Chapter 3
Five years Habang abala ako sa pag-asikaso sa aking pasyente ay siyang naman tumunog ang aking phone. Isa akong kilalang Doctor sa hospital na pinagtatrabahuan ko na pagmamay-ari ng aking Ina. "Hello!" "H-Hello, Grace! Ang mommy mo naaksidente!" sabi sa kabilang linya Nalaglag ang phone ko mula sa aking kamay, at agad akong napaluhod. Pakiramdam ko’y biglang huminto ang mundo ko. "H-Hindi... Hindi maaari," bulong ko sa sarili ko, habang nanginginig ang aking mga kamay. "Doktora, ayos lang po ba kayo?" tanong ng isa sa mga nurse na napansin ang aking biglaang panghihina. Agad kong pinulot ang cellphone at muling isinandal sa aking tainga. "Nasaan siya? Anong nangyari?" tanong ko, pilit na pinipigilan ang paghikbi. "Nasa St. Luke's siya dinala. Tila nabangga ang sasakyan niya. Kailangan mo nang pumunta, Grace," sagot ng nasa kabilang linya, halatang nag-aalala rin. Walang inaksayang oras, agad akong tumayo at kinuha ang aking coat. Hindi ko alintana ang mga tanong at tingin ng mga kasamahan ko sa ospital. Ang tanging nasa isip ko ay ang kalagayan ng aking ina. Habang nasa sasakyan, panay ang dasal ko na sana ay ligtas siya. Siya lang ang natitira kong pamilya — siya ang aking lakas, inspirasyon, at gabay. "Mom, kapit ka lang..." bulong ko, habang ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumagsak. Pagkarating ko sa ospital, halos tumakbo ako papasok. Bawat hakbang ay tila napakabigat. Nanginginig ang buo kong katawan, ngunit pilit kong pinatatag ang sarili ko. "Nasaan ang pasyente na si Mrs. Villanueva?" tanong ko sa nurse na nasa reception desk. "Doktora Grace..." May awa sa mga mata ng nurse habang itinuturo ang daan patungo sa emergency room. Hindi na siya nagsalita pa, at doon ko pa lang naramdaman ang lalong panghihina ng tuhod ko. Bumungad sa akin ang isang doktor na pamilyar sa akin. Si Dr. Rivera, isa sa mga senior doctors ng ospital. Halatang mabigat ang kanyang ekspresyon habang lumalapit siya. "Grace..." Mahina niyang tawag sa akin. "Nasaan si Mommy? Anong nangyari? Nasaan siya, Doc?" Napasigaw ako, desperado sa mga sagot. Hinawakan niya ako sa balikat, pilit akong pinapakalma. Ngunit isang tingin lang sa kanyang mga mata ay sapat na upang maintindihan ko ang lahat. "I'm sorry, Grace. We did everything we could, pero..." Hindi na niya naituloy. Parang biglang humina ang tunog ng paligid. Lahat ng ingay at bulungan ay nawala. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. "Hindi... Hindi pwede," umiiling akong napaatras, pilit na itinatanggi ang mga salitang narinig ko. "She was dead on arrival." Hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Napaluhod ako sa malamig na sahig ng ospital, yakap-yakap ang sarili ko na tila pilit hinahanap ang init ng yakap ng aking ina. "Mommy!" Sigaw ko, habang ang sakit ay tuluyang bumalot sa akin. Wala na siya. Ang taong nagmahal at gumabay sa akin nang buong buhay ko — wala na siya. Habang nakaluhod ako sa malamig na sahig ng ospital, narinig ko ang mga yapak na papalapit. Isang pamilyar na presensya ang bumalot sa akin. "Grace..." Napatingin ako at nakita ko ang isang matikas na lalaki sa edad na singkwenta, may bakas na ng kaunting uban sa kanyang buhok, ngunit nanatiling makisig. Si Dad. "Anong nangyari? Nasaan ang Mommy mo?" tanong niya, bakas sa kanyang mukha ang kaba at takot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Paano ko ipapaliwanag na wala na si Mommy? Nagsimula na namang bumagsak ang luha ko. "Dad..." Tumayo ako, nanginginig ang katawan ko habang pilit kong inaabot ang kanyang mga kamay. Kitang-kita ko kung paanong unti-unting napuno ng pag-aalala at takot ang kanyang mukha. "Grace... Sabihin mo, nasaan siya?" Nanginginig ang boses niya, tila nagmamakaawa na marinig ang sagot na hindi niya kinatatakutan. "Dad..." Muli akong humikbi. "She's gone." Nanlumo siya. Para bang bigla siyang nawalan ng lakas. Napaatras siya ng bahagya, at mariing itinakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig, pilit itinatago ang sakit. "H-Hindi... Hindi totoo 'yan, Grace," bulong niya, habang umiiling. "I'm sorry, Dad. She was dead on arrival," mahina kong sabi, ang bawat salita'y parang kutsilyong tumatama sa puso naming dalawa. Niyakap ko siya ng mahigpit, at doon na siya tuluyang bumigay. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan habang tahimik siyang umiiyak sa balikat ko. "Si Mommy... Wala na siya," paulit-ulit kong binubulong, halos hindi pa rin ako makapaniwala sa katotohanang binasag ang mundo namin. Sa gitna ng sakit, naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Dad — isang yakap na puno ng lungkot, pangungulila, at pagmamahal. Sa mga sandaling iyon, kami na lang dalawa ang natira. At sa kabila ng sakit, alam ko na kailangang magpatuloy kami, kahit pa parang imposible. Habang yakap ko si Dad, patuloy ang pag-agos ng luha ko. Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yapak ng isang tao na papalapit. "Condolences, Miguel," malamig ngunit may halong lungkot na tinig ng isang babae ang narinig ko. Napatingin ako sa kanya. Isang matangkad at elegante babae, may mahaba at maayos na ayos na buhok, at suot ang isang itim na bestida. Sa kabila ng lungkot sa kanyang mata, may kakaibang determinasyon sa kanyang tindig. Hindi ko siya kilala. Sino siya? Binalingan ko si Dad, na tila nanigas sa kanyang kinatatayuan. Kitang-kita ko ang gulat at kalituhan sa kanyang mukha. Para bang isang multo mula sa kanyang nakaraan ang biglang nagpakita. "M-Marise?" Mahinang sambit ni Dad, halos bulong na lamang. Napakunot ang noo ko. Marise? Sino si Marise? Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong. "Sino po kayo?" Ngumiti siya nang tipid, ngunit may kung anong lamig sa likod ng kanyang titig. "Ako si Marise. Isang... matandang kaibigan ng iyong ama." "Matandang kaibigan?" ulit ko, ramdam ang kaba at pagtataka. "Matagal na kaming hindi nagkita ng iyong ama," sagot niya, bago bumaling muli kay Dad. "I'm sorry for your loss, Miguel." Tahimik lang si Dad, halatang hindi pa rin makapagsalita. Tila maraming tanong ang bumabagabag sa kanya. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa wakas, ang kanyang boses mababa ngunit may halong pag-aalinlangan. "Narinig ko ang nangyari. Gusto ko lang magpaabot ng pakikiramay," sagot ni Marise, ngunit sa likod ng kanyang mga salita ay tila may nakatagong lihim. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bumabagabag sa akin. Sino nga ba talaga siya? At bakit ganito na lang ang reaksyon ni Dad sa kanyang presensya? Ngunit sa ngayon, sa gitna ng pagdadalamhati, isa lang ang sigurado — may mga tanong na kailangang masagot. At si Marise ang tila nagdala ng mga ito.Chapter 20Napaupo ako sa kama, ang utak ko'y punong-puno ng kalituhan at mga tanong mula sa panaginip na iyon. Hindi ko na kayang patagilid pa ang mga alaalang naiwan mula kay Mommy Helen. Hindi ko na kayang magtagal pa dito sa mansion, hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko na ligtas ako sa loob ng mga pader na ito. Kung hindi ko kayang malaman ang mga sagot sa aking mga tanong, baka sa ospital pa ako makatagpo ng ilang kalinawan.Mabilis akong tumayo at nagdesisyon — maligo at magbihis, tapos agad aalis. Hindi na ako magpapasindak pa sa mga lurker at mga kontrabidang nandiyan sa mansion. Sa ospital, kahit papaano, may mga tao akong pwedeng kausap at hindi ako mababahala sa mga lihim na patuloy na tinatago sa akin.Matapos ang mabilis na shower, nagbihis ako at tinanaw ang sarili ko sa salamin. Nang makita ang sarili ko, para akong nag-iisa sa isang malaking kwento. "Walang atrasan," sabi ko sa sarili ko habang nagsusuklay.Nang lumabas ako ng kwarto at dumaan sa madilim na
Chapter 19Maingat akong pumasok sa loob ng mansion na para hindi magising ang nasa loob. Tahimik ang paligid — tanging tik-tak ng lumang grandfather clock sa may sala ang naririnig ko habang ang malamlam na liwanag mula sa chandeliers ay nagbibigay ng konting aliwalas sa dilim ng gabi.Alam kong delikado kung sakaling makita ako ni Andrew o ng step-sister kong si Bianca sa ganitong oras, lalo pa’t hindi ko alam kung ano ang alam nila tungkol sa nangyari kagabi. Pero mas delikado kung manatili akong walang alam.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa hagdan. Habang paakyat, hindi ko mapigilang mapatingin sa mga portrait ng pamilya sa gilid ng dingding. Mga mukhang puno ng ngiti, ng yaman, ng kapangyarihan — pero sa likod nito, ramdam ko ang mga lihim at kasinungalingan.Pagdating ko sa ikalawang palapag, tumigil ako sandali. Napahawak ako sa dibdib ko. Nandoon pa rin ang kaba, pero ngayon ay may kasamang galit — sa sarili ko, sa kanila, at sa hindi ko pa nalalaman.Tumungo ako sa kwart
