Pinagbuksan ko ng pinto ang kumatok. Si tita Crissa pala. Kakalabas lang ni Auntie kanina, kinamusta niya kami.“Makikibigay na lang nito kay Miguel pagkatapos niyang maligo.” nakangiting sabi ni tita Crissa ngunit makikita sa mata niya ang pag-aalala.May dalang pagkain si Tita Crissa pati susuotin ni Kael.“Ayaw niyo po ‘bang makatabi si Miguel?” nag-aalalang tanong ko.Mapait na ngumiti si tita Crissa. “May sama ng loob sa ‘kin Miguel at alam kong malayo ang loob niya sa ‘kin ngayon. Nirerespeto ko muna ang space niya.”Tumango ako sa kanya. Sumulyap si Tita Crissa sa loob saka ngumiti sa tatlong nasa loob. Ginantihan din nila ito ng ngiti at pagkaway kay Tita Crissa.“Kamusta po kayo?” tanong ni Wendell na nasa likod ko.“Mabuti naman ako, Wendell.” sagot niya kay Wendell. “Magpahinga na kayo.” nakangiting sabi n’ya sa amin habang magbabalak na umalis.“Kayo rin po.” sagot ko bago dahan-dahan isara ang pinto.“Kami na po ang bahala kay Miguel.” Pahabol ni Shawn bago maisara. “Ako
Lilingon pa lang ulit ako kay Ayla pero hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagbangon kaya nagkauntugan kami sa isa’t isa. Napatayo ako dahil sa sakit na idinulot. “Aray ko, ang sakit! Argh!” pag-angal ko habang kinukuskos ng palad ko ang noo ko. “U-Uhh, I didn't mean to interrupt! Please, forgive me!" naririnig kong sabi ni Wendell sa labas. "Bye!" “Wait, sandali Wendell!” pagpigil ko kahit hindi pa naman ako nakakarecover sa sakit na idinulot ng pagkakauntog namin. Kinukuskos ko pa rin ang noo ko dahil sa lakas talaga ang impact na naidulot ng pagkakauntog namin sa isa't isa. Mula sa pagkalabaluktot ko, pinilit kong tumayo ng ayos para tingnan si Ayla. Maging siya ay nagkukuskos ng noo gamit ang kanyang palad. “Ayla, ayos ka n—“ hindi pa 'man ako nakakatapos ng sasabihin ay pinigilan niya agad ako gamit ang kamay niya. “L-Lumabas ka na.” nakapikit siya habang sinasabi niya 'yon. Sa puntong 'to ay may nakakapa na kong bukol sa bandang gilid ng noo ko. “Baka may pasa na ang
Kael Point of ViewNang magising ako ay tulog pa rin ang apat na kasama ko. Lumapit ako sa hinihigaan nila ni Leonaire saka tinakpan ko ng unan ang mukha ni Shawn nang makita kong nakanganga siya. Naiinis pa rin ako sa kanya! Sabihan ba naman akong bakla!“Hmp! Kung hindi lang kita kaibigan!” naiinis na sabi ko sa kanya.Nagsipilyo muna ako bago naisipang bumaba. Nang makababa ako ay nagkasalubong kami ng ina ko sa doorway ng kusina.“Miguel,” pagbanggit niya sa totoong pangalan ko nang magkasalubong kami.Napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam ang pwede kong isagot sa kanya. Sobrang awkward na magkaharap kami. Pinagmamasdan niya ako at para bang masaya siya na makita akong malaki na. Kung tatantyahin ay nasa 5’4 ang height niya samantalang ako ay 6’2.Lumunok ako bago magsalita, “Ma.”“Hmm?!” masayang tugon niya ngunit kita ang gulat sa kanyang mata ng tawagin ko siyang ma.“P-Pwede mo ba akong ipagluto?”Naging emosyonal siya sa harap ko. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya niya
Prologue of Turn Her Into Demure Woman "Walong buwan, para mabago niyo siya tungo sa disente at malumanay na dalaga." Nakadekwatrong pangbabae si Auntie matapos niyang sabihin ang misyon na inilatag niya sa amin. Walong buwan? Ga'non ba kahirap ang misyon namin para mabago ang pamangkin ni Auntie Madeline. Napansin ko ang pangamba sa mga mukha ni Wendell, Kael, Shawn, at Leonaire. Mukhang pare-parehas rin kami ng iniisip. Ngumisi si auntie bago magsimulang magsalita. "Kapag hindi niyo nagawa ang misyon, sisingilin ko kayo ng mahigit na milyong dolyar-dolyar." "Ha?!!!" sabay-sabay naming reaksyon nang marinig 'yon. Samu't saring ingay na ang nabuo ng apat sa loob ng main living room habang ako ay tahimik at stress na stress na nag-iisip. Halos lumuwa na ang mata ko nang marinig ko 'yon. 'San ako pupulot ng gan'yang pagkalaki-laking pera?! Hampas lupa lang ang isang tulad ko! "Auntie," binaling niya ang tingin sa 'kin. "Pa'no ko naman po babayaran 'yan? Alam niyo naman po kung bak
