Home / Romance / USOK / ANG MASAMANG PANAGINIP

Share

ANG MASAMANG PANAGINIP

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2025-08-01 10:18:49

Nagising si Andrea sa kalagitnaan ng gabi, humihingal, nilalabanan ang hirap ng kanyang paghinga, habang nananatili sa ilalim ng kumot na tila lubid na umiikot sa kanyang leeg. Kaya walang siyang ibang option at bumangon na lamang.

Tumayo siya, umiikot ang paningin sa buong silid. May sapat na liwanag mula sa labas ng kalye ang nakapalibot sa mga gilid ng kurtina, kaya hindi masyadong madilim ang silid, kahit nakapatay ang ilaw sa loob. Sa dinaranas niya ngayon, maaaring may heart failure siya, may malalim na iniisip dahil sa takot, takot mamatay ng mag isa o mapagiwanan ng lahat.

Mapalad siyang nag-iisa, ngunit napanaginipan niya si Jobert, ang mamamatay tao. Base sa kanyang panaginip ay natagpuan siya nito sa isang motel at nakapasok sa loob ng kwarto. Nagtataka siya na para bang lasing ito o zombie na naglalakad papalapit sa kanya, iyon pala ay may balak itong patayin siya. Biglang kumislap sa kanyang mga mata ang hawak nitong kutsilyo. At sa oras na ito ay agad siyang bumalikwas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • USOK    SIGAW NG DAMDAMIN

    "Alright, I will call you right away Sir, once I got the any progress from our request" "I'll appreciate much! thank you!" sagot ni Don Rafael at ibinaba na ang telepono. "Kailangan ko makita si Andrea." Kausap ni Rafael ang sarili habang tulala at nakatayo sa balcony, ang balcony ng kwarto ni Andrea. Na-imagine nya ito na nakaupo sa isang maliit na table at nagbabasa ng isang libro, iyon ang nadadatnan niya madalas tuwing dumadating siya para bisitahin si Andrea. "Sir, we already sent our request to the outlying bank, and the said amount is confirmed. And as per advice, they will give us final updates tomorrow morning," isang mensaheng natanggap ni Rafael ayon sa isang text message kalaunan. Pinagpatuloy pa rin niya na maimbistagan kung sino ang may gawa ng mga fund transfer, ang mga transactions na hindi niya alam. Kahit sino ay hindi makatulog kapag na nakawan ng isang mahalagang bagay, lalo na kung ito ay involve s

  • USOK    ANG MASAMANG PANAGINIP

    Nagising si Andrea sa kalagitnaan ng gabi, humihingal, nilalabanan ang hirap ng kanyang paghinga, habang nananatili sa ilalim ng kumot na tila lubid na umiikot sa kanyang leeg. Kaya walang siyang ibang option at bumangon na lamang.Tumayo siya, umiikot ang paningin sa buong silid. May sapat na liwanag mula sa labas ng kalye ang nakapalibot sa mga gilid ng kurtina, kaya hindi masyadong madilim ang silid, kahit nakapatay ang ilaw sa loob. Sa dinaranas niya ngayon, maaaring may heart failure siya, may malalim na iniisip dahil sa takot, takot mamatay ng mag isa o mapagiwanan ng lahat. Mapalad siyang nag-iisa, ngunit napanaginipan niya si Jobert, ang mamamatay tao. Base sa kanyang panaginip ay natagpuan siya nito sa isang motel at nakapasok sa loob ng kwarto. Nagtataka siya na para bang lasing ito o zombie na naglalakad papalapit sa kanya, iyon pala ay may balak itong patayin siya. Biglang kumislap sa kanyang mga mata ang hawak nitong kutsilyo. At sa oras na ito ay agad siyang bumalikwas

  • USOK    OBSSESION

    Biglang inilapit ni Miss Lee ang kanyang sarili para halikan si Jobert, ngunit pinigilan siya nito. Mabilis napahawak si Jobert sa kanyang braso, upang hindi siya tuluyang makalapit. "Oh come on, Jobert just give me a minute. Let's try this! Malay mo baka hanap hanapin ko na ang init mo." bulong ni Miss Lee. Hindi siya malandi, ngunit katulad ng karamihan, siya ay marupok para maghanap ng ibang mapaginitan na katawan. Pero dahil may kadiliman ang paligid, sa unang tingin ay walang makakakita sa kanilang dalawa. Ang mga kasambahay ay hindi pinapayagan pumasok sa main area sa ganitong oras ng gabi, sapagkat sila ay may sariling rest house sa likod ng bahay na ito. Kung kaya, panatag ang loob ni Miss Lee na walang makakakita sa kanilang kataksilan. "Ayokong magkasala.." sinabi ni Jobert kahit na sinimulang buksan ni Miss Lee ang mga botones ng kanyang polo shirt. Halatang ayaw magpapigil nito sa kanyang nais. "Hindi ka magkakasala kung makikinig ka sa akin.." sinabi ni Miss Lee na

