This place is boring! Wala pa sa isang oras simula nang makarating ako sa bahay na ito ay hindi na ako mapakali. This is not the punishment that I'm expecting! Naiyak na ako kanina, pero itinigil ko dahil wala rin naman magagawa ang pag-iyak ko. Tinawagan ko na rin si Mommy, pero hindi pa rin daw niya nakakausap si Daddy tungkol sa akin kaya naman mas lalo akong nawalan ng pag-asa.
Padabog kong binuksan ang mga maleta ko at isa-isa kong inalis ang mga gamit ko roon. Malaki ang kwarto ko at gusto ko ang design. May malaking bintana roon at matatanaw mo ang mga puno at ilang bundok hindi kalayuan mula sa bahay na ito. Kapag tinignan ko ang tanawin ay medyo nare-relax ako, pero kapag naiisip ko ang buhay ko sa syudad kumpara sa magiging buhay ko rito sa probinsya ay nakakainis lang. Hindi ko alam kung ilang oras ako nag-ayos ng mga gamit ko, at nang napagod ako ay nakatulog ako. Nagising lang ako kinagabihan na dahil sa mga katok ni Manang Gina. Hindi ko namalayan na gabi na pala at kailangan ko ng kumain ng dinner. "Pasensya ka na Ma'am Zari sa hapunan natin ngayon. Ito lang kasi ang nakuha ni Julio mula sa pangingisda. Hindi rin ako nakabili sa palengke dahil inasikaso ko maghapon ang kwarto na gagamitin mo," paliwanag sa akin ni Manang Gina. Bahagya naman akong natawa, at napailing. Tinignan ko ang ulam na nakahain sa lamesa at amoy pa lang nito ay mukhang masarap na. "It's okay, Manang Gina. Huwag na po kayong mag-abala. Don't worry I'll eat this," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay inilapit ko sa akin ang ulam. Naglagay ako ng sabaw sa kutsara ko at dahan-dahan kong tinikman 'yon. Halos mapatango naman ako dahil pumasa 'yon sa taste buds ko. "This is so good! What do you call this dish?" tanong ko at muling kumuha para maglagay sa plato ko. Napangiti at napatango naman sa akin si Manang Gina bago sagutin ang tanong ko. "Sinigang na bangus 'yan, Ma'am Zari. Iyan ang paborito ng Mommy mo na iluto ko para sa kaniya noon," nakangiting sagot niya sa akin. Napangiti rin ako dahil ngayon ko lang natikman ang dish na 'yon at ngayon ko lang din nalaman na isa 'yon sa favorite foods ni Mommy. Sumabay sa akin sa hapunan si Manang Gina. Nagkwentuhan lang kaming dalawa at na-open ko rin sa kaniya ang mga sama ng loob ko kay Daddy. Sinabi ko rin sa kaniya ang dahilan kung bakit ako nandito at naiintindihan naman daw niya ako. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nakapagsabi ako ng mga hinanakit ko. "Bukas na lang kita ulit pupuntahan dito para maipagluto ka ng umagahan. Isasama ko na rin ang anak kong si Johny para maipasyal ka niya rito sa Las Espadas pagkatapos natin magsimba," sabi sa akin ni Manang Gina. Napangiti naman ako at napatango sa kaniya. Mukhang hindi naman ako maboboring dito dahil mababait ang makakasama ko. Hindi sa bahay na ito nakatira sila Manang Gina. Mahigit sampung minuto pa yata ang nilalakad niya mula rito hanggang makauwi siya sa kanila. Nang malaman ko na ako na lang ang maiiwan mag-isa sa malaking bahay na ito ay hindi ko maiwasang matakot. Hindi dahil sa malaki ang bahay at takot ako sa multo, kundi ay dahil hindi ako sanay na mag-isa sa bahay. Tama nga na malaki ang bahay namin sa syudad, pero alam kong marami kaming kasambahay at guards. "'Wag ka mag-alala, Ma'am Zari. Safe sa lugar na ito kaya kahit mag-isa ka ay walang mangyayaring masama sa'yo. Isa pa ay lahat ng tao rito ay takot na tumapak sa ari-arian niyo," paliwanag sa akin ni Manang Gina. Napatango naman ako at nilakasan ko na lang ang loob ko. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya at nagtitiwala ako na safe nga ako roon. "Ito ang cellphone number ko. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka," dagdag na sabi pa niya pagkatapos ay ipinakita sa akin ang keypad niyang phone. Napakunot naman ang noo ko habang tinitignan ang bagay na 'yon. "Is that your phone Manang Gina?" tanong ko sa kaniya. Bahagya naman siyang natawa at napatango. "Oo. Inuna ko kasing ibili ng cellphone si Johny para sa pag-aaral niya. Maayos pa naman ito," sagot niya at isinulat ang number niya sa papel. Agad ko naman na-save ang number niya sa phone ko nang makaalis siya. Magdidilim pa lang sa labas pero hindi ko maiwasang mag-alala. Nag-offer ako sa kaniya na ihahatid ko na lang siya gamit ang kotse ko pero tumanggi siya kaya naman hindi na ako nagpumilit pa. Nagkulong lang ako sa kwarto ko kinagabihan. Mabuti na lang din ay may internet ako at hindi mahina ang signal kaya hindi ako na-bored. Nag-scroll lang ako sa mga social media ko at mas lalong dumami ang messages mula sa mga kaibigan ko lalo na kay Lexi. I was typing my reply to her when my iPad rang and saw Lexi's name on the screen. "Oh my gosh, Zariya! I've been messaging and calling you last night pa! I know that your parents are mad, but what happened? Where are you?