Share

Chapter 4

Author: Reidpurplelh
last update Huling Na-update: 2025-02-28 14:38:56

Sinubukan kong mag-focus sa misa, pero hindi mawala sa isip ko ang lalaking nakasama ko sa Club noong isang gabi. Nang nasa part na kami ng peace be with you ay hindi ko sinayang ang pagkakataon na muli ko siyang tignan.

Nagkatinginan kaming muli pero wala talaga akong makita na kahit anong expression sa mga mata niya. Sumenyas lang siya sa akin ng peace pagkatapos ay ibinaling na ang paningin niya sa iba para makipag-peace rin.

Buong misa hanggang matapos ay siya ang naiisip ko. Talaga bang hindi niya ako naaalala? Inaalala ko ang mga pag-uusap namin no'ng gabing 'yon at hindi ko naman maalala na sobrang lasing niya that night. Maayos siyang kausap kaya alam kong hindi siya lasing no'ng gabing 'yon.

Nang matapos ang misa ay kaniya-kaniya nang lumabas ang mga tao. Muli akong tumingin sa likuran ko para tignan at makausap ang lalaki pero wala na siya sa upuan niya. Saglit lang akong nalingat, pero nanlaki ang mga mata ko nang wala na si Johny at Manang Gina sa tabi ko. Maraming tao roon at halos makaramdam ako ng hilo dahil hindi ko sila makita.

Kinakabahan ako dahil ayaw kong mawala ako rito. Hindi ko alam kung paano ang pabalik sa bahay lalo na at hindi ko rin naman alam mag-commute!

Natataranta akong naglakad palabas ng simbahan habang iginagala ko ang mga mata ko para hanapin si Johny at Manang Gina. Halos mapapikit ako dahil sa nararamdaman na pag-iyak habang nakakagat sa labi ko. Maliit lang ang lugar na ito pero ang hirap nilang hanapin!

Halos mapatalon ang sa gulat nang may magsalitang lalaki sa likuran ko kaya agad akong napabaling sa kaniya.

"Sina Manang Gina ba ang hinahanap mo?" tanong niya sa akin.

Para bang may bigla akong kakaiba na naramdaman sa tiyan ko nang marinig ko ang boses niya. Siya ang lalaking tinutukoy ko na nakasama ko sa club, pero parang may kakaiba sa kaniya ngayon kahit na hindi ko naman siya nakasama nang matagal.

"Nakita ko na ikaw ang kasama nila kanina. Hinahanap ka nila at nando'n sila ngayon sa bilihan ng sampaguita," dagdag na sabi niya pagkatapos ay itinuro ang daan papunta sa bilihan ng sampaguita.

"Oh my gosh!" sabi ko, at halos makahinga nang maluwag nang makita ko si Johny at Manang Gina hindi kalayuan kung nasaan ako.

"T-Thank you!" sabi ko sa lalaki pagkatapos ay tumingin sa kaniya.

Napatango lang naman ito sa'kin at kaagad na tumalikod para umalis. Nanlaki muli ang mga mata ko dahil gusto ko pa siyang kausapin.

"Hey, wait!" sabi ko.

Huminto naman siya sa paglalakad at sandaling lumingon sa akin. Tinignan niya lang ako na para bang naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"You don't remember me?" tanong ko sa kaniya.

Kaagad namang kumunot ang noo niya pagkatapos ay umiling bago magsalita.

"Paano naman kita maaalala, Miss? Ngayon lang kita nakita rito," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Bahagya akong natawa, at napailing.

"That's impossible. You're not drunk the night that we're making out-"

I stopped for a while when I heard his chuckle.

"Making out, huh?" sabi niya pagkatapos ay natawa na para bang sarcastic siya.

Napakunot naman ang noo ko at nagkibit ng balikat.

"Don't tell me nahihiya ka lang kaya mo tinatanggi na hindi mo ako maalala?" tanong ko sa kaniya.

Napailing naman siya, at bahagyang napahawak sa ulo niya bago magsalita.