  • USOK    MABAHALA SA SEKRETO

    "Oh, Jobert how are you pre? long time no see.." Pagbati ng lalaking kakapasok pa lang sa loob ng bahay. Siya ang sinasabing asawa ng magandang babae. Ang babaeng ito ay ang unang amo ni Jobert, siya ay tinatawag na Miss Lee. Habang ang lalaking bagong dating ay may pangalang Anton Lee. Mayaman din ito, dahil sa kasalukuyang pinagkaabalahan nitong negosyo sa abroad, while doing that bihira lang ito nakakauwi ng pilipinas, sapagkat all of the time nasa trabaho siya at iyon ang alam ni Miss Lee. Paalis na sana si Jobert nang makasalubong niya sa pinto si Mr. Anton Lee. Si Jobert ay kilalang kilala ni Mr. Lee kaya pareho silang natuwa nang magkita muli. "Magandang araw sa iyo Mr. Lee.." Pagbati ni Jobert na nagkangiti. "Oh no. Ikaw pala kaibigan. Masyado kang formal ngayon. Ayoko ng ganyan gusto ko na eturing mo akong kaibigan, magtropa tayo hindi ba?" nakangiting sinabi ito ni Mr. Lee "Oo naman po. Pero nakakahiya lang kasi.." "Hayst.. Wala nang paliwanag. Halika at sabayan

  • USOK    ANG BABAENG AMO NI JOBERT

    "Matagal din tayong hindi nagkita Jobert. Ang akala ko ay hindi ka darating.." isang matangkad na babae ang nagsasalita. Binuhusan niya ng tubig ang isang flower vase na nilagyan niya kanina ng mga bagong pitas na mga rosas. Nasa isang private resort si Jobert ngayon, na kilala sa tinatawag na staycation area sa isang probinsiya. Malayo ito sa syudad ng Quezon City. Ang matangkad na babaeng nagsasalita, ay may magandang hubog ng katawan, maputi at makinis. Kung magbibitaw siya ng salita ay saka mo lang masasabi na isa siyang matalino, at mayamang babae. Katulad ni Jobert, ang kanyang pagkatao ay nagtatago din sa dilim, ngunit ang kaibahan lang ay hindi siya pumapatay ng tao, negosyo ang pinapatakbo niya at ito ay mga illegal na negosyo sa pilipinas, kasama na dito ang droga. "Ang totoo ay isa na akong kalaban sa mga mata ni Don Rafael. Hindi mo na ako pwedeng e-hire para sa kanya. Higit sa lahat, hindi na dapat mag cross ang landas naming dalawa. Yan ang dahilan, kung bakit nagpu

  • USOK    SA TUWINA'Y NAAALALA KA

    "Anong naiisip mo Gardo?" tanong ni Rick Cordial. Kilala ni Rick si Gardo, mahaba ang pasensya nito ngunit sensitibo sa mga detalye. Pareho silang nagpapataasan at nagpapagalingan sa trabaho, lalo na kapag kaharap si Don Rafael. Pinapakita nila ang kanilang galing at talino sa trabaho upang makita ng lahat kung sino ang mas superior sa kanilang dalawa, sa ngalan ng monitoring system at securities ng buong hotel. Dahil tinatanong ni Rick si Gardo. Napilitang magpaliwanag si Gardo. "Nakuhanan ng camera natin ang pagpasok niya sa kotse, at siya ay tila nakangiti. Makikita din sa buong paligid na walang tao sa baba. Ang kanyang paglabas sa oras na ito ay naganap within 25 seconds. Ito ang oras ng palitan ng mga bantay doon. Bukod pa rito, kung may laman ang kanyang pitaka, mag-tatago siya sa ibang area kung saan walang makakakita. Dahil sa pagmamadali, hindi din niya pweding iwanan ang petaka sa library dahil maraming tao doon." "Hmm. Maaaring tama ang analysis na yan Gardo. Pero

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status