Itinaas ni Andrea ang kanyang kaliwang braso at marahang ipinatong sa likod ni Rafael. Idinikit niya ang kanyang pisngi sa braso nito, kunwari’y sweet, kunwari’y lambing… pero ang totoo, inaalam niya ang bawat galaw, bawat paraan ng pag-negotiate ng lalaki. Sinusukat niya ang tinig at timing ni Don Rafael, tulad ng isang estudyanteng nagmamasid sa guro.Para kay Rafael, cute iyon. Para kay Andrea… taktika iyon.Dahil sa kilos niyang tila inosente, unti-unting bumaba ang pagbabantay ni Don Rafael. At iyon ang pinakaimportanteng bahagi, ang sandaling nalilimutan siyang bantayan.Hindi rin humihingi ng kahit ano si Andrea mula kay Don Rafael, kusa lang niya itong binibigyan ang allowance para sa kanyang mga personal na pangangailangan. Wala siyang ilusyon, at iyon ang obserbasyon niya dito.Ngunit si Andrea? alam niya na masyadong mabigat ang mundo para umasa sa kanya habang-buhay. Sa ngayon, nasa taas siya, may pera, may katawan, may kabataan. Pero darating ang panahon… tatas ang edad, l
Last Updated : 2025-02-16 Read more