공유

32

작가: Sissy Garis
last update 게시일: 2025-04-08 01:51:19

Nasa tabi ni Valerie si Hiro at nang makita niyang galit pa rinito, kinabahan siya. Natakot siyang baka hindi na ito bumalik upang ipagpatuloy ang gamutan sa mata ng kanyang ama. Natakot din siyang baka hindi na niya muli itong makita. Kaya dali-dali siyang lumapit, hinawakan ang laylayan ng damit nito, at maamong nagsalita.

“Tita, huwag ka na pong magalit sa nangyari kanina, pwede po ba? Huwag mo na po silang gayahin… Ang ganda-ganda mo po, para kang diwata! At ang mga diwata, hindi sila nagta
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   51

    Sa tono ng sinabi ni Jasmine, para bang sinasabi nitong si Valerie ang walang modo at walang utang na loob noon pa man.Siyempre, malinaw kay Valerie ang ibig iparating ni Jasmine. Napangisi siya, mapait at puno ng panlilibak. “Nag-aalala ka raw sa’kin? Jasmine, naniniwala ka ba talaga sa sinasabi mo? Or are you just being disgusting, as usual?”Hindi na siya nag-abala pang magkunwaring mabait.Para sa pamilya Lozano, hindi na niya kailangang maging magalang. Lalo na kay Jasmine—na kahit kailan ay hindi niya kinilalang kapatid.Biglang sumingit si Jonah, ang ina ni Jasmine, at hindi na napigilan ang galit nang makita niyang kinontra si Jasmine. “Valerie! Anong klaseng asal 'yan? Si Jaja, nag-aalala lang sa’yo, tapos ganyan pa ang isinukli mo? Don’t forget, kung ano-ano ang ginawa mo sa kanya noon! Pinakain ka na nga ng pamilya namin ng maraming taon, pero ni kaunting pasasalamat, wala kaming narinig sa’yo! Para kang asong inalagaan pero ang ganti, kagat!”Sa puntong iyon, lumamig ang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   50

    Humarap si Harvey sa anak at mahinahong tinanong, “Bakit ka biglang tumakbo? That was rude, you know.”Hindi sumagot agad ang bata. Pinagdikit niya ang mga labi at suminghal na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng ama. “Eh polite ba sila? Ang hilig nilang pag-usapan ’yung ibang tao na parang wala lang. ’Yung magandang tita na nakita ko sa kindergarten dati—siya ’yung dati mong asawa, ’di ba? Ang ganda-ganda niya, parang diwata! Pero ang sama ng sinasabi nila tungkol sa kanya...”Kung siya ang tatanungin, si Jasmine ang tunay na masama!Hindi agad nakapagsalita si Harvey. Tahimik siyang napaisip dahil hindi niya inasahang ganito kaapektado ang anak niya sa mga narinig.“Galit ka ba dahil do’n?” tanong ni Harvey matapos ang ilang sandali.“Syempre naman!” sagot ng bata na parang natural lang iyon.Ngunit agad ding nagdagdag si Hiro, na tila natatakot na baka mapansin ng ama na sobra ang kanyang reaksyon. “Pero hindi lang naman ’yon! Pinipilit ka pa nilang pakasalan si Jasmine. Ayoko siya

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   49

    Napangiti si Jasmine, ngunit halatang pilit. Lutang ang lungkot sa mukha niya habang sinabi, “Okay lang, Harvey. Kahit anong mangyari, hindi ako magrereklamo. Basta makasama lang kita, sapat na ’yon sa akin. Kung sakali man na hindi ka gumaling, I can be your eyes…”Habang binibigkas niya ito, dama ang pagkukunwaring taos-puso. Naging emosyonal ang tono niya at halos maantig ang damdamin ng ilang matatanda sa mesa.Si Maricar, na matagal nang may pabor kay Jasmine, ay agad sumalo sa usapan at sinubukang kumbinsihin si Harvey. “Anak, si Jasmine ‘yan—isang mabuting babae na hanggang ngayon, nandyan pa rin. Hindi ka na makakahanap ng kasing bait niya.”Kung ibang lalaki lang si Harvey, siguradong natunaw na sa panliligaw ni Jasmine. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Harvey—matigas at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Ang kasal ko, ako ang magpapasya,” malamig niyang tugon. “At kailan pa naging normal na pinag-uusapan ‘yan sa harap ng pagkain?”Napakunot-noo si Jonah at hindi napigilan

