"Ano'ng pumasok sa isip niyo at nagawa niyo na namang tumakas para maka-party lang? My God, Bettina and Zariya!" pagsesermon sa amin ni Mommy.
Yes, it's true. They found out na wala kami sa bahay. Hindi namin namalayan ni Bettina na may nakakita pala sa amin kanina. I'm still feeling dizzy right now at hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking kahalikan ko kanina. I even didn't have the chance to know his name!
Ayaw kong mas pasakitin pa ang ulo ni Mommy dahil alam kong marami rin siyang iniisip, pero alam ko rin naman na hindi siya papayag once na magpaalam kami ni Bettina.
"Ilang beses niyo nang ginawa ang pagtakas na 'yan! Hindi ko na alam ang gagawin sa inyo! Lalo ka na Bettina! Ikaw pa naman 'tong panganay!" dagdag naman ni Daddy.
Tahimik lang si Bettina na nakayuko at ang tanging tinitignan lang ay ang tiles sa ibaba. Takot siyang ma-disappoint si Mom and Dad, but she also wants to have fun.
"I didn't even know how you girls learned how to fool your parents! Gusto niyo ba talaga ng gan'yan? Ang lokohin kami palagi na nasa bahay kayo, pero ang totoo nasa labas at nagpa-party?!" Patuloy ni Daddy sa pagsermon.
Halos patagong umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Habang nasa puder ko kayo, wala kayong karapatan na lokohin at pagsinungalingan kami!" dagdag pa niya.
Hindi ko na napigilan ang matawa at nakita kong mabilis bumaling ang mga mata niya sa akin. I even noticed the shocked look from Bettina.
"Z," mahinang sabi niya, pero umiling ako.
Akala ko ay ako ang pagbabalingan ng galit ni Dad, pero muli siyang nagsalita.
"And because of that, you two are grounded!"
"Dad!" angal ni Bettina.
"What?! Ano pang idadalihan mo, Bettina?" galit na tanong niya.
Napatingin ako kay Bettina at nakita kong halos maiyak siya habang umiiling. We both know how strict our Dad. Hindi lang basta-basta ang punishment niya sa amin, pero wala akong pakialam. It's either putulin niya ang mga cards namin, or i-close ang mga bank account namin. Ang malala roon ay ang mas maraming bodyguards ang nakasunod sa amin, at talagang after ng class ay diretsyo uwi kami rito sa bahay.
"I'm sorry, okay? I have training and still have group projects-"
"I don't care! Isa pa, wala rin magagawa 'yang mga dahilan mo na 'yan sa punishment na ibibigay ko sa inyo!" sagot ni Dad, at bakas sa boses niya ang pagiging final sa desisyon niya.
Halos humagulhol naman sa pag-iyak si Bettina kaya napailing na lang ako at napabuntong hininga. I can't see her crying like that! Sa inis ko ay napatayo na lang ako.
"Let her out of this, Dad! Ako naman ang nagpilit sa kaniya na pumunta sa party kaya ako na lang ang bigyan mo ng punishment!"
"Sit down and shut up, Zariya!" sigaw niya sa akin pagkatapos ay itinuro ang sofa.
Umiling ako at matapang ko siyang hinarap.
"Z!" tawag sa akin ni Mommy na para bang nagw-warning siya sa akin.
"At pagkatapos kong umupo, Dad? What? What will you do? Ikaw lang na naman ang may karapatan na magsalita? Ikaw lang ang dapat pakinggan? Ikaw lang ang dapat paniwalaan? Ikaw lang ang nagsasabi ng totoo, at kami lang ang sinungaling?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya dahil sa pagsagot ko. Agad naman lumapit sa akin si Mommy para patigilin ako, pero marahan kong hinawi ang kamay niya.
"No, Mom! Stop pretending that you don't know anything! Alam mong niloloko ka lang ni Dad pero pinipili mong makinig sa mga kasinungalingan niya-"
"Zariya!" parang kulog ang boses ni Mommy nang tawagin niya ang pangalan ko dahilan din nang pagkatigil ko.
"How dare you to accused me like that huh, Z?" tanong ni Dad gamit ang mahinahon niyang boses.
Familiar na ako sa gano'ng tone ng boses niya kaya napailing ako.
"You can't manipulate me again, Dad. I saw you! At alam mo sa sarili mo kung ano ang nakita ko!" sagot ko at hindi na napigilang umiyak.
Hindi siya nakasagot agad habang si Mommy ay patuloy akong pinapakalma na para bang wala lang sa kaniya ang narinig niya mula sa akin.
