LOGINHINAWAKAN ni Emil si Leina sa braso at inalalayan na tumayo.
"Ang maigi pa ay dalhin kita sa mansyon. Nang makapaligo ka at makapagbihis ng maayos. Tignan mo nga ang sarili mo," sabi ni Emil at utos sa dalaga. Napatingin nga si Leina sa kanyang damit habang tumatayo. "Pasensiya na po. Kahit mga damit ko po ay hindi ko naisalba." "Ang baho mo nga, hija..." sabi ni Emil na natatawa at tinakpan ang ilong. Hindi rin napigilan ni Leina ang matawa. Pero nahiya rin para sa sarili. “Sobrang gutom ka na siguro…” dagdag ni Emil, pero kahit nakangiti, ramdam ni Leina ang pagsusuri sa bawat galaw niya. Tumikhim si Emil, saka siya marahang itinulak palabas ng opisina. Hinawakan pa nito ang likod niya. Ramdam ni Leina ang lambot ng kamay ng kanyang Ninong Emil sa kanyang likod, para ba siyang isang mamahaling hiyas na dapat ingatan. “Halika na. Ayoko nang may makita akong nambabastos sa'yo,” aniya habang binubuksan ang pinto. Paglabas nila sa hallway, agad na tumahimik ang mga tauhan, halatang ramdam ang tensyon at paggalang kay Emil. Si Leina naman ay yumuko, nahihiya sa mga tingin nilang puno ng pagtataka. Isang CEO at sikat na bilyonaryo, kasama ang isang pulubing babae. Naglakad silang dalawa palabas ng gusali, papunta sa sasakyan ni Emil na nakahimpil lamang sa labas. Lumapit si Emil sa itim na SUV, binuksan niya ang pinto sa passenger seat at tiningnan si Leina mula ulo hanggang paa. “Sumakay ka na, hija. Doon na tayo mag-usap sa mansyon. Hindi kita matutulungan kung himatayin ka rito sa gutom at pagod.” Napayuko si Leina. “S-Salamat po, Ninong…” Pero bago siya tuluyang pumasok, hinawakan ulit ni Emil ang braso niya. Mas mariin na ito ngayon. Napatingin siya dito at nagulat. Seryosong nakatingin si Emil sa kanya at may halong pag-aalala. “Leina, simula ngayon, wala ka nang ibang aasahan kundi ako. Lahat nang ginawa ng tao 'yon sa pamilya mo ay hindi ko palalampasin.” aniya sa mababang tono ng boses. Kinabahan si Leina, pero may kakaibang init sa dibdib niya. Parang may halong takot at pag-asa. ““I’ll make sure you and your family are safe," dagdag pa ni Emil. “Dadalhin kita sa mansyon… dahil doon ka na titira habang inaayos ko ang kaso ng Papa at Mama mo.” Nanlaki ang mata ni Leina. “D-doon po ako titira? Sa mansyon n’yo?” “Bakit? May plano ka bang bumalik sa lansangan?” sagot nito na may bahagyang ngisi. Natahimik si Leina, nahiya. “Sumakay ka na,” utos ni Emil, malumanay pero hindi puwedeng tanggihan. Sumunod si Leina. Pagpasok niya, naamoy niya ang linis ng sasakyan at halos matulala sa lambot ng upuan. Umikot si Emil sa kabilang side, sumakay. "Ariston, sa mansyon tayo," utos na sabi ni Emil. Tumango lamang ang driver bilang sagot. Habang umaandar na ang sasakyan palabas ng compound, napatingin si Leina kay Emil. Sa matigas nitong panga, seryosong mukha, at matalim na mga mata. Napalunok siya. Parang doon niya lang tunay na naisip. Hindi lang siya basta pino-protektahan ng Ninong niya. Kundi dinala pa siya nito sa mundo niya. Hindi niya alam kung may asawa na ito. At kung may asawa na ito ay baka magkaproblema pa ang Ninong Emil niya. Pagtingin niya sa kamay ni Emil na nakarelaks sa ibabaw ng tuhod nito ay bigla siyang nahiya. Para bang hindi siya karapat-dapat maupo roon. Sa tabi ng isang taong kilala sa buong lungsod, iginagalang, at takot lapitan ng iba. Pero ngayon, mag-isa lang silang dalawa sa loob ng mamahaling sasakyan. Nakita niya kung paano nito siya ipinagtanggol sa taong bumastos sa kanya. Tinanggal pa sa trabaho. Kumapit si Leina sa laylayan ng damit niya. “N-Ninong… hindi po ba kayo, may asawa na?” tanong niya na halos pabulong. Bahagyang lumingon si Emil, mabagal, parang pinag-iisipan kung sasagutin ba niya o hindi. Nagtama ang mga mata nila. Napakabigat ng tingin nito, pero hindi galit. May tinatago. “Wala,” sagot niya, diretso pero mababa ang boses. “Matagal na akong walang asawa.” Nanginig ang balikat ni Leina. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa tono. Parang may ibig sabihin pa iyon, pero hindi niya alam kung ano. “Bakit mo natanong?” dagdag pa ni Emil. “Ka-kasi po…” Napayuko si Leina. “Baka po may magalit sa inyo kung uuwi po kayo na may kasama. Tapos, nakita n'yo naman po ang itsura ko. Baka po kung anong isipin niya." “Kung may asawa ako, hindi kita dadalhin sa opisina ko. At hindi kita dadalhin sa mansyon ko. Hindi rin kita ipagtatanggol nang ganitong klaseng paraan. Naalala mo ba noon ang sinabi ko sa'yo, kasabay ng pagsuot ko ng bracelet sa kamay mo?" sagot ni Emil, nakatingin na sa unahan habang bahagyang napapailing. Napasinghap si Leina. Malinaw pa sa alala niya ang bracelet na bigay ng kanyang ninong. Napadapo ang tingin niya sa kanyang kamay, suot niya at iniingatan ang bracelet na bigay nito. Nanatiling tahimik si Leina. Hindi pa rin niya lubos maisip na makikita at makakausap ang kanyang Ninong Emil. Parang kahapon lamang ay halos ipagtabuyan siya sa kompanya nito. “Leina,” tawag ni Emil, na agad niyang ikinalingon. Tumingin ito saglit sa kanya. Hindi niya alam parang may kung anong hindi niya maipaliwanag sa mga mata nito. “I’m responsible for you now,” seryoso nitong sabi. “At hindi ko hahayaang ulitin ng kahit sino ang nangyari sa pamilya mo. Tutulungan kitang mabawi ang lahat ng nawala sa'yo." Napakagat-labi si Leina. Biglang uminit ang mga mata niya, at mabilis niya itong pinahid bago pa mapansin ni Emil. Pero napansin pa rin. Bumuntong-hininga ito nang mahina. “Hindi mo kasalanan ang nangyari sa inyo. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo,” dagdag ni Emil. “Hindi mo dapat dinidibdib ang lahat. Dahil wala kang kasalanan. Tandaan mo 'yan, Leina.” Hindi nakasagot si Leina. Sa unang pagkakataon matapos ang trahedyang sinapit nila, may naramdaman siyang kakaiba. Parang may ligtas na lugar para sa kanya. Parang nagsisimula nang umalingawngaw sa isip niya ang sinabi nito… I’ll make sure you and your family are safe." Paninigurado ni Emil. Pagdating nila sa main gate ng mansyon, kusang bumukas ang malalaking bakal na pinto. Bumungad ang napakalawak na hardin, ilaw, at katahimikang hindi niya akalaing mararanasan pa niya. Pinagmasdan ni Emil ang reaksyon niya. Iyoung pag-iikot ng mga mata, paghawak niya sa dibdib niya at 'yong bahagyang pagngiti na hindi niya maitatago. “Welcome to my home, Leina,” masayang sabi ni Emil. Kita ang kasiyahan sa mukha niya dahil sa kanyang matamis na ngiti. Tila mula nang masira ang mundo niya, parang may bumubuo ulit niyon. "Ibang-iba po rito sa hacienda namin, Ninong..." humahangang sabi ni Leina habang iniikot ang mga mata sa paligid.SIGURADO ka ba, Leina?" tanong ng hindi makapaniwala na si Emil. Mabilis na tumango-tango si Leina. "Opo. Sure na sure ako sa desisyon ko. Kung ano po ang alam niyo na dapat kong gawin, then kayo na po ang magdecide." Napatulala si Emil. Hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang inaanak. "Magpapakasal ka sa akin?" "Yes po." Nangatal ang dibdib ni Emil, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa biglaang nakabuo na ng desisyon si Leina. Pumapayag na itong magpakasal sa kanya. “Leina…” mahina niyang bulong, halos hindi lumalabas ang boses. “Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yang sinasabi mo?” Pero ngumiti si Leina, hindi nanginginig, hindi umiwas. Matatag. Parang iyon na ang pinakaklaro niyang desisyon sa buong buhay niya. “Opo, Ninong. Alam ko po ang sinasabi ko,” tugon niya. “At kung may ibang paraan, hindi na po ako lalapit sa inyo. Pero, kayo lang po ang nakikita kong makakapagligtas sa akin ngayon.” Kumunot ang noo ni Emil. Lumapit siya, marahang hinawakan ang magkabilang
“LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw ni Castor.” Parang umikot ang mundo ni Leina. “A-Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ni Leina. “B-Bakit ako? Ano’ng kailangan nila sa’kin—?” dagdag niyang mga tanong “Hindi ko alam ang buong dahilan,” sagot ni Emil. “Pero malinaw na hindi nila gustong sa abogado dumaan ang pag-uusap. Ikaw mismo ang gusto niyang kausapin.” Napahawak si Leina sa mesa. Kinuyom niya ang kamay. Hindi niya alam kung galit ba siya, takot, o pareho. “Ano pong sabi nila?” tanong niya, magaspang ang boses. Nag-angat ng tingin si Emil, diretso sa kanya. “Bibigyan nila final chance ang mga magulang mo, kung pupunta ka raw sa meeting. Gusto niyang may marinig siya mula sa’yo mismo.” Tumigil ang mundo