"Alam mo, miss? Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi kita pinipilit na maniwala sa'kin. Excuse me," sabi niya pagkatapos ay tuluyan na akong tinalikuran.

Magsasalita pa sana ako kaya lang ay narinig ko ang boses ni Johny na tinatawag ako kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Well, hindi naman big deal sa akin kung hindi niya ako maalala or itinatanggi niya ang paghahalikan naming dalawa sa club.

"Akala namin nakasunod ka sa amin kanina. Pasensya na, Ate Z," paliwanag ni Johny nang makalapit sa akin.

Umiling naman ako dahil hindi naman nila kasalanan 'yon.

"It's okay, Johny. Kasalanan ko rin naman dahil may hinahanap ako kanina," sagot ko sa kaniya.

Agad namang napakunot ang noo niya pagkatapos ay napatingin sa likod ko kung saan naroon kanina ang lalaking kausap ko.

"May kakilala ka rito? Si Kuya Brandon ba yung kausap mo?" tanong niya.

"Do you know him?" tanong ko pabalik.

"Oo naman. Nakakasama ni Tatay ang Tatay ni Kuya Brandon sa pangingisda at pag-harvest ng mga gulay sa kabilang bayan. Ikaw Ate Z, paano mo siya nakilala?" paliwanag at tanong sa akin ni Johny.

Napailing ako habang naglalakad kami palapit kay Manang Gina.

"I-I just thought that I saw him in my city," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

"Huh? Ang layo ng Maynila, Ate Z. Baka naman kamukha lang ni Kuya Brandon ang nakita mo," natatawang sagot niya.

Napabuntonghininga na lang ako at muling nagkibit ng balikat. That's impossible! Kamukhang-kamukha niya ang lalaking nakahalikan ko sa club.

"I don't know, Johny, but one thing I'm sure, siya ang nakita ko. I'll show you kapag napahanap ko na kay Lexy ang social media niya," sagot ko.

Hindi naman big deal sa akin kung hindi ako makilala ng mga lalaking naka-make out ko sa mga bar at club, pero ang isang 'to ay gusto kong mapatunayan sa sarili ko na siya ang nakita ko sa club na 'yon.

Inalis ko muna sa isip ko si Brandon lalo na nang dalhin ako ni Johny at Manang Gina sa loob ng palengke. It's my first time to go there kaya naman hindi ko maiwasang mapatingin sa mga nagtitinda ng pork, chicken, at kung ano-ano pa. Maingay rin doon at halos lahat yata ng mga nagtitinda ay kilala si Manang Gina.

"Ang ganda naman ng kasama niyo Gina! Iyan ba ang anak ng mga del Real?" tanong ng isang tindera ng baboy roon.

Nakangiti ito habang nakatingin sa akin kaya naman tipid din akong ngumiti sa kaniya.

"Mukhang itutuloy na talaga ng mga del Real ang pagbili ng pwesto na 'to. Kawawa naman tayo!" narinig kong sabi ng isang matandang lalaki.

Bahagya akong nagulat sa narinig ko, dahil wala akong kamalayan sa sinabi ng matanda.

"Naku! Ikaw talaga Cano nag-ingay ka na naman. Hindi 'yon totoo!" sagot ni Manang Gina.

"Totoo 'yon. Kaya nga pinadala niya rito 'yang anak niya para i-check ang lugar na ito hindi ba?" sabi naman ng isa pang babae na nagtitinda ng gulay.

"Makasarili talaga ang mga del Real! Hindi nila iniisip kung paano ang pangkabuhayan natin kapag binili nila itong lupa dahil sigurado akong paaalisin nila tayo rito."

Halos lahat yata nang naroon ay gano'n ang mga sinasabi. Pakiramdam ko tuloy ay kahit na mayaman ang pamilya ko ay naging makasarili talaga sila dahil iyon ang tingin ng karamihang tao sa lugar na ito.

Humugot ako nang malalim na hininga dahil kahit na malupit sa akin si Daddy minsan ay hindi pa rin ako sanay na hindi siya ipagtanggol.