"I don't care if you punish me! Kung noon hindi ako naniniwala, pero ngayon, yes! Dahil 'yon ang totoo! You're a cheater!" Sigaw ko.
Mariin siyang pumikit na para bang nagtitimpi, pero wala na akong pakialam. Malakas ang loob ko dahil totoo ang sinasabi ko, idagdag mo pa ang tolerance ng alcohol na nainom ko ngayong gabi.
"Z! Stop it!" sabi ni Mommy.
Humugot ng malalim na hininga si Daddy bago buksan ang mga mata niya at magsalita. Tinuro niya ako at kita ko ang mabilis niyang paghinga kaya agad naman siyang nilapitan ni Mommy. Nakipagpalitan lang ako ng tingin sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.
"From now on, you'll continue your study in province. So, you better start packing all your things now. Sinagad mo ang pasensya ko, Z... and that's your final punishment!" galit na sabi niya pagkatapos ay tuluyan kaming iniwan sa sala.
Napasapo na lang ako sa noo ko at napailing bago ko ibinagsak ang sarili sa sofa.
"What did you do, Z? Sana hindi ka na lang sumagot! Don't worry, I'll try to talk to him. Matulog na kayo," mahinahon na sabi ni Mommy pagkatapos ay umalis na rin para sundan si Dad.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Z!" si Bettina naman ngayon ang lumapit sa akin.
"And what should I do, then? Tumahimik na lang? Bettina! I told you that I saw him with his cheap mistress!" sagot ko sa kaniya.
Napailing naman siya sa akin na para bang wala na siyang magawa.
"We both know that he's serious about what he said, Z! Do you think kakayanin mo na mag-aral sa province?" sunod-sunod niyang sabi sa akin.
I stopped for a second, dahil ngayon ko lang na-realize ang punishment na gustong ibigay sa akin ni Dad.
"Do you think Mom can convince Dad? No, Z! Sana hindi ka na lang nakipagtalo," dagdag na sabi niya.
Napahilamos ang dalawa kong palad sa mukha at padabog na tumayo para maglakad papunta sa kwarto ko. I don't want to think about it now. Mas lalong sumasakit ang ulo ko!
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangyayari kagabi kaya naman nang pagbangon ko ay mas lalo kong naramdaman ang sakit ng ulo ko.
"Z, wake up! Open the door." Boses ni Bettina ang naririnig ko.
Napabuntong hininga na lang ako at kahit na hirap pa akong bumangon mula sa pagkakahiga ay pinilit ko na lang ang sarili ko.
"What?" tanong ko.
Para bang mas lalo akong nagising nang makita kong naroon si Daddy na nakatayo kasama si Mommy at Bettina. Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Bettina nang magtama ang mga mata namin.
"Z, you should apologize to your Dad." Sabi ni Mommy.
"Apologize or not, I still insist the punishment." Malamig na sabi ni Daddy.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi niya kagabi. Na sa probinsya ko na itutuloy ang pag-aaral ko.
"Ben, you don't have to do this to your daughter. We both know the life in the province," paki-usap naman ni Mommy.
"Yes, you're right, Ria. Kaya kailangan niyang matuto... And you, Bettina. You'll stop that cheerdance! You should more focus on your business classes!" kay Bettina naman siya bumaling ngayon.
"Dad, no!" halos magmakaawa si Bettina.
"You can't do this to us, Dad. I-I'm sorry, okay-" pinutol niya ako sa pagsasalita.
"My final answer is a no! You should face the consequences of what you did! Kaya ikaw, Zariya. Magsimula ka ng mag-impake, dahil bukas ay ipapahatid na kita sa probinsya!"
And that's it! Alam kong seryoso siya sa sinasabi niya at wala nang makakapagpigil pa sa kaniya para dalhin ako sa isang probinsya na never ko pa naman napuntahan! Of course, siya naman lagi ang masusunod sa tahanan na ito!
"Mom, I don't wanna go there. I can't!" paki-usap ko kay Mommy.
Umalis na si Daddy at naiwan sa amin si Mommy. Kanina pa ako iyak nang iyak dahil hindi ko ma-imagine ang sarili kong mamuhay sa probinsya mag-isa.
"Sa ngayon sundin niyo na lang muna ang Daddy mo. Hindi ka naman matitiis no'n-"
"Really, Mom?!" inis na tanong ko.
Kung patiisan lang ang labanan ay panalong-panalo na si Dad.
"You'll go in the province kagaya ng sabi ng Dad mo for a while. Habang nando'n ka, I'll convince him everyday just to get back you here from there." Sunod-sunod na sabi ni Mommy.
