แชร์

Kabanata 3

ผู้เขียน: Miss Patty
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-24 15:45:40

Lala

Mag-uumaga na nang makatulog ako. Kaya paggising ko’y halata ang pangingitim ng aking mga mata. Mabuti na lamang at natakpan ito ng concealer na ginagamit ko.

Buong magdamag kasi inukupa ni Jerome ang isip ko. Bakit dito pa niyang naisipan na makipagkita sa akin? Ano ba ang pakay niya? Akala ko ba magpapakasal na siya?

Maraming katanungan na si Jerome lang ang makakasagot. Kailangan na naming itigil ito.

“Good morning baby, morning Hon,” pagbati ko sa aking anak at kay Ralph. Nasa labas sila ngayon nagba-basket ball.

“Mommy, I thought you were sick?” tanong ng anak ko nang lapitan niya ako’t hinalikan.

“Huh?! …” pinutol ko ang sasabihin at pasimpleng tiningnan si Ralph. Hindi alam ng anak ko ang totoong lagay namin ni Ralph.

“Baby ano kasi—”

“I took care of your Mom last night. Thank God at maayos ka na,” si Ralph ang sumagot. Bago ito lumapit sa akin upang hagkan ako. Napakalambing niya. Sana totoo na lang ang lahat ng ito.

“Wow! magaling po pala mag-alaga si Dad.”

“Super! anak, pawisan ka na,” mabuti na lamang at mas malaki ang pagkakahawig ko sa anak ko. May kaunting hawig siya kay Jerome dati pero ngayon medyo nag-iba ang itsura niya.

“Mommy, are you going somewhere? tanong muli ng anak ko. Napatingin ako kay Ralph at tumango lang ito. Saka ko hinarap at nakangiting sumagot.

“Yes, baby. May may trabaho si Mommy,” sabi ko. Kasinungalingan. I’m sorry anak. Kailangan kong kausapin ang tatay mo para tigilan niya ako.

“May feeding program ba kayo ngayon?” tanong ni Ralph.

“Hmm, oo medyo may kalayuan kaya maaga ako aalis,” sagot ko kay Ralph. Totoong may pupuntahan ngayon ang team ko para maghanap ng pamilyang maari namin tulungan. Pero kasama na rin ang pagkikita namin ni Jerome.

Lumapit siya sa akin at walang babala niyang pinagdikit ang aming mga labi. Hindi ako makakilos lalo’t hinapit niya ako sa baywang palapit sa kanya.

Gusto ko siyang itulak. Alam kong ginagawa niya lang ito sa harap ni Rafael. Pumikit ako’t dinama ang bawat hagod ng labi niya. Pero bakit parang may kulang?

“Take care. And you must remember that you are my wife. My property. I don’t share what’s mine, Lalaine,” bulong niya bago ako pakawalan.

Pinanindigan ako ng balahibo sa narinig sa kanya. Bakit ba siya ganito? May hinala na kaya siya o dati pa niyang kilala si Jerome?

“Oo, naman! Hindi ko nakalilimutan ‘yon. I have to go.” Humalik akong muli sa anak ko bago tuluyang lumabas papunta sa kotse ko.

Bago lumabas ay may kakaibang tingin na ipinukol sa akin ang Mama ni Ralph. Mabait si Rafael senior ang Papa niya pero si Mama malayo ang loob sa akin. Wala naman ako marinig sa kanya pero hindi rin kami nag-uusap kung hindi kailangan.

Nagmaneho ako papunta sa lugar. Naroon na rin naman ang mga tauhan ko at nauna nang naghatid ng tulong.

Saktong magtatanghali nang dumating ako sa lugar. Binati ako ng lahat maging ng mga pamilyang napasama sa listahan. Labis silang nagpapasalamat sa hatid naming tulong sa kanila.

“Walang anuman po, ang mga tulong po namin ay kaloob ng ating butihing gobernador na—” natigilan ako magsalita nang makadinig ako ugong ng sasakyan. Nang lingunin ko ito’y walang iba kundi ang pangalan ng grocery ni Jerome. Dala ang malaking truck at sa kasunod nito’y ang magara niyang sasakyan lulan nito.

“Totoo nga, bumalik nga si Sir Jerome,” tila kinikilig na sabi ng isa sa kasamahan namin. Tiningnan ko siya’t nakuha naman nito ang nais kong itanong.

“Ma’am kanina po kasi mas nauna pa ho siya sa amin dumating dito. Ang sabi niya babalik daw siya dala ang regalo niya,” kumikislap na turan nito.

