Share

Chapter 16

NGAYON ang pinaka-official kong first day sa trabaho. Pagdating pa lang ni Francisco sa office, ibinigay niya sa akin agad itong makakapal na libro. Under training daw muna ako. Office management ang tema at ang sabi niya, basahin at pag-aralan ko raw muna ang mga 'yon bago ako mag-proceed sa trabaho ko. Ayaw niya raw ng papalpak-palpak at ng kailangan pang turuan. Tapos tatanungin niya raw ako at the end of the day kung may naintindihan ako sa mga binasa ko. Teacher-student lang ang peg?

Iyong totoo, inaantok na ako. Ten pa lang iyon ng umaga at dalawang oras pa lang akong babad sa binabasa ko na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga naiintindihan ay pakiramdam ko twenty-four hours na akong walang tulog. Sumasakit na ang sentido ko sumabay pa ang kumakalam kong tiyan. Tinapay at kape lang kasi ako kaninang umaga dahil na-late nga ako ng gising.

Isa sa pinakanakakawindang na kailangan ko ring matutunan mula sa libro ay itong buwisit na steno. Akalain mo 'yon, paguhit-guhit lang, ilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status