Ayla Point of ViewDire-diretso akong nagpunta sa tapat ng pintuan at nagbabalak nang buksan.‘Ang hirap pigilan ng puso ko. Para ‘bang nagwawala. Nararamdaman ko ‘to dahil hindi pa rin ako nakaka-recover sa pagyakap niya sa ‘kin. Nababaliw na siguro siya.’“Nakasara ba?”Nataranta ako ngunit hindi ko pinahalata nang maramdaman na papalapit na siya sa ‘kin kaya mabilis kong binuksan ang pinto saka pumasok at mabilis na isinara ang pinto.Matindi ngayon ang pagkakahawak ko sa doorknob ng pinto habang nakatayo at nakasandal. Para akong mauubusan ng hininga simula nang hagkan niya ako. Ayoko nang hinahawakan ako o ‘ni titigan o tingnan ngunit ang pagyakap niya ay hindi ko ‘man lang naisip na magalit at bigyan siya ng sakit ng katawan. Dinulot pa nito ang mabilis na tibok ng puso ko.Sa tuwing kaharap ko siya, hindi ko makilala ang sarili ko. Parang nakakalimutan ko ang sarili ko sa tuwing binibigyan niya ako ng gano’ng motibo.Napansin kong may balkonahe ang kwartong ‘to. Hindi sagad an
Kasama si Auntie Madi at Tita Crissa sa mga tauhan na magtutungo ngayon sa kampo ng ama ni Kael. Wala ni isa sa amin ang may alam kung anong plano nila. Gusto ‘man namin tumulong ngunit wala kaming magagawa. Alam kong ginawa nila ‘to para sa ‘min. Hindi nila gustong masangkot kami sa gulo lalo na’t wala naman kaming alam pagdating sa pakikipaglaban, maliban na lang kay Ayla kaya naman desidido talaga siya na tumulong sa kanila.Iilan pa ‘man ang nakikita kong kakayahan mula sa kanya, alam ko na marami pa siyang tinatago na hindi namin aakalain sa isang katulad niya. Hindi sa pangmamaliit sa kanya ngunit hindi mo talaga lubos na aakalain na napakalakas niya pagdating sa pakikipagpisikalan niya. Napakamisteryoso niya.Nawawala lagi sa isip ko kung paano niya ba napatumba ang mga lalaking nangloob sa mansion pero ‘di bale na ang mahalaga noong gabing ‘yon ay nakaligtas kami dahil sa kanya. Naging masama lang talaga kami sa kanya dahil napag-isipan namin siya ng masama. Totoong ikinahihiy
Ayla Point of ViewNakahanda na ang hapunan namin nang makapasok ako sa kusina. Hindi ko napansin na dala ‘to ng mga tauhan ni Auntie dahil magdamag akong nasa kwarto simula nang yapusin ako nang lalaking ‘yon. Gustong gusto ko nang magpalamon sa lupa ng mga oras na ‘yon dahil sa kahihiyan. Mas nadagdagan pa ang hiya ko nang mang-asar si Sollivan. Tumitiklop ang tapang ko sa tuwing nagdidikit ang katawan namin. Gusto kong mainis ngunit para saan. Wala akong makitang mali.Wala akong balak na makihalubilo sa kanila kanina nang makita ko sila front door pero narinig kong wala silang balak na sabihin kay Auntie ang tungkol sa kalokohan ng pasaway na si Leonaire. Akala ko ay pahahabain pa nila ang pag-aaway namin kanina. Uminom muna ako ng tubig sa kusina kaya napansin ko agad ang hapunan sa hapag.“Kumain na po kayo, miss Ayla.”Tiningnan ko lang siya saglit saka nilagpasan siya. Nais ko na rin yayain ang apat na ‘yon.Nang makarating na sa living area, napansin ko ang huling pag-apak ni
“Anong sinasabi mong kahit na anong mangyari ay hindi namin makukuha ang loob mo?” naguguluhang tanong ko sa kanya.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang maramdaman kong balak niyang alisin ang kamay niya.“Kinakausap pa kita, Ayla.” mariin sabi ko.“Lordan, careful.” Dinig kong sabi ni Leonaire na nasa likuran ko.Mabilis na napunta ang direksyon ng masamang tingin ni Ayla kay Leonaire, hindi ko ‘man nakikita si Leonaire ngunit alam kong sa kanya nakatingin si Ayla. Hindi maalis ang pagmamasid ko sa mga mata ni Ayla. Sa tuwing nakikita ko si Ayla ng malapitan, kapansin-pansin ang masamang tingin niya ngunit para sa kanya ay normal ‘yon. Idagdag pa nito, sa tuwing titingin siya sa tao ay tanging paggalaw ng kanyang itim na bilog lamang ang ginagamit niya kaya’t mas lalong nakadaragdag ng takot. Ngunit ngayong nakikita namin na nagagalit siya, mas mapapansin ang galaiti at pagkamuhi niya sa tao.Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat nang makita kong wala na akong hawa
