Chapter 2
Pagdating namin sa kanyang condo, halos wala nang oras para mag-isip. Wala nang alinlangan, wala nang mga tanong. Sa bawat hakbang ay parang mas lalo akong hinihila ng init na nagsiklab sa pagitan naming dalawa. Pagkasara ng pinto, mabilis niyang siniil ang aking labi — mapusok, mapang-angkin. Gumanti ako ng halik, walang pag-aalinlangan. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na gumagapang sa aking katawan, bawat haplos ay tila nagpapaliyab sa aking balat. Hindi ko na namalayan kung paanong napunta kami sa kama. Ang tanging alam ko lang ay ang init ng kanyang katawan na bumabalot sa akin. Hindi na ako nag-isip. Pinayagan ko ang aking sarili na lunurin ng sensasyon, ng kalasingan, at ng matinding pagnanasa. "Aww, shit!" napamura ako nang maramdaman ko ang biglaang sakit na dumaloy sa akin. Napaarko ang aking likod, at isang mahinang ungol ang kumawala mula sa aking bibig. Napatigil siya saglit, ang mga mata niyang puno ng pagkabigla ay nakatitig sa akin. "You virgin?" tanong niya, bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. Ngumiti ako, kahit pa may bahagyang kirot na nararamdaman. "Go on," bulong ko, idinampi ang aking labi sa kanyang tenga. "Fuck me if you want." At sa gabing iyon, hinayaan ko ang sarili kong maging alipin ng kanyang mga halik at haplos. Wala nang sakit, wala nang alaala ng pagtataksil. Tanging siya at ako — sa isang gabing punong-puno ng kapusukan at paglimot. Kahit ang tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsilbing ilaw sa labas, hindi ko pa rin maaninag nang buo ang kanyang mukha. Tila tinatago ito ng mga anino, na lalong nagbigay ng misteryo sa kanya. Ngunit sa kabila ng dilim, may isang bagay akong malinaw na nakita — ang kanyang mga mata. Sa ilalim ng malamlam na liwanag, ang kanyang mga mata ay tila kumikinang, puno ng pagnanasa at isang damdaming hindi ko maipaliwanag. Para bang sa simpleng pagtitig niya ay hinuhubaran niya ako, hindi lamang ng aking mga saplot, kundi pati ng lahat ng sakit at takot na matagal ko nang kinikimkim. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking pisngi, banayad ngunit may kapangyarihang nagpapabilis ng pintig ng aking puso. "You're beautiful," bulong niya, at ang init ng kanyang hininga ay dumampi sa aking balat. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng alak o ng matinding emosyon, pero sa sandaling iyon, hinayaan ko ang sarili kong malunod sa kanyang mga mata. Para akong hinahatak sa isang mundo kung saan wala nang sakit, wala nang pagtataksil — tanging siya lamang at ako. At nang muli niyang dampian ng halik ang aking labi, alam kong wala nang atrasan. Sa gabing ito, siya ang tanging nais kong maramdaman. Kinabukasan Maaga akong nagising dahil sa matinding pagkauhaw. Pagdilat ng aking mga mata, agad akong napakunot-noo. Hindi ko agad namalayan kung nasaan ako. Ang malamlam na liwanag mula sa bintana ay tumama sa mga mamahaling kurtina, at ang malalambot na unan at kumot na bumabalot sa akin ay nagpahiwatig ng karangyaan. "Shit," bulong ko, at parang isang hampas ng katotohanan ang bumagsak sa akin. Dahan-dahan kong iniikot ang aking paningin sa loob ng hindi pamilyar na silid. Ang mga modernong dekorasyon, ang mamahaling mga painting na nakasabit sa pader — lahat ay nagpapakita ng yaman at kapangyarihan. Ngunit wala ni isa sa mga iyon ang nagpagaan ng bigat na bumalot sa aking dibdib. Napatingin ako sa aking tabi, at doon ko siya nakita. Ang lalaking kagabi lang ay naging bahagi ng isang gabing puno ng kapusukan. Nakatalikod siya, mahimbing na natutulog, ang malapad at matipunong likod niya ay bahagyang