Napailing ako dahil kahit ano'ng sabihin niya ay hindi makapagpagaan ng loob ko. Mahal ko si Daddy, pero nakakaubos na rin minsan lalo na sa tuwing ganito ang ginagawa niya sa akin.
Pinilit ko na lang ang sarili kong paniwalaan ang sinabi sa akin ni Mommy. Panghahawakan ko 'yon, dahil alam kong hindi rin naman nila ako pababayaan na manirahan nang matagal sa lugar na 'yon.
"Ibibilin kita kay Ate Gina. She's the care taker of our house there. Mabait siya and I trust her. She'll take care of you there," sabi ni Mommy.
Mukhang wala na nga akong pag-asa na makawala mula sa punishment ni Daddy, dahil kinabukasan ay naka-ready na ang SUV na sasakyan ko papunta sa probinsya.
Wala akong gana sa araw na 'yon. Nakasimangot lang ako mula pagkagising kahit na chini-cheer up ako ng dalawa kong kapatid.
"Call us every day, okay? Don't worry. Maybe after one week, Dad will call you to get back you here," sabi ni Bettina.
Tumango na lang ako sa kanila at pagod na sumakay sa sasakyan. Hindi ko nakita si Daddy mula pagkagising ko at wala rin naman akong balak na makita siya. Kung hindi lang nag-insist si Mommy na ipadala sa akin ang sasakyan ko sa probinsyang 'yon ay talagang malulugmok ako. Iisipin ko na lang na nasa bakasyon ako, at nakawala sa mahigpit na pamumuhay.
Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kapag naiisip kong wala ng taong nakabantay sa akin ay nakakaramdam ako ng saya, pero kapag naiisip ko na malayo ako sa mga kapatid, at sa mga kaibigan ay hindi ko maiwasang malungkot. Hindi naman ako takot sa mga bago kong makikilalang tao, pero natatakot ako dahil baka mahirapan akong manirahan doon.
Dala ko lahat ng mga gamit ko including all my gadgets. Hindi na ako magtatakha kung paano maging possible na sa probinsya ko kaagad ituloy ang pag-aaral ko. I know my father well, at hindi impossible sa kaniya na gawin 'yon agad-agad.
Habang nasa byahe ako ay tinanaw ko na lang ang daan habang nakikinig ng music sa iPad ko. No'ng una ay nae-enjoy ko pa ang daan, pero nang halos wala na akong makitang sasakyan sa daanan ay napairap na lang ako dahil mukhang malayo na ako sa syudad.
I opened my social media just to scroll and I received a lot of messages from my friends, asking if I'm okay. I don't answer one of them, and for sure mamaya or bukas ay malalaman na nila na nasa probinsya ako. Kahit sa mga kapatid ko ay nakatanggap ako ng maraming messages, natatanong sila kung ayos lang ba talaga ako. Ayaw ko naman silang mag-alala pa kaya naman nag-reply na lang ako para makampante silang dalawa.
"Ma'am, Zari. Ito na po yung susi ng sasakyan mo," abot sa akin ng bodyguard ko na nag-drive ng sasakyan ko.
"Thanks!" sagot ko pagkatapos ay tinanaw ang malaking bahay na nasa harapan.
Tinulungan nila akong dalhin ang mga maletang dala-dala ko at sinalubong naman ako kaagad ni Manang Gina.
"Nakahanda na ang kwarto mo, Ma'am Zariya. Naghanda rin ako ng meryenda dahil 'yon ang bilin sa akin ni Madam," sabi nito sa akin.
Napangiti naman ako sa kaniya at tumango habang inililibot ang mga mata sa buong bahay.
"Thanks, Manang Gina, pero magpapahinga po muna ako. Ang mga bodyguards na lang po muna ang kumain, dahil aalis na rin sila mamaya," sagot ko sa kaniya.
Hindi naman niya ako pinilit pa at iginiya ako sa kwarto ko. Malaki ang bahay, pero hamak laki ng bahay namin sa Manila. Gawa sa wood ang bahay, mula sa flooring hanggang sa itaas. Hindi ko alam na may bahay kami sa probinsya na ito, pero alam ko na maraming properties sina Mom and Dad sa iba't-ibang lugar.
Tahimik ang lugar, at walang kapitbahay. Mukhang mati-trigger ang anxiety ko rito dahil hindi ako sanay na mag-isa sa isang lugar, pero kailangan kong paglabanan 'yon. I have to face the consequences of being a daughter of del Real!