CADEN SALVACION"NANDITO na siya sa Manila," nakangising saad ni Zeus sa akin.Napatingin naman ako sa aking kaibigan. Alam kong susunod si Liam. Akalain mo iyon, matagal na ito nagretiro, pero may koneksyon pa rin ito sa ENFOCERS. Bakit hindi, kailangan rin niya ng proteksyon galing sa organization."Hayaan muna natin siya. Hangga't hawak ko ang kan'yang anak, hindi niya ako gagalawin," mahinang saad ko.Minsan palaisipan din sa akin, kung bakit nagtitiis ito ng kahirapan kung malaki naman ang kinikita niya organisasyon. At nakapagtataka, sadya bang sa Samar ang mga ito nakatira? Or bagong salta lang ang mga ito?Kagabi lang, nag-away na naman kami ni Liana. May nakialam sa kuwentas na binigay ko rito. Tinanggal ito na nakakabit sa kan'yang leeg. At ang sabi sa akin ni Annie, si Miguel Alcantara ang nagtanggal. Yes, si Annie, naging mata ko sa university. Bawat galaw ni Liana sa university, sinasabi sa akin ni Annie. "She's here," nakangising saad ni Zeus.Napailing naman ako. Nasa
CADEN SALVACION-NAKATINGIN LANG AKO SA KAWALAN. Parang wala na naman ako sa aking sarili. Tatlo kami ang nahuli. Bago ako nahuli sa Isla, nauna na dinampot sila Zeus at Jarred."Well, well. How are you, Salvacion?" Nakangising tanong ni General Alvarez.Matapang na sinalubong ko ito ng tingin. "Buhay na buhay pa rin, General. Kamusta naman kayo?" Nakangising tanong ko rito."Masaya. Sa wakas, ang tanyag na drug Lord, nasa kamay ko na!" Humalakhak pa ito ng malakas.Umigting naman ang panga ko. "Saan niyo dinala ang dalawang kaibigan ko?!""Oh. Nasa kabilang selda sila. Mamaya, uumpisahan na ang parusa na nararapat sa kanila."Napalunok naman ako. Sa klase ng lugar na ito, hindi ito kulungan talaga. "Lumaban kayo ng patas! Kung tapat kayo sa serbisyo niyo, hayaan niyo ang korte ang humatol sa amin!" Galit na sigaw ko rito."Hindi na kaya ng korte ang nagawa niyong mga kasalanan. Wow, look at you, Salvacion. Parang basang sisiw ka! Well, gusto mo bang makita ang dalawang kaibigan mo?"
CAPTAIN ANDREA ALLEYA SANTIAGO-POV"CAPTAIN."NAPALINGON naman."Confirmed. Nahuli ng ENFORCERS ORGANIZATIONS ang asawa mo.""Locate the area, where they are!" diin na saad ko rito. Halos isang linggo din bago namin makuha ang tamang lokasyon, kung saan dinala ang asawa ko at sila Caden at Jarred.Alam ko ang mga nangyayari. Naging bulag at bingi ako sa aking paligid. Kahit alam kong mali ang ginagawa nila. Yes, this time. Ako na mismo ang magdadala sa kulungan sa kanila pero hindi sa ganitong paraan. May sariling batas ang ENFOCERS. AT hindi rin ako papayag na hindi nila ito idaan sa tamang proseso."Eya?""Hey," paos na boses na bati ko kay Annie.Lumapit ito sa akin at niyakap ako. " I'm sorry. "Ngumiti naman ako. "It's okay. Nasaan sila Vernan?" Tanong ko sa dalaga."Sa safe house. Don't worry, kung ano man ang desisyon mo, tatanggapin ko," aniya ni Annie. Alam kong may relasyon si Annie at Vernan. "Hindi ko akalain na nagtraidor si Gab. I mean, sana idinaan niya sa tamang pros
CAPTAIN ANDREA ALLEYA SANTIAGO- POVNapahilamos naman ako sa aking mukha. Hinihingan kami ni Hepe ng report about sa pagkamatay ni General Alvarez."Ayaw naman aminin ni Captain Guillermo," mahinang saad naman ni Annie."Sige, ako na lang pupunta kay Hepe," saad ko naman.Bago ako pumunta sa presinto, dumaan muna ako sa hideout."G-Galit ka ba?" tanong ng asawa ko."Konti," Huminga muna ako ng malalim. "Galit ako, dahil hindi kayo nag-iingat. Hindi niyo rin sinasabi sa akin, na may ganitong pangyayari na tinutugis kayo ng ENFORCERS," Diin na saad ko kay Zeus."I-I'm sorry," aniya ng asawa ko at yumuko ito."Sorry? Ul0l! Paulit-ulit ka na lang mag-so-sorry. Magbago ka, hindi na para sa akin, kundi sa sarili mo!"Napabuntonghininga naman ito. "P-Pakiramdam ko kasi, wala kang pakialam sa akin." Nakakunot naman ang noo ko rito. "Nakikiramdam ka lang, haka-haka pa! Kahit sarili mong pamilya, tinataboy ka na. Laging gulo ang dala-dala mo. Alam mo ba kung bakit ikinasal ka nila sa akin? Dah
LIANA GUILLERMO SALVACION POVILANG araw. Ilang buwan ako naghihintay, pero wala akong balita kay Caden. Kahit sino sa mga kaibigan niya, walang sagot na binigay sa akin."Liana?""Bakit? Bakit hindi niyo masabi-sabi sa akin, kung nasaan ang asawa ko?!" Galit na saad ko kay Andrea. Siya lagi ang nandito sa bahay na tinutuluyan ko. Kahit sa parents ko, wala na rin akong balita."May tamang panahon para sagutin ang mga tanong mo. For now, alagaan mo ang bata sa sinapupunan mo. Si Annie ang makakasama mo minsan dito.""Annie? S-Sinong Annie.""Iyong Annie na kaibigan mo sa university."Napanganga naman ako. "K-Katulad mo rin ba siya? Isang s-sundalo?!"" Yes. At huwag ka mag-alala. Full of security ang hideout. Walang gagalaw sa'yo dito.""A-Ang parents ko?" mahinang tanong ko kay Andrea."Ang tatay mo, nasa kustodiya ng NBI. Ang Nanay mo, nasa maayos siya," aniya ni Andrea. Napatingin naman ako rito. Napakaganda niya lalo dahil sa suot-suot niyang military uniform."Gusto ko umuwi sa am
ANNIE MENDEZ POVI HAVE EVERYTHING. MONEY. FAME. JOB. Influential family. Pero si Vernan lang ang hindi ko pa nakukuha. Ang hirap kunin ng kan'yang loob. Ang suplado pa niya. Actually, isa itong Mayor sa Manila. Laking US ako. Umuwi lang ako sa Pilipinas dahil may mga negosyo ang parents ko dito."Ver?""Please, Annie, tantanan mo na ako," aniya na napipikon na ito.Napanguso naman ako. Nandito ako ngayon sa munisipyo. "Ano ba ang ayaw mo sa akin? Maganda naman ako. Mayaman at may trabaho na rin.""Ayoko sa babaeng sundalo!"Napataas naman ang kilay ko. "Aalis ako sa pagkasundalo," malapad ang ngiting saad ko.Humarap naman ito sa akin. "Ayoko sa babaeng hindi marunong magbihis. Look at you, parang lalaki ka!"Napanganga naman ako. "Nakakasakit ka ng damdamin!""I'm just telling the truth. Puwede ba, umalis ka na!"Lagi lang niya ako tinataboy. "Mayor Walton, nandito na si Congresswoman Mitch."Napatingin naman ako sa sekretarya ni Vernan."Ano ang kailangan ni Congresswoman Bitch?"
LIANA GUILLERMO SALVACION POVSA ARAW-ARAW NA naghihintay ako kay Caden, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.Alam kong babalik ito sa amin. Excited na rin ako na makasama namin ang triplets. Pitong buwan na rin ang tiyan ko. Laking pasasalamat ko sa dalawang babaeng sundalo na sina Andrea at Annie na hindi ako pinababayaan. Lahat na pangangailangan ko binibigay nila ito. Minsan na ring dumalaw si Jarred sa akin. Isa pala itong Doktor. Isa-isa ko nakilala ang mga kaibigan ng asawa ko. "Hey, Liana," malapad ang ngiting bungad sa akin ni Annie.Agad ko naman ito sinalubong. "Hi. Ano na naman ang dala-dala mo?" Natatawang tanong ko rito."Gamit ng mga babies mo. Oo nga pala, bukas balik tayo sa kilala kong Doktor, pa check-up ulit kita."Nagtataka naman ako. Kailan lang kami nagpa-check-up. "Ha? 'Di ba kailan lang ako nagpa-check-up? At may mga vitamins pa ako.""Every month ang check-up mo. Ako ang bahala sa gastusin. At kung ano man ang nararamdaman mo, sabihin mo lang sa akin.""S
LIEUTENANT ANNIE MENDEZ "LIEUTENANT!"Napalingon naman ako sa kasamahan kong sundalo. Paalis na sana ako at pupuntahan ko si Liana. Kailangan ko siya madala sa ibang Doktor to confirm kung triplets ba talaga ang pinagbubuntis niya."Hey, what's up!" Nakangiting sagot ko rito."May binigay na bagong kaso si Major. Gusto ko sana ipasa sa'yo," aniya na inabot sa akin ang files."Oh, sure. Bukas ko na ito pag-aralan. May pupuntahan pa ako.""Thanks, Lieutenant."Bago ako umalis dumaan muna ako sa office ni Eya."Captain Santiago," nakangiting bati ko rito.Tumayo naman ito at malapad ang ngisi."What's up!" Aniya ni Eya sa akin.Hindi sa walang tiwala ako kay Eya, pero kailangan ko muna sarilinin ang plano kong ito."Alis muna ako, puntahan ko lan ang future hubby ko," nakangising saad ko rito.Napapailing naman si Eya. Alam niya na gaano ko kagusto si Mayor Walton."Sige ingat ka. Sana successful na iyang pagpipikot mo," natatawang saad niya.Nagkibitbalikat lang ako. " Bye. See you tom