"That's not true. May nagawa akong bagay na hindi nagustuhan ng parents ko that why my father sent me here to teach me a lesson from my mistakes, and that's it." Paliwanag ko sa kanilang lahat, dahil iyon naman ang totoo.

Alam kong may mga issue ang pamilya ko, pero first time kong marinig ang tungkol doon at hindi ako sanay. Nasasaktan ako kapag gano'n ang tingin sa amin ng ibang mga tao.

"Huwag mo na silang pansinin, Ma'am Zari. Hindi totoo 'yang mga sinasabi nila. Tara na at umalis na tayo rito," sabi ni Manang Gina sa akin pagkatapos ay hinila ako palayo roon.

Gusto ko pa sanang magsalita, pero na-realize ko na wala akong dapat na ipaliwanag sa kanila. Hangga't walang nangyayari ay wala akong dapat na patunayan at ipaliwanag.

Nang makaalis kami sa palengke ay tinanong ko ang tungkol doon kay Manang Gina. Nabanggit niya sa akin na may plano ngang ganoon dati si Daddy, pero hindi naman natuloy dahil maraming mas kailangan siyang pagtuonan ng oras. Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig ko mula kay Manang Gina. Knowing my father, alam kong tototohanin niya 'yon.

Medyo marami rin kaming napuntahan kanina. May mga nakita rin akong stall na nagbebenta ng mga kung ano-ano katulad ng mga bracelet, damit, at marami pang iba. Itinuro rin sa akin ni Johny kanina ang magiging school ko, at kinakabahan na ako para bukas.

Nang makauwi kami ay nagpahinga na ako habang si Manang Gina ay busy na ayusin ang mga pagkain na pinamili namin kanina. Nagpaalam na rin ako sa kaniya na pupunta ako sa magiging school ko para mag-report. Sasama nga sana sa akin si Johny kaya lang ay kinailangan na niyang umuwi dahil tutulong siya kay Mang Julio.

"I already told you, girl. Braddy is his name, not Brandon! My gosh!" reklamo na sabi sa akin ni Lexy.

Napairap naman ako. Magka-facetime kaming dalawa ngayon at nabanggit ko sa kaniya na nakita ko rito ang lalaking nakahalikan ko sa club. Pinahanap ko 'yon kaagad kay Lexy dahil gusto kong malaman ang pangalan niya, pero mukhang mas naguguluhan pa ako dahil Braddy raw ang pangalan nito!

"It's Brandon! Si Johny na ang nagsabi sa akin kanina," sagot ko.

"I'll give you his social media and try to stalk him para naman malaman mo na nagsasabi ako ng totoo. My gosh, Zariyah!"

Natawa ako nang sabihin 'yon ni Lexy dahil napairap pa siya sa akin kaya napatango na lang ako.

"Fine! And I also show this to Johny. I'll call you later. Kailangan ko pang pumunta sa school dahil papasok na ako bukas," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napabuntonghininga.

Hindi naman nagtagal ang usapan namin ni Lexy. Sinend niya sa akin ang buong name ng lalaking nakahalikan ko. Sinearch ko 'yon agad sa blue app pati na rin sa I***a at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

"This is impossible," bulong ko sa sarili ko habang nagi-scroll.

Marami siyang followers at nakita kong friend niya rin ang ibang mga artista at ibang model na kilala ko. Hindi nagkakalayo ang itsura nilang dalawa ng lalaking nakausap ko kanina sa simbahan, pero kapag titignan mo kung paano sila manamit na dalawa ay magkaibang-magkaiba.

Posible ba na magkaroon ka ng kaparehas na kaparehas ng mukha mo? Or maybe... they are twin? Addy ang name niya sa social media, pero ang sabi sa akin ni Lexy kanina ay Braddy raw ang real name nito.

Braddy and Brandon. Magkalapit din ang pangalan nilang dalawa kaya hindi impossible na kambal nga sila! But, bakit nandito si Brandon at hindi sila magkasama ng kambal niya?

