi ang bulak na may gamot. Matapos linisin ay tinalian niya ito ng may dahan-dahan.

“Bakit ka nagkasugat?” tanong ng nagngangalang nagngangalang Leonaire. “Dahil ba ‘yan sa pagtalon mo kanina sa may terasa?” dagdag niyang tanong pa.

“Ibang klase ka talaga! Haha! Mas kinabahan pa kami sa pagtalon mo!" pagsingit ng isang lalaki na hindi ko na talaga matandaan ang pangalan.

“Ni-hindi ‘man lang siya nag-dalawang isip na talunin ‘yon, haha!” gatong pa isa, Shawn kung hindi ako nagkakamali.

“Paano na lang kung nahulog ka ‘don?” nabaling ang tingin ko kay Wendell. “Ano na lang ang sasabihin namin kay auntie Madi?"

Ano namang pakialam nila?

“Kung may mangyari ‘man sa aking masama ay labas na kayo ‘don dahil ako naman mismo ang magpapahamak sa sarili ko at hindi kayo.” seryosong sagot ko sa kanila. Pinilit kong tumayo para iwan sila para bumalik nakadestino kong kwarto.

“Saan ka pupunta? Nanghihina ka pa, Ayla.” wika ng lalaking nalimutan ko ang pangalan.

Aalayan pa sana ako ni Wendell nang makita niyang nahihirapan ako.

“H’wag na," pagpigil ko. "Kaya ko na.”

“Umupo ka d’yan." boses ng lalaking bumuhat sa 'kin na wari ko'y papalapit. "Kumain ka muna bago magpunta sa kwarto mo.”

"Ayoko." mariin kong sagot. "Iwasan niyo na lang ako kung maaari."

Nang matangka akong tumayo ay bumagsak agad ako sa sofa. Inalis ko ang kamay ng lalaking katabi ko na nakahawak sa magkabilaang braso ko.

Sobra na ang pagdampi ng mga balat nila. Ayoko ng hinahawakan ako.

"Hindi namin magagawa 'yan, nasa iisang bubong tayo." dinig kong sagot sa 'kin ng Lordan na 'to.

Tiningnan ko siya ng maigi. Bumakas sa itsura ng mukha n'ya ang pagagulat at takot. "Ano bang rason at bakit nagbibigay kayo ng atensyon sa ‘kin?” kuryosong tanong ko. “Kung tutuusin, hindi niyo naman ako kilala at walang rason para guluhin niyo ako." may halong pagkairita na sa boses ko.

Tahimik lang silang nakakatinginan at ang ilan sa kanila ay halatang nagtataka.

“Sagutin niyo ako."

"May binigay na misyon sa 'min si Auntie," napunta ang tingin ko kay Wendell na katabi ko lang at gustong gusto umalalay sa 'kin. "Misyon namin na mabago ka sa tunay na ganap na dalaga.” sagot sa akin ni Wendell. Mas tumindi ang pagkakakunot ng noo ko. “Kung hindi namin magawa ‘yon, sisingilin kami ng malaking halaga ni Auntie Madeline.”

“Hindi sapat ang isa kong kidney ha.” sulpot ni Lordan. Narinig kong natawa ang dalawa sa kanila.

“Hahaha! Hanggang ngayon ay nasa isip mo pa rin na ibenta ‘yang kidney mo?” natatawang wika ng hindi ko pa rin kilala.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagbabangayan nila.

Sinabi ba talaga ni Auntie Madeline ang sinasabi nilang misyon o baka naman nag-iimbento lang sila. Itsurang mga loko-loko ang lalaking 'to kumpara sa isa na nagngangalang Wendell.

"Walang makakapagpabago sa sarili ko at wala kayong karapatan na baguhin ako."

Humugot ako ng lakas para makatayo at makalayo na sa kanila. Hindi ko na kayang makipag-usap sa mga tao. 

“Hey, Ayla! You have class tomorrow. Enrolled ka na sa university na pinapasukan namin…" tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang naririnig kong nagsasalita siya. "Do you think she heard me?”

Iniwan ko sila at wala na silang nagawa pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit hirap na hirap ako sa paglalakad. Tutungo na akong kwarto para mamahinga. Nang makapasok ay binuksan ko ang television. Lumabas ang paborito kong horror movie.

Hindi makapagpokus ang isip ko sa pinapanood ko. Tinitingnan ko lang 'to ngunit may malalim na iniisip. 

Sa nalaman ko sa kanila, para bang pinagkakatiwala nila ako ni Auntie sa apat na lalaking 'to. Kung susuriin ay parang pinagkakatiwalaan niya ang mga 'to. Sa paanong paraan? Pinagkamalan nila akong mamatay tao. Gayong masaya naman sa pandinig ko ang pag-aakusa nila, hindi ko lang mawari kung bakit isinama ako ni Auntie sa mga lalaking 'to. Natatawa ako dahil napakakitid ng isip nila, lalo na ang Lordan na 'yon.

Saktong pagtapos nang pinapanood ko, nakarinig ako ng katok sa labas.

Ano na naman ang kailangan nila?

Huminga ako ng malalim hudyat na nakakaramdam ng pagkainis. Tumayo ako sa inuupuan kong kama. Napapikit pa ko ng sobrang riin nang tumapak itapak ko ang paa ko. Hila-hila ko ang paa ko habang papunta sa pinto. Nang makarating ay pwesahang binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang table trolley na may nakapatong na dinner food.

Kung susuriin ang isang chicken recipe na nakikita ko ngayon, itsurang may tamang pagkakatimpla. Siya ang nag-alok sa 'kin na kumain muna.

Pinakatitigan ko muna 'yon bago ang kanin saka kinuha ang kutsara at sinalop sa sarsyadong sabaw. Nang matikman, naguluhan ako.

"Sino ba talaga ang nagluluto ng pagkain dito?" mahinang tanong ko sa sarili saka muli tinikman at kinuha na ang tray upang sa loob na kainin.

Masarap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status