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Napairap naman ako at agad kong inikot ang camera para mapakita sa kaniya kung nasaan ako. "Saan 'yan? Don't tell me nasa ibang lugar ka? Sabihin mo kung nasaan ka at pupuntahan kita," dagdag na sabi niya. Natawa naman ako at napailing. As if naman na makapunta siya sa probinsyang ito. "To make long story short. Nakipagsagutan ako kay Daddy last night. He was so frustrated and he punished me," sagot ko sa kaniya. "What punishment?" curious niyang tanong. "I'm no longer city girl, Lexy. Ipinadala niya ako rito sa probinsya at dito ko na itutuloy ang pag-aaral ko," patuloy ko at hindi naiwasan ang lungkot sa boses ko. "Oh my gosh! Is that true?! For real?! Saang probinsya 'yan? You can't! Hindi pwedeng nand'yan ka!" sunod-sunod niyang sabi at halata sa boses niya ang pagkagulat. "Yeah, I can't be here, pero ano bang laban ko kay Dad? He always wins!" sagot ko pagkatapos ay napabuntong hininga na lang. "How about your Mom? Hindi ba siya gumawa ng paraan para hindi ituloy ng Dad mo 'yang punishment mo?" tanong niya. Muli akong napabuntonghininga. Naiisip ko pa lang na ginagawan ni Mommy ng paraan para makabalik ako sa Manila ay sapat na sa akin 'yon, pero alam kong wala rin naman siyang nagagawa kapag si Daddy na ang nagdesisyon. Alam kong nag-aalala rin para sa akin si Lexy dahil mag-isa ko rito sa probinsya at walang kasama na kamag-anak. "Don't worry about me, Lexy. Let's just say na free na ako mula sa strict parents ko. I'll just enjoy my independence here," sagot ko sa kaniya. Iyon na lang ang nagpapatibay ng loob ko. Kapag iniisip ko na walang magbabantay sa akin dito at magbabawal ng mga maraming bagay ay natutuwa ako. Nagkwentuhan lang kami ni Lexy at siya lang ang nasabihan ko sa mga kaibigan ko. Malalaman din naman 'yon ng buong group of friends ko kapag nakuha na ang mga documents ko mula sa school ko. After ng call namin ni Lexy ay sumunod namab na tumawag sa akin si Margot. Kasama niya si Bettina and they was asking kung kumusta ako rito. I need to tell them that I was fine and feel okay here para hindi na sila mag-alala pa para sa akin. Nakatulog na rin ako sa gabing 'yon at kinabukasan ay maaga akong nagising. Paakyat pa lang ang araw, pero bumaba na ako mula sa kwarto ko para malibot ang buong bahay. Sabi sa akin kahapon ni Manang Gina ay ancestral house raw ito nila Mommy, and I can't imagine how she lived here before kasama ang mga kapatid niya. May mga malalaki at lumang pictures na nakasabit sa dingding nito. Mga pictures 'yon nila Mommy at ng mga kapatid niya. Sa likod ng bahay ay may nakita akong malaking swimming pool. Marumi 'yon at walang tubig, pero natuwa ako. Kapag nalinis 'yon ay pwede akong mag-relax doon. Nang matapos ako sa pag-iikot ay bumalik ako sa sala. Sakto naman na kararating lang ni Manang Gina. May kasama siyang lalaki na tingin ko ay si Johny. "Nanay, siya ba si Ma'am Zariyah?" tanong nito nang makita ako. Napangiti naman ako. Mas bata sa akin si Johny. Tingin ko ay nasa senior high school pa lang siya. "Oo, Johny. Matagal natin siyang makakasama rito kaya ipasyal mo siya mamaya pagkatapos natin magsimba lalo na at bukas ay magsisimula na siyang pumasok sa school," paliwanag ni Manang Gina sa anak niya. "Ang ganda mo Ma'am Zariyah. Para kang artista na nakikita ko sa TV!" natutuwa niyang puri sa akin. Natawa ako dahil sa sinabi niya at napangiti ako. "Thank you, but you can call me Ate Z. Nice meeting you Johny," nakangiting sabi ko sa kaniya. Hindi siya tumigil sa pagsabi na maganda raw ako kaya natatawa na lang ako. Naligo at nagbihis naman ako kaagad habang nagluluto ng almusal si Manang Gina. "Hindi makakasama sa atin si Julio ngayon, dahil maaga ang pag-harvest nila ng mga gulay sa kabilang bayan," sabi ni Manang Gina nang hanapin ko ang asawa niyang si Mang