natatakpan ng kumot. Hindi ko pa rin maaninag nang buo ang kanyang mukha. "Ano bang ginawa ko?" tanong ko sa sarili ko, pilit nilalabanan ang matinding kaba at pagsisisi. Agad akong bumangon mula sa kama. Napasinghap ako nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking mga hita — isang matinding paalala ng gabing nagdaan. Pero wala akong oras para magmukmok. Ang tanging gusto ko ngayon ay makaalis bago pa siya magising. Mabilis akong nagtungo sa sahig kung saan nakakalat ang aking mga damit. Hindi ko na inalintana ang gusot ng aking dress at ang lagkit na pakiramdam sa aking katawan. Gusto ko lang mawala sa lugar na ito, na parang wala akong iniwang bakas. Pagkatapos magbihis, isang huling tingin ang ibinigay ko sa lalaking mahimbing pa ring natutulog. Sa loob ng isang iglap, lahat ng alaala ng nagdaang gabi ay nagbalik — ang kanyang mga halik, ang mga haplos, at ang init na naglagablab sa pagitan namin. Pero wala nang babalikan. Ito ay isang pagkakamali na kailangang kalimutan. Dahan-dahan akong binuksan ang pinto at marahang lumabas. Walang ingay, walang bakas na iniwan. Tanging ang poot at panghihinayang ang dala-dala ko habang mabilis akong naglakad palayo.Chapter 20Napaupo ako sa kama, ang utak ko'y punong-puno ng kalituhan at mga tanong mula sa panaginip na iyon. Hindi ko na kayang patagilid pa ang mga alaalang naiwan mula kay Mommy Helen. Hindi ko na kayang magtagal pa dito sa mansion, hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko na ligtas ako sa loob ng mga pader na ito. Kung hindi ko kayang malaman ang mga sagot sa aking mga tanong, baka sa ospital pa ako makatagpo ng ilang kalinawan.Mabilis akong tumayo at nagdesisyon — maligo at magbihis, tapos agad aalis. Hindi na ako magpapasindak pa sa mga lurker at mga kontrabidang nandiyan sa mansion. Sa ospital, kahit papaano, may mga tao akong pwedeng kausap at hindi ako mababahala sa mga lihim na patuloy na tinatago sa akin.Matapos ang mabilis na shower, nagbihis ako at tinanaw ang sarili ko sa salamin. Nang makita ang sarili ko, para akong nag-iisa sa isang malaking kwento. "Walang atrasan," sabi ko sa sarili ko habang nagsusuklay.Nang lumabas ako ng kwarto at dumaan sa madilim na
Chapter 19Maingat akong pumasok sa loob ng mansion na para hindi magising ang nasa loob. Tahimik ang paligid — tanging tik-tak ng lumang grandfather clock sa may sala ang naririnig ko habang ang malamlam na liwanag mula sa chandeliers ay nagbibigay ng konting aliwalas sa dilim ng gabi.Alam kong delikado kung sakaling makita ako ni Andrew o ng step-sister kong si Bianca sa ganitong oras, lalo pa’t hindi ko alam kung ano ang alam nila tungkol sa nangyari kagabi. Pero mas delikado kung manatili akong walang alam.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa hagdan. Habang paakyat, hindi ko mapigilang mapatingin sa mga portrait ng pamilya sa gilid ng dingding. Mga mukhang puno ng ngiti, ng yaman, ng kapangyarihan — pero sa likod nito, ramdam ko ang mga lihim at kasinungalingan.Pagdating ko sa ikalawang palapag, tumigil ako sandali. Napahawak ako sa dibdib ko. Nandoon pa rin ang kaba, pero ngayon ay may kasamang galit — sa sarili ko, sa kanila, at sa hindi ko pa nalalaman.Tumungo ako sa kwart
