LOGINLUMABAS ng sasakyan ang mag-asawa. Kinuha ng mga bagong kasambahay nila ang kanilang mga pinamili. Hinapit ni Emil sa beywang si Leina at sabay silang naglakad papasok sa mansyon. “Mukhang may dapat tayong i-celebrate,” ani Lea. Napatigil sina Leina at Emil. Binalingan ni Emil ang kasambahay. “Pakilagay na lang ang mga paper bags sa nursery room.” Utos niya. “Ma, hindi na po kailangan. Gusto po namin ni Emil na hindi gawing public ang pagbubuntis ko. Mas gusto ko po nang tahimik.” Wika ni Leina. Bahagyang ngumiti si Lea. "Talaga? Ayaw ninyong ipaalam?" tanong niya. "Sabagay, mas mabuti na ring tahimik muna. Mahirap na kapag maraming nakakaalam." "Opo," maikling sagot ni Leina. Iniiwasan din nila ang kaguluhan. Sa mga nangyari noong nakaraan, kailangan nila ng ibayong pag-iingat. Lumapit si Lea at pinagmasdan ang tiyan ng anak bago ngumiti. "Mag-iingat ka, ha? Huwag mong pababayaan ang apo ko." Sandaling natigilan si Leina. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o masasaktan
“CONGRATULATIONS, Mr and Mrs. Vergara. You're having a baby boy,” masayang anunsyo ng doktor sa mag-asawa. Napayakap si Leina kay Emil. May tumulong luhang kaligayahan sa kanyang mga mata. “Thank you for giving me a son, Leina. I love you so much,” madamdaming sabi ni Emil. Napangiti si Leina habang pinupunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. "I love you too, hon." Marahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan. "Hello, baby boy..." Napatawa ang doktor habang pinagmamasdan ang mag-asawa. "Mukhang sobrang excited na si Daddy." Napangiti si Emil. "Of course, Doc. Ito ang pinakamagandang balitang natanggap ko." Muli niyang hinawakan ang kamay ni Leina at marahang hinalikan iyon. "Maraming salamat." Napailing si Leina. "Hindi lang naman ako ang gumawa." Napatawa silang tatlo. Muling ibinalik ng doktor ang tingin sa monitor. "Healthy ang baby ninyo. Maayos ang tibok ng puso, normal ang paglaki, at wala akong nakikitang dapat ikabahala sa ngayon." Napaluwag ang dibdib ng m
ISANG linggo ang lumipas, natahimik ang buhay ng mag-asawa. Walang kahit na sino ang nanggulo sa buhay nila. Wala rin silang nakitang mga kahina-hinalang mga tao ang umaaligid. Para sa mag-asawa sigguro’y wala na ang mga taong gustong manakit sa kanila. Maglilimang buwan na ang tiyan ni Leina. Malusog na malusog ang batang kanyang dinadala at pareho sila ni Emil na masayang-masaya sa pagdating ng kanilang supling. “Hon, are you not tired? Parang hirap na hirap akong tingnan ka habang gumugupit ng mga tuyong dahon ng mga halaman,” curious na tanong ni Emil sa asawa. Napangiti si Leina habang ibinaba ang maliit na gunting na hawak niya. "Hindi naman. Dahan-dahan lang ang ginagawa ko." Lumapit si Emil at agad na kinuha ang gunting mula sa kamay ng asawa. "Enough. Magpahinga ka muna. May hardinero sa mansyon. Hindi mo kailangang gawin ito.” Napatawa si Leina. "Hon, ilang tuyong dahon pa lang ang nagugupit ko." "I know. Pero ayokong mapagod ka,” sabi ni Emil. Napailing siya. Hin
“READY ka na, hon? We’re going home,” nakangiting sabi ni Emil sa asawa. Hinawakan ni Leina ang kamay ni Emil. “I'm ready. Gusto ko na ring makauwi at makalanghap ng sariwang hangin sa labas.” sagot niya. Ngumiti si Emil at marahang inalalayan ang asawa na makabangon mula sa kama. "Dahan-dahan lang," paalala niya. "Ayokong mapagod ka." Napatawa si Leina. "Hon, buntis lang ako. Hindi ako babasaging kristal." "Tama ka," natatawang sagot ni Emil. "Pero pagkatapos ng nangyari, wala na akong balak isugal ang kaligtasan ninyong mag-ina." Napailing na lang si Leina. Kitang-kita niya ang labis na pag-aalala ng asawa. Maya-maya ay pumasok ang nurse na may hawak na discharge papers. "Ma'am Leina, kumpleto na po ang mga papeles ninyo. Maaari na po kayong umuwi. Huwag lang po ninyong kalimutan ang mga gamot at ang schedule ninyo sa follow-up check-up." "Opo. Maraming salamat," nakangiting tugon ni Leina. Tinulungan ni Emil ang asawa na maupo sa wheelchair na inihanda ng ospital. "Hon,