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   48

    Napatigil si Jasmine nang mapansing naupo na si Hiro sa kanan ni Harvey. Doon dapat siya uupo—iyon ang napagkasunduan nila ni Maricar. Ang kaliwang bahagi ni Harvey ay nakalaan kay Maricar, kaya’t sigurado siyang sa kanan siya mauupo. Plano pa naman niyang gamitin ang gabing ito para makapuntos sa pamilya ni Harvey.Ang simpleng birthday dinner para kay Don Johan ay hindi basta salo-salo lang. Ginawa itong mas intimate na pagtitipon para makausap nang masinsinan ang pamilya Alcantara tungkol sa matagal nang planong kasal ng dalawang pamilya. Ayon sa kanila, sa ganitong set-up, mahihirapan si Harvey tumanggi.Hindi inasahan ni Jasmine na may biglang papagitna—at isang bata pa ang nagharang sa plano niya. Lalong sumama ang loob niya, ngunit pinilit niyang ngumiti at nagpanggap na kalmado.“Hi Hiro, ang upuan mo ay katabi ng lola mo. Pinagawan pa kita ng special child seat,” alok niya na may pilit na lambing sa boses.Pero hindi man lang siya nilingon ng bata. “I don’t need it,” sagot ni

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   47

    Hindi na nagtagal pa si Valerie sa bahay, at agad din siyang umalis bitbit ang mga cookies na ibinigay ni Hiro.Pagkaalis ng ginang, dali-daling bumalik sa kanyang kwarto si Hiro. Maingat niyang isinilid at binalot ang hibla ng buhok na nakuha niya. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, at sa isip niya, ito na ang pagkakataon para tuluyang makumpirma kung mag-ina nga sila ni Valerie.Matagal na niyang gustong magpa-DNA test, pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon makakuha ng sample mula kay Valerie. Sa wakas, nakuha na rin niya ang buhok ng "Tita" niya.May bahid ng pananabik sa puso ng bata. Tahimik siyang nagdasal at umaasa na sana—sana nga—ang "Tita" niya ay siya ring ina niya.Kinabukasan, habang ihinatid siya ng driver papuntang paaralan, bigla siyang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   46

    Wala pang ideya si Valerie na nagsimula nang mag-imbistiga si Harvey tungkol sa kanya. Pero kahit malaman pa niya ito, wala rin siyang pakialam.Ang totoo, ang nalaman ni Harvey ay surface-level lang—tuldok lang sa napakalawak na iceberg ng kanyang tunay na pagkatao. Sa research institute kung saan siya nagtatrabaho, iilan lang ang may alam sa kanyang tunay na identity—at lalong hindi kabilang doon si Dr. Sevilla, na, ironically, ay may parehong pagkatao rin tulad niya...Kinagabihan, matapos ang trabaho, dumiretso si Valerie sa kindergarten para sunduin si Vanessa. Agad namang sumakay ang masiglang bata sa kotse ng ina nang makita itong dumating.Hindi na nakapagpigil si Valerie, agad siyang nagtanong, "Vanessa, baby, can you tell Mommy—paano mo nakilala sina Hiro?"Kanina pa niya iniisip ito buong hapon. Curious talaga siya.Handa naman si Vanessa. Alam na niyang itatanong ito ni Mommy. Kaya maayos siyang sumagot."Nakilala ko po sila sa community. Hinanap ko si Cotton, ‘yung pusa n

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   15

    "Nagmamadali ako!" apakunot ang noo ni Valerie.‘Ano bang problema ng mga taong ‘to? Kung may problema, tumawag na lang sana ng pulis! Bakit pa kailangang maghanap ng reporter?’ Sa isip ni Valerie.Kung lalabas sa publiko ang tungkol dito, siguradong malaking gulo ang haharapin niya.Mariin niyang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   14

    Napansin ni Joshua na tila walang balak tumuloy si Valerie kaya agad siyang nagtanong, "Doktora Sevilla? May problema po ba?"Umiling si Valerie, pilit na pinapanatili ang kalmado sa kanyang ekspresyon. Bagama't nagulat siya nang malamang si Harvey pala ang pasyente, nanatili siyang composed. Wala

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   13

    Nakita ni Valerie ang mga luha ng bata, at pakiramdam niya ay may kung anong pumipiga sa kanyang puso.‘Ang munting batang ito… paano ba siya tatahanin?’ tanong niya sa kanyang isipan.Hindi niya kayang makita ang mga batang umiiyak. Tuwing umiiyak ang anak niya sa bahay, palaging nadudurog ang pus

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   12

    Ginugol ni Joshua ang halos buong umaga sa paghahanap, ngunit hanggang tanghali ay wala pa rin siyang makitang bakas ni Hiro.Habang lumilipas ang oras, lalong bumibigat ang pakiramdam ni Harvey. Halos dumadagundong ang tensyon sa buong bahay ng Alcantara, at lahat ng tao roon ay tila naglalakad sa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status