Pinagbuksan ko ng pinto ang kumatok. Si tita Crissa pala. Kakalabas lang ni Auntie kanina, kinamusta niya kami.“Makikibigay na lang nito kay Miguel pagkatapos niyang maligo.” nakangiting sabi ni tita Crissa ngunit makikita sa mata niya ang pag-aalala.May dalang pagkain si Tita Crissa pati susuotin ni Kael.“Ayaw niyo po ‘bang makatabi si Miguel?” nag-aalalang tanong ko.Mapait na ngumiti si tita Crissa. “May sama ng loob sa ‘kin Miguel at alam kong malayo ang loob niya sa ‘kin ngayon. Nirerespeto ko muna ang space niya.”Tumango ako sa kanya. Sumulyap si Tita Crissa sa loob saka ngumiti sa tatlong nasa loob. Ginantihan din nila ito ng ngiti at pagkaway kay Tita Crissa.“Kamusta po kayo?” tanong ni Wendell na nasa likod ko.“Mabuti naman ako, Wendell.” sagot niya kay Wendell. “Magpahinga na kayo.” nakangiting sabi n’ya sa amin habang magbabalak na umalis.“Kayo rin po.” sagot ko bago dahan-dahan isara ang pinto.“Kami na po ang bahala kay Miguel.” Pahabol ni Shawn bago maisara. “Ako
Lilingon pa lang ulit ako kay Ayla pero hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagbangon kaya nagkauntugan kami sa isa’t isa. Napatayo ako dahil sa sakit na idinulot. “Aray ko, ang sakit! Argh!” pag-angal ko habang kinukuskos ng palad ko ang noo ko. “U-Uhh, I didn't mean to interrupt! Please, forgive me!" naririnig kong sabi ni Wendell sa labas. "Bye!" “Wait, sandali Wendell!” pagpigil ko kahit hindi pa naman ako nakakarecover sa sakit na idinulot ng pagkakauntog namin. Kinukuskos ko pa rin ang noo ko dahil sa lakas talaga ang impact na naidulot ng pagkakauntog namin sa isa't isa. Mula sa pagkalabaluktot ko, pinilit kong tumayo ng ayos para tingnan si Ayla. Maging siya ay nagkukuskos ng noo gamit ang kanyang palad. “Ayla, ayos ka n—“ hindi pa 'man ako nakakatapos ng sasabihin ay pinigilan niya agad ako gamit ang kamay niya. “L-Lumabas ka na.” nakapikit siya habang sinasabi niya 'yon. Sa puntong 'to ay may nakakapa na kong bukol sa bandang gilid ng noo ko. “Baka may pasa na ang
Kael Point of ViewNang magising ako ay tulog pa rin ang apat na kasama ko. Lumapit ako sa hinihigaan nila ni Leonaire saka tinakpan ko ng unan ang mukha ni Shawn nang makita kong nakanganga siya. Naiinis pa rin ako sa kanya! Sabihan ba naman akong bakla!“Hmp! Kung hindi lang kita kaibigan!” naiinis na sabi ko sa kanya.Nagsipilyo muna ako bago naisipang bumaba. Nang makababa ako ay nagkasalubong kami ng ina ko sa doorway ng kusina.“Miguel,” pagbanggit niya sa totoong pangalan ko nang magkasalubong kami.Napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam ang pwede kong isagot sa kanya. Sobrang awkward na magkaharap kami. Pinagmamasdan niya ako at para bang masaya siya na makita akong malaki na. Kung tatantyahin ay nasa 5’4 ang height niya samantalang ako ay 6’2.Lumunok ako bago magsalita, “Ma.”“Hmm?!” masayang tugon niya ngunit kita ang gulat sa kanyang mata ng tawagin ko siyang ma.“P-Pwede mo ba akong ipagluto?”Naging emosyonal siya sa harap ko. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya niya
Prologue of Turn Her Into Demure Woman "Walong buwan, para mabago niyo siya tungo sa disente at malumanay na dalaga." Nakadekwatrong pangbabae si Auntie matapos niyang sabihin ang misyon na inilatag niya sa amin. Walong buwan? Ga'non ba kahirap ang misyon namin para mabago ang pamangkin ni Auntie Madeline. Napansin ko ang pangamba sa mga mukha ni Wendell, Kael, Shawn, at Leonaire. Mukhang pare-parehas rin kami ng iniisip. Ngumisi si auntie bago magsimulang magsalita. "Kapag hindi niyo nagawa ang misyon, sisingilin ko kayo ng mahigit na milyong dolyar-dolyar." "Ha?!!!" sabay-sabay naming reaksyon nang marinig 'yon. Samu't saring ingay na ang nabuo ng apat sa loob ng main living room habang ako ay tahimik at stress na stress na nag-iisip. Halos lumuwa na ang mata ko nang marinig ko 'yon. 'San ako pupulot ng gan'yang pagkalaki-laking pera?! Hampas lupa lang ang isang tulad ko! "Auntie," binaling niya ang tingin sa 'kin. "Pa'no ko naman po babayaran 'yan? Alam niyo naman po kung bak