Julio. Papunta na kami ngayon sa simbahan. Sa bayan pa 'yon at nag-insist ako na gamitin na lang ang kotse ko papunta roon pero sumakay na lang kami sa tricycle para raw ma-experience ko. "Alam mo ba kung saan ang school ng college rito, Johny?" tanong ko. Tumawag na sa akin si Mommy kaninang umaga at hindi magandang balita ang sinabi niya sa akin, dahil seryoso si Daddy na dito ko na ituloy ang pag-aaral ko. "Oo, Ate Z. Malapit lang 'yon sa simbahan. Mamaya ituturo ko sa'yo," sagot niya. Agad naman akong napangiti at napatango. Pinag-rereport din ako ni Mommy sa school na 'yon para raw makilala ako kaagad ng mga magiging professor ko, pero mamaya na lang ako pupunta, dahil may pupuntahan pa kami nina Manang Gina at Johny. Nakarating kami sa simbahan at nalaman ko na bayan na 'yon dahil maingay na at medyo maraming tao. Hindi ko alam kung bakit lahat ng mga nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. Napatingin tuloy ako sa suot kong casual na dress. "Masanay ka na, Ate Z. Bihira lang kasi makakita ng maganda ang mga tao rito," pabirong bulong sa akin ni Johny. Natawa naman ako at napailing bago magsalita. "Palabiro ka talaga, Johny. Tara na nga sa loob," sabi ko sa kaniya dahil nauna na sa amin si Manang Gina. Tahimik kaming sumunod sa loob ng simbahan at marami ng tao roon na naghihintay magsimula ang misa. Hindi ko rin naman naiwasang mapatingin sa mga taong nadadaanan namin sa upuan. "Nakita ko na si father. Mukhang magsisimula na ang misa," bulong sa akin ni Johny. Napatango naman ako sa kaniya. Magsasalita sana ako kaya lang ay para akong nakakita ng multo nang makita ko sa isang upuan ang lalaking nakahalikan ko sa club noong nakaraang gabi. He's wearing a white polo shirt and blue faded jeans. Napatingin siya sa akin, pero wala naman siyang reaksyon. Namumukhaan ko siya kaya hindi ako nagkakamali na siya 'yon, pero ano naman ang ginagawa niya rito? Paano siya napunta sa lugar na 'to? Is this coincidence?! Litong-lito na ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, pero parang nabuhayan lang akong muli nang hilahin ako ni Johny. "Dito tayo uupo, Ate Z." Sabi niya at iginiya ako sa upuan kung nasaan si Manang Gina. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita dahil iniisip ko ang lalaking nasa likuran namin. Hindi niya ba talaga ako namumukhaan or nakilala? Muli akong tumingin sa likuran at tinignan siyang muli. Sandali lang naman siyang tumingin sa akin. I was about to wave at him, pero agad na siyang nag-iwas nang tingin sa akin. Is he just pretending not to remember me?!Itinigil ko ang pagkain ko at bahagya 'yon inilayo mula sa akin para muling kuhanin ang laptop ko."Hindi mo pa nauubos," sabi niya."I'm already full," sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay nawalan ako ng apetite."Kakaonti pa lang ang nakain mo, paano ka nabusog?" tanong niya.Sa inis ko ay humarap ako sa kaniya para magsalita."I already told you that I'm not hungry, and next time 'wag ako ang ayain mong mag-lunch. 'Wag mo rin akong bilhan ng pagkain, because I have secretary to that for me. You should give all your attention to that girl who was talkting with you earlier," sunod-sunod kong sabi sa kaniya.Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman muli akong napairap. Alam kong hindi ako makakatapos sa trabaho ko kung mag-stay ako roon kasama siya kaya naman sinara ko na lang ang laptop ko at inayos ang mga gamit na nasa table."Oh, why?" tanong niya.Hindi ko na siya pinansin pa dahil tumayo na ako sa upuan ko."Are you jealous?" tanong niya.Napangisi ako dahil binalik niya an
"Meeting adjourned. Thank you everyone!" sabi ni Daddy.Halos makahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay natapos din ang meeting namin. Agad ko naman binalingan si River dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina. "I know what you was doing," sabi ko sa kaniya.Tinaas naman niya agad ang dalawa niyang kamay bago magsalita para magpaliwanag."I just want to see his reaction. He's been staring at you since our meeting started," paliwanag niya.Napairap na lang ako sa kaniya at napailing. Hindi ko alam kung eepekto ba 'yon kay Brandon lalo na at wala naman kaming relasyon. Iniwanan ko si River sa upuan niya dahil may lumapit sa kaniya para kausapin siya.Nagpaalam ang lahat ng mga kasama namin sa loob. Ang iba ay nag-uusap pa at ang iba naman ay nagsimula nang umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko si Brandon na may kausap kaya sinamantala ko 'yon para lumapit kay Daddy."Z, are you surprised?" tanong niya habang nakangiti."Surprised from what?" tanong ko habang nakakunot ang n
