Nagplano kaming sumunod kay Shawn papunta sa lugar kung saan im-meet ni Shawn si Mr. Lorenzo kasama ang anak niya. Nagdisguise si Leonaire upang hindi siya makilala ng dad ni Shawn. Nasa loob kami ngayon ng van para magkasya kaming anim. “Sigurado ba kayo na hindi na ako kilala sa itsura ko?” tanong niya habang inaayos ang bigote at bilugang salamin niya. “Oo, parang hindi na ikaw ang Leonaire na kilala namin, hahaha!” natatawang sabi ni Kael. “Ako ang kinakabahan para kay Shawn ‘e. Mamaya masangkot bigla ang pangalan ko.” “Ba’t mo naman naisip na masasangkot ang pangalan mo?” “Ayaw ni Mr. Sollivan na makipagkaibigan sa ‘kin si Shawn dahil sa background ko.” sagot niya. “Baka mamaya kapag uma-acting na si Shawn, sabihing nahawa na sa ‘kin ang isang ‘yon.” “Ahh... ano naman? Kung masangkot ‘man ang pangalan mo, hayaan mo siya. Mas kilala mo naman ang sarili mo ngayon. Malayong-malayo ka na sa Leonaire na nakilala namin noon.” Nakangiting wika ni Kael. Napatango na lang siya sa sin
Ayla Point of View Isinama pa rin nila ako kahit wala naman akong ganap sa plano nila. Pinilit lang ako ni Shawn na sumama kahit hindi ko naman gusto sumama. Napakulit lang talaga niya dahil maya’t maya ang katok niya sa pinto ng kwarto ko. Masaya pa niya akong kinakatok kagabi dahil gusto raw nila ulit akong makasama kumain. Wala na rin akong pagpipilian pa dahil nakaramdam na ako ng gutom ng mga oras na ‘yon. Sinasabayan pa niya akong maglakad kagabi pero nang tumunog ang cellphone niya ay napatigil siya at nag-iba ang expression ng mukha niya. Napaltan ng talim ng tingin at magkasulubong na magkabilaang kilay. Sinabi niyang mauna na ako matapos ay tumakbo siya sa ibang direksyon. Sa halip na sundin ang sinabi niya sa ‘kin ay sinundan ko siya. ---Flashback--- Natagpuan ko siyang may kausap sa cellphone niya. Sapat lang ang layo ko para marinig ko ang sinasabi ni Shawn. Nakatalikod siya sa ‘kin kaya hindi niya nakikita na pinapanood ko siya. “Na’saan ka?” “H’wag mo ng alamin.” S
Shawn Point of View “Kilala ko ang ama ko bilang strikto at matigas ang puso, idagdag pa niya ang pagbabawal niya sa ‘kin na lumapit sa sarili kong ina," panimula ko.Kahit nagsisimulang malungkot ay pinilit ko pa rin magkwento."My mother made a mistake with my father kaya bilang ganti ay pinakakait ako ni Dad sa sarili kong ina."Hindi ko na naiwasang manginig ang boses ko. Hanggang sa tuluyan na talagang tumulo ang luha ko.Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko, "P-Pinagbantaan pa niya ko na gigipitin niya ang ina ko kung patuloy akong lalapit kay mom. May nagbabantay malapit sa tirahan ng ina ko kaya once na dumalaw ako ‘don ay tiyak na alam na agad na ‘yon ni dad. I-Ito ang mga rason kung bakit malayo ang loob ko sa kanya at piniling sundan si Leonaire kesa manatiling kasama siya at ang bago niyang p-pamilya.” I really miss my mom! Hindi ko na naiwasang maiyak habang ikinekwento sa kanila ang pinagdadanan ko sa buhay. Kaya siguro kahit simpleng dasal ng Ama Namin ay hindi
Ayla Point of View Taimtim akong naglalakad patungo sa mansyon nang mapansin ko ang isang babae na nakatayo sa harap ng malaking pinto ng mansyon. Napansin ko ang suot niyang damit ay napagtanto kong siya si Moreen Lorenzo. Nang makarating ako sa harap ng mansyon ay agad kong binuksan ang dalawang pinto saka pumasok sa loob ngunit hindi ko siya pinagsaraduhan ng pinto. Nagpanggap ako na hindi ko siya napansin pero ramdam ko na nasa akin ang tingin niya. Natitiyak kong si Shawn ang pakay niya dito. Tumigil ako sa paglakad, “It’s cold outside. Come in.""Ahh, hmmn," pagsang-ayon niya.Namangha siya nang makita ang loob ng mansion. Nakatingin niya sa napakalaki at kumikinang na chandelier na halos katapatan ko na. Dumako ang tingin niya sa ‘kin nang marinig niya akong nagsalita. Maging ang paglakad niya ay napakahinhin at ingat na ingat sa bawat pagkilos. Hindi ko maitatanggi na napakaganda ni Moreen Lorenzo. Hindi kataka-taka na maraming may gusto sa kanyang nagkakagusto atlalo na ang
