Share

Chapter 3

Pasimple kong kinapa ang higaan upang mayakap man lang si Professor Zaiden ngunit wala man lang akong nakapa. Wala na pala akong katabi.

I opened my eyes, and the first thing that greeted me was the handsome face of the professor. I smiled because my morning felt wonderful. If it was still morning, though, I couldn't be sure, as I remembered the sun had already peeked when we finished.

His legs wide slightly while his back leaned on the chair, half naked. Magulo ang maitim nitong buhok habang nag iisip. Mukhang hindi niya pa alam na gising ako.

"Good morning, Prof." Malawak na ngiti kong pagbati. He blinked and turned to look at me. His eyebrows furrowed and he let out a sigh.

"This is the last time we will meet alone, Laurene. I will forget what we did. You know we can't tell anyone about this." His voice was deep and cold. Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

The pain engulfed me. I expected this, but I still can't help but feel hurt and disappointed. Ngunit hindi ako nagpahalata dahil unang una ay plano ko 'to at pagkatapos naming maghiwalay ngayon ay masisira na ang kasal niya sa babaeng 'yon. If I see them together again, I will make sure to send the video that we had sex. Kahit magalit siya sa akin ay okay lang, basta huwag siyang magpakasal kahit na kanino.

Gumalaw ako at umupo ng maayos sa kama. I pulled the blanket to cover my boobs. "I can't promise you that, Professor. We still meet each other in University. Gusto mo bang pumasok ako palagi sa opisina mo?"

Malamig niya lamang akong tiningnan at tumayo na. "Laurene, stop it. Do you know what the consequences are if you are always near me? We can be both expelled. Lalo ka na dahil estudyante ka pa."

Ngumuso ako ngunit binabewala ko lang ang sinabi niya. "I won't do anything if you leave your fiance, Professor."

Blanko lamang ang tingin nito sa akin at mukhang hinuhusgahan na niya ako. Hindi ko nalang siya tiningnan ng matagal at tumayo na ng walang saplot.

"Fvck, don't wander around naked!" He spat out.

Ngumisi lang ako at nakapamewang pang humarap sa kaniya. Hindi ito halos makatingin sa akin.

"Alam kong hanap-hanapin mo rin ako, Professor. I can make you enjoy your life as a man. I can give you pleasure whatever and whenever you want. Just call me and I'll be there." Hagikhik ko at kinuha ang roba at pumasok sa shower room. Kumembot kembot pa ako upang ipakita ang puwet ko.

Hindi talaga ako sure sa sinabi ko kanina na hanapin niya ako pero hindi na siya lugi sa akin. Mas bata ako kaysa sa fiance niya. Kung pagbabasehan sa edad ay bagay sila dahil nasa 30 na rin kasi si Professor Zaiden pero kung pinakasalan niya lang ang babaeng 'yon dahil gusto na niyang mag settle, p'wes guguluhin ko sila hanggang sa magiging akin si Professor Zaiden. Akin lang siya at wala ng babaeng aangkin sa kaniya kung hindi ako lang.

WALA na si Professor Zaiden pagkatapos kong maligo. Mukhang iniwan niya talaga ako dahil wala na akong ang gamit niya sa kwarto. Kahit pasarap ako kagabi ay hindi ko talaga nakalimutan ang pakay ko. Mabuti nalang at hindi niya nakita ang remote na itinago ko lang sa higaan.

Kinuha ko ang maliit na camera na nilagay ko lang sa pader na sapat lang na makuha kung ano ang mangyayari sa loob ng kwarto. May pinindot lang ako at nasa cellphone ko na ang video. Nang pinindot ko ang play ay napatakip lang ako ng bibig upang mapigilan ang pagtawa ko. Ang ingay ko pala kagabi, halatang sarap na sarap.

Nagbihis na ako ng simpleng damit at sinuot ang salamin ko. Ayoko ng suotin ang contact lenses ko dahil masyado ng mahirap. First time kong magsuot ng ganun kaya kung maari, ayoko na talagang subukan ulit.

Nang makalabas ako ng hotel ay mag-gagabi na pala. Ang haba pala talaga ng tulog ko kanina. Okay lang, worth it naman rin kahit na mukha akong binugbog dahil sa sakit ng katawan ko ngayon. Ipapahinga ko nalang 'to ng ilang araw.

