Hindi na kami muling nagkwentuhan ulit. Nawalan na ako ng gana na parang bigla nalang nawala ang energy ko kanina. Nakatulog lang rin silang dalawa dahil sa pagod, habang ako ay hindi agad makatulog. Kung hindi ko lang talaga pinilit ang sarili ko ay baka hanggang ngayon ay gising pa rin ako.Nagising lang ako dahil sa mga kagikhikan sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang dalawa pero wala na sila sa kwarto. Nauna siguro silang nagising sa akin.Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang dalawa na masayang naglalaro sa kambal. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko be ang bracelet na suot ni Calia. Nagtataka ako kung saan niya ito nakuha. Maaga pa, kaya naisip kong tatawagan ko na lang si Zaiden at itanong sa kanya.Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang aking phone. Naalala kong na-off pala ito kagabi, kaya binuksan ko muna. Nang mabuksan ang phone ko, hindi ko pa nga natatawagan si Zaiden ay may tumawag agad. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang pangalan ng tumatawag. Pero n
I was speechless. The man in front of me was carrying such a heavy burden. I was trying to digest everything he just told me. "Zairon..." I began, my voice barely above a whisper. "I had no idea..."My heart ached for what he confessed to me. I didn't know that he experienced this. He gave me a sad smile. "I know. I didn't want you to know, Laurene. I didn't want you to see this side of me.""But why?" I asked, my heart aching for him. "Why did you feel the need to hide this from me?""Because I was afraid," he admitted. "I was afraid that you would look at me differently. Gusto ko nalang sanang itago ito sayo pero ayokong magalit ka." I smiled. "Hindi ako magagalit. I will listen to you kahit ano pa 'yan. I'm here."I said firmly, gripping his hand tightly. He looked at me with his eyes filled with relief. "Thank you baby," he said, his voice choking with emotion. "Thank you for understanding.""Because I'm your girlfriend. I should be the one who understands you the most." I answe
Isang buwan na ang nakakaraan mula nang magsimula ang internship. Ngayong buwan din iaanounce kung saang hospital kami magkakaroon ng O-OJT.Walang araw na hindi ako tinatawagan ni Zairon, pero napapansin kong may iniiwasan siyang topic. Lalo na kapag magtatanong ako tungkol sa pamilya niya. Mula nang sabihin niya sa akin tungkol sa isang tao, nag-iwas na siya sa topic na iyon.Nakakapagtaka, pero hindi ko pinipilit na buksan ang topic na iyon. Alam kong may dahilan siya, at hinihintay ko lang na sabihin niya ito sa akin kapag handa na siya.And it's been a month rin na hindi na ako sinusundan ng lalaki noon. It feels like he vanished suddenly after that na pinasalamat ko rin naman. "Girl! Dalian mo nga diyan! Nandoon na si Sir! Ngayon na iaanounce kung saan tayo mag O-OJT!" excited na anas ni Dalcy sa akin at hinihila pa ako. "T-teka lang naman, iyong sintas ng sapatos ko! Kalma ka lang!" Reklamo ko at bumaba para maayos man lang. Washday namin ngayon kaya simpleng shirt at pantalo
May mga doctors rin na dumadaan at binabati namin habang naglalakad kami sa pasilyo. "Beh, gwapo ng iyon oh. Mukhang inosente ang mukha." Turo ni Jazz sa isang Doctor na parang bata pa rin dahil babyface. May kausap rin itong ibang doctor. "Ay, feel ko beki iyan." Sagot ni Dalcy habang nakatingin roon. "Paano mo nasabi? Parang hindi naman." Depensa ni Jazzm "Tingnan mo nga kung paano ngumiti sa isang lalaking doctor.. parang nag da-daydream! Masyadong suspicious ang ganyan." Agad na paliwanag ni Dalcy na parang expert talaga. Napailing nalang ako habang nakasunod sa kanila. Nang matapos kami mag-explore, nagpasya kaming kumain sa cafeteria. "Ang daming pagkain dito! Parang buffet lang unlike noong na hospital ang mother dear ko, wala man lang ganito sa pinuntahan namin." sabi ni Dalcy at parang uubusin na ang mga putahe sa plato niya. Natawa nalang kami dahil sa trip niya. Pinagtitinganan na tuloy kami ng mga tao sa loob. Bago pa kami makaupo, nag ring agad ang phone ko. Kinuha