"D-Dito Ayla ang kwarto m-mo h-hehehe" ani Kael na may bahid sa kanyang mukha ng takot habang itinuturo ang pinto. "Sana magustuhan m-mo hehehe kami nag-ayos niyan." Nang buksan niya ang pinto ay mahahalata sa kilos ng ulo niya na nililibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Nagulat na lang kami nang malakas ang pwersa nang pagpatay niya sa switch ng ilaw sa kanyang kwarto. Ang kaninang sobrang liwanag na sinag ng ilaw sa kanyang kwarto ay napalitan ng kadiliman at ni-isang parte ng kwarto ay hindi na maaninagan. Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng barog ng pinto matapos niyang isara. "Amm... Hindi naman halatang galit siya." mahinang sabi ni Shawn. "Nakakatakot ang presence niya!" sabi pa ni Leonaire habang nakatingin pa sa braso niya sa hinagod 'yon. "Errr, nanindig lahat ng balahibo ko!" pilit pa niyang binababa ang naninindig na balahibo niya sa braso. Sumasang-ayon ako sakanya dahil totoong nakakatakot nga siya. Hindi ko halos makita ang buong mukha niya d
Mapapansin ang tatlong nakakahon ngunit mas naagaw nang pansin namin ang ikinagulat naming lima. Tumambad sa amin ang isang malaking garapon na ang laman ay... pugot na ulo ng tao. Kulay pula ang laman nito pero maaaninag pa rin kung ano ang nasa loob. Ang buong katawan ko ay tila ba naging manhid. Hindi ko maikilos ang bawat parte ng katawan ko at hindi ko rin maalis sa paningin ko ang garapong yon. Hindi kami ang kailangan para mabago si Ayla kun'di ang mga awtoridad. Isa siya murderer! Isa siyang kriminal!"K-Kaya ba hirap-hirap silang baguhin ang babaeng ito dahil isa siyang mamamatay tao at hindi nila magawang ipakulong dahil pamilya nila ang babaeng yon." pagbabasag ko sa katahimikan kaya lahat sila ay napatingin sa akin maliban kay Kael. Itinayo ko siya saka hinarap siya sa ibang direksyon na hindi makikita ang bagay na 'yon. Naipasok niya ang mga pinatay niya nang hindi namin namamalayan?! "At sa t-tingin ko... m-madudungisan ang pangalan ng mga Dawson kung ilaladlad ang im
Natapos ang buong araw na hindi namin natuloy ang plano na dalhin si Ayla sa mall dahil sa nangyaring ngayon. Pinag-isipan namin ng masama ang wierdong babeng 'yon. Totoo naman kasing weirdo siya dahil nakakatakot ang dating niya at talaga nakakatakot din siyang magbanta. Parang mapapaisip ka na lang baka bukas ng umaga patay ka na at ang nakaatawa pa ron, kalalaki naming tao pero napaka duwag naman naming harapin ang babaeng 'yon. Hindi niya kami masisisi na matakot sa kanya. Ni-hindi namin maaninag ang muka niya dahil itim na itim ang nakabalandra niyang buhok sa pagmumuka niya kulang na lang isipin kong wala siyang mukh. Nakakatakot isipin kung wala siyang muka. Nakakakilabot. Akala mo'y may tinatago siya 'e mukha lang naman niya yon. Kinahihiya niya pa. "Hihingi ba tayo ng sorry sa kanya?" tanong ni Wendell.Hapon na pero hindi pa rin lumabas ang babaeng yon simula matapos ang nangyari kaninang umaga. Narito kami ngayon sa court ng mansyon. Madalas na mag-ensayo."Anyway, I want
Ang tanging pag-ubo ni Ayla ang naririnig namin dahil hindi pa rin namin siya nakikita dahil sa mga lumulutang na harina na tila naging usok sa paligid ng kusina. Mabuti na lang at napuyuran ko na ang bangs niyang pagkahaba-haba at hindi pantay-pantay na laging nakabalandra sa pag-mumuka niya bago pa kami matapunan ng harina. Hindi naman pala siya malakas kaysa sa inaasahan ko, hahaha! Sadyang mahihina lang siguro yung mga kriminal na nakatapat niya noong isang gabi. Akala ko'y masasapak niya ako ng marami pero ni-isang pasa ay wala akong natamo."She's pretty." Ngayon ko lang narinig na magkomento si Wendell tungkol sa babae. Matapos kong magpagpag ng sarili ay binalikan ko na ng tingin si Ayla. Tama si Wendell. Napahinto ako bigla nang mas mapagtanto ko na wala namang mali sa mukha niya. Walang anu-ano'y hindi ko na naiwasan pang purihin siya sa isip ko.Tila isa siyang mahing-hin na dalaga kahit pa ubong-ubo siya. Ang mga mata niyang tila nangungusap ang mas nakakadagdag sa ganda