Napasapo ako sa noo ko dahil bigla akong napaisip tungkol doon. Hindi ba dapat ang mas isipin ko ay ang pag-transfer ko sa school sa lugar na ito at hindi tungkol sa lalaking magkapareho ang mukha?! My gosh, Zariyah!

Humugot ako nang malalim na hininga at nag-decide na huwag na lang isipin ang bagay na 'yon. Kaya naman nag-ayos na ako ng sarili para makapunta sa school. Bahagya akong na-excite dahil first time kong magda-drive ng kotse na walang nakasunod na bodyguards sa akin.

"Ma'am Zariyah, aalis ka na ba? Ipagluluto pa lang sana kita ng tanghalian," tanong sa akin ni Manang Gina nang makababa ako mula sa kwarto ko.

Napatango naman ako bago magsalita.

"Yes, Manang Gina. Sa labas na lang ako kakain kaya kahit 'wag ka na magluto. Thank you," sagot ko sa kaniya.

"Oh! Sige. Babalik na lang ako rito mamaya para ipagluto ka ng hapunan mo," sabi niya.

Napahinto ako sandali dahil bigla akong may naisip.

"Pwede bang bumisita sa inyo mamaya, Manang? Doon na lang din ako kakain ng hapunan, if that's okay?" paghingi ko ng pabor.

Nakita ko naman sa mga mata niya na para bang bahagya siyang nagulat sa sinabi ko, pero agad siyang napangiti at napatango.

"Oo naman, Ma'am Zariyah! Sige at mamaya ipasusundo kita rito kay Johny," sagot niya.

Napatango naman ako at napangiti. Masyadong ma-effort sa akin si Manang Gina kaya naman natutuwa ako, dahil kahit na malayo ako sa pamilya ko ay hindi ko maramdaman na nag-iisa ako rito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 61

    Itinigil ko ang pagkain ko at bahagya 'yon inilayo mula sa akin para muling kuhanin ang laptop ko."Hindi mo pa nauubos," sabi niya."I'm already full," sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay nawalan ako ng apetite."Kakaonti pa lang ang nakain mo, paano ka nabusog?" tanong niya.Sa inis ko ay humarap ako sa kaniya para magsalita."I already told you that I'm not hungry, and next time 'wag ako ang ayain mong mag-lunch. 'Wag mo rin akong bilhan ng pagkain, because I have secretary to that for me. You should give all your attention to that girl who was talkting with you earlier," sunod-sunod kong sabi sa kaniya.Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman muli akong napairap. Alam kong hindi ako makakatapos sa trabaho ko kung mag-stay ako roon kasama siya kaya naman sinara ko na lang ang laptop ko at inayos ang mga gamit na nasa table."Oh, why?" tanong niya.Hindi ko na siya pinansin pa dahil tumayo na ako sa upuan ko."Are you jealous?" tanong niya.Napangisi ako dahil binalik niya an

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 60

    "Meeting adjourned. Thank you everyone!" sabi ni Daddy.Halos makahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay natapos din ang meeting namin. Agad ko naman binalingan si River dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina. "I know what you was doing," sabi ko sa kaniya.Tinaas naman niya agad ang dalawa niyang kamay bago magsalita para magpaliwanag."I just want to see his reaction. He's been staring at you since our meeting started," paliwanag niya.Napairap na lang ako sa kaniya at napailing. Hindi ko alam kung eepekto ba 'yon kay Brandon lalo na at wala naman kaming relasyon. Iniwanan ko si River sa upuan niya dahil may lumapit sa kaniya para kausapin siya.Nagpaalam ang lahat ng mga kasama namin sa loob. Ang iba ay nag-uusap pa at ang iba naman ay nagsimula nang umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko si Brandon na may kausap kaya sinamantala ko 'yon para lumapit kay Daddy."Z, are you surprised?" tanong niya habang nakangiti."Surprised from what?" tanong ko habang nakakunot ang n