"A-are you sure, Doc? I mean, I'm still a trainee. I don't have experience with this kind of patient," Saad ko, nag-aalala na baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Lalo na sa lolo ni Zairon! Ano ba ang nangyayari?! "Don't worry. I believe in you. I know you can do this. And besides, there will be a senior nurse who will guide you," aniya na mas lalong nagpakaba sa akin. Hindi na ako mapakali nang umalis na lamang si Doctor. Naiwan ako roon, nag-iisa at nalilito. Parang gusto ko na lang tumalon sa bintana kaysa sa harapin ang sitwasyong ito. Hindi ko ito inaasahan! "H-hi.. Um, hello po.. Don. I'm your nurse for today," Kinakabahan kong sabi. Parang may malaking bato na bumabagsak sa aking dibdib dahil sa kaba. Nasaan na ba ang senior nurse dito? Bakit ako lang?! Tiningnan niya lang ako ng blanko na parang wala siyang interes sa kung ano man ang sasabihin ko. Kinuha niya ang newspaper na nasa tabi niya at nagpatuloy na magbasa. Napakagat ako ng labi. Anong gagawin ko ng
Napalunok ako sa biglaan at sakit ng sinabi niya. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon. Tila bigla akong nawalan ng lakas at naramdaman ko ang mga tuhod ko na nanginginig. I thought that he didn't know me? Then now.. I can't even think properly. Pinilit kong pigilan ang aking mga luha na dumaloy at pinanindigan ko ang aking sarili. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata. "Alam kong hindi ako kasing yaman ninyo, Don. Hindi ako mayaman, hindi ako kilala, at hindi ako may-ari ng malalaking negosyo tulad ninyo," sagot ko, pinipigilan ang sarili na hindi umiyak. "Pero hindi naman po yaman ang sukatan ng pagmamahal. Mahal ko po si Zairon at alam kong mahal din niya ako." Akala ko ay coincidence lang na nagkita kami sa lugar na ito, pero nang sinabi niya ito, bigla kong narealize lahat. Kilala na niya pala talaga ako. Ito ba ang magiging first day ko? Ang saklap naman pala. Tumawa siya pero hindi ito masaya. Hindi ito ang tawa ng isang taong masaya, kundi tawa ng isang taong nagpapahi
Namumula kong binaling ang paligid at nakatingin na pala ang mga babaeng nakasunod lang sa akin. Sinurprise niya nga ako at naging staff na siya ng sariling cafeteria ng hospital niya. “Ang gwapo ng staff.. girlfriend niya kaya ang babaeng ‘yan?” rinig kong sabi ng nasa likod ko. “Mukha nga pero masyadong inosente naman ang girlfriend niya.” Gusto ko nalang tumawa sa komento ng isa. Inosente pala talaga tingin nila sa akin? Pinatong ni Zairon lahat ng mga naka paper na mga pagkain sa harap ko. “Pinabalot ko na mga pagkain. Just share it with your friends.” “Ang dami yata..” komento ko nang makita ang ilang mga paper bags. “Don't worry baby, doon ako kakain. I'm not eating yet. Bagong dating lang kasi ako.” Sagot naman niya habang hinuhubad ang suot niyang apron at ginulo ng bahagya ang buhok niya para maging messy. “Bakit ka nasa Cafeteria? Bakit naging staff ang may ari ng hospital?” Biro ko sa kaniya. Tiningnan ko lang siya ng maigi at ang ginagawa niya sa loob. “My au
Napatutop ng bibig si Dalcy habang si Jazz naman ay napanganga nalang. “Oh, my Goodness. Jazz, sa labas muna tayo.” Hindi agad makaahon sa pagkagulat si Jazz dahil alam nilang dalawa na hindi ko pa sinabi kay Zairon na may mga anak kami. Hinila nalang siya ni Dalcy dahil parang napako itong nakatingin lang sa amin. Nagising lang siya at gumalaw nang hinila na siya ni Dalcy sa labas ng walang lingon-lingon. Mas lalong domoble ang kaba sa puso ko. Hindi na ako halos makaisip ng isasagot at napaawang na lamang ang bibig. Tumigas ang expresyon ni Zairon habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya ngayon. “What do you mean by that, Laurene?” Malamig niyang tanong. “May anak ka?” I swallowed hard. Nabibigatan ako sa mga tingin niya pero wala na rin naman akong idadahilan pa at hindi na dapat pang itago. “Oo, Zairon. I-I’m sorry.” Iyon lang ang tánging nasagot ko. Hindi ko alam pero natatakot ako sa magiging reaksiyon niya pagkatapos niyang malaman