“Ganoon ba? Sige na tumulong na kayo para ipamigay na sa bawat pamilya at nang makauwi na tayo,” utos ko.

“Sige po Ma’am, ako na pong bahala,” sabi niya at umalis na.

Nagpasya akong pumasok sa loob ng sasakyan ko. Para tingnan kong sino ba itong kanina pa nagpapadala ng message.

“Tsk, paano mo nakuha ang number ko?” reply ko kay Jerome.

Unknown: Maraming paraan para makuha ko ang number ng sino man. Ikaw pa kaya.

Unknown: I so damned miss you, my Lala.

Unknown: please come back to me. Ako na lang ulit.

Sunod-sunod niyang text messages. Hindi na ako nag-reply nang makatanggap muli ng mensahe sa kanya.

Unknown: Hihintayin kita sa address na ibinigay ko sa ‘yo. Mauuna na ako. At kapag hindi ka dumating sa loob ng isang-oras—alam mo na siguro ang gagawin ko.

“Damn it, Jerome,” aniko habang gigil na hawak ang aking cellphone. Tumingin ako sa papaalis niyang sasakyan, mabuti at hindi na niya ako nilapitan dito.

Kailangan matapos na ang kahibangan kong ito. Tumulong muna ako saglit sa pamamahagi ng groceries na handog ni Jerome saka nauna ng nagpaalam sa team leader ko.

Kabadong-kabado ako papunta sa lugar. May kalayuan na rin ito kaya alam kong walang makakasunod sa amin. Medyo liblib ito at lubak-lubak ang daan papunta sa lugar.

Hanggang makarating ako sa sinasabing lugar ni Jerome. Mukha itong ancestral house na napabayaan na ng mahabang taon. Nakakita ako ng sasakyan pero iba sa gamit niya kanina.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at naghintay muna saglit. Natatakot akong iba ang siyang madatnan ko sa labas. Kinuha ko ang cellphone at magtitipa sana ng mensahe sa kanya ngunit…

Unknown: Pumasok ka na, ayaw mo naman siguro na buhatin pa kita.

Pinatay ko ang telepono ko at pumikit muna saglit. Saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga at lakas loob na lumabas at tinungo ang p***o na medyo awang na. Binuksan ko ito’t laking gulat sa mga braso ni Jerome. Hinapit niya ako sa baywang at sinunggaban agad ng halik sa labi.

“What took you so long, Lala? Sabik na sabik na ako sa ‘yo,” sabi niya sa pagitan ng mapagparusa niyang halik.

Buong lakas ko naman siyang itinulak at napagtagumpayan ko naman ito. Awang ang labi niyang nakangisi at di makapaniwalang nakatingin sa ‘kin.

“Pumunta ako rito hindi para makipaghalikan sa ‘yo, Jerome!” Lakas loob kong sigaw. Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

“So, ano ang dahilan mo at nakipagkita ka—”

“Gusto kong tigilan mo na ako, Jerome—”

“Tigilan?! Hindi mo alam kong ano ang kabaliwang ginawa ko Lalaine, makaharap lang kita ng ganito kalapit, tapos gusto mong tigilan na natin ‘to? That's bullshit!” biglang sigaw niya bago ko naramdaman ang pagbugat niya sa akin at iniakyat sa itaas.

“Jerome! Ano ba?! Bitiwan mo ako! Ayaw ko na ng ganito!” pagpupumiglas kong sigaw. Parang wala siyang nadidinig sa halip pabagsak niya akong inihiga sa kama.

“Ano—”

“Stop! Bullshit, fvck! Arrg!” galit na galit niyang sigaw. Kaya natigilan ako.

“Hindi mo man lang ba pakikinggan kong bakit hindi ako nakasulpot sa tagpuan natin?” sigaw niya at pinagsusuntok ang pader. Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan pero ano ang gagawin ko kung hindi na kami maari pang magsama. Kahit gustuhin ko man siyang makasama ay alam kong hindi ako basta pakakawalan ni Ralph.

“Tama na, Jerome!” humihikbi kong pakiusap. Tumigil naman ito at lumapit sa akin. Nakikita ko ang basa niyang mukha patunay na galing siya sa pag-iyak.

Hinawakan ng dalawa niyang mga palad ang aking mukha upang punasan din ang mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata.

“N-nakulong ako, Lalaine—”

“A-ano’ng ibig mong sabihin?”

Binitawan niya ako’t naupo sa aking tabi. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita.