Chapter 18Grace POV"Hmmmm," mahina kong ungol habang dumilat ang mga mata ko. Isang matinding sakit sa ulo ang sumalubong sa akin, at agad kong naramdaman ang kabiguan sa katawan ko. Nang dumapo ang mata ko sa paligid, natigilan ako. Ang mga pader, ang ilaw, ang mga kasangkapan — hindi ko ito pamilyar."Shit ka, Grace. Ano na namang katangahang ginawa mo?" bulong ko sa sarili ko, habang sinusuri ang aking katawan. Hinala ko, ito na naman, isang insidente na hindi ko na naman maalala nang buo. Pero ang pinakamahalaga, nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang sarili kong suot pa ang gown na isinusuot ko kagabi. At least, hindi ako nagising sa isang lugar na wala akong kaalaman kung paano ako napunta roon.“Wait… anong nangyari kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang pinipilit kong mag-recall. Ang tanging natatandaan ko ay ang inumin na ibinigay sa akin ni Bianca, ang step-sister ko na magiging fiancé na nga pala ni Andrew. Pero pagkatapos noon, lahat ay naging malabo."Ano bang gi
Chapter 17Ang galit ko, parang apoy na hindi kayang patayin ng kahit anong ulan. Naalala ko ang mga taon ng paghahanap, ang mga gabing puno ng kabang hindi ko kayang ipaliwanag. Si Marisa, ang babae na nagdala ng walang katapusang paghihirap kay Grace, na siya mismo ang nagpasimula ng lahat ng ito. Ngayon, narito na siya, at wala nang ibang paraan kundi ang tapusin ito.Lumingon ako sa sofa kung nasaan si Grace, ang mahina niyang katawan na parang walang kaalaman sa lahat ng ito. Hindi ko kayang makita siya na masaktan pa. Hindi ko kayang magkamali ulit. Bawat hakbang ko ngayon, bawat plano ko, ay tanging para sa kanya — para protektahan siya."Grace..." Bulong ko sa sarili ko habang nilapitan ko siya. Mahigpit ang panga ko habang tinitingnan ang hindi pa rin nagigising na mukha niya. Lahat ng ito, lahat ng mga kasalanan na itinahi ni Marisa — kailangan ko itong tapusin. Hindi ko kayang mawala si Grace sa akin.Tumalikod ako at binuksan ang pinto ng kwarto, lumabas ako ng silid. Inaa
Chapter 16“Boss, Andrew!”Biglang sulpot ni Kane, isa sa pinakaasal-asal pero pinaka-tiwala kong tauhan. Hingal siya, may bahid ng dugo ang balikat ng suot niyang hoodie — pero ang titig niya, matalim.“Positive.”Humigpit ang panga ko.“Tumbok na namin. Ang Ina ng iyong fake girl ang pakana ng lahat—si Marisa.”Nanlamig ang batok ko. Para bang sa dami ng pinaghihinalaan ko… siya ang pinakaayaw kong umabot sa listahan.“Si Marisa?” mariin kong tanong, bagama’t alam ko na ang sagot.Tumango si Kane. “May clearance siya sa loob ng hotel, pinadaan ang armadong grupo gamit ang wedding logistics. May access sa basement at security cams. Ang lalaki na umatake kanina? Bayarang grupo ni Yvan, ‘yung dating assassin leader sa South. Tinapik niya para mag-leak ang impormasyon tungkol sa kasal. Pina-target si Grace. Alive, not dead.”Tumayo ako, marahas.Ang kamao ko, bumagsak sa lamesa. Basag ang baso. Walang pakialam.“Put*ng ina niya.”Akala ko, ginamit lang si Grace. Pero ngayon?Siya pala a
Chapter 15 Andrew POV Put*ng ina. Hindi ito ang plano. Sa bawat hakbang ko habang buhat si Grace, ramdam ko ang bigat ng desisyon kong ito — at hindi lang dahil sa katawan niya, kundi sa panganib na isinugal ko mula sa simula pa lang ng gabing ito. Akala ko kakayanin kong bitawan siya. Akala ko sapat nang ilayo siya... pero hindi ko na siya kayang iwan sa mundong puno ng traydor. "Move! Secure the hallway — may natira pa sa east wing!" sigaw ko sa earpiece habang binibilisan ang paglalakad. Bawat hakbang ay kasabay ng ugong ng bala, ng sigaw ng mga hindi inaasahang kalaban na pumasok sa kasalan. Tinarget nila ang bride — si Bianca — pero hindi ko masabi kung dahil sa akin o dahil sa kanya. Grace. Bakit ngayon ka pa sumulpot ulit? Isang beses ko lang siyang nilingon — kahit nahihimatay, kahit walang lakas, may bakas ng sakit at takot sa mukha niya. Tang*na, Grace. Dapat hindi na kita sinama sa gulo kong ‘to. “Boss, may sniper sa west rooftop!” sigaw ng isa sa mga tauhan