Chapter 18Grace POV"Hmmmm," mahina kong ungol habang dumilat ang mga mata ko. Isang matinding sakit sa ulo ang sumalubong sa akin, at agad kong naramdaman ang kabiguan sa katawan ko. Nang dumapo ang mata ko sa paligid, natigilan ako. Ang mga pader, ang ilaw, ang mga kasangkapan — hindi ko ito pamilyar."Shit ka, Grace. Ano na namang katangahang ginawa mo?" bulong ko sa sarili ko, habang sinusuri ang aking katawan. Hinala ko, ito na naman, isang insidente na hindi ko na naman maalala nang buo. Pero ang pinakamahalaga, nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang sarili kong suot pa ang gown na isinusuot ko kagabi. At least, hindi ako nagising sa isang lugar na wala akong kaalaman kung paano ako napunta roon.“Wait… anong nangyari kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang pinipilit kong mag-recall. Ang tanging natatandaan ko ay ang inumin na ibinigay sa akin ni Bianca, ang step-sister ko na magiging fiancé na nga pala ni Andrew. Pero pagkatapos noon, lahat ay naging malabo."Ano bang gi
Chapter 17Ang galit ko, parang apoy na hindi kayang patayin ng kahit anong ulan. Naalala ko ang mga taon ng paghahanap, ang mga gabing puno ng kabang hindi ko kayang ipaliwanag. Si Marisa, ang babae na nagdala ng walang katapusang paghihirap kay Grace, na siya mismo ang nagpasimula ng lahat ng ito. Ngayon, narito na siya, at wala nang ibang paraan kundi ang tapusin ito.Lumingon ako sa sofa kung nasaan si Grace, ang mahina niyang katawan na parang walang kaalaman sa lahat ng ito. Hindi ko kayang makita siya na masaktan pa. Hindi ko kayang magkamali ulit. Bawat hakbang ko ngayon, bawat plano ko, ay tanging para sa kanya — para protektahan siya."Grace..." Bulong ko sa sarili ko habang nilapitan ko siya. Mahigpit ang panga ko habang tinitingnan ang hindi pa rin nagigising na mukha niya. Lahat ng ito, lahat ng mga kasalanan na itinahi ni Marisa — kailangan ko itong tapusin. Hindi ko kayang mawala si Grace sa akin.Tumalikod ako at binuksan ang pinto ng kwarto, lumabas ako ng silid. Inaa
Chapter 16“Boss, Andrew!”Biglang sulpot ni Kane, isa sa pinakaasal-asal pero pinaka-tiwala kong tauhan. Hingal siya, may bahid ng dugo ang balikat ng suot niyang hoodie — pero ang titig niya, matalim.“Positive.”Humigpit ang panga ko.“Tumbok na namin. Ang Ina ng iyong fake girl ang pakana ng lahat—si Marisa.”Nanlamig ang batok ko. Para bang sa dami ng pinaghihinalaan ko… siya ang pinakaayaw kong umabot sa listahan.“Si Marisa?” mariin kong tanong, bagama’t alam ko na ang sagot.Tumango si Kane. “May clearance siya sa loob ng hotel, pinadaan ang armadong grupo gamit ang wedding logistics. May access sa basement at security cams. Ang lalaki na umatake kanina? Bayarang grupo ni Yvan, ‘yung dating assassin leader sa South. Tinapik niya para mag-leak ang impormasyon tungkol sa kasal. Pina-target si Grace. Alive, not dead.”Tumayo ako, marahas.Ang kamao ko, bumagsak sa lamesa. Basag ang baso. Walang pakialam.“Put*ng ina niya.”Akala ko, ginamit lang si Grace. Pero ngayon?Siya pala a
Chapter 15 Andrew POV Put*ng ina. Hindi ito ang plano. Sa bawat hakbang ko habang buhat si Grace, ramdam ko ang bigat ng desisyon kong ito — at hindi lang dahil sa katawan niya, kundi sa panganib na isinugal ko mula sa simula pa lang ng gabing ito. Akala ko kakayanin kong bitawan siya. Akala ko sapat nang ilayo siya... pero hindi ko na siya kayang iwan sa mundong puno ng traydor. "Move! Secure the hallway — may natira pa sa east wing!" sigaw ko sa earpiece habang binibilisan ang paglalakad. Bawat hakbang ay kasabay ng ugong ng bala, ng sigaw ng mga hindi inaasahang kalaban na pumasok sa kasalan. Tinarget nila ang bride — si Bianca — pero hindi ko masabi kung dahil sa akin o dahil sa kanya. Grace. Bakit ngayon ka pa sumulpot ulit? Isang beses ko lang siyang nilingon — kahit nahihimatay, kahit walang lakas, may bakas ng sakit at takot sa mukha niya. Tang*na, Grace. Dapat hindi na kita sinama sa gulo kong ‘to. “Boss, may sniper sa west rooftop!” sigaw ng isa sa mga tauhan