Share

Chapter 32 Living area

Pagpasok ko ng dining area ay saktong pagtama ng paningin namin ni Lordan. Napatigil ako sa pintuan. Para siyang nag-aalala nang makita ako.

Delusyon na naman ‘tong dumidikit sa ‘kin.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya saka mabilis na nagtungo sa pwesto nila at naupo sa bakanteng upuan na nasa kanan ni Wendell. Sinadya kong dito maupo para makaiwas ng tingin kapag kumakain na kami. Paniguradong puno ng katungan ang isip niya kung bakit ga’non na lang ang ipinakita kong reaksyon sa pag-alok niya ng bulaklak sa ‘kin.

Tumabi ngayon sa ‘kin si Leonaire, pinaggigitnaan ako ni Wendell at Leonaire na kaharap si Lordan. Hindi ako nagdedelusyon, dama ko ang tingin sa ‘kin ni Lordan. Halos matunaw na ang platong malinis sa harapan ko kung pakatitigan ko ‘to.

“Hey, that’s my place Leonaire!” bagong dating na si Shawn.

“May upuan pa sa kabila, doon ka na!” pagturo ni Leonaire sa katabing upuan ni Lordan.

Tatlong upuan lang ang kasya sa hilera ng upuan at tag-isang upuan sa magkabilaang du
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status