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 59

    I can feel my soreness when I woke up in the morning. Gustong-gusto ko pang matulog pero nagising ako dahil sa tawag ni Clara."Good morning, Miss Zari! This is short notice. We'll be having urgent meeting today at ten thirty o'clock. Ngayon daw po kasi ang dating ng new investor ng Sacred Empire and you'll need to attend," paliwanag niya sa akin.Halos mapabuga naman ako ng hininga ko at napaikot ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. I'm planning not to work today to spend my time with Sky, pero urgent daw 'yon at hindi ako pwedeng mawala."Alright. I'll be there later." Sagot ko naman.Wala si Brandon sa tabi namin nang magising kami ni Sky. Mukhang hindi na siya bumalik dito kagabi at doon na siya tuluyang natulog sa guest room.Dinala ko naman si Sky sa kwarto niya at pinaliguan ko na siya para madala ko siya sa bahay nila Margot. Doon kasi iniiwan ni Bettina si Bella pansamantala kapag nagtatrabaho siya at gusto kong maka-bonding ulit silang magpipinsan."Do you want to s

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 58

    Napatingala ako sa kaniya at hindi nakapagsalita kaagad. Nanatili kaming magkatinginan sa isa't-isa hanggang sa makakuha ako ng lakas ng loob para magsalita. "T-Talk about what?" nauutal na tanong ko sa kaniya. "About what happened to us in the past." Sagot niya. Kahit na ayaw ko nang balikan 'yon ay napatango na lang ako sa kaniya. Umakyat kami sa taas at sa veranda kami nag-stay para mag-usap. Kumuha rin siya ng whiskey para inumin 'yon at makatulog na kami. "What part do you want us to talk about?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa baso ko na may laman na whiskey habang nakasandal ako sa railing. Nakatingin lang siya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip niya. Hindi siya nagsalita kaagad dahil uminom siya ng alak. Hindi ko naiwasang mapatingin sa leeg niya kung saan nakabakat ang adams apple niya. Ninamnam niyang mabuti ang lasa nito bago sagutin ang tanong ko. "I'm sorry for what I did to you six years ago, but I want you to know na kung ano ang nakita ni

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 57

    "Why don't you two get back together? Para naman hindi na kayo mahirapan na mag-set ng schedule para makasama ang apo ko," sabi ni Dad. Napalingon naman ako kay Dad habang naglalagay ako ng mga damit sa bag ko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko kaya napanguso na lang ako bago magsalita. "Matagal nang natapos ang relasyon namin ni Brandon. We're just doing this for Sky," sagot ko kay Dad. "I know, I know. Ang sa akin lang naman ay bakit hindi niyo subukan ulit? Brandon is single at gano'n ka rin," patuloy niya. "Oh come on, Dad. Hindi na ako mahal ni Brandon," sabi ko. "But you still love him." Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Dad bago mapabuntong hininga dahil alam kong inaasar niya lang ako. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay muli siyang natawa. "I'm just kidding. Kung ano ang maging desisyon mo ay susuportahan ko lalo na kapag para sa apo ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil alam kong mahirap ang magiging sitwasyon ng pamilya namin ni Brandon

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 56

    "Can I eat ice cream too?" Nakatingala sa akin si Sky nang itanong niya 'yon sa akin. Agad naman akong napangiti sa kaniya at napatango. "Of course, baby. You can eat unlimited ice cream today," sabi ko pagkatapos ay natawa. "Yes, and you can eat all flavors you want!" sabi naman ni Daddy. Napatango lang si Sky pero parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa ice cream na nasa harapan namin. Napakunot ang noo ko dahil wala akong makitang excitemet sa itsura niya samantalang ang mga pinsan niya ay excited na excited na makakain ng sweets. "Why are you sad?" natatakhang tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Because Papa doesn't allow me to eat ice cream," sagot niya. Bakas sa boses niya ang lungkot kaya nagulat ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "What? Why?" tanong naman ni Bettina. "I don't know. He said that too sweets is not good for my health," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Nagkatinginan naman kami

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status