“I’M asking, not demanding,” aniya. “Kasi kung ang totoo ay takot ka lang. I can help you face that. Pero kung ayaw mo sa akin o kung ako mismo ang problema. Sabihin mo, Leina, at hindi na kita guguluhin.” Doon siya tuluyang nalito. “Hindi ko po kayo ayaw,” mabilis niyang sagot, halos nagmamadali. “H-Hindi ko lang po alam ang isasagot sa inyo. Hindi ko alam kung tama ba ‘to, kung mapagkakatiwalaan ko pa ‘yung sarili ko na tama ang desisyon ko.” Nagbago ang ekspresyon ni Emil, parang may tumagos sa damdamin niya. Hindi siya ngumiti, pero lumambot ang titig niya. “Then hayaan mo akong pagtiwalaan mo,” sabi niya, mababa ang tono. “Hindi bilang lalaki, hindi rin bilang Ninong mo. Kundi bilang taong hindi ka iiwan kahit na sa oras na may problema ka.” Natahimik si Leina. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o lalong tatakbo. Bago pa siya makapili ay dahan-dahang inilapag ni Emil ang ballpen sa mesa, hindi niya ito inabot kay Leina. “Sa ngayon, hindi ko kailangan ng sagot. Hindi pa. P
PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting umikot si Emil paharap sa kanya, pero hindi na ito galit. Pero hindi rin kalmado, ayon sa ekspresyon ng mukha na nakikita ng dalaga. Parang may kinokontrol na emosyon. “Leina,” malumanay nitong sabi, hindi na kagaya kanina na pagalit. “Look at me.” Umangat ang tingin niya sa kanyang ninong. “Hindi kita pakakasalan dahil gusto kitang angkinin,” sabi ni Emil, dahan-dahang huminga. “I’m doing this because I don’t have a choice. Masyado kang mabait at dahil babae ka, hindi mo kayang proteksyonan ang sarili mo. Sino na lamang ba ang magiging kakampi mo at tutulong sa'yo? Ako lang 'yon, Leina. Tignan mo ang ginawa sa'yo ng ex-boyfriend mo. Sinamantala niya ang kahinaan mo. Naghirap kayo. Gu
"TELL me your decision, Leina. Wala itong sapilitan. Pero alam mo kung anong mawawala sa'yo sa oras na hindi ka pumayag..." sabi pa ni Emil. Pero bago pa makasagot si Leina ay may nahagip ang mata niya sa pinakaibaba ng papel. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya. "S-Sandali po.." sabi niya na napatingin sa Ninong Emil niya. Hindi namam siya iniwasan nito. Matatag pa rin ang tingin at seryoso ang mukha. "K-Kasal...? Totoo po ba ito?" Napatitig lang siya sa ninong niya, seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. “Kung pipirmahan mo ang kontrata, oo,” mahinahong sagot ni Emil. “Hindi kita pipilitin, Leina. Pero kailangan kong malaman kung handa ka sa kapalit.” Nanlamig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Kasal? Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magduda sa lahat ng nangyayari. Magpapakasal sila ng kanyang Ninong Emil? Puwede ba 'yon ngayon? Ang daming tanong ni Leina sa utak niya. Hindi niya na
KUMATOK si Manang Nieves sa pintuan ng kuwarto ni Leina. Tulog ang bagong alaga ng kanyang amo. "Leina, bumangon ka na at mag-almusal. Ipinapatawag ka ni Emil sa opisina niya..." tawag ni Manang. Tinanghali ng gising si Leina. Dahil sa pag-iyak niya ay napuyat siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya pero hindi niya alam kung bakit ipinapatawag siya ng kanyang ninong. "Opo. Babangon na po, manang..." sagot na sigaw niya. Bumangon na si Leina at nag-unat-unat ng kanyang nga kamay. Pagbangon niya ay sandali siyang napatigil, humawak sa sentido, at pinilit na ayusin ang sarili. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang pagod pa ang katawan kahit mahaba ang tulog niya kagabi. Pumunta siya sa banyo, naghilamos, at mabilis na nag-ayos. Paglabas niya ng kuwarto ay naroon pa rin si Manang Nieves, nakatayo at nakahalukipkip na para bang inabangan talaga siyang bumaba. "Ay, hija, bilisan mo na. Kanina ka pa hinihintay sa taas. Alam mo naman siguro kung saan ang opisina ng ninong mo," sab