“Papunta na sana ako nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Kaya nagpasya akong lumiko ng daan kahit nakikita na kita mula sa di kalayuan. Alam kong idadamay ka nila kung nagpatuloy ako kaya—”

“At ngayon mo lang sinabi sa akin ‘yan?” panunumbat ko.

“Dahil ayaw kong makitang ganyan ang reaksyon mo! Gaya ngayon, naawa ka lang sa akin hindi ba?” Natigilan ako sa muling sinabi ni Jerome at lalo sa muling tanong nito.

“M-mahal mo na ba siya? Napalitan na ba ako sa puso mo?! Sabihin mo at lahat gagawin ko mahalin mo lang akong muli,” nakikiusap niyang turan hanggang ayaw paawat ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Ano ba ang isasagot ko? Oo mahal ko na si Ralph pero … “Mas mahal kita, Jerome. Ikaw pa rin hanggang—” natigilan ako magsalita nang walang babala ako nitong halikang muli. Marahan at mapaanyaya. Kaya ‘di ko na namalayang nakapulupot na pala ang aking mga kamay sa kanyang likuran at sinasabayan na rin ang bawat hagod ng kanyang labi.

Inihiga niya ako sa kama at marahan na dumapo ang kamay sa aking dibdib. Natigilan ako at gayon din siya. Mapupungay ang mga mata niya akong tiningnan.

“Please, be mine tonight just like before. At patutunayan ko sa ‘yo na ako lang ang mahal mo at wala ng iba. Ako lang Lalaine.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Una kang naging Akin (SPG)   Kabanata 18

    Warning SPG Ahead. Unedited version Jerome's POVAyaw ko pa ring maniwala, pero hindi nga ako iniwan ni Lalaine. Akala ko ay panaginip lang, pero totoo. At ang mas nakaka-excite pa ay malaya kami nakaalis sa lugar, kaya ngayon ay narito kami sa rest house na pag-aari ko, kung saan para siyang masarap na pagkain na kahit bawal mo kainin ay hindi mo mapipigilan. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan. Nakatalikod si Lalaine sa akin, may suot pa siyang bra at panty habang hinalihalikan ko siya sa balikat. Ang aking kamay ay pinipisil ang kanyang malusog na dibdib. Kararating lang namin sa lugar, pero wala kaming inaksayang oras upang iparamdam muli ang aming kasabikan. Tinanggal ko ang suot niyang bra. Dinama naman agad ng dalawa kong kamay ang kanyang malulusog na dibdib, habang ang labi ko ay abala sa kanyang leeg na kanina ko pa pinang-gigigilan. Pinagapang ko ang isang kamay at ipinasok sa kanyang suot na panty, saka nag-umpisang magtrabaho ang aking daliri sa loob ng namamasa

  • Una kang naging Akin (SPG)   Kabanata 17

    Jerome's POV Hatinggabi na ng kumatok si Hector sa aking pintuan. Hindi ko nagawang makalapit sa bahay ni governor, mahigpit ang securities, bantay sarado ang magkabilaan maski si Mister Molly ay walang magawa. Ayoko namang mapahamak siya kaya't minabuti kong mag-isip pa ibang paraan kung paano ako makakalapit sa kanya. "Boss, may naghahanap po sa inyo," boses na aking narinig mula kay Hector. Nakahubad baro ako ngayon at nagpapahinga. Medyo lasing na rin ako sapagkat nais kong lunurin ang aking sarili sa alak. Kung hindi ko lang iniisip ang kapakanan ni Lalaine ay baka nagkamatayan na kami ni Ralph. Bumangon ako habang nakapikit ang isa kong mata at tinungo ang pinto at binuksan. Ngunit nagulat sa aking nakita, ang inaasahang kong si Hector ay iba pala... "La-lalaine?!" gulat na gulat kong tanong. Kinusot ko ang aking mga mata at baka nagha-hallucinate lang ako dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. "Ikaw nga si Lalaine?" 'di makapaniwala ko pang tanong at niyakap ito n

