Share

CHAPTER 34

     HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.

Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.

Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to."

"Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"

Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula."

"Luke, don't hesitate

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status