Napaisip na naman ako sa reaksiyon ni Professor Zaiden kagabi. Iba pala siya kapag sa kama. Nawawala ang pagiging gentleman niya. Nagiging mabangis siya. Kailan pa kaya kami gagawa nga ganun? Sana matikman ko pa siya.

-----

MABILIS ang lakad ko patungo sa Classroom. Na-late ako ng sampung minuto at minus na naman 'to kapag may quizzes kami. Ngayon lang ako nalate dahil hindi ako makatulog kagabi kakaisip ng nangyari. Hindi ako makamove-on sa ginawa namin.

There were almost no students in the hallway, so I hastened my pace, turning it into a run until I reached the door.

Sabay silang napatingin sa akin dahil sa biglaan kong pagbukas ng pintuan. Mukha na siguro akong sinabunutan ng ilang daang tao dahil sa buhok ko. Tumutulo rin ang pawis ko sa noo dahil sa pagmamadali.

"You're 12 minutes late, Laurenestine Valencia." I heard a familiar voice speak up.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nagkasalubong kami ng tingin ni Professor Zaiden. Nakasuot ito ng salamin at nakatupi ang white and black long sleeve niya habang nakatayo sa harap. May sinusulat rin siya sa whiteboard.

Siya ang unang nagbawi ng tingin at ako naman ay pilit na huwag ngumiti dahil tinawag niya ako sa kompletong pangalan ko. Ito ang kauna- unahang tinawag niya ang buong pangalan ko!

"S-sorry po Prof. Hindi na po mauulit." Mahinahon kong paumanhin at bahagyang nakayuko ang ulo ko.

Senenyasan niya akong maupo na at ako naman ay dumiretso agad sa aking upuan habang nakayuko.

"Nag iimagine na naman siguro 'to si Valencia sa daan tapos tatawa na naman mag isa." Sabi ng isa sa mga lalaking classmate ko.

Nagtawanan ang lahat pero wala akong reaksiyon at kinuha na lamang ang notebook ko. May itinago akong picture ni Professor Zaiden sa cover ng notebook ko at kapag hindi ko siya nakikita, lagi kong sumisilip iyon. At dahil nandito naman si Professor ay hindi ko muna ito silipin at sa may ari muna ako titingin.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nakatingin kay Professor Zaiden. Gusto ko ng tumili dahil ang gwapo-gwapo niya ngayon. Tapos, natikman ko pa. Ang swerte ko hehe.

"Ang pogi talaga ni Sir Zaiden. Likod palang yummy na." Humahagikhik na sabi ng kalapit na upuan. I shot them an angry glare that others noticed, my face clearly showing frustration. It was a silent warning.

He's mine. They have no right to praise my Professor.

Tumaas lamang ang kilay ng isa bago ito naiilang na umupo ng maayos. Ang advantage ko lang ay takot silang makipag interact sa'kin. Maliban nalang kung may groupings dahil no choice talaga sila.

I smiled again and turned to Professor Zaiden, who was now speaking. I listened intently, jotting down notes in my notebook without taking my eyes off him. May pumasok na naman ulit na scene sa utak ko na tiningnan niya ako ulit na may pagnanasa habang naka half naked. Kyaaa! Gusto ko ng tumalon sa kilig!

"Valencia? Are you listening?"

Nagising ako sa aking ulirat nang nakatingin na ang lahat sa akin. Tumameme na pala ako sa harap na parang tanga. Tumayo ako agad dahil baka may recitation.

"Ano po ba tanong, Prof?" I asked absentmindedly.

Humagikhik ang lahat dahil sa sinabi ko. Umiling lamang si Professor Zaiden at bumalik sa table. "The classes have already ended, Valencia. Saan na napunta ang imagination mo para hindi mo mapansin?"

"Sir, mukhang may iniisip na naman 'yan sir. Ganiyan po talaga 'yan, palaging lutang!" Walang estudyante ang hindi tumawa roon pero hindi ko nalang pinansin at umupo ulit.

"Quiet class. That's bullying. Do you want all of you to be called by dean?" He warned.