  • Una kang naging Akin (SPG)   Kabanata 16

    Jerome's POV "Ano'ng sabi mo Mister Molly? Sige at ngayon din papunta na ako riyan, pakiusap bantayan mo sa akin si Lalaine," sabi ko sa kabilang linya. Kakatawag lang sa akin ni Mister Molly at ang sabi, narinig daw niya si Lalaine na nagsisigaw. Inutusan siya ni Governor sa bahay nila. May pinakuha raw itong papeles at narinig niyang nagsisigaw ang boses ni Lalaine. "Cancel all my appointments, thank you," utos ko sa sekretarya ko sa opisina. "Detective, kayo muna ang bahala. Hindi ko pa siya mahaharap sa ngayon sapagkat kailangan kong bumalik ng Santa Barbara." Matapos ang tawag ay mabilis kong hindi inihanda ang aking sarili. Kailangan kong bumiyahe ulit papuntang Santa Barbara. Kararating ko lang kahapon from Benguet. Katatagpuin ko sana ang isa sa nakaraan ni Governor Ellis kaya ako bumalik agad ng Maynila, ngunit kailangan ko muna ito itigil. Mukhang nasa panganib si Lalaine. Kailangan ko rin malaman kung saan ang aking anak. Ang sabi ni Mister Molly ay dinala ra

  • Una kang naging Akin (SPG)   Kabanata 15

    Lalaine "Balik niyo sa 'kin ng anak ko! Nanay Milagros, Mama. Ibalik niyo sa akin si Rafael, Ibalik n'yo sa akin ang anak ko. Parang-awa n'yo na. Huwag n'yo siyang ilayo. Buksan niyo ang pinto!" malakas kong sigaw. Patuloy na kinakalampag ang pinto. Kanina pa akong umiiyak at nagmamakaawa na buksan nila ang pinto, ngunit mag-iisang oras na akong sumisigaw ay walang tumutulong sa akin. Bagkus pumasok nga sila ngunit para lamang isara ang veranda at ipadlak rin ito. Kaya't ano'ng magagawa ko, kung hindi ang umiyak. Pati ang cellphone ko ay kinuha rin nila. Wala akong magamit na pagtawag kay Jerome o kahit na kanino. Dahil pati ang linya sa telepono ay tinanggal nila. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ni Ralph. Magtatakip silim na, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya dumarating. Kung kailangan ko magmakaawa ay gagawin ko. 'Wag lamang nila ilayo sa akin ang anak ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Nanay Milagros. Tumayo ako upang lapitan siya. Baka sakaling maawa ito s

  • Una kang naging Akin (SPG)   Kananata 14

    Lala's p o vTila nag-iba ang mood ni Ralph, pagkagising namin kinabukasan. Bigla kasi itong naging cold at naging masungit muli gaya ng dati. Ang pagkakaiba nga lang ay gano'n din ito kay Rafael, hindi n'ya gaano kinikibo ang anak ko.Nagulat na lamang kami ng bigla siyang pumasok kung saan kami naroon na saktong kagigising lang. Babatiin sana siya ni Rafael ngunit inunahan niya itong magsalita."Aalis na tayo maghanda na kayo," sabi n'ya at umalis na. Ibubuka pa lang ng anak ko ang kanyang bibig ay tinalikuran na niya kami. Lumungkot tuloy ang kanyang mga mata, kaya naman..."Hayaan mo na si Daddy, baka may iniisip lang. Huwag mo nang isipin 'yon. Love na love ka ni Daddy hindi ba?" pagpapagaan ko na lang ng loob niya at niyakap ito."You think so, Mom?" malungkot nitong tanong. Unang beses pa lang niya kasi itong naranasan kay Ralph,"Oo, naman, sigurado ako. Come, maligo na tayo." Gusto ko sana siyang paliguan ngunit 'di ito pumayag dahil malaki na raw siya. Kaya't binilin ko na

  • Una kang naging Akin (SPG)   Kabanata 13

    Jerome’s POVPresent timeHindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa aming anak na si Rafael, habang inaalala ang mga pangakong binitawan namin ng kanyang ina."Pangako anak, mabubuo rin tayo at kikilalanin mo rin ako bilang iyong ama," ang siyang salitang binitawan ko sa natutulog kong si Rafael. Masakit isipin na pangalan ng kinikilala niyang ama ang siyang gamit nito at hindi sa akin. Ngunit wala pa akong magagawa pa sa ngayon, kundi ang maghintay.Tumayo ako at nagpadala ng mensahe sa aking kasabwat at ito'y walang iba kundi ang secretary niyang si Mister Molly. Dahil sa kagustuhan kong mapalapit kay Lalaine kaya't nag-imbestiga ako kung kanino ako lalapit upang matulungan ako. Kaya't nalaman ko ang tinatagong pagnanasa ni Mister Molly kay Governor Ellis. Masama man ang aking ginawa'y wala naman akong ibang intensyon, kaya't tinakot ko siya na kapag hindi niya ako tutulungan ay malalaman ng pinakamamahal niyang governor ang lihim niya. Wala siyang nagawa kundi ang pum

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status