I can feel my soreness when I woke up in the morning. Gustong-gusto ko pang matulog pero nagising ako dahil sa tawag ni Clara."Good morning, Miss Zari! This is short notice. We'll be having urgent meeting today at ten thirty o'clock. Ngayon daw po kasi ang dating ng new investor ng Sacred Empire and you'll need to attend," paliwanag niya sa akin.Halos mapabuga naman ako ng hininga ko at napaikot ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. I'm planning not to work today to spend my time with Sky, pero urgent daw 'yon at hindi ako pwedeng mawala."Alright. I'll be there later." Sagot ko naman.Wala si Brandon sa tabi namin nang magising kami ni Sky. Mukhang hindi na siya bumalik dito kagabi at doon na siya tuluyang natulog sa guest room.Dinala ko naman si Sky sa kwarto niya at pinaliguan ko na siya para madala ko siya sa bahay nila Margot. Doon kasi iniiwan ni Bettina si Bella pansamantala kapag nagtatrabaho siya at gusto kong maka-bonding ulit silang magpipinsan."Do you want to s
Napatingala ako sa kaniya at hindi nakapagsalita kaagad. Nanatili kaming magkatinginan sa isa't-isa hanggang sa makakuha ako ng lakas ng loob para magsalita. "T-Talk about what?" nauutal na tanong ko sa kaniya. "About what happened to us in the past." Sagot niya. Kahit na ayaw ko nang balikan 'yon ay napatango na lang ako sa kaniya. Umakyat kami sa taas at sa veranda kami nag-stay para mag-usap. Kumuha rin siya ng whiskey para inumin 'yon at makatulog na kami. "What part do you want us to talk about?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa baso ko na may laman na whiskey habang nakasandal ako sa railing. Nakatingin lang siya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip niya. Hindi siya nagsalita kaagad dahil uminom siya ng alak. Hindi ko naiwasang mapatingin sa leeg niya kung saan nakabakat ang adams apple niya. Ninamnam niyang mabuti ang lasa nito bago sagutin ang tanong ko. "I'm sorry for what I did to you six years ago, but I want you to know na kung ano ang nakita ni
"Why don't you two get back together? Para naman hindi na kayo mahirapan na mag-set ng schedule para makasama ang apo ko," sabi ni Dad. Napalingon naman ako kay Dad habang naglalagay ako ng mga damit sa bag ko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko kaya napanguso na lang ako bago magsalita. "Matagal nang natapos ang relasyon namin ni Brandon. We're just doing this for Sky," sagot ko kay Dad. "I know, I know. Ang sa akin lang naman ay bakit hindi niyo subukan ulit? Brandon is single at gano'n ka rin," patuloy niya. "Oh come on, Dad. Hindi na ako mahal ni Brandon," sabi ko. "But you still love him." Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Dad bago mapabuntong hininga dahil alam kong inaasar niya lang ako. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay muli siyang natawa. "I'm just kidding. Kung ano ang maging desisyon mo ay susuportahan ko lalo na kapag para sa apo ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil alam kong mahirap ang magiging sitwasyon ng pamilya namin ni Brandon
"Can I eat ice cream too?" Nakatingala sa akin si Sky nang itanong niya 'yon sa akin. Agad naman akong napangiti sa kaniya at napatango. "Of course, baby. You can eat unlimited ice cream today," sabi ko pagkatapos ay natawa. "Yes, and you can eat all flavors you want!" sabi naman ni Daddy. Napatango lang si Sky pero parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa ice cream na nasa harapan namin. Napakunot ang noo ko dahil wala akong makitang excitemet sa itsura niya samantalang ang mga pinsan niya ay excited na excited na makakain ng sweets. "Why are you sad?" natatakhang tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Because Papa doesn't allow me to eat ice cream," sagot niya. Bakas sa boses niya ang lungkot kaya nagulat ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "What? Why?" tanong naman ni Bettina. "I don't know. He said that too sweets is not good for my health," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Nagkatinginan naman kami