Palihim akong napaikot ng mata dahil sa biglang paghimik nila. Ano sila ngayon? Professor Zaiden is defending me. Of course, mas lamang ako sa kanilang lahat rito.

"And to you, Ms. Valencia. Huwag kang tumunganga palagi. You didn't even pay attention to what I discussed here." Kalmado niyang sabi habang tinitingnan ako.

Paano niya kaya nalaman na tumunganga lang ako? Sa kaniya naman ako nakatingin 'ah.

"Sorry po Prof, " Iyon na lamang ang sinabi ko.

Bumuntong-hininga siya at kinuha ang gamit niya. "Follow me, Ms. Valencia. Ma'am Dasrael is requesting your presence."

Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko ng walang lingon-lingon. Sumunod agad ako sa kaniya at wala kaming imik habang naglalakad papunta sa office ng College department. Katabi kasi nun ay ang library. 

Nandoon palagi si Ma'am Dasrael pero hindi naman niya ako papalinisin ng library. Ako ang pinapagawa niya ng ipe-present niya sa kaniyang klase kasi magaling raw ako mag edit lalo na at mabilis lang ako natatapos. Hindi siya marunong gumawa kahit sa PowerPoint man lang dahil nasanay siyang sulat o hindi kaya sa Manila paper. Hindi na nakapagtataka lalo na at ilang taon na siyang nagtuturo rito. Mag go-golden age na rin siya next year.

Napahinto ako nang nabangga ang noo ko. Nakayuko kasi akong naglalakad dahil an'daming nakatingin sa amin. Hinuhusgan na naman ng mga estudyante ang existence ko. I'm not doing anything to them. I hardly speak, and I'm always by myself, but I became known because they say I always smile alone.

Wala naman akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang makausap ay si  Professor Zaiden at wala ng iba.

Inayos ko ang salamin dahil malapit ng mahulog sa mukha ko dahil sa pagkabangga at inangat ang mukha upang tingnan si Professor na nakatingin pala sa akin.

"Why are you following me?"

Nilibot ko ang paningin ko at nasa opisina na pala ako ng College department at nalampasan ko na ang library. Napakamot nalang ako ng ilong at ngumiti sa kaniya ng pag alinlangan.

"Sorry po, babalik na po ako."

Hindi ako umalis agad at hinintay na pumasok si Professor Zaiden sa opisina niya pero hindi rin siya pumasok kaya para kaming tangang nakatayo sa daan.

Napakagat nalang ako ng labi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Lahat ng kakapalan ko ng mukha ay umatras bigla ngayon. Hindi kasi talaga ako komportable kapag nasa campus ako.

"Why aren't you moving? May sasabihin ka pa?" Taas kilay niyang tanong pero hindi rin naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

"K-kasi po, hihintayin ko nalang na pumasok kayo bago ako umalis hehe."

He looked at me weirdly. Ngayon lang ba niya alam na ganito ako palagi? Alam ko naman na napapansin niya ang parati kong pagpunta rito dahil nagpapansin ako lalo na kapag sa umaga. I intentionally went to the old library and cleaned up just to catch a glimpse of him.

"No, don't wait for me. Go, now."

Umiling ako at ngumiti. "Kayo na po mauna. G-gusto ko lang pong makita kayong safe pagpasok."

Kumunot ang noo niya."May masasama bang loob na pagtangkaan ako? Skwelahan 'to, Valencia not a street. Umalis ka na." Sabi niya na nahihimigan ng lamig.

Ngumuso ako pero ngumiti rin sa kaniya. "Okay po. Kayo na nagsabi 'eh." Kilig kong sagot dahil aside sa pang ungol, may normal na pag uusap kami.

Tumalikod na ako at papalakad na dapat nang may sinabi ulit siya.

"And stop taking a picture of me, Ms. Valencia. I saw my picture in your notebook. You're being creepy."

Immune na ako sa ganitong salita kaso ang sakit pala lalo na at galing sa kaniya. Lumunok ako dahil umangat ang emosyon ko. I'm not sensitive person. I can endure any hurtful words at kahit kailan ay hindi pa ako umiiyak dahil lang sa salita pero--

Napansin ko nalang ang luha kong agad tumulo sa aking pisngi. Hindi ko na siya nilingon pa at nagsimula na ulit maglakad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status