Arroz Con Pollo, Creamy Steak Fettuccine at Honey Garlic Glazed Salmon ang nais kong iluto ngayong gabi. Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman ang pagp-presinta ko na magluto. Imbis na ginugugol ko ang oras sa madilim kong kwarto, narito ako ngayon kasama ang mga taong ‘to. Dapat ko bang sisihin si Lordan o ang sarili ko dahil hinayaan kong mahuli niya ako na pinagmamasdan siya. Imbis na manatiling nakatulala sa kitchen stove ay naisipan ko nang kumuha ako ng mga ingridients na nakalagay sa recipe book. “Tulungan ka na namin, Ayla.” boses ni Lordan. Hindi ko siya tiningnan pero ramdam kong nasa likod ko ang tatlo samantalang si Lordan ay tumabi na naman sa ‘kin. Binigay ko sa kanila ang recipe book. “Pakuha ng ingridients ng Creamy Steak Fettuccine at Honey Garlic Glazed Salmon,” tinuro ko kung na’saan ang pahina. Tumunog ang cellphone ni Wendell na nasa kanyang bulsa kaya kinuha niya ‘yon. “Oh, wait… Uhmm, I think they are settled. Papunta na sila dito.” “Oh, hindi n
Isang malaking kahihiyan ang nangyari ‘yon kagabi. Ilang beses ko pang sinubukan pakalmahin ang sarili ko dahil tila may kumakalabog sa dibdib ko tuwing naaalala ko ang titigan namin ng lalaking ‘yon. Kinaumagahan, ginawa ko ang makakaya ko upang hindi ko na pakaisipin ang pagdampi ng daliri niya sa daliri ko. Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko dahil baka kung ano pa ang maisip ni Lordan sa ‘kin. Hindi pwedeng humarap ako sa kanila na para may iba sa kinikilos ko. Mabuti na lang wala ‘don ang apat dahil baka sa pambubuyo nila lalo na si Leonaire at Shawn ay baka mas lalo ko pang ikahiya ang sarili ko. “Oh, Ayla? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong niya sa ‘kin ni Wendell habang kinukusot ang kanyang mata. Halatang bagong gising ito dahil malat ang boses nito. Lumabas siya ng kwarto. “Hindi naman.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo niyan ay kanina pa ako dito ng ala sais ng umaga at ngayon ay malapit na mag-ala siete ng umaga. Nakatayo lang ako dito, nag-iintay na bumukas ang
Lordan P.O.V “Hey, Lordan,” bati sa ‘kin ni Wendell nang makita niya ako. “Saan nagpunta si Ayla?” “Sa kwarto niya, bakit?” sagot niya sa ‘kin. “Magkasama kayo kanina hindi mo alam?” Namewang ako habang nakatingin sa malayong direksyon, “Tinakasan ako ni Ayla ‘e.” “Huh? Wait, what do you mean?” nagtatakang tanong niya.Ibinalik ko ang tingin sa kanya, “Tama pala ang hinala ko na wala siyang seat belt noong araw na sabay kayong pumasok,” sagot ko sa kanya. “Sabi pa niya ‘e hindi raw siya komportable na maglagay ng safety seat belt.” “Ohh, ‘yun ba? Napansin mo pala ‘yon, for sure napansin mo din na mabagal ang pagmamaneho ko noong araw na ‘yun, haha!” aniya. “Ang sabi niya kasi ay may trauma siya sa paglalagay ng seat belt.” Nagtaka ako sa sinasabi niya sa ‘kin, “Trauma?” “Yes,” Sagot agad niya sa akin saka pinagpatuloy ang sinabi, “Paslit daw siya noon ng makulong s’ya sa loob ng sasakyan and she was unable to remove the seat belt that was wrapped around her. Ilang beses raw siy
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakialam sa buhay ng may buhay. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa isang madilim na kwarto kesa makihalubilo sa kanila pero sa nakikita ko ngayon ay mas hinahayaan ko pa ang sarili ko na makalapit sila sa akin. Kung noon, mas iniisip ko pa ang sarili kong buhay, ngayon maging sila ay pumapasok na rin sa isip ko. Kung anu-anong mga pangaral pa ang sinasabi ko kay Shawn na parang alam na alam ko ang lahat ng sinasabi ko. Sa kabilang banda, tingin ko ay wala namang mga mali sa pinagsasabi ko. Sinabi ko lang kung anong gusto kong ipabatid sa kanila ngunit hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ‘to. Nangangamba ako sa hindi maipaliwanag na kadahilan dahil iniisip ko na baka matuloy-tuloy pa ito.Hindi ko na talaga nakilala ang sarili ko sa tuwing kaharap ko sila. Dapat ko bang ipagpasalamat ‘yon o kagalitan sila dahil may nagbabago sa ‘kin. Hindi ko din alam. Hanggang dito ba naman ay wala akong maisip na kasagutan.