MALAWAK na napangiti si Lea. Kauuwi lang niya sa mansyon dumalaw sa kanyang anak sa ospital. “Ang akala nila siguro ay mahuhuli nila ako. Hindi ako pahuhuli hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko,” usal niya. Bago pa mangyari ang imbestigasyon ay nabayaran na niya ang lahat ng kanyang koneksyon para maging malinis ang naging kalat noong gabing iyon. Marahan siyang naupo sa sofa habang iniikot ang hawak na baso ng alak. "Hindi sapat ang isang pagkakamali para bumagsak ako," mahina niyang sambit sa sarili. Napangisi siya nang maalala ang naging pagdalaw niya kay Leina sa ospital. "Napaniwala ko naman sila. Kahit si Emil, wala siyang magagawa kung wala silang ebidensiya." Humigop siya ng alak bago ipinatong ang baso sa mesa. "Mag-imbestiga sila hangga't gusto nila." Bahagya siyang natawa. "Kapag walang mahanap na ebidensiya, wala rin silang mapapatunayan." Ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi nang maalala niyang buhay pa rin si Leina at ang dinadala nitong anak
TAHIMIK na tumingin si Leina sa ina. Hindi niya inaasahang dadalawin siya nito. "Nalulungkot ako sa nangyari," sabi ni Lea habang inilalapag ang basket ng prutas at bouquet ng bulaklak sa mesa. "Andito ako nung gabi na naisugod Ka sa ospital. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakadalaw sayo, anak." "Salamat po. Hindi na sana kayo nag-abala pa," walang ngiting tugon ni Leina. Napatingin si Emil kay Lea. Halata sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa pagdating ng babae, ngunit nanatili siyang kalmado dahil ayaw niyang ma-stress ang asawa. "Okay na po ako. Makakalabas na rin kami rito sa loob ng isa o dalawang araw," sabi ni Leina. "That's good." Ngumiti si Lea. "Mag-ingat ka na lang palagi. Buntis ka, dapat iniingatan mo ang sarili mo. At iyong magnanakaw na ‘yon, humanda siya sa akin kapag nahuli siya." Tumango si Leina. Napabaling ang tingin niya kay Emil. "Ginagawa ni Emil ang lahat para mahuli ang gumawa nun sa akin. Kaya wala na kayong kailangan pa na gawin.” Natahimik si Lea
TAPOS na maligo si Leina at dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng banyo. Nagulat siya na maraming paper bags ang nasa tabi ng kama. "Para kanino po ang lahat ng mga 'yan?" untag niya, na tinuturo ng tingin ang mga paper bags. "For you... I ask my secretary to buy for you," sagot ni Emil. "Na
HINAWAKAN ni Emil si Leina sa braso at inalalayan na tumayo. "Ang maigi pa ay dalhin kita sa mansyon. Nang makapaligo ka at makapagbihis ng maayos. Tignan mo nga ang sarili mo," sabi ni Emil at utos sa dalaga. Napatingin nga si Leina sa kanyang damit habang tumatayo. "Pasensiya na po. Kahit mga d
“CASTOR Valencia…” bulong niya. “Matagal ko na siyang hindi nakakausap. Kilala mo siya, Ineng?" Marahang napatango si Leina at binalingan na muna ni Emil ang kanyang tauhan na nakayuko ang ulo. "Starting from today, you are fire! Binabastos mo ang dalagang ito. Hindi mo alam, anak siya ng best
NAGLAKAD-LAKAD si Leina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Wala rin siyang tutuluyan ngayong gabi. Ubos na ang pera niya, na kahit pangkain ay wala siya. Pumasok siya sa isang eskinita, umaasang makakakita ng kahit anong puwedeng pagtaguan